FEB
20
Pagsusuri ng mga Tulang Pilipino
Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon. Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila ay Pangungulila noong noong siya ay 17 taong gulang pa lamang. Noong taong 1920, siya ay nag ulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY MAYNILA. Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan pakikipagpali tan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes Coll antes . Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's Bubuyog. Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan. Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila/ Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula. Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang Manok Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman. Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer. Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG AKASYA.
Sinuri ni Wilmar V. Alcoser Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadip ang kurus; sa napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos. Organo sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian, habang ang kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, natuyo, namatay sa sariling aliw. Naging kurus ako ng pagsuyong laing at bantay sa hukay sa gitna ng dilim. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, panakip sa aking namumutlang mukha! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.
At iyong isiping isiping nang nang nagdaang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t malabay. Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
Jose Corazon de Jesus Realismo
Sa tulang ito’y maliwanag na nagdadalamhati ang makata. Mapapansin sa
mga saknong sa ibaba, Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos. Organo sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian, habang ang kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa pagbasa ng mga taludtod na ito’y unang papasok sa isip natin ang paraan at
layunin ng makata sa paggamit ng ritmo. Maisaalang-alang na ang unang konsiderasyon ni Jose Corazon de Jesus ay ang tunog ng kanyang mga salita na may malungkot na himig. Katunayan, labis na pagpapahalaga ang iniuukol sa mga malulungkot na salitang may tunog na sukat na makapagpalungkot din ng mga mambabasa.
Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin mapapansin nang mga mambabasa mambabasa na sa bawat taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma tugma ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa. Ang Isang Punong Kahoy ay may may sukat sukat na na tig labing dalawahin dalawahin ang bawat taludtod at may walong saknong. Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod: Ako’y tila nakadipang kurus Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig
Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag -
iisip ng mga mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng kanyang tula upang mas makatutulong sa mga mambabasa na mabilis mab ilis mauunawaan at madama ang inilalarawan ng makata. Ayon sa pagdanas niya sa kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng buhay. Kung saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang karanasan na ginamit niya bilang inspirasyon.
ang mga salita sa taudtod Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang na; Kung tatanawin mo sa malayong pook Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Ang dalawang taludtod sa itaas itaas ay madalas na nauugnay sa mga mga pighati pighati na kanyang kanyang nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon. naroroo n. Samantala pagdurusa naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.
Masasabi ko na sa pagbuo ng isang tula, kinakailangan talaga na may kasangkapan tayo. Hindi lamang sa karunungan kundi kasangkapan sa mga karanasan sa buhay. Dahil sa mga karanasan makalilikha tayo ng mga iba’t ibang uri ng damdamin na
siyang maghuhudyat sa atin upang maipalabas natin ito sa masining na pamamaraan. An gating pagkatao, ang a ng kalikasan, ang pakikipagkapwa ay mga salik upang pagyamanin an gating mga sarili sa mga karanasan sa mundo na ating kinabibilangan Ang tula, ay puwedeng gawin na inspirasyon nang mambabasa. Ito rin ang dahilan kung paano nila makikilala ang isang may akda.
Pagtatapat ni: Lope K.Santos Sinuri ni Patrick Pagador Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,
Sa ulo mo'y ako ang buong masilid. Ibig kong kung iyang mata'y tumititig, Sa balintataw mo ako'y mapadikit. Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig, Ang labi ko'y siyang lumasap lumasap ng tamis; Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib, Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos, Akung-ako lamang ang makasusunod. makasusunod. Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,, Kaluluwa ko lang ang makapupulot. Hangad kong sa harap ng iyong alindog, Ay diwa ko lamang ang makaluluhod. Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog, pag -irog, Kamanyang ko lamang ang naisusuob.
Nasa kong kung ika'y may tinik sa puso, Dini sa puso ko maunang tumino. Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y, Maluoy sa halik ng aking pagsuyo; Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo, Ay mabayaran ko ng libong pangako; Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo, Ay mga labi ko ang gamiting gamiting panyo. Nais kong sa aklat ng aking pagsinta, Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa. mabasa. Nais kong sa mukha ng ating ligaya, Batik man ng hapis ay walang makita. Nais kong ang linis ng ating panata'y, Huwag marungisan ng munting balisa, Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y, Walang makatagpong anino ng dusa.
Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y Hamog ng halik mo ang magpapasariwa; Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala, Ay wala nang ulap na makagambala; Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y, Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa. Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala, Ay sa walang yao'y huwag kang mawala.
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas. Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig i nibig na gamitin ni Santos ang titik naK bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahingSampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punongtagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na magingWikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ngNueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan. Mga Nagawa Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod: • Balarila ng Wikang Pambansa • Banaag at Sikat, isang nobela Salawahang Pag-ibig • Kandungan • Batas ng Halalan • Mga Tula Pagtatapat • • • • •
Ako’y si Wika
Puso at Diwa Nag-iisa Ako Ako’y si Bayan atbp….
– ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang
taludtod. Sa tulang ito ay mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod. – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na anyo ng tula. - sa tulang ito, nagpapahiwatig ito ng pagtatapat ng pag-ibig sa kanyang iniirog. Ipinapakita sa tula ang matinding pagmamahal sa kanyang iniirog. Kahit anong mga pagsubok o suliranin ang dumating sa pagmamahalan ng dalawang tao ay kapit-bisig nila itong harapin para pagtulungan upang ito’y malampasan at kahit ano man ang mangyari ay dapat isentro ang Poong Maykapal sa isang relasyon upang ito’y mapagtibay. sa tula ay may mga salitang may matatagong kahulugan tulad – sa
ng: a. b. c. d. e. f.
iniisip o laman ng isipan Sa ulo mo’y ako ang buong masilid – iniisip halikan Ang labi ko’y siyang lumasap ng tamis – tamis – halikan Bungang-tulog – panaginip panaginip Kamanyang ko lamang ang naisusuob – ang ang aking pag-ibig ang iyong pipiliin Tinik sa puso – problema problema o hinanakit Aklat ng pagsinta – pagsuyo pagsuyo sa iniirog
g.
Lantang bulaklak – puno puno ng kalungkutan – sa tulang ito, gumamit ito ng mga larawangdiwang altar, bulaklak, tala, ulap, lupa, luha at tinik na nagtataglay ng mga kahulugan. – tradisyonal tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang
tamis at maindayog na pagbigkas. – isang taong nagpapakita ng matinding pagmamahal sa kanyang iniirog. Kahit anong mga pagsubok na darating sa kanilang pagmamahalan ay kayakaya nila itong harapin. Isang taong mapagmahal at matatag sa kanilang pagiibigan.
Sa tulang ito, makikita natin ang mga iba’t -ibang imahinismong ginagamit ng
may-akda para irepresenta ang mga bagay-bagay. Gumagamit ang tula ng imaheng altar, bulaklak, tala, ulap, lupa, luha at tinik na mayroong iba’t -ibang representasyon na nakatutulong sa pagsusuri ng tula upang ito’y mas lalong maintindihan ng mga
mambabasa o manunuri.
Ang tulang ito ay may malaking ambag sa sangkatauhan sapagkat taglay nito ang aspektong pagmamahal na isa sa pinakamahalagang sangkap tungo sa katagan at kapayapaan ng sangkatauhan lalung-lalo na sa relasyon ng bawat tao at pagiibigan ng dalawang tao.
Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t wal ang ang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. b ilanggo. Kung minsa’y magdaan ang ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may may takas! – at at asod ng punlo; kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. Nguni’t yaring diwa’y walang takot -hirap -hirap at batis pa rin itong aking puso: piita’y bahagi ng pakikilamas, pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya! Bartolina ng Muntinlupa – Abril Abril 22, 1952
Amado V. Hernandez Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 24 Marso 1970) ay isang makata ma kata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang " , sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukodtanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.Ipinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Hago noy, Bulacan, ngunit lumaki saTondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de l a Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga , samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin. Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng n g para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang " ", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng " , at " ". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".
Nagturo din siya sa Pamantasan Pa mantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad l antad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Noong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal -tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan." Bawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, manunulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa. – ang bawat saknong sa tulang Isang Dipang Langit ay lalabindalawahing pantig Tugma - katinig at patinig A .Paksa Ang paksang nais ipabatid ng tulang Isang Dipang Langit ay tungkol sa • buhay sa loob ng kulungan na naranasan ng manunukat noong siya ay nakulong • Karanasan ng mga kinukulong • Pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw • Matutong ipaglaban ang iyong karapatan
• • • • •
Puno - pagkakasala Kuta - kulungan Dungawan - bintanang rehas Tanikala - kadena Birang - itim na panakip sa ulo
Pagdurusa, dahil sa pagtukoy ng kanyang mga pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob ng kulungan. • Paghahangad ng kalayaan •
Ang istilo ng may-akda ay pangkaraniwan sa iba. Ngunut kung ikukumparang istraktura ng paraang pagkakasulat, ang una at pangatlong linya sa •
bawat saknong ay nasa karaniwang ayos, samantalang ang pangalawa pangalaw a at pang-apat ay nagbigay ito ng panglimang espasyo. • • • •
Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng buhay Ipagtanggol ang sariling karapatan Laging magtiwala sa sariling kakayahan Laging manalig sa Diyos
ni Lope K. Santos
Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli. Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang la mang ang aking damdamin, hugasan ang puso — yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin! Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat kaiingat sa iyong paglakad paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan." Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap! Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan! Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi! Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag
sa pakikibaka sa dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 1 Mayo 1963) ay noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1]Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas. Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lo pe C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo saRizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punongtagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.[4] Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4] Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod: Balarila ng Wikang Pambansa Banaag at Sikat, isang nobela
Lope K. Santos Realismo sa tulang ito ay ang pagkadama ng kapighatian ng isang may akda na makunan ng pighati ang nadaramang kalungkutan kalungkutan dulot ng labis na pagsisisi halimbawa ng mga linya sa ibaba: Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli. Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim. Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso — puso — yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin! Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan.
Sa mga linyang ito ay ating mapapansin ang kapighatian na sinulat ni Lope K. Santos. Nagpapalabas ito himig ng pagsisisi atng isang matinding kalungkutan sa kanyang tula isinulat. Nagpapalabas ng mga malulungkot na mga salita ang kadalasan niyang isinusulat Sa tulang “Luha” ni Lope K. Santos ay makikitang ito ay isang malayang tula
karamihan sa mga salitang nasa-unahan ay hindi kadalasan tumutugma ng nasa hulihan ng bawat taludtod ng tula. Ito ay malaya lamang na isinusulat ng may akda na limitado lamang ang bilang ng tugma.
ang sukat ng tulang “Luha” ni Lope K. Santos ay may iba ibang sukat ang bawat taludtod ng tula. Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod: Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso — yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi Sa tulang ito ay sinambit niya ang salitang nasa taludtod na: Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli. hu li. Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim .
Ang taludtod nasa itaas ay naguugnay ng kanyang sariling nadara sa mga panahong kanyang isinusulat ang tulang “Luha”. Kung surrin ang bawat taludtud na kanyang
isinulat ay makikitang sa buhay ng may akda ay a y may malking bagay siyang nagawa na kanyang kubusang pinagsisihan. Sa pngalawang saknong ay makikitang huli na ang laht upang may mgawa pa ang may akda sa kamaliang kanyang nagawa. Kinukumpara ng may akda ang “gabing malalim” sa kanyang kapighatian at pag iisa na walang karamay sa kanyang matinding kalungkutan.
Isang kilalang artist na ipinanganak sa Hagonoy, Bulacan si Al Perez. Nagtapos ito noong 1968 sa sa kursong Fine Arts. Para lalong tumingkad ang kanyang career sa arte, ipinagpatuloy niya ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa The Artist League of New York U.S.A. noong 1984 at sa School of Usual Act New York, U.S.A. noong 1996. Dahil dito, ang kanyang pagiging bilang isang pintor sa mga paglalakbay sa iba’t ibang bansa, kanyang ipinakita ang kagandahan ng kanyang
mga obra sa pamamagitan kanyang pagiging representative ng ating bansang Pilipinas. Ang kanyang mga likha ay hinangaan katulad ng kanyang mga obrang may mga romantikong paghagod ng brush sa kanyang mga ‘nude’ na babae, ‘flowers’, still life, mga ‘rural scenes’ ng Pil ipinas, subalit mas kilala siya sa paggawa ng mga
simbahan. Sa husay ni Al Perez, naging
siya ng ating bansa sa sa
. Matapos noon, nakasama siya bilang isa sa upang masdan ang mga pamamaraan sa mga art galleries at museums doon. Taong 1989, 198 9, nakasama siya sa First Filipino Visual Arts Festival Exhibit sa San Francisco, U.S.A. kasunod sa Takatsuki, Yokohama, Japan.
Noong 1992, naging bahagi din siya ng ASEAN promotional exhibit sa Hudson Bay sa Toronto, Canada at sa International Water Color Exhibit sa Kashion, Taiwan. Ang mga kasunod naman niyang solo exhibit at sa Philippine Center sa New York at sa Rizal Center sa Chicago, Ilinois, U.S.A.
Al Perez Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. Ang kaibigan ko ay si Kalakian Laging nakahanda maging araw-araw Sa pag-aararo at sa paglilinang Upang maihanda ang lupangmayaman. Ang haring araw di pa sumisikat Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap At tanging pag-asa ng taong masipag. masipag. Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong aking bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha dukha Sila’y umaasa sa pawis kot gawa. Sa aking paggawa ang tangi kong hangad ang ani’y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak Umaasa akong puso’y magagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Inyong makikita ang mga halaman Dito nagmumula masarap na gulay Paunang pampalakas sa ating katawan. Sa aming paligid mamamalas pa rin Ang alagang hayop katulad ng kambing Baboy, manok, pato’t alay na pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin. Ako’y gumagawa sa bawa’t panahon
Nasa aking puso ang taos na layon Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom. Ako’y magsasakang, bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit.
May Labindalawang sukat Sa bawat saknong ng tula ay may mga talinghagang salita na natutugma na siyang dahilan kung bakit magandang pakinggan ang bawat dulo ng bawat taludtod , halimbawa nito ay “bukid-init”,”lamig-pilit”,”sumisikat-nagpapalawak” at iba pang mga salita na magkatugma . Ang pagkakatugma ng mga salitang nasa hulihan ng bawat taludtod ay isa rin sa dahilan kung bakit napakagandang pakinggan ang tula lalo na kapag nabasa ito ng maayos sa harap ng tagapakinig . Mahirap rin pagtugmatugmain ang mga salita dahil kailangan mong gumamit ng mga salita na angkop o kaugnay sa naunang mga salita . Angh tulang “Bayani ng Bukid ni AL Perez ” ay gumagamit ng ibang imahenismo
para mas lalong kaakit-akit o mas nauunawaan ng mabuti ang nais ipaba tid ng mayakda . Gumamit siya ng mga salita sa tula tulad ng “kalakian , hagap , pawis ko't gawa , balana , taos na layon , at sandata'y araro”. Lahat ng mga nabanggit kong
salita ay siyang dahilan kung bakit mas binigyan natin ng intensyon ang pagbasa sa tulang “Bayani ng Bukid”.Ang “kalakian” ay tumutukoy sa kanyang laging kasama sa pag-araro sa bukid , ito ay ang kanyang kalabaw . Ang “hagap” ay nagsasaad na
hindi ito masyadong naalagaan kaya kung sino man yong taong masipag ay siya lamang nakakagawa na gawing hanabuhay ang pagsasaka . Meron pang imahenismo na ginagamit ng may-akda ngunit hindi lahat ay nagsasad ng kabutihan . Meron ring iba ay ginagamitan lamang ng mga ganitong salita para hindi masyadong masakit kung itoy sakaling nagsasaad ng kalungkutan .
Ano mang uri ng pagtutula ay nangangailangan ng pag-iisip . Walang sinumang makasusulat ng pangungusap , gaano man kapayak ito , nang hindi nag-iisip muna. Tulad sa napili kong tula na tulang “Bayani mg Bukid” ni AL Pere z , ito ay isa lamang sa simpleng tula ngunit itoy pinag-iisipan ng mabuti sa may-akda bago niya ito ginawa . Tulad ng mga nakikita nating mga matalinghagang salita sa tula . Ang bawat salita ay pinag-iisipan ng mabuti mab uti ng may-akda para itoy kaakit-akit kahit itoy simple lamang . Hindi kasi sa lahat ng panahon ay kailangan mahaba ang iyong tula para itoy maging maganda . Gaya sa nasabi ko kanina na ang nagpapaganda sa tula ay ang mga matalinghagang salita na nagkakatugma na gkakatugma . Isang tulang pastoral na isinulat ni Al Perez na nagpapahalaga sa larangan ng agrikultura at ang naidudulot nito sa atin. Tumutukoy din ito sa katapangan ng isang magsasakang bayani ng bukid na walang kapaguran sa pagtatrabaho sa bukid mabawasan lamang ang pagkakagutom ng mga tao, t ao, mayaman o dukha. Malinaw ang mensaheng ipinahayag sa tulang "Bayani ng Bukid" ni Alejandrino Q. Perez kung saan ipinapamalas sa tula ang sakripisyo at pag-aaruga ng mga magsasaka sa kanilang mga taniman sa bukid. Ipinapakita sa tula na walang sapat na ulan o init ang siyang makakapigil sa mga bayani ng bukid upang alagaan ang mga pananim. Ang dedikasyon at pagmamahal ng isang magsasaka ay hin di lamang para sa personal na interes kundi para na rin sa ikabubuti ikabub uti ng karamihan at lahat ng mga mamamayan.