KABANATA I INTRODUKSYON Ipinapakilala ng kabanatang ito ang introduksyong parte ng kabuuan ng pananaliksik kabilang ang kaligiran at kasaysayan ng pag-aaral, layunin, haypotesis, batayang konseptwal, batayang teoretikal, saklaw at limitasyon, kahalagahan ng pag-aaral at depinisyon ng terminolohiya.
KALIGIRAN AT KASAYSAYAN NG PAG-AARAL
K-POP o Korean Pop ay isanguri ng musika na meron ang timog Korea na kung saan iba’t ibang iba’t ibang mgamang-aawit at mananayaw, koreana man o mga koreano pa yan. Ang K-POP K -POP ay kasalukuyang laganap sa buong buon g mundo at kilalang kilala ng mga kabataan maging sa mga ma y edad. Dahil sa likas na mahilig ang mga Pilipino sa iba’t ibang iba’t ibang uri ng mga musika ay nakuha ng K-POP ang atensyon ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Karamihan sa mga kabataang nahihiligang makinig ng musika nila ay halos pinapaulit-ulit nilang panuorin at pinapakinggan an g mga musikang K-POP. Ilan sa mga mangangawit at mananayaw na tinatangkilik at hinahangaan ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga kabataan ay ang Girls’ Generation, Super Junior, Exo, Shinee, Sistar, 2pm, 2am, 4minute, Big Bang at 2ne1 na kung saan kabilang si Sandara Park na may dugong Pilipino.(Sue Pilipino.(Sue Kim, 2016) Sa pagpasok ng makabago at modernong teknolohiya sa bansa, madalian na lamang para sa mga tao ang maghanap at tumuklas ng bagong kaalaman batay sa hilig nila. Isa nalang ang paggamit ng internet na kung saan s aan madalian mo na lamang mahahanap ang musikang K-POP na
gusto mo, sa isang pindot mo lamang ay marami ng lalabas na resulta base sa hinahanap mo(Jaddie Lorzano. N.d.) Mapamusika man o larawan ng iniidolong mga koreano ay madali na lamang malalaman dahil sa makabagong teknolohiya. Sa mga kabataang tagahanga ng K-POP ay hindi lamang nila basta pinakikinggan ang ganitong uri ng musika kung hindi ginagaya din nila ang kanilang mga iniidolo, ito ang impluwensyang dulot ng musikang K-POP sa ating bansa. Gumagastos ng malaki ang mga tagahanga ng bawat K-pop group para lang bumili ng mga album ng kanilang idolo o hindi naman kaya ay bibili ng tiket kung may gagawing pagtatanghal ang kanilang mga idolo sa bansa .Hindi lamang sa pagbili ng mga album o tiket natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-Pop, may ibang tagahanga din ang bumibili ng mga damit, kuwentas, singsing, pamaypay, posters, notebooks, sticker at iba’t ibang mga produkto na may imahe o kinalala man sa kanilang idolong Koreano/Koreana (Sue Kim. 2016).
Layunin Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pananaliksik na inaaral at ito ay may mga layunin din na dapat isaalang-alang. Ang mananaliksik ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano nag mga rason sa pagtangkilik nating mga Pilipino sa musikang K-POP? 2. Ano ang magiging epekto nito sa musikang sariling atin? 3. Ano persepsyon ng tao sa pagdating ng musikang K-POP sa bansa?
Haypotesis Walang makabuluhang epekto ang hindi pagtangkilik ng mga pinoy sa pag-usbong ng K-POP sa bansa.
Batayang Konseptwal
Mga Salik ng OPM at sa Pag-usbong ng musikang K-POP sa bansa
K-POP
OPM
MgaSalik
Kultura
Wika
Figure 1. Pinapakita sa konseptwal na ito ang magiging proseso ng pag-aaral ng paksang ito. Ang pinapakita dito ay ang takbo ng pag-aaral ng pananaliksik mula sa pinaka-problema at kung ano ang ilang salik ng musikang K-pop at OPM hanggang sa epekto sa Pinoy ng pagkakaiba ng mga salik ng musikang K-POP sa OPM.
Batayang Teoretikal Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng teorya upang mabigyang suporta ang paksang tinutukoy sa pag-aaral. Ang “Intercultural Transformation” ang ginamit na teorya sa pananaliksik na ito dahil konektado ang pag-aaral ng paksa na ito sa tinutukoy na teoryang nakuha ng mananaliksik. Ipinakilala ni Young Yun Kim ang Intercultural Transformation. Ayon sa kanya, nag-aadjust ang mga tao sa pagbabago ng kultura kung saan lumalawak ang pananaw ng bawat isa, at natuto sila na magdiskubre ng panibagong kaalaman. Nagkakaroon ng malakihang pagbabago sa kanilang personalidad at nagkakaroon ng maraming pagpipilian.Ang mananaliksik ay ginamitang teoryang Intercultural Transformation dahil konektado ito sa paksa ng pag-aaral kung saan kaya tinatangkilik ng mga pinoy ang K-POP dahil lumalawak ang pananaw ng tao sa pagbabago ng kultura kaya nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga tao.
Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa persepsyon ng tao sa epekto ng pagtangkilik nila sa K-POP kaysa sa musikang sariling atin. Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay para sa musika lamang. May limitasyon din ang pag-aaral na ito na dapat isaalang-alang. Ang pagaaral na ito ay limitado lamang sa mga taong tumatangkilik sa K-POP at sa OPM.
Kahalagahan ng Pag-aaral Nilalayon ng pag-aaral na ito ang matukoy ang epekto ng pagtangkilik sa K-POP ng mga Pinoy at mahalaga ito at makakatulong sa mga sumusunod: Mga Tagahangang Pinoy ng K-POP- Makatutulong itong pag-aaral na ito upang magkaroon ng
kamalayan at malaman ng mga tagahangang Pinoy ng K-POP na masyado nang humihina ang pag-usbong ng musikang Pinoy. Mga Musikerong Pinoy- ito upang mahikayat na mas lalo pa nilang palaguin ang musikang
sariling atin nang sagayon ay maengganyo ang mga Pilipino namaganda pa ring pakingganang musikang Pinoy. Mga Guro- Makatutulong sa kanila ito upang maituro sa klase kung bakit mahalagang mas
tangkilikin ang musikang sariling atin kaysa sa mga musikang banyaga tulad ng K-POP. Mga Estudyante- Magkaroon sila ng kaalaman kung gaano nga ba kagandang pakinggan ang
mga musikang gawa ng sariling bansa natin kaysa sa mga musikang hindi naman naiintidihan tulad ng K-POP. Sa hinaharap na mga Mananaliksik – Magiging batayan nila ito upang mas mapaayos ang
pananaliksik ng may ganitong uri ng paksa.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
K-POP (Korean Pop Music) - ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo. (Wikipedia, 2017). OPM (Original Pilipino Music) - ay mga istilo at porma ng musika na bahagi na rin ng iba’t-
ibang kultura sa Pilipinas, gamit ang kanilang mga instrumento, wika, at pananaw. (The Marocharim Experiment, 2010).
KABANATA II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Layunin ng kabanata na ito ang ipakita ang mga mga datos na pwedeng sumuporta sa pananaliksik. Ito ay upang makatulong na maging pamilyar sa mga impormasyon na konektado at may pagkakapareho sa pag-aaral
KAUGNAY NA LITERATURA DAYUHANG LITERATURA Tunay ngang pandaigdigang penomena ang dala n g K-POP dahil sa nakaka-adik na mga tunog na gawa nila at sa mga magagandang sayaw na pinapakita nila sa mga tao, pati na din sa pagiging kaakiy-akit ng mga K-POP artist na nagbigay ng dahilan sa mga madla lalo na mga kababaihan na mahalin ata idolohin sila. (Aja Romano, 2018) Sa isang interbyu kasama ang CNN, nagpahayag ang isang senior manager galing sa isang Korean Broadcasting System na si Sung Tae Ho. Ipinaliwanag nito na dahil sa pagkakapareho ng kultura ng Pilipinas at ng Korea, ay walang gaanong hadlang o balakid upang kumalat ang kultura ng bawat bansa, kahit na magkakaiba ng lengguwahe at wika, nakakapagbahagi tayo ng iba’t ibang kaisipan sa bawat isa. (Hong Sophie, 2017) Sa pagtangkilik ng mga Pinoy sa musikang K-POP, may mga iilang kalakasan at kahinaang epekto ito sa mga tumatangkilik dito. Sa pagiging tagahanga ng K-POP lalo na sa mga Pinoy, mas nagiging palakaibigan ang mga ito dahil maraming pwedeng makilala na kapwa nito
na pareho ng pagkahumaling sa K-POP. Natutunan din nilang maging bukas ang isipan, dahil sa mga nalalaman nila sa K-POP, hindi lamang ang kanta at musika nito kung hindi pati na ang kulturang meron ang mga Koreano. Natututo din nilang makita an g mga talentong meron sila tulad ng pagsayaw at pagkanta na nailalabas nila sa pamamagitan ng musikang K-POP kahit na di naiintindihan. Nakatutulong din ito para sa kanila dahil natututunan nilang tumanggap at magpahalaga sa ibang musika, sayaw at pag-uugali ng ibang bansa. Ilan itong mga ito sa mga kalakasang nakatutulong sa mga Pinoy habang sila ay tumatangkilik sa K-POP. Hind rin nawawala ang masamang dulot ng K-POP sa mga tao. Sa pagiging isang tagahanga ng ganitong uri ng musika, hindi na napapansin ng ilan na nagkakaroon din ng masamang epekto sa kanila ang matinding pag-idolo sa mga hinahangaang mga K-POP groups. Ilan lamang dito ay ang paggastos ng maraming pera para lamang makabili ng mga bagay na gusto nila na may kinalaman sa mga iniidolo nila tulad ng mga albums, concert tickets, at mga iilang merchandise. Nag-iiba din ang mga ugali ng iilan sa mga tagahanga pagdating sa usapin tungkol sa mga iniidolo nitong mga K-POP groups, minsan ay hindi na nila alam na may sinasabi na silang masakit sa iba na nagdudulot ng away o gulo sa isang grupo at dito pumapasok ang pang”babash” ng tao dahil sa mga hindi nila nagugustuhan sa iniidolo ng ibang tao. Madalas din ay hindi na din nabibigyang pansin ang pag-aaral ng mga ito dahil sa madalas na pagbibigay oras sa K-POP at sa mga idolo nito. (Bernadeth Nobe, N.d)
LOKAL NA LITERATURA Sa patuloy na pag-usbong at pagpasok ng mga bagong musika sa bansa, parang isang bala ang K-POP na ipinatama sa mga Pinoy na kung saan naging dahilan kung bakit nila ito tinatangkilik nang husto ngayon. “Siguro naghihintay lamang tayo ng susunod na Eraserheads o Rivermaya.” Puna ni Deen sa isang artikulo tungkol sa K- pop at OPM, dagdag pa nya, “Siguro kailangan nating matutunan sa mga Koreano kung paano natin hahasain ang mga musikero pagdating sa kanilang talento, sigruo kailangan nating ibenta ang talento natin.” Naging parte na ng globalisasyon ang Hallyu Wave na tinatawag, o ang kulturang meron ang K-POP. Tuluyang nakapapasok na sa bansa ang iba’t ibang bago ngayon at mga Pinoy din namang itong palaging tumatanggap sa kanila. Sa katotohanan, ang bansa ay parating gutom sa pagkakakilanlan, ngunit kung hangarin ng bawat isa na magkaroon ng p agkakakilanlan at magkaroon ng malakas na dating sa iba, kailangan ng bansa na hanapin ang mga bagay kung saan magaling ang mga Pinoy at palaguin ito nang sa pagdating ng araw, hindi lang magiging tagahanga ang talentadong Pinoy kung hindi magiging instrumento din ito upang mahalin ng bawat isa ang mga bagay na meron tayo. (Analyn Perez. 2014) “Ang K -POP ay may sariling pagkakakilanlan kahit na may iilang impluwensya ang musika nito galing sa mga kanluranin.” Tinangkilik ito ng mga Pilipino dahil ang K -POP ay may dala-dala sa mga tao na hindi madaling kalimutang musika at mga sayaw. Tulad na lamang ng mga iniidolong grupo ng mga Pinoy ay ang Seo Taiji & The Boys, Sechs Kies, Turbo, S.E.S., Shinhwa, Fin.K.L. in the 90’s to Epik High, TVXQ, Super Junior, BigBang, Brown Eyed Grils, Wonder Girls, Girls Generation in the 2000s and Infinite, Sistar, ZE:A, EXO, AOA, at BTS. Hindi mapigilan ang pagmamahal ng mga Pinoy lalo na ang mga kababaihan sa pa ghanga sa mga iniidolo nitong mga koreanong grupo. (Kristine Joyce Belonio, 2017)
Sa sobrang pagmamahal ng mga Pinoy sa K-POP, halos lagi nilang pinakikinggan ang mga kanta at mga bidyos araw-araw na kanilang nakukuha sa pamamagitan ng mga kompyuter. Kahit na magkakaiba ng wika at kultura ang mga tao sa mundo, ang mga tagahanga ng K-POP sa bawat bansa ay tila hindi na napipigilang mahalin pa lalo an g kulturang Hallyu. Ayon sa manunulat ng artikulo, mayroon syang kapatid na may lahing instik, ngunit may dugong pinoy, kahit na ganoon ay mahal nito ang Korea at ang kulturang Hallyu, maging ang K-POP. Ayon pa dito, hindi ito gaano nagluluto ng mga lutong Pinoy, ngunit marunong sa pagkaing Korea. Nagpapakita ito na bukas lagi ang mga Pinoy pagdating sa mga kulturang banyaga, lalo sa kulturang Hallyu o kulturang Korea. (Kristine Joyce Belonio, 2017) Sa pagpasok ng makabago at modernong teknolohiya sa bansa, madalian na lamang para sa mga tao ang maghanap at tumuklas ng bagong kaalaman batay sa hilig nila. Isa nalang ang paggamit ng internet na kung saan madalian mo na lamang mahahanap ang musikang K-POP na gusto mo, sa isang pindot mo lamang ay marami ng lalabas na resulta base sa hinahanap mo (Jaddie Lorzano. N.d.) Mapamusika man o larawan ng iniidolong mga koreano ay madali na lamang malalaman dahil sa makabagong teknolohiya. (Jaddie Lorzano. N.d.)
KAUGNAY NA PAG-AARAL DAYUHANG PAG-AARAL “Korean Wave” o “Hallyu” na isang terminong tinatawag nila sa kultura ng K-POP na kung saan kalat na sa buong mundo. Sinasabing ang Korea ay ang “eksporter” ng Pop na kultura sa pamamagitan ng aliw na naging isang kalaban ng Amerika at ang bansang Europa ayon ito sa isang pag-aaral ng isang estudyante ng Universitas Islam Negri na si Ilvi Nur Diana ng Indonesia. Ayon din sa kanya, malakas ang impluwensya n g K-POP pagdating din sa buhay sosyal sa bansang Indonesia, mula sa mga palabas, pananamit at kanta ay talamak dahil sa lakas ng impluwensya nitong K-POP sa mga tao. (Ilvi Nur Diana, 2016) Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababago at nagiging moderno na ang mundo. Malaki ang nagagampanan ng “internet” sa pamumuhay ng mga tao sa araw-araw. Isa na dito ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman na gusto malaman ayon sa sa kinahihiligan ng isang tao. Sa simpleng pindot lamang sa kompyuter ay lalabas na ang libo- libong mga resulta ng hinahanap. Sa K-POP, sa isang pag-aaral ni Grace Zhenlan Teo, karamihan sa mga tagahan ga ng K-POP ay puro kababaihan na kung saan madalas nagugugol ang oras nila sa internet tungkol sa K-POP. Ginawa na mas madali at mas maraming nilalaman ang K-POP sa internet sa buong mundo. At dahil mas malawak na ang nilalaman nito, malaking oras na ang makokonsumo at gugugulin ng mga kababaihang mga tagahanga sa nilalaman ng K-POP sa internet. (Grace Zhenlan Teo, 2012) “Ang musika ang pangkalahatang wika ng katauhan; ang musika ay maaring makipag-usap rin, kung hindi kaya, magagawa ng wika“. Isang kataga ni Henry Wadsworth Longfellow sa pag-aaral ni Taylor Powell na isang mahalagang aral na pwedeng ituro ng K-POP
sa katauhan. Nasasabing ang K-POP ay isang kakaibang porma ng libangan o aliw sa mga tao. (Taylor Powell, 2015)
LOKAL NA PAG-AARAL Sa pagiging popular ng K-POP, nagkalat na ang mga tagahangang mga Pinoy ng K-POP na kung saan naimpluwensyahan na ang karamihan sa pa gsusuot ng mga usong at trending na pananamit, maging sa mga kolorete sa mukha at buhok. Kadalasan ng ginagaya ng mga tagahanga ang mga iniidolo nilang mga K-POP artist pati na sa mga pagkilos at kung paano ito kumanta o sumayaw. Walang dudang kalat na ang K-POP sa Pilipinas maging kultura nito ay kalat na din. Sa isang interbyu ng pag-aaral na ito ni Kharimah Dimatanday, ayon sa respondente nyang isang tagahanga ng K-POP, gusto nya ng musikang ito dahil naiiugnay nya ito sa musikang kanluran, “malakas ang dating ng mga miyembro ng grupo ng K -POP tulad ng mga nasa kanluranin, ngunit para sa kanya mas kalmang makinig ng mga musikang K-POP. (Kharimah Dimatanday, 2013) Sa isang konklusyon ng pag-aaral ni Sarah Kristine Alanzalon, lumabas na ang mga kabataang Pinoy ay talaga namang mga aktibong tagahanga ng K-POP sa nakitang resulta na laging panunuod at pakikinig ng mga music videos patungkol sa K-POP. Ginugugol din nila ang kanilang oras hindi laman sa pakikinig ng K-POP kung hindi pati sa kanilang mga talento sa paggawa din ng mga sayaw batay sa K-POP. Batay sa mga respondente at sa resulta ng pag-aaral ni Sarah, hindi hadlang sa kanila ang lengguwahe nito upang mahiligan ang K-POP, sa katotohanan nito, halos lahat sa kanila ay aral na ang lengguwahe ng korea nang sa gayon ay maintindihan nila ang musikang K-POP. (Sarah Kristine Alanzalon, 2011)
Ang Pilipinas ay laging bukas na yakapin ang iba’t ibang musika maging mga musikang banyaga, ngunit ang K-POP ay hindi tulad ng mga Ingles na mga kanta. Sa panahon ngayon, hindi na tinatangkilik ng mga kabataang pinoy ang mga musikang sariling atin. Sa halip na mga OPM albums ang bilin, mas gusto nilang bumili ng mga K-POP albums na nagkalat na sa bansa. Sa ngayon, ang mga OPM albums ay parang siso na kung saan minsan nasa itaas, at kung minsan nasa ibaba. Ayon kay Basijan sa pananaliksik ni Cheska Jane G. Arriola, makakatulong ang gobyerno sa pagliligtas sa OPM sa pagpapatupad ng ilang batas na hikayatin ang mga Pilipino na tangkilikin ang musikang sariling atin at huwag sumuporta sa dayuhang musika o Piracy. Nawawala na din ang pagiging orihinal ng musikang atin ng dahil sa impluwensya ng iilang mga genre. Kung ito ay papansinin, may mga iilang kanta na ginawa o kinanta lamang uli sa ibang besyon o ang tinatawag na “revival.” (Cheska Jane G. Arriola, 2013)
SINTESIS Sa pagkalap ng mga lokal at ban yagang mga literatura at mga pag-aaral, nagkaroon ng pagkakataon upang masuportahan ang pag-aaral ng mananaliksik. Ang bawat literatura na nailagay sa kabanatang ito ay nagpatungkol sa kung ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-POP at kung anong mga epekto nito sa musikang sariling atin at sa dalawang salik, ang wika at kultura. At dahil ditto, nagsilbing suporta ito at ibig sabihin ay konektado ito tungol sa pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik.
KABANATA III Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga parte kung saan malalaman ang mga gamit sa pagkuha ng mga datos at respondente kasama dito ang Disenyo ng Pananaliksik, Pagpili ng kalahok. Instrumento ng Pananaliksik, at ang Tritment ng Datos.
METODOLOHIYA
DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptib na pananaliksik na pamamaraan upang ipakita at masuri ang epekto ng pagtangkilik ng Pinoy K-POP kaysa OPM sa dalawang salik, kultura at wika.
PAGPILI NG KALAHOK Ang mananaliksik ay gumamit ng stratified Sampling technique na kung saan hahatiin ang isang populasyon upang makahanap ng tamang respondente para sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay kukuha ng 10 respondente at hahatiin ang populasyong ito sa tiglima na kung saan ang unang lima ay ang mga tumatangkilik na lubos sa K-POP at ang isa pang lima ay ang mga mahilig sa musikang sariling atin o OPM.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng sarbey kwestyuner na naglalayong makapaglakap ng mga impormasyon sa mga Pinoy na mahilig sa K-POP, upang malaman kung ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa KPOP kaysa sa OPM. Ang sarbey kwestyuner ay ang magsisilbing instrumento upang makapagkalap o makakuha ng at maipakita ang datos na kinakailangan upang malaman ang mga kinakailangan ng pag-aaral para matapos ang pananaliksik.
TRITMENT NG DATOS Kukunin ng mananaliksik ang mga porsyento ng mga sagot galing sa mga napiling respondente upang maging basehan at matukoy ang mga sagot. Ang pagpapakita ng mga datos na nakalap ay makakatulong upang mapadali ang pag tukoy ng sagot ukol sa pag aaral na ito.
TALASANGGUNIAN KAUGNAY NA LITERATURA
DAYUHANG LITERATURA
Hong, S. (2017). Why are we so obsessed with Korean Pop Culture? Kinuha noong Ika-20 ng Marso 2018 sa http://www.cleo.com.sg/entertain-me/obsessed-korean-pop-culture/
Nobe, B. (N.d). How Influential K-Pop is to Filipino Teenagers? Kinuha noong Ika-20 ng Marso 2018 sa https://create.piktochart.com/output/24562548-kpop-influence
Romano, A. (2018). How K-POP become a global phen omenon? Kinuha noong Ika-20 ng Marso 2018 sa https://www.vox.com/culture/2018/2/16/16915672/what-is-kpop-historyexplained
LOKAL NA LITERATURA
Belonio, K. (2017). Saranghae, Korea! Bakit marami ang Pilipinong nahuhumaling sa Musikang K-POP, K-Dramas at Kulturang Hallyu. Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa https://philippineone.com/saranghae-korea-bakit-maraming-pilipino-ang-nahuhumalingsa-musikang-k-pop-k-dramas-at-kulturang-hallyu/
Perez, A. (2014). K-POP Fans and Stans: A deeper look into the Pinoy Hallyu fandom. Kinuha
noong
Ika-09
ng
Marso
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/367076/kpop-fans-and-stans-adeeper-look-into-the-pinoy-hallyu-fandom/story/
sa
Lorzano, J. (2015). Epektong dulot ng K-POP sa Personalidad ng mga piling mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kinuha noong Ika-22 ng Marso 2018 sa https://www.academia.edu/10696504/Filipino-thesis
KAUGNAY NA PAG-AARAL
DAYUHANG PAG-AARAL
Diana, I.N. (2016). The Influnce of K-POP Culture on Students’ Lifestyle and Political Knowledge at Social Science Education Department (icp) of Fitk of Maulana Malik Ibrahim State Islamic University Malang. Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa http://etheses.uin-malang.ac.id/3621/1/12130109.pdf
Teo, G.Z. (2012). The Effects of K-POP on Singaporean fans’ Perception of Korea as Potential
Tourist
Destination.
Kinuha
noong
Ika-09
ng
Marso
sa
https://repository.ntu.edu.sg/handle/10356/49915
Powell, T. (2015). K-POP: The Definition of a Global Phenomenon and its Implication for South
Korea.
Kinuha
noong
Ika-
28
https://kpopgoneglobal.weebly.com/research-paper.html
ng
Pebrero
2018
sa
LOKAL NA PAG-AARAL
Arriola, C.J. (2013). Korean Pop invasion in the Philippines: a Threat to OPM? Kinuha
noong
Ika-09
ng
Marso
2018
sa
https://www.academia.edu/6416381/Korean_Pop_invasion_in_the_Philippines_a _Threat_to_OPM
Alanzalon, S.K. (2011). K-POPPED! : Understanding the Filipino Teens’ Consumption of Korean Popular Music and Videos. Kinuha noong Ika- 28 ng Pebrero sa http://iskwiki.upd.edu.ph/images/d/d5/Alanzalon,_Sarah_Kristine_Masiglat_0411_Kpopped!.pdf
Dimadantay, K. (2013). Review of Related Literature. Kinuha noong Ika- 09 ng Marso 2018 sa http://dimatanday.blogspot.com/