KULAY NG BALAT: PAGTANGKILIK NG KABATAAN SA MGA PRODUKTONG PAMPAPUTI AYON SA KOLONYAL NA PAG-IISIP.
Isang Pananaliksik na Iniharap Kay Propesor Priscila B. Cada Departamento ng Sikolohiya Mindanao State University-Iligan Institute of Technology Lungsod ng Iligan, Lanao Del Norte
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan para sa sabjek na Sikolohiyang Pilipino
Nathasha Jane Fuentes Maxie Gem Guarte Elenjoy Guerra Michael Pazo Luz Patrizsa Hyacinth Villamor
KABANATA I: INTRODUKSYON
Kayumanggi ang kulay ng balat ng mga Pilipino na ang katumbas sa Ingles ay brown at moreno naman sa Espanyol. Ito ay Kombinasyon ng kulay ng ating mga ninuno at ng mga dayuhang sumakop sa Pilipinas; hindi kaitiman, hindi rin kaputian. Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang ating kasaysayan. Ang Pilipinas ay nakikilalang isang bansa na naging konolidad na ng iba’t ibang bansa. Nagsimula ito sa mga Espanyol at sumunod ang mga Amerikano, pati na rin ang mga Hapon. Sa loob ng mahabang panahon marami silang nagawang pagbabago sa Pilipinas maging sa mga tao rito. Ang paraan ng pamumuhay, pananalita, paniniwala at pati na rin ang pag-iisip ng mga Pilipino ay naimpluwensyahan ng mga dayuhan. Isa sa mga iniwan ng mga banyaga ay ang kolonyalismong pag-iisip. Ang isyung ito ay ukol sa pagkalimot ng mga Pilipino sa kanilang pagkaPilipino at isang pag-iisip na naaayon sa mga banyaga. Ito’y matagal na panahon ng nakakintal sa bawat puso’t isip ng mga Pilipino na hanggang sa ngayon ay makikita pa natin lalong lalo na sa kabataan. Isang magandang halimbawa ng kolonyalismong pag-iisip ay ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa paggamit ng mga produktong pampaputi upang maging makinis at maputi ang kulay ng kanilang balat. Maputing balat na mala-banyaga ang dating. Mamula-mula’t makinis na mukha at pisngi. Ilan na lamang sa mga habol ng karamihan sa mga kalalakihan at kababaihan ngayon. Kapag maputi ka raw, malinis tingnan, hindi gusgusin, at kaaya-aya sa iba. Para bang ang tiyak na kulay ng balat na ito ay nangangahulugan na ang isa ay mayaman, lubos na nakapag-aral, responsible, mabuti, at higit sa lahat, napakaganda (Motus, 2014). “Parang umitim ka", marahil isa na ito sa mga salitang ayaw na ayaw marinig ng isang Pilipino dahil ang magiging intepretasyon nito sa taong sinabihan ay “ pumangit ako”. Sa pagdaan ng panahon, naging batayan nating mga Pilipino na ang pagkakaroonng maputing balat ay katumbas ng kagandahan ng ka-angatan sa karamihan. Sa ating bansa, ang pagkakaroon ng maputing kutis ng balat ay isang kalamangan kumpara sa iba. Hahangaan ka ng karamihan, kai-inggitan ng ilan, at mapagkakamalan ka pang mayaman.
Paglalahad ng Suliranin
Pangunahing atensyon ng pananaliksik na ito ay ang pagsusuri kung epekto ba ng kolonyal na pag-iisip ang matinding kagustuhan ng mga kabataang Pilipino na magkaroon ng maputing kulay ng balat sa pamamagitan ng paggamit ng produktong pampaputi. Pinipilit nitong talakayin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang mga rason ng mg kabataan sa paggamit ng pampaputi? 2. Ano ang persepsyong ng mga kabataan sa paggamit ng pampaputi? 3. Ano ang persepsyong ng mga kabataan tungkol sa kagustuhang maging maputi? 4. Ano ang persepsyong ng mga kabataan sa kolonyal na pa-iisip? 5. Ano ang kaugnayang ng kolonyal na pag-iisip sa kagustuhan ng mga kabataang maging maputi?
Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mapag-alaman kung paano mag-isip ang mga kabataan tunkol sa isyu ng kolonyal na pag-iisip. Ipaalam rin ang estado ng Pilipinas sa pagtangkilik ng mga produktong pampaputi. Hangad din ng pag-aaral na ito na bigyang linaw ang kaugnayan ng pampaputi, kulay ng balat at kolonyal na pag-iisip. Higit sa lahat nais ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng mga kabataan patungkol sa kulay ng balat ng isang tao. Sa dulo ng aming pananaliksik, hangad naming makabahagi ng karagdagang impormasyong patungkol sa isyu.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Kung ikukumpara natin ang nakalipas na mga taon at ang kasalukuyang panahon, marami na ang nagbago sa ating kapaligiran at marami na ang narating ng tao mula sa iba’t-ibang aspeto. Ang teknolohiya, medisina at siyensya at iba pa noon ay malayong-malayo ngayon. Gayundin sa mga kaugalian, pananampalataya, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang kagawian nang mga tao ay iba narin sa kasalukuyan. Gayumpaman, dahil sa iba’t-ibang persepsyon sa kagandahan ng isang tao, ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang bigyan ang mga mambabasa ng kaunting kaukulang impormasyon tungkol sa naging epekto ng kolonyal na pag-iisip sa paggamit ng produktong pampaputi at sa kagustuhan ng mga kabataan maging maputi. Sa pagkukumpara ng
balat sa ibang tao na bahagi ng kanilang parehong pangkat na panlahi at para lubos na maunawaan ang paglaganap ng mga paktor na syang dahilan kung bakit naging mataas ang antas ng persepsyon ng mga Pilipino sa pagiging maputi katulad ng pagpapakita ng Colonial Mentality, Colorism at Inferiority Complex sa ating pangkasalukuyang lipunan, pagtanggap ng kultura at media portrayals mula sa ibang bansa, at iba pa.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at persepsyon ng mga mag-aaral sa kolonyal nap ag-iisip na may kaugnayan sa pagtingin sa kulay ng balat. Saklaw nito ang mga estudyanteng nasa edad 16-20 sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Nilimitahan namin ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa ed ad 26-20 ng MSU-IIT upang mas maging aksesibol at malaman namin ang pulso ng mga kabataan ukol sa isyu.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KABANATA III: METODOLOHIYA Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ng pag-aaral na ito ay kwalitatibong disenyo at deskriptibong pamamaraan sa pag-aaral na ito. Ito ay gagamit ng Indigenous Method o pangkatutubong pamamaraan ng pananaliksik. Pinili ng grupo na magsagawa ng interbyu upang mapabils ang pagpapangalap ng datos at malaman kung anu-ano ang mga pananaw ng kabataan pagdating sa kolonyal na pag-iisip, produktong pampaputi at sa kulay ng balat at ang kaugnayan ng mga ito. Ang pag-aaral na ito ay malinaw na maiihahayag ang nais sabihin ng mga kalahok ukol sa kolonyal na pag-iisip, produktong pampaputi at sa kulay ng balat at ang kaugnayan ng mga
ito
Ang
mananaliksik
ay
gumamit
ng
pagtatanong-
tanong,
pagmamasid
at
pakikipagkwentuhan.
Mga Kalahok
Ang pag-iinterbyu ay isinagawa sa mga estudyante sa antas ng kolehiyo sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Ito ay kinalahukan ng
limampung (50)
estudyante, dalawampu’t limang (25) babae at dalawampu’t limang (25) lalaki. Sa grupo ng may
edad na 16-20 taong gulang na mag-aaral sa MSU-IIT lamang. Naisip ng mananaliksik na ang edad na ito ang madalas na napapansin na naaapektuhan ang kanilang pananaw sa sariling kaanyuan at maging sa iba ( Bullecer, M.F. and Remigio, J.A., 2016). Ayon kay O'Connell& Martin (2012) ang positibong pagtingin sa body image ay mabilisang bumababa sa kalahatang taon ng adolescent. Sa pag-aaral na naganap ang mga taong nasa edad 15 ay ang hindi masaya sa kanilang body image.
Opportunity sampling ang ginamit sa pangangalap ng mang kalalohok sa pag-aaral na ito. Kinailangan din sa pag-aaral na ito ang demograpikong impormasyon ng mga kalahok.
Mga Instrumento
Gumamit ng pagmamasid-masid at pagtatanong-tanong ang mga mananaliksik upang tukuyin kung ang isang indibidual ay maari bang maging kalahok sa pag-aaral. Ang mga materyal na ginamit ng mga mananaliksik ay ballpen, notebook at recorder. Ang ballpen ay para sa mga kalahok, sa kanyang pagpirma sa informed consent at sa pagfill up ng demographic profile. Ang recorder gagamitin upang magkaroon ng malinaw na datos at mabalikan muli ang panayam sa bawat kalahok.
Kaparaanan
KABANATA IV: DISKUSYON, OBSERBASYON, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON