Pagsusuri sa Pelikulang Himala at Seklusyon
Ipinasa Ni: Hananiel E, Demayo ng 9-RHO Ipinasa Kay: Gng. Helen Pagtalunan
PAGSUSURI I.
Ang Pelikula A. Pamagat ng Pelikula a. Himala b. Seklusyon B.
Direktor a. Ishmael Bernal b. Erik Matti
C.
Pangunahing Tauhan HIMALA
PANGALAN
1. Nora Aunor
GINAMPANAN
SEKLUSYON PANGALAN
GINAMPANAN
ElsaTauhan sa kwento na kung saan nakita niya ang Birheng Maria sa tuktok ng Barren Hill . Gumagamot siya sa kanilang local sa Cupang. Mrs.AlbaAng amo ni Elsa.
1.Ronnie Alonte
Miguel-Isang binatilyo na magiging Pari .
2.Elora Espano
3.Laura Centeno
Chayong- Tinulungan niya si Elsa at ang kanyang matagal na kaibigan.
3.Dominic Roque
4.Spanky Manikan
Orly- Isang taong gumagawa ng pelikula, ay pumunta sa bayan ng Cupang para imbestigahan ang kaguluhan nagaganap at lalong-lalo na si Elsa.
4.JR Versales
5.Vangie Labalan
Aling Saling- Ang nag-ampon at tumayong ina ni Elsa.
5.John Vic De Guzman
ErinaAng kasintahan ni Miguel na kung saan iniwan niya at hindi malaman na buntis pala ito. FabianIsang diyakono na kasama ni Miguel sa lumang bahay(sekluyson) na kung saan iniwan niya ang kaniyang inang baliw. Carlo- Kasama ni Miguel sa lumang bahay (seklusyon) na kung saan ay ipinagkait niya sa kanyang 2 nakakabatang kapatid ang pagkain na meron siya. Marco- Kasama ni Miguel sa lumang bahay(seklusyon) na
2.Veronica Palileo
kung saan mahilig makipaglaro sa mga bata. 6.Gigi Duenas
Nemia- Kaibigan ni Elsa mula pagkabata na naging bayarang babae. Nagpatayo ng cabaret para sa mga turista. Binansagang “ “Kalapating mababa ang lipad “.
7. Ama Quiambao
6.Neil Ryan Sese
7.Rhed Bustamante Sepa- Kaibigan ni Elsa na naging isa sa mga “7 apostol”
8.Phoebe Walker
PadreRicardo-Paring nag-iimbestiga kay Madre Cecilia, dahil sa kanyang galling sap ag-iimbestiga nalaman niya na isang biktima ng pangagahasa at may peklat ito dahil sa sunog. AnghelaMay kayang magpagaling ng may sakit at may abilidad na makabasa ng utak ng tao. Anak siya ni Miguel at Erina. Madre CeciliaNagtangging magalaga kay Anghela sa luman bahay (seklusyon) at siya ang tagasunod ni Anghela.
D. Buod a. Himala (Ishmael Bernal) Sa Cupang, isang maliit na bayan sa probinsya, dinaranas ng mga taong naninirahan doon ang tagtuyot kung kaya naman pinaniniwalaan nilang isinumpa ang kanilang lugar nang itaboy nila ang isang maysakit na tao ilang taon na ang nakararaan. Si Elsa, dalagang nakatira roon, ay nakita ang Mahal na Birhen sa tuktok ng isang burol. Noong una'y walang naniniwala sa kanya. At kahit ang kanyang ina-inahan ay pinagalitan pa siya sa kanyang pagkukuwento. Ngunit ilang araw matapos noon, nagsimula na siyang magpagaling ng mga residente ng Cupang. Tinulungan siya ng kanyang matagal nang kaibigang si Chayong, at isa pang taga-roon na nagngangalang Sepa. Dahil doon, pumunta na ang maraming tao sa Cupang, maging mga dayuhan, para bumisita sa tinawag na nilang "Elsa's Shrine". Kasabay nito, nagsimula na rin ang kasakiman. Ang ilang mga residente ng Cupang ay nag-umpisang magtayo ng iba't ibang negosyo para lamang kumita ng maraming pera mula sa mga turista. Si Orlie, isang taong gumagawa ng pelikula, ay pumunta sa bayan para imbestigahan ang nagaganap na kaguluhan at higit sa lahat, si Elsa. Si Nimia, isa pang kaibigan ni Elsa mula pagkabata, na ngayo'y isa nang bayarang babae ay dumating mula sa isang madilim na kahapon sa Maynila. Umuwi siya sa Cupang para magtayo ng cabaret para sa mga turista. Ngunit ilang araw pagkatapos, kinailangan nitong magsara dahil samga reklamo ng ilang mga residente.Sina Elsa at Chayong naman, na patuloy pa ring umaakyat sa burol para manalangin sa Mahal na Birhen, ay nagahasa ng dalawang hindi makilalang lalaki. Ang hindi alam ng marami, nakunan ito ng kamera ni Orlie. Nagkaroon naman ng epidemya ng kolera sa Cupang, at maraming mga bata ang namatay. Apektado maging ang mga anak ni Sepa. At kahit na nagpunta si Elsa para dasalan at pagalingin ang dalawang ito, namatay pa rin sila. Noong gabi ding iyon, nagpakamatay si Chayong nang dahil sa panggagahasang ginawa
sa kanya. Matapos ang lahat ng pangyayari, sinisi ni Elsa ang kanyang sarili.Unti-unti na ring nag-aalisan ang mga turista dahil sa mga pagkamatay na nangyayari at dahil na rin sa pagpatay sa mayamang Intsik na dumayo rin para kay Elsa. Nang inakala ng lahat na minalas na naman ang kanilang bayan, kumalat ang balitang nagdadalantao si Elsa. Dahil sa hindi alam ng mga tao na nabuntis siya dahil nagahasa, tinawag nila itong "Immaculada Concepcion".Kasabay noon, biglang umulan matapos ang pagkatagal-tagal na panahon. Kung kaya naman tuluyan nang inisip na ng mga tao na nagbalik na muli ang himala sa kanilang bayan at tinanggal na ang sumpang ibinigay sa kanilang bayan.Matapos ang lahat, ipinatawag ni Elsa ang lahat na magtipon-tipon sa burol na kanyang pinupuntahan. Dito'y inamin niyang walang mga himala, walang nagpakitang Mahal na Birhen at walang mga pangitain. Sinabi niyang ang tao ang siyang gumagawa ng mga diyos, himala, sumpa at kung anu-ano pa. Hindi pa siya natatapos magsalita nang biglang may bumaril sa kanya sa harap ng napakaraming mga tao.Kaya nagkagulo ang lahat at nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Ang mga matatanda at mga maysakit naman ay nadaganan ng mga taong nagmamadaling lumayo. Namatay si Elsa na katabi ang kanyang ina ngunit dinala ang kanyang katawan patungong ospital. Si Sepa naman na patuloy na naniniwala sa kanya, ay namuno sa lahat ng mga taong naroon pa rin na magdasal ng Aba Ginoong Maria habang nakaluhod paakyat muli sa burol. *http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Himala
b. Seklusyon (Erik Matti) Taong 1947, sa kaligitnaan ng ikalawang digmaang pandaigidig at kapanahunan ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, ipinakita ang isang r ituwal na kailangang pagdaanan ng isang diyakonong K atoliko bago siya ordinahan bilang pari —ang Seklusyon. Pitong araw silang ipapadala sa isang liblib na lugar at kabahayan upang doon subukin sila at patatagin sa gitna ng hamon ng mga demonyo. Si Miguel ay magdadaan sa rituwal na ito. Habang sa isang kalapit-baryo naman ay may sinasamba ng marami, si Anghela—isang batang nagpapagaling ng mga may karamdaman. Naniniwala ang mga tao na ang kanyang kakayahang gumawa ng himala ay galing sa Diyos lalo pa’t kasama niya sa kanyang gawain ang isang madre
sa katauahan ni Madre Cecilia. Habang si Padre Ricardo naman ay ipinadala sa lugar upang imbestigahan kung si Anghela nga ba talaga ay karapat-dapat na ituring na isang buhay na santa. Isang trahedya sa pamilya ni Anghela ang magtutulak sa kanilang dalawa ni Madre Cecilia na mamalagi sa bahay-seklusyon. Dito lalong masusubok ang katatagan ni Miguel ng kanyang mga kasamang diyakono. Makaraming araw na nakalipas napansin ni Miguel na hindi isang anghel o santa si Anghela at nagsimula na siyang nagduda at nagpaplano na umalis sa liblib na lugar. Nag imbestiga si Padre Ricardo, nakita niya na si Anghela ay isang demonyo. Dali-daling bumalik si Padre sa simbahan upang pigilan si A nghela ngunit hindi niya ito napigilan. Si Miguel ay lumaban kay Anghela, pinatay niya ito, umalis si Miguel at hindi na nagpakita pa. Natapos na nina Fabian, Carlo, at Marco ang kanilang pagsasanay sa pagiging pari at hindi nila namalayan na hindi sila pinagpala ng Dios, bagkus, sila’y pinagpala ng demonyo na akala nila ay siya ang tumulong sa kanila.
II.
Ang mga Elemento ng Pelikula
A. Tauhan Ang tauhan sa pelikulang “Himala” ni Ishmael Bernal ay magagaling umarte, nabibigyan nila ng
hustisya ang kanilang pagganap lalong lalo na yung gumanap bilang si Elsa. Kahit napakatanda na ng pelikulang himala, nakakuha parin ito ng mga parangal dahil sa ganda at husay ng mga actor na gumanap. Sa pelikulang “Seklusyon” naman ni Erik Matti, hindi ko naman sinasabi na pinakamagaling pero para po
sa akin, hindi po masyadong nabibigyan ng hustisya ni Ronnie Alonte ang kaniyang karakter bilang si Miguel at hindi niya rin masyadong naipapakita ang mga emosyon na dapat ipakita. Kailangan pa siguro ng workshop si Ronnie, at para po sa akin, mas mabuting si Dominic Roque nalang ang naging Miguel. Sa kabuuan naman, magagaling ang mga actor na kinuha sa seklusyon. Mga binata ang mga diyakono, tamang-tama naman ang pagkuha kay Phoebe Walker bilang si Madre Ce cilia.
B. Tagpuan Ang tagpuan sa pelikulang “Himala” ay sa Cupang (Cupang, Muntinlupa, Metro Manila), na kung
saan hindi umuulan at umiinit. Ang paniniwala ng mga tao ay isinumpa ang bayan nila nung pinaalis nila ang taong may sakit. Sa pelikulang “Seklusyon”, ang tagpuan ay sa Idelfonso,Quezon City na kung saan
doon gumagamot si Anghela. Sa Parroquia de San Pedro Apostle naman ay kung saan nagtatrabaho si Padre Ricardo. Saktong sakto naman ang mga napiling mga lugar na kanilang kinuhaan ng pelikula kasi nababagay sa tema ng pelikula.
C. Banghay Sa pelikulang “Himala”, ang pagkakasunod ng eksena ay malinaw. Hindi madaling intindihin ang pelikulang ito sapagkat maraming malalalim na mga salitang ginagamit. Sa pelikulang “Seklusyon” naman
ay pwedeng makabigay-lito kumbaga makapagbibigay ng mga tanong sa mga mambabasa sa kanilang mga isipan kung paano ito nangyari, at kung ano ang dahilan. Malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena sa pelikulang ito.
D. Tema Ang tema ng mga pelikulang “Himala” at “Seklusyon” ay medyo may pagkakapareha. Ang dalawang
pelikulang nabanggit kasi ay parehong relihiyon ang tema, pananampalataya ang ipinapakita, mga himalang nangyayari. Ang kunting kaibahan lang nila ay ang pelikulang “Himala” ay nagpopokus sa pagpapagaling ng mga taong may sakit samantalang ang pelikulang “S eklusyon” naman ay nagpopokus sa
pananampalataya ng mga diyakono kung hindi ba talaga sila padadaig sa tawag ng mga demonyo.
III.
Aspektong Teknikal A. Musika Ang musikang ginamit sa pelikulang “Himala” ay isang libretto. Ang libretto ay ang musikang pang-
simbahan. Nababagay ang musikang ginamit nila kasi ang tema nila ay panrelihiyon kaya’y maraming gantimpalak ang kanilang nakukuha. Sa pelikulang “Seklusyon” naman ay ang Dominus Miserere o ang
ibig sabihin ay “Maawa ka Panginoon”. Ang musikang ginamit nila ay bumagay sa tema nila sapagkat
kasalanan ang ipinapakita rito. Ang musikang ginamit ay maganda at napakalinaw, mataas ang kalidad.
B. Visual Effects Ang visual effects ng pelikulang “Himala” ay hindi masyadong moderno katulad ngayon sapagkat ito ay ginawa noong 80’s pa. Napakababa ang kalidad ng video kasi hindi pa masyado maunlad ang
teknolohiya sa media noon. May ibang eksena sa pelikula na kung saan hindi masyadong malinaw siguro sa kamerang ginamit. Sa pelikulang “Seklusyon” naman, ay may pinakamabuting kalidad ng video sapagkat umunlad na ang
teknolohiya sa media at nahasa na rin ang mga editor kung paano pagandahin at gawing makatotohanan ang video. Maganda ang pagkakalagay ng mga effects sa pelikulang ito at bumagay rin ang mga istilong ginawa nila.
C. Sinematograpiya Sa pelikulang “Himala”, ang anggulo ng kamera ay napakahusay, nakukuha ang tamang posisyon
at timing na timing ang pagkakuha ng eksena. Kung minsan, may anggulo sa pelikula na kung saan iisang tao lamang ang pinopokus. Napakabilis din ang pagpapalit ng mg a eksena. Sa pelikulang “Seklusyon”, napakahirap ang mga eksena pero nakuha parin nila ang tamang anggulo para maintindihan lalo ng mga manonood. Napakahusay ng cameraman, sapagkat nakukuha niya ang mga tamang anggulo. Epektibo ang sinemtograpiya ng dalawang pelikula.
IV.
Kabuuang Mensahe ng Pelikula Sa eksena ng “Himala”, sinabi ni Elsa na “Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao. Tayo
ang gumagawa ng himala!”. Ang linyang ito ay may gustong ipahiwatig sa atin, alam natin na ang mga
tao sa bayan ng Cupang ay umaasa na lamang sa himala, nawawalan na sila ng pananamapalataya at nakakalimutan na nila ang poong maykapal. Dapat hindi lamang tayo aasa sa himala, dapat may pananampalataya parin tayo at marunong tayong magpasalamat sa poong maykapal. Dahil rito, totoo nga ang linyang “Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa”. Sa “Seklusyon” naman, maraming mga leksyon at mensahe ang makukuha. Dapat tatagan natin
ang ating pananalig. Sa huling eksena ng pelikulang “Seklusyon”, sinabi ni Anghela na darating ang araw na hindi natin malalaman kung sino ang peke o sino ang totoo. Dito, sa aking pagunawa, pagkat marami ng relihiyon dito sa mundo hindi natin malalaman kung alin ang totoo at alin ang peke. Alam natin na may iisang Diyos na ang ating tagapagligtas at ang ating ama. Kailangan din natin ng matinding pananalig sa ating Diyos. Sinabi rin ni Anghela na huli na ang lahat. Masasabi ko na talagang huli na, kasi marami na ang mga pekeng relihiyon dito sa mundo na patuloy na lumaganap at dumadami. Sinabi rin niya na pipiliin ng mga tao ang madali,hindi ang mabuti. Ang mabuti para daw sa tao ay yung madali na walang halong paghihirap. Katotohanan ang sinabi ni Anghela dahil sa panahong ito, mas pinipili ng mga tao ang madali kaysa paghirapan ito.
MGA POSTER NG DALAWANG PELIKULA: