KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGANG KASAYSAYAN
PANIMULA
Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang stress ay lalo ring naging kapansin-pansin. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw. Ang stress ay isang pangkatawang, pangdamdamin at pangkaisipang kabigatan (strain) na nararamdaman ninyo kapag pinagbubuhusan ninyo nang buong sigla ang inyong pamumuhay.
Ang stress o pagkahapo ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Ang stress ay naiimpluwensyahan ng mga panloob at panlabas na mga kadahilanan na nakakaapekto sa paraan ng pagkilos at reaksyon sa anumang pangyayari sa iyong kapaligiran. Habang ang kahulugan nito ay maaaring tila simple, ang sikolohiyang kahihinatnan ng stress ay maaaring magbigay ng salitang isang negatibo at kung minsan ay nakabibiglang kahulugan. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral.
May mga iba't ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hindi komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman para sa iba. Kadalasan sinasabi ng mga tao na sila ay depressed, hindi mapakali, walang tulog, o nalulungkot kapag sila ay stressed. Ang ilan ay nakakaranas ng mga problema sa puso at mataas na presyon ng dugo dahil sa stress. Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang pampisikal at sa pagisip. Ang tuloy-tuloy na stress ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili. Kapag nai-stress ka, may kahanga-hangang sistema sa iyong katawan na agad rumeresponde. Naglalabas ito ng mga hormon na nagpapabilis ng paghinga at tibok ng puso, at nagpapataas ng presyon ng dugo. Dumaragsa rin sa iyong dugo ang mga reserbang selula ng dugo at glucose. Ang sunod-sunod na prosesong ito ay naghahanda sa iyo na maharap
ang sanhi ng stress. Kapag wala na ito, maaari nang bumalik sa normal ang katawan mo. Pero kung naroon pa rin ang pinagmumulan ng stress, mananatili kang balisa o tensiyonado, gaya ng isang makinang walang tigil sa pagrerebolusyon. Kaya para sa malusog na pangangatawan at isip, mahalagang malaman kung paano haharapin ang stress.
Iba naman ang stress sa depresyon dahil ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisipn kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya'y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito'y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik. Samantalang ang Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ngpagkakabahala.
Ang mga epekto ng stress sa loob ng mahabang panahon, sa kasamaang-palad, ay nagpapakita na hindi lamang kung ano ang nararamdaman mo kundi kung paano mo din pinapakisamahan ang mga taong nakapaligid sa iyo. Maaaring makaapekto ang pang-matagalang pagkahapo sa kung paano ka kumilos sa paaralan, trabaho, at personal na relasyon, at kung paano ka kumilos sa iyong pamilya. Kapag hindi mo na alam ang iyong gagawin, para mo na ring nakalimutan kung paano magpahinga at maging masaya. Karamihan sa mga taong mapagmataas na nakatuon sa tagumpay ay nakatira sa ganitong paraan at hindi nila ito napagtatanto. Ang mga sintomas ng stress ay maaaring makaapekto sa iyong katawan, iyong mga kaisipan at damdamin, at ang iyong pag-uugali. Maaaring makatulong sa pagkontrol ng stress ang pagkilala mo sa mga sintomas
nito. Hindi naman masama ang stress.
Ayon sa American Psychological Association: "Ang stress na nararanasan ng tao ay parang tensiyon sa kuwerdas ng isang biyolin: kapag kulang, ang tunog ay walang buhay at garalgal; kapag sobra naman, ang tunog ay masyadong matinis o madaling mapatid ang kuwerdas. Ang stress ay puwedeng makamatay o kaya'y makapagpasaya sa buhay. Ang tanong ay kung paano ito haharapin."
Ang stress ay pansamantala lamang. Ang iyong katawan ay dapat bumalik sa isang natural na kalagayan pagkatapos lumipas ang sitwasyon. Ang iyong mga kalamnan ay dapat magpahinga, at ang iyong paghinga ay dapat bumalik sa normal. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo nanararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo. May antas ng stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa katawan at isipan na harapin ang mga hamon ng mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis.
Habang madalas na nauugnay sa marami sa mga negatibong epekto nito, ang stress, ay hindi puros negatibo. Dapat nating tandaan na hindi lahat ng stress ay masama. Sa katunayan, ang ilang stress ay nagpapataas sa iyong mga pandama, na tumutulong sa iyo upang maiwasan ang mga aksidente, o manatiling malinaw sa pag-iisip sa mga magulong sitwasyon. Ito ay isang natural na paraan ng pagkaya sa isang mahigpit at mahihirap na sitwasyon. Kung mas alam mo ang tungkol sa stress, mas mahusay na maaari mong gamitin ang natural na tugon sa katawan sa iyong kalamangan.
Iba-iba rin ang ugali at kalusugan ng bawat tao. Kaya ang nakaka-stress sa isang tao ay baka hindi naman nakaka-stress sa iba. Pero kung masyado kang tensiyonado sa rutin mo anupat hindi ka na makarelaks o hindi mo na maharap ang paminsan-minsang emergency, malamang na sobrang stressed ka na.
Sa pag-aaral na may pamagat na "Stress, Sa Pag Tingin ng mga Piling Mag-aaral ng PUPSHS", masusing tatalakayin ang stress sa buhay ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo o stress sa kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga iba't-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang stress at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Hindi na bago ang stress o pagkahapo sa tao, dahil sa ito ay nararanasan ng tao sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay. Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagkakabahala. Kapag naramdaman ng isang tao ang panganib, totoo man o kathang isip lang, ang katawan ay mabilis na dumidipensa. Ang tawag dito ay stress response.
Sa katunayan; isa sa limang Australian ang malamang na makaranas ng "stress" sa isang makabuluhang haba ng panahon sa ilang pagkakataon. Maaaring magkaroon ng depresyon pagkatapos makaranas ng ilang partikular na pangyayari sa buhay, lalo na ng mga pangyayaring may kinalaman sa pagkawala ng isang tao o bagay tulad ng pagkakahiwalay sa asawa, kawalan ng trabaho, hindi mabuting kalagayan ng kalusugan, o pagkamatay ng kamag-anak / kaibigan. Sa lalong mabilis na paglipas ng bawat oras sa mundong ating ginagalawan ngayon, ang "stress" ay mas naging kapansin-pansin. Ang "stress" ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa maraming tao. Ito ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhay nating mga tao. Karamihan ay dumaranas ng pagka-"stress" halos araw-araw. Nararanasan ito kahit saan, kahit kailan, at kahit anong oras man. Kadalasang nararamdaman ito ng mga taong mayroong problema sa pamilya at iba't-ibang personal na suliranin sa buhay. May mga iba't-ibang dahilan sa pagranas ng pagka-"stress". Maaaring hindi komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman para sa iba. Ang "stress" ay hindi lamang basta kawalan ng gana. Ang mapanglaw o malungkot na pakiramdam ay isang natural na reaksyon sa tensyon. Gayunpaman, kapag ang kalungkutan ay tumatagal at matindi, marami itong maaaring maging negatibong epekto sa iyong pansarili at pantrabahong buhay. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagstress na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkastress. May antas ng stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa katawan at isipan na harapin ang mga hamon ng mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis.
BALANGKAS TEORITIKAL
Ang pag-aaral na may paksang STRESS SA PANINGIN NG PILING MAG-AARAL NG PUPSHS SA TAONG PANURUAN 2017 – 2018 ay binatay sa mga sumusunod na teorya:
Sa Stimulus-Based Model of Stress nina Holmes at Rahes, ang pagkahapo ay nakukuha o dinudulot ng mga pabago-bagong pangyayari sa ating buhay (life events) (stressor). Maging positibo man o negatibo ang pagbabagong nangyari sa buhay ng isang indibidwal may kaakibat pa rin itong epekto na magdulot ng mga problemang sikolohiya na maaaring magdulot ng komplikasyon sa kalusugan ng isang indibidwal.
Dahil dito nakagawa sila ng Social Readjustment Rating Scale (SRRS) na kung saan ipinapakita dito na ang mga taong nakakuha ng matataas na marka sa SRRS (nagpapakita ng mga pangunahing pagbabago sa buhay ng isang tao) ay mga taong madalas makaranas ng pisikal at mental na karamdaman. (http://www.eruptingmind.com/theories-stress-conflict-emotions-psychology/#toc-hans-selye-stages-of-stress)
Sa Response-Based Model of Stress na nakahahawig sa fight or flight response na nangyayari sa isang sitwasyong nakararamdam ka ng paggigipit o nakakaabalang sitwasyon. Ang model na ito ay nagbibigay ng empasis sa karaniwang pisyolohikal na kinahinatnan ng mga nakahahapong pangyayari.
Ang ideya na ito ni Selye ay nilinang at hanggang sa naging isang teoritikal na modelo ng pagkahapo na tinatawag na General Adaptation Syndrome Theory. Mayroon itong tatlong yugto ang alarm,resistance at exhaustion. Binigyang kahulugan niya ang pagkahapo bilang isang di tiyak na tugon ng ating katawan. Iminungkahi niya dito na iba't iba mang stimuli ay magreresulta pa rin ng parehong pisyolohikal na tugon. (http://www.garysturt.free-online.co.uk/theostre.htm)
Sa teorya naman nina Lazarus at Folkman (1980) sinuri muna nila ang mga naunang teorya. Ayon sa kanila ang mga naunang teorya ay nagpapakita na ang mga tao ay inihahalintulad sa mga makina. Pinaniniwalaan nila na ang mga tao ay may kakayahang mag-isip, sumuri bago magbigay ng reaksyon. Ang pagiisip ay may kakayahang mapabuti o mapasama ang pagkahapo. Ang Transactional Model of Stress ay nagbibigay ng empasis sa kakayahan ng taong makapagisip sa mga panahong nakararanas ng pagkahapo. (Lazarus at Folkman, 1980) (https://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal
BALANGKAS KONSEPTWAL
Mayroong iba't ibang pagtingin ang mga tao sa pagkahapo. Iba't iba ang kahulugan nito sa bawat isa sa atin. Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang pagiisip. May sarili tayong interpretasyon sa salitang stress ngunit lahat ng interpretasyon na ito ay may mga akmang teorya na mailalapat at gagamitin bilang kahulugan o paraan ng pagtingin sa salitang pagkahapo. Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng kaugnayan ng mga teorya sa isa't isa. Makikita din sa talahanayan na ito ang kaugnayan nito sa pagaaral na may paksang "STRESS SA PANINGIN NG PILING MAG-AARAL NG PUPSHS SA TAONG PANURUAN 2017 – 2018"
Makikita sa pigura na mayroong tatlong teorya na inuugnay sa paksa ng pag-aaral. Una ang mga taong na nagsasabi na o tinitingnan ang pagkahapo bilang isang resulta ng isang pangyayaring naganap sa kanilang buhay. Halimbawa nito ang isang mag-aaral ay bumagsak sa isa niyang asignatura. Sa kadahilanan na ito siya ay nakaranas ng matinding pagkahapo. (Stimulus-Response Model of Stress)
Isang halimbawa pa ang isang mag-aaral ay nagiisip muna bago tumugon sa kanyang pagkahapo at hindi agad-agad nadadala ng kanyang mga emosyon. Pinagiisipang mabuti kung paano makakatugon ng maayos sa mga pagkakataon na nakararanas ng pagkahapo. Ngunit sa pagiisip na ito ay hindi lamang laging mabuti ang naidudulot nito bagkus maaaring magkaroon ito ng positibo at negatibong epekto sa stress na nadarama. (Transactional Model of Stress)
Mayroon din pagtingin sa stress na dumadaan sa proseso o mga yugto. Sa bawat yugto ay may iba't ibang lebel ng pagkahapo. Ang una ay naihahanda pa ang sarili sa posibleng maramdaman na pagkahapo. Ikalawa, nakakayanan pang buhatin ang sarili laban sa pagkahapong nararamdaman. Huli, sa puntong ito ay ang tuluyang pagbagsak ng katawan at pisikal na sakit na ang nararamdaman dahil sa pagkahapo. (General Adaption Syndrome)
Sa huli, makikita na may iba't ibang tingain ang mga mag-aaral sa stress. Hindi lamang emosyonal, mentalidad kundi pati pisikal na pangangatawan ang naapektuhan ng pagkahapong nadarama ng isang indibidwal.
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Lubos na naniniwala ang mga mananaliksik na malaji ang maiaambag ng pag-aaral na ito higit sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral:
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay magkakaroon sila ng higit na malawak na kaalaman kung ano ba ang stress– kung gaano kalaki ang maidudulot na epekto nito sa kanila. Maari ring mabatid ng pag-aaral na ito ang lalim ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa stress.
Sa mga magulang:
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito magkakaroon sila ng kaaalaman kung ano gaano kalalim ang kaalaman ng kanilang anak tugkol sa stress. Makatutulong rin ang pag-aaral na ito upang malaman nila kung ang kanilang anak ba ay nakararanas ng stress upang magabayan ng sila ng maayos.
Sa mga guro:
Bilang mga tagahubog ng kaalaman at pagiging pangalawang magulang sa loob ng silig-aralan, maipapaliwanag nila kung ano nga ba ang stress at kung ano ang mga hindi magagandang epekto nito sayo. Maari rin silang mag bigay ng kanilang mungkahi kung ano ang iyong magandang gawin kung ikaw ay nakararanas ng stress.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paksa na "Stress sa Paningin ng piling Mag-aaral ng PUPSHS sa Taong Panuruan 2017 – 2018". Saklaw din ng pag-aaral na ito ang mga posibleng salik na nagdudulot ng stress at ang mga epekto nito sa aspetong pangkaisipan, pandamdamin, at pang kalusugan sa mga mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito at nagnanais na makakuha ng respondente mula sa piling mag-aaral ng PUPSHS na mayroong ibat ibang pagdadalubhasa.