FILIPINO IV
–
PANUNURING PANUNURING PAMPANITIKAN
Pangalan: DeAnne Rochelle L. Abdao Bilang sa Klase: 18 Seksiyon: IV - Charm Petsa: Ika-17 ng Pebrero, 2014 Pamagat ng Akdang Sinuri: “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez Unang Bahagi: BUOD Si Mando Plaridel o Andoy ay dating alila sa bahay ni Don Segundo Montero bago siya palayasin at sumama sa mga gerilyero.1 Buhat sa payo ni Tata Matyas ay natagpuan niya, sa tulong ng dalawa pang gerilyerong sina Karyo at Martin, ang kayamanan ni Simoun na itinapon ni Pari Florentino sa dagat Pasipiko sa pagwawakas ng El Filibusterismo.2 Sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang dalawang kasama sa pagahahanap sapagkat nakagat ng pating si Karyo at si Martin naman ay nasapian ng ganid at tinangkang nakawin ang kayamanan para lamang sa sarili niya. 3 Gamit ang kayamanan ni Simoun at sa tulong ni Magat, ang pinuno ng gerilya sa Timog Luzon, ipinasya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan na tinawag nilang “Kampilan.” 4 Upang lalong mapaigi ang “Kampilan, “Kampilan,” nagpasiyang mangibang-bansa si Mando para magpakadalubhasa, at sa kanyang paglalakbay, nakatagpo niya si Dolly Montero na inabutan niyang inaabuso ng isang dayuhan kaya naman ipinagtanggol niya ito at napalapit ang loob ng dalaga kay Mando ngunit dahil sa sama ng loob niya sa mga Montero, naisip ni Mando na gamitin si Dolly upang makapaghiganti. 5 Pagkauwi nila sa Pilipinas, inanyayahan si Mando na dumalo sa isang handaan sa bahay ng mga Montero kung saan pinag-usapan nina Don Segundo ang ukol sa negosyo nilang pagbebenta ng mga kontrabandong armas, at napintasan rin ang “Kampilan” at naakusahang laban sa administrasyon ngunit sinabi ni Mando na katotohanan lamang ang kanilang mga isinusulat.6 Napalitan na si Pastor bilang katiwala ni Don Segundo at nagkaroon ng pagpupulong ang mga magsasaka ukol sa mapang-aping pamamalakad ni Don Segundo sa hacienda ngunit pagkatapos nito’y nasunog ang hacienda at isinisi kina Pastor, Mang Tumas at Danoy ang nangyari.7 Sa isa nanamang pagkikita ng mga Montero at ni Mando sa Baguio ay nagtalo nanaman sila ukol sa mga nilalaman ng “Kampilan” at inamin na ng binatang siya si Andoy kaya’t nasaktan nasaktan si Dolly at nakapaghiganti nakapaghiganti na rin ni Mando. 8 Pinag-aral ni Mando si Puri at nang minsang dalawin niya ang dalaga ay nagtapatan sila ng pag-ibig at sinabi ni Mando kina Puri at Tata Pastor ang buong katotohanan na siya’y si Andoy, ang nawawalang anak ng kapatid ni Pastor. 9
Patuloy na tinuligsa ni Mando, sa pamamagitan ng kanyang pahayagan at himpilan sa radyo, ang mga taksil sa bayan, lalo na ang mga pinuno sa gobyerno na wala sa ayos ngunit sa dulo ay nauwi rin ang kanyang laban sa dahas para lamang makamit ang kalayaan.10
Ikalawang Bahagi: PAGPAPAKILALA NG MGA TAUHAN 1.
Mando “Andoy” Plaridel Si Mando ang pangunahing tauhan ng nobela na naging isang gerilyero matapos palayasin sa bahay ni Don Segundo.1 Siya rin ang nakatagpo ng kayamanan ni Simoun at ginamit ito para sa kalayaan ng Pilipinas.2
2.
Tata Matyas Siya ay isang matandang rebolusyonaryong nakatira sa isang kubo sa Sierra Madre na madalas dalawin ng mga gerilyero. 1 Siya ang laging hinihingan ng payo ni Mando at siyang nagbanggit kay Mando ukol sa kayamanan ni Simoun.2
3.
Pastor Si Pastor ay ang ama ni Puri at lider ng mga magsasaka sa Hacienda Montero. 1 Tinanggal siya ni Don Segundo sa pagiging katiwala matapos niyang suwayin ang utos ng Don.2
4.
Puri Si Puri ang magandang anak ni Pastor.1 Siya rin ang naging kasintahan ni Mando bagaman sila ay magpinsang buo.2
5.
Don Segundo Montero Si Don Segundo ay isang mayaman na may-ari ng Hacienda Montero at puno ng sindikato ng mga kontrabandista.1 Siya ay ganid at makasarili.2
6.
Donya Julia Montero Si Donya Julia ang asawa ni Don Segundo Montero at ina ni Dolly Montero. 1 Siya ay isang mahinang babae at kunsintidor sa mga maling gawain ng kanyang anak at ng kanyang asawa.2
7.
Dolly Montero Si Dolly ang nag-iisang anak nina Don Segundo at Donya Julia Montero. 1 Bagaman maganda’t makabago, maraming beses siyang nasawi sa pag -ibig.2
Ikatlong Bahagi: PAGSUSURI Ang unang bahagi ng nobela ay naganap sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas at nagwakas naman sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.1 Ipinakita kung paano tratuhin ng Hapones ang mga Pilipina tulad ni Dolly na niloko lamang ni Heneral Moto at ang pagmaltratong ginawa ng sundalong Hapon kay Andoy. 2 Sinabi rin sa nobela kung paano nagpabango ang mga Amerikano sa mga Pilipino at kung gaano kadali nila tayong nasakop dahil dito.3 Malawak ang kaalaman ng may-akda ukol sa pananakop ng mga Hapon at Amerikano sapagkat nabuhay siya mula 1903 hanggang 1970.4 Siya ay naging intelligence officer din ng guerrilla noong panahon ng Hapon. 5 Ayon kay Epifanio San Juan, Jr., na nagsulat ng Panghuling Salita ng libro, ang mga pangyayaring nakatala sa aklat ay kaugnay sa mga karanasan sa buhay ng may-akda.6 Makikitang may mga pagkakatulad ang mga karanasan ng mga tauhan sa kuwento at ang mga karanasan ni G. Hernandez lalo na buhat sa kanyang pagkakapiit sa bartolina ng Muntinlupa. 7 Ang karakter ni Mando ay may pagkakaparehas kina Juan Crisostomo Ibarra at Simoun, mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. 8 Ipinakita sa nobela kung paano siya nagbago at kung paano siya naging matagumpay sa ilan sa mga nais gawin ni Simoun para sa Pilipinas.9 Tulad ng salamin ni Simoun na ginamit sa pagbabalatkayo, ang pilat ni Mando ang nagbigay daan sa panibagong pagkakataon upang gumawa ng hakbang na makakabuti sa lahat.10 Siya ang sumisimbulo sa kabataang kumilos para mapabuti ang bayan dahil naging biktima ng karahasan at ng pagiging gahaman. 11 Si Tata Matias naman ang Pilosopo Tasyo o wise man ng nobela.12 Siya ang parating hinihingan ni Mando ng payo.13 Siya rin ang nagsimula ng pagbabago sa pagkatao nito sa pamamagitan ng pagpapahanap niya kay Mando sa kayamanan ni Simoun.14 Sinisimbulo ng pamilya Montero ang bulok na sistema ng lipunan ng Pilipinas. 15 Si Don Segundo ang katumbas ng mga ganid na pulitiko at korapsyong laganap sa pamahalaan at sa matataas na antas ng lipunan sa Pilipinas o ang mga tinatawag ni Hernandez na mga “mandaragit” ng lipunan.16 Si Donya Julia naman ang katumbas ng mga mamamayang hinahayaan lamang na mamayani ang kasamaan at pang-aabuso samantalang si Dolly ang sumisimbulo sa mga biktima ng mga mang-aapi at manloloko.17 Si Pastor ay tila kahawig ng karakter ni Kabesang Tales sa El Filibusterismo sapagkat napakabait niya at mabuti siyang katiwala ngunit nang siya’y abusuhin at kumampi sa mga kalaban ng administrasyon, napahamak siya at nabawian pa ng buhay.18 Siya ay sumisimbulo rin sa mga mahihirap o sa pinakamababang antas ng lipunan na siyang nagsisilbi sa mga nasa itaas ngunit sila rin ang naagrabyado. 19
Maraming aral na hatid si G. Amado V. Hernandez sa pamamagitan ng nobela ngunit marahil, ang pinakmalaking isyu na kailangang harapin ay ang ganid sapagkat lahat ng katiwaliang nangyari sa nobela ay resulta lamang ng ganid at pagkamakasarili ng mga tauhan.20 Ganid ang nagpatakbo sa buhay ni Don Segundo.21 Dahil sa ganid, siya ay nakapagsinungaling at nakagawa ng mga ilegal na bagay.22 Marami rin siyang karamay ngunit hindi na nila naisip na marami silang tinapakang tao. 23 Dahil rin sa ganid kaya namatay si Martin.24 Ninais niyang angkinin ang mga alahas ni Simoun at gamitin ito para sa kanyang sariling interes ngunit sa huli ay si Mando pa rin ang nagtagumpay dahil si Mando ay simbolo ng pag-asa sa bayang winasak na ng mga gahaman.25 Hindi lamang mga pulitko ang gahaman. 26 Ang bawa’t isa sa atin ay ipinanganak na makasarili at marami tayong mga kagustuhan at pangarap sa buhay pero tulad ni Mando, nasa mga kamay pa rin natin ang desisyon para gumawa ng mas makakabuti sa lahat, lalo na para sa bayan.27