No
Woman (isang pagtatangkang pagsusuri) ni Darren N. Naelgas
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Sa panitikan masasabing masasalamin ang pagkatao at ang karanasan ng may akada sa pamamagitan ng kanyang obra. Sa tulong ng kanyang malikot at malikhaing imahinasyon ay naisisiwalat niya ang kanyang tunay na nararamdaman at ideya sa isang partikular na pangyayari o kanyang naranasan sa buhay. Malalaman mo kung ang kanyang kinalakhan na buhay ay masaya o puno ng kalungkutan at pighati. Ang mga pelikulang may paksang pagdaraya ng asawa sa kanyang asawa ay isang tipikal na kwento, lalo na para sa mga Pilipinong manonood. Sumibol ang ganitong tema sa mga pilikulang Pilipino noong dekada ¶40. Mula sa mga nakaraang pelikulang Pilipino na sumipa sa takilya, ang ganitong uri ng storyline ay nakita sa pelikulang pelikulang ³Relasyon´ ni Ishmael Bernal (1982, starring Vilma Santos at Christopher De Leon) at ni Maryo J. de los Reyes na ³A Love Story´ (2007, starring Aga Muhlach, Maricel Soriano, at Angelica Panganiban). Pinapapaksa ng dalawang pelikulang ito ang pagdaraya ng asawa sa kanyang asawa na siyang nagiging dahilan ng pagkawasak ng isang pamilya. Maliban sa pelikulang Pilipino, litaw din sa mga dayuhang pelikula ang ganitong uri ng usapin. Ang pelikulang ³Scarlett´ ni John Erman sa panulat nina Alexandra Alexandra Ripley (novel), William Hanley (teleplay) na pinagbibidahan nina Joanne Whalley, Timothy Dalton and Barbara Barrie ay pumapaksa rin sa pakikiapid. Ang pelikulang ³Gone with the Wind´ sa direksyon ni Victor Fleming noong 19th century sa American na pinagbibidahan nina Clark Gable, Vivien Leigh, Leslie Howard, Olivia de Havilland, and Hattie McDaniel, ay iilan lamang sa mga pelikulang nagpapakita ng parehong usapin. Gaya ng pelikulang ³No Other Woman´ litaw na litaw ang temang pananaksil na siyang naging ugat ng tunggalian sa loob ng kwento. Subalit ang ³No Other Woman´ ni Ruel Bayani na pinagbibidahan ng tatlong batikang artista na sina Charmaine Escaler (Cristine Reyes) ang legal na asawa, Kara
Zalderiaga
(Anne Curtis) ang kabit at si Ram Escaler (Derek Ramsay) Siya¶y taong mapaghanap ng kasiyahang pisikal at emosyonal. Mapaghanap. Madaling mahikayat na tugunin ang katok ng kanyang puso sa tawag ng pangangailangan o pagnanasa. Purong bayolohikal. Kasiyahang panalaman lamang. Minsan pa¶y isang anak pa ni Adan ang di-nakatupad sa banal na utos: Huwag makiapid!
Ang ³No Other Woman´ ay isang kuwento ng paglalakbay ng isang tao patungo sa pagbuo ng isang karera at isang pamilya para sa babaeng minamahal, ngunit sa kasamaang paraan, ang kanyang ambisyon at reputasyon ay nahalinhan ng kahihiyaan at pagkalugmok dahil sa salang pakikiapid. ³Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher. Maaagawan ka! Lumaban ka!´Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatter!" Ito ang linyang binitawan ni Carmi Martin, ina ng Charmaine sa pelikula habang nakikita niyang nasasaktan ang kanyang anak sa ginagawang pangangabit ng manugang. Ang pelikula ay nagpapakita kung paano ang tao nabibigo sa gitna ng maraming temtasyon, at kung paano nasisira ang pamilya dala ng kapabayaan at pagkagat sa anumang pagsubok na dumarating sa kanyang buhay. Ayon kay Derek sa pamamagitan ng bibig ni Ram, isa sa mga pangunahing karakter: ³Everyday hindi mo siguro mabibilang ang mga taong maiinlove, but you have to find your target. In order to win you have to understand that this is a game of temptation but you have to be discreet. So discreet that mustn't all notice that you're tempted. Kunwari hindi ka interesado, now let them see your pursuit, don't let go. And when that moment comes act fast, never ever look desperate. Never, you see this is your game and show who's in control.´ Ang pelikula ay hindi nagpapakita na ang pakikiapid ay isang natural na gawain, bagkus, minabuti ng direktor na ipakita sa perspektiba ng karakter ni Ram ang magiging kahahantungan ng maling desisyon sa buhay at kung paano plantsahin ang gusot na gawa ng kasakiman sa laman. Ang pelikula ay hindi humuhusga sa asawang lalaki o maging sa kerida nito. Bagkus, pinapakita lamang dito ang kabuoan-ang kagandahan, ang pagiging natural ng tao at ang kahinaan nitong mahulog sa bitag na siyang litaw sa karakter nina Ram at Kara. ³Love was never meant to be a one-way street. Darating ang panahon na magsasawa ka. Magigising ka nalang isang araw, pagod ka na umasa. Bahala ka na diyan. Kakapagod ka. Goodbye! 'Cause you're not actually "loving", you're just testing your patience. Kung hanggang saan mo kayang magtiis. Love is patient pero hanggang kailan ba dapat magtiis? Kailan mo ba dapat ipa-realize sa sarili mo na, you gave
enough chance already. If things aren't working, go! Leave. Kumbaga sa appliances, sinubukan mong ma-repair pero di na kaya. Kaya huwag nang ipilit. Diretso junk shop nalang. Love is supposed to make you happy and it's not supposed to hurt. Otherwise, it's not love. Akala mo lang, or worse, pinipilit mo lang. O baka nag-iilusyon ka lang´. Si Paulikan ang nagsabi sa kanyang aklat na ³Tatlong Pagnanasa´ Nagsimula ang suliranin sa pelikula ng magkabanggan ang furniture salesman na si Ram Escaler (Derek Ramsay) at ang tagapagmana ng resort na si Kara Zalderiaga (Anne Curtis). Isang pagtatagpo na sumubok sa katapatan ng lalaki sa kanyang tunay na asawa ngunit sa kabila nito¶y hinayaan niyang magpadala sa kasakiman sa laman. ³No pressure! And kiss me and don¶t you dare fall in love with me.´ Ito ang hamon ni Kara Zalderiaga kay Ram sa kanilang unang pakikipagsukatan ng labi, isang mapangahas na hamon na siyang pinatulan ni Ram sa kabila ng kanyang katapatan sa asawa. Ang karakter ni Kara(Anne Curtis) ay maihahabi sa pananaw na eksistensyalismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo. Makikita ang paninindigang ito sa mga linyang kanyang binitawan. ³We¶re just two consenting adults having fun, there¶s no emotional attachment.´ ³I¶m not gonna give up Ram without putting up a god damn fight! ³You can call me whatever you want,SNAKE, BITCH or OTHER WOMAN, but I promise you, I will never be a PATHETIC and BORING housewife.´ ³Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan! Maliban sa pananaw eksistensyal, litaw din ang pagiging feminismo ng akda. Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikanay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. Maaaring ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan ay mababa, pero ang hindi nila napapansin (na siya namang nais ipahiwatig ng akda) ay ang kahalagahan ng mga babae sa pagmapa ng rehiyunal na identidad²at malamang pati narin ng buong Pilipino. Makikita natin na ang kababaihan ang nagbibigay-posibilidad sa parehong spectacle na natampok. Ang babae na sinasamba at sumasamba. Ipinakilala rito ang mga kababaihan na siyang bumubuhay sa mga kalalakihan. Sa katotohanan, ang mga lalaki ang nagiging alipin ng mga babae, kahit pa inaakala nila na mas superyor sila. Ang mga babae ang kahinaan ng mga lalaki. Sila ang
temptasyon²gaya ni Eba. Tinukso niya si Adan, at naging mahina si Adan kaya bumigay siya sa tukso. Ang kanilang Adam¶s apple ay isang pagpapaalala ng nagiging kahinaan ito. Gayumpaman, ang babae rin ang nagbibigay-lakas ng mga lalaki. Siya ang sukatan ng pagkalalaki. May kasabihan na ³Behind the success of a man is a woman.´ Tignan nalang natin ang isa sa pinakamayaman na negosyante²si Henry Sy. Matagumpay siya²pero isipin na lang natin kung ano ang gagawin niya kung walang mga babae? Walang mga boutique, mga parlor, mga aksesoris, walang cellphones, walang mga magazines at romance pocketbooks, walang shoemart, walang mall, walang Henry Sy. Ganun din ang kultura ng mga Pilipino²ng mundo. Ang produksyon ng modernong babae sa lipunan ang siyang hulmahan ng diwa ng modernisasyon sa bansa. Ang babae ang substansya ng kultura. Siya ang simula¶t katapusan ng mga lalaki. Siya ang mabuting asawa, siya ang mapanirang puta. Kahit na taglay ni Charmaine (Cristine Reyes) ang katangian ng isang butihing maybahay; responsible, tropeyo ng asawa, mabait, maalalahain at higit sa lahat mapagmahal nagawa parin niya itong lokohin dahil sa kapusukan ni Kara. Sa unang pagkikita sinabi ni Ram na kasal na ito, may asawa ngunit liberal ang pagkatao ni Kara ayon sa kanya: ³You will only be called a mistress when there¶s an emotional attachment. I¶m not a mistress.´ Sa kalaunan, bumigay si Ram. Nakaligtaan niya ang kanyang asawa, hindi lang isa, dala kundi paulit ulit na nagyari ang napakainit na kaswal sex. Hanggang sa mahulog ang loob sa isat-isa ng hindi nila namamalayan. Hindi maikakaila ng kwento na nahulog nga si Ram kay Kara patunay na ginawan niya ito ng kamang siya mismo ang nagdesenyo. Mula sa eksenang yon ay nangyari ulit ang pagtatalik na naging natural na sa dalawa. Bago ito, ipinaliwanag ni Kara kay Ram na hindi niya kailangan ng mas malaking kama dahil naiisip lang nito ang mapanglaw na lugar. Ngunit ayon kay Ram, " A bed is personal« you sleep together, you come home to it." Hindi naging madali para kay Charmaigne (Cristine Reyes) ang pagtago sa katotohanan kahit pilit nitong ikubli ang sakit na nararamdaman sa nalamang pangangaliwa ng asawa. ³bakit ko ipaglalaban ang alam kong akin.´ Payak ngunit mabigat na banat mula sa isang mapagmahal na asawa. ³Tsaka ano bang mahirap kalaban? Yung putang mahirap o yung putang mayaman?´ ³Ayoko na! Ayoko na! Alam ko naman eh, ang sakit lang, ang sakit sakit lang nung marinig ko. Hindi ko dapat ginagawa to pero ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita!´ Ayon kay Zaide sa kanyang Preparing for Responsible Parenthood ay may dalawang paraan ng pagkilala sa kasagraduhan ng kasal. Una, ito¶y isang pangangailangan sa pormasyon ng pamilya. Pangalawa, ang kasal ay maaring maging salik ng pagkakawatak ng isang pamilya.
Sa mga paraang nabanggit, ang huli ang higit na matimbang sa pagkakabuo ng pelikula. Ngunit tigmak man sa pagdurusa ang puso, sakmal man ng mapait na alaala ang diwa, at di man makatighaw ang damdaming pinasidhi ng dalamhati¶t pagtitis ang asawa¶y mananatiling asawa sa tunay na pagpapakahulugan nito. Ang mga panunumbat at paninisi ay isang piping pagpupuyos, isang bulag na pagaaklas. Patuloy paring naninilbihan ang babae sa kanyang asawa, nang walang halong pagsisisi at pag-aalinlangan. Nakakintal pa rin sa kanyang puso ang wagas at walang hanggang pag-ibig sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ng kanyang asawa. Ito kaya ang maituturing na kadalisayan ng pag-ibig? Naging mainit ang palitan ng dayalogo sa pagitan nina Charmaine at Kara. Dito makikita sa eksenang ito kung paano pilit kinukubli ng legal na asawa ang sama ng loob habang nasa bahay nito ang kerida ng asawa; Kara: ³Are you here to make a scene??? Charmaine: ³Only if you have an affair with my husband, meron ba???´ Charmaine: ³Why don¶t you have dinner with us tonight, pa thank you ko na rin dahil kinuha mo ang asawa ko. Kara: ³ I¶m sorry?´ Charmaine: ³Bilang supplier ng furniture para sa resort niyo.´ Kara: ³Anything I can do to help you?´ Charmaine: ³Naku huwag na, mamaya makita mo na nilalagyan ko ang pagkain mo ng lason.´ Natumbok ng pelikula ang mga makabagong linya para sa mga makabagong manunuod. Ang bawat isa ay sumunod sa emosyon ng pagmamahalan, kirot, inggit at galit. Ngunit hindi ito nagwawakas sa ganoon lamang. Sa kabila ng pagtitiis, nabago ang karakter ni Charmaine dahil sa ng kanyang ina (Carmi Martin), na tumulak sa kanya upang lumaban, upang ipaglaban ang para sa kanya ay pagmamay ari niya:³Ganyan talaga ang makating Dikya, Nagmamarka´.³Panahon na para i-pack mo na yang Lucy Torres mo, ilabas mo na diyan si Gretchen Barretto, anak ako na ang bahala sa red stiletto mo!´ Sa huling bahagi ng pelikula, nakitaan rin ang malaking pagsisisi si Ram sa kamaliang kaniyang ginawa. Litaw parin sa kanyang karakter ang marubdob na pagmamahal sa kanyang asawa patunay nito ang linyang kanyinag sinabi sa kaibigan: ³Ang laki ng kasalanan ko, hindi ko na maayos to!´ Sa puntong ito, pinangalandakan ng manunulat ng script ang kahinaan ng lalaki. Na ang lahi ni Adan ay marupok din, isang kapintasan ng lalaki na di-kayang sagutin ng balolohiya.
Mahalaga ang realisasyon sa bawat pagkakamali. Ito ang nagtuturo ng gintong aral sa bawat kamangmangan na ating kilos. Sa buhay ni Ram, nasasalamin ang isang malaking pagsisisi, isang malaking pagtanggap sa pagkakamali na mahirap tanggapin ng isang lalaki dahil sa takot na ito¶y magpapahina sa pagtingin sa kaniyang kakayahan bilang ilaw ng tahanan. Kung naging immoral man si Ram, walang pwedeng magsabi. Ngunit kung susuriin ang kaniyang katauhan gamit ang panitikan sa pananaw ng isang moratista, walang duda ang pagiging immoral nito. Sapagkata ng layunin ng panitikan ay ilahad ang iba¶t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ± ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. At sa lipunang dinidiktahan ng maraming pamantayan moral gaya ng Pilipinas, hindi nagkakalayo si Ram sa maraming Pilipino taksil sa asawa¶t pamilya. Sa pelikulang ³No Other Woman´ wala sa dalawang babae ang biktima maging sa lalaking naging sanhi ng lahat ng suliranin. Sa halip, natapos ang kwento na ang bawat karakter ay naging malakas, natutong magparaya at naging dahilan ng higit nilang pagmamahalan sa isat-isa. Naging mabisa ang istilo ng direktor na iwanan sa mga manonood ang paghuhusga kung sino ba talaga ang dapat sisihin sa mga ganitong pagkakataon. Tunay ngang isang napakahusay na pelikula ang "No Other Woman," hindi lamang dahil sa makabagbag-damdamin at makatotohanang istorya nito ngunit dahil na rin sa mga pagpapahalagang isinasalamin nito. Iilan sa mga mahalagang balyu na nakapaloob dito ay ang pagmamahal sa pamilya, paninindigan sa sariling prinsipyo't pangarap, pagbibigay-halaga sa karangalan, pagkakaibigan at karelasyon. Isa mang kabalintuaun kung tutuusin ang paglalaban sa iisang lalaki o babae lamang, makatotohan namang ipinamalas sa pelikulang ito ang reyalidad na nararanasan ng isang taong umibig sa di tamang panahon at hindi tamang tao. Ipinakita ring posibleng mamalagi ang dalawang magkasalungat na konsepto sa buhay- ang pagmamahal at pagtataksil.