KABANATA II METODOLOHIYA
I. APPROACH
Ang bahaging ito ay ang mga paraan na gagamitin ng mga risertsers sa pananaliksik upang makatanggap at makakuha ng sapat na datos at impormasyon sa paksa upang makatulong sa mga pag-aaral tungkol sa paksa na isinagawa ng mga risertsers.
Maraming pamamaraan ang maaring gamitin upang matukoy ang saloobin at pananaw ng mga kapanayam. Ito ay maaring gumamit ng botohan, sarbey, pagpapanayam, obserbasyon, eksperimento, pagsubok at iba pa. Ang mga manggagalugad manggagalugad o mananaliksik mananaliksik ay gagamit sa paraang pagbibigay ng sarbay sa mga sakop na tao na mga simpleng magaaral at atleta ng CFAD sa taong 20102011. Sa pag gamit ng sarbey ay mas mapapadali ang pagsasalksik pagsasalksik sa naturing paksa, ang paggamit nito ay pormal na paglapit sa mga pagbibigyan.
Gagamitin ng mga risertsers ang naiturong paraan na Quantitive Descriptive Analysis. Ang Quantitive Descriptive Analysis ay ang paraan na naglalarawan naglalarawan ng dami na pagtatasa (QDA) ay batay sa mga prinsipyo ng kakayahan ng isang panelista para ma-verbalize ang mga pagdama o pagpuna ng isang produkto sa isang maasahang maasahang paraan. Ang pamamaraan pamamaraan ay para magsama ang isang pormal na pagtatabing at pageensayo na maparaan, pagunlad at paggamit ng pandama ng isang wika, at ang scoring ng mga produkto sa paulit-ulit na mga pagsubok upang makakuha ng isang kumpletong paglalarawan.
Sa paggamit ng ganitong paraan, mapapabilis ang pananaliksik ng mga risertsers para makakuha ng sapat na impormasyon at datos para sa paksa.
II.PAMAMARAAN: Pagsarbey at Panayam
Ang mga sumusunod ay ang magiging proseso ng mga risertsers sa kanilang pakikipanayam at pagsasarbey upang makakalap ng sapat na datos at impormasyon na makakasagot sa kanilang paksa.
A. Pagsarbey
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey sa mga sangkot sa paksang suliranin sa pagkakahati ng oras sa pageensayo at paggawa ng plates ng mga CFAD varsity students sa UST sa taong 2010. Ang mga kategori na kailangan upang makabilang sa sarbey ay ang mga sumusunod:
1.
Kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa taong 2010-2011.
2.
Naka enroll sa kursong Advertising Arts, Industrial Design, Interior Design at Painting sa Kolehiyo ng Pinong Sining at Disenyo(1 st year-4th year) sa taong 2010-2011.
3. Kabilang sa koponan ng isang isport ng Kolehiyo ng Pinong Sining at Disenyo sa taong 2010-2011. 4. Mga atletang-estudyante na lalaki at babae. 5. Ang isport na nilalaro ay ang Basketball, Volleyball at Football.
Kakausapin din ng mga risertser ang isang coach lamang ng kahit anong isport na nasabi upang malaman ang kanilang saloobin tungkol sa kanyang mga atletangestudyante.
B. Bilang ng mga kapapanayamin
Pipili lamang ng tig- limang atletang babae at lalaki sa bawat isport (Basketball, Volleyball at Football) na nakaenroll sa Kolehiyo ng Pinong Sining at Disenyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang magiging
kabuuan na bilang na
pagsasarbeyan ay 30 o tatlongpung atletang-estudyante sa lahat ng isport na nasabi. C. Lugar ng pagsasarbey
Ang buong pananaliksik ay magtutuon lamang sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Espana, Manila sa gusali ng Beato Angelico na makikita sa pagitan ng Espana at Padre Noval St. Ang gusali na ito ay kung saan namamalagi ang mga estudyante ng Pinong Sining at Disenyo (na aming kapapanayamin) pati na rin ang mga nag-aaral ng Arkitektura. *ang naiibang kulay ay ang paggaganapan ng pagsasarbey ng mga mananaliksik.
D. Sarbey
Sa bahaging ito makikita ang magiging kalabasan ng aktwal na sarbey ng mga mananaliksik na ibibigay at ipapasagot sa mga napiling tao na kasapi sa athletic team.
SAMPLE SURVEY
University of Santo Tomas 2011-2012 CFAD – 1AD3
Pangalan:
Petsa:
Taon at Pangkat:
Edad:
Kurso:
Kasarian:
I.
Impormasyon tungkol sa pagiging Varsity Player Panuto: Punan ng tsek ang parisukat (
) sa mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang iyong isport? Volleyball
Basketball
Football
2. Ano ang dahilan kung bakit ka sumali sa iyong pagiging isang varsity? Peer Pressure Hilig o Talento Trip Trip lang Naimpluwensya ng Magulang Iba pa: (tiyakin)
3. Ilang taong kana naglalaro para sa iyong kolehiyo 1
2
3
4
5
4. Ilang beses sa isang linggo ang inyong pageensayo? 1
II.
2
3
4
5
6
5. Sino ang nagbibigay insperasyon sa iyo? Pamilya Kaibigan Iba pa: (tiyakin) 6. Sumasang-ayon ba ang iyong mga magulang sa iyong pagiging atleta? Oo
Hindi
7. Kung hindi bakit?
8. Ipagpapatuloy mo ba ang pagiging atleta sa iyong kolehiyo sa susunod na taon?
Oo
Hindi
9. Kung hindi bakit?
III.
Pagsang-ayon ng mga atletang mag-aaral sa mga sumusunod na pahayag. Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang na nagpapakita ng iyong pagsang-ayon sa mga pahayag. 1 - higit na pagsang-ayon 2 - sumasang-ayon 3 - di sumasang-ayon
Tanong
1
2
3
1. Nakakaapekto ba ang pagiging varsity player sa iyong pag-aaral?
2. Nahihirapan kabang magbalanse sa pageensayo at oras sa pamilya?
3. Masaya kaba sa iyong pagiging atleta?
4. Mahalaga ba ang pagiging atleta sa iyong buhay?
5. Sa iyong palagay malaki ba ang maitutulong sa iyo nito?
III. Kwento
Sa bahaging ito malalaman ng mga mambabasa ang mga proseso o paraan at naging karanasan ng mga mananaliksik sa pagkuha ng sapat na datos, impormasyon at ebiensya na tutulong sa kanilang pananaliksik sa mga atetang-estudyante.
A. Paggawa ng sarbey Ang nasabing riserts ay naglalaman ng mga impormasyon at datos kung papaano nababalanse ng mga estudyanteng atleta sa Pinong Sining at Disen yo ang kanilang oras sa pag-aaral, paggawa ng plates, pagkakaroon ng oras sa pamilya at kaibigan at sa kanilang pageensayo.
Sa paggawa ng sarbey, ang mga risertser ay nag isip ng mga katanungan na konektado sa paksa na sinisiguradong may makakalap na laman at impormasyon. Ang mga katanungan ay umiikot lamang sa nasabing paksa na hindi makakasakit at hindi makakapagpababa ng loob sa mga nakapanayam. Hindi makikialam ang mga risertsers sa kanilang pribado at personal na buhay. Ang mga magsasagawa ng sarbey ay may kalayaan sa pagsagot ng sarbey ng mga mananaliksik. Ang nasabing sarbey ay naglalaman ng mga panuto na madaling maintindihan ng mga respondents.
B. Paghahanap ng respondents Ang mga risertsers ay mayroong mga kaibigan na may konekta sa iilang mga atleta, kaya nama’y makikipag usap ang mga risertsers sa kanilang mga kaibigan na tulungan sila upang makahingi ng sapat na impormasyon at datos sa nasabing paksa. Upang makahingi ng tulong at mapabilis ang pagsasarbey na makausap ang mga atleta.
Kahalagahan ng Riserts
Ang bahaging ito ay naglalahad ng kahalagan at importansya ng pananaliksik at kung sinu-sino ang maaaring makinabang nito na Suliranin sa Pagkakahati ng Oras sa Pageensayo at Paggawa ng Plates ng mga CFAD Varsity Students sa UST sa Taong 2010.
Kahalagahan sa Mambabasa:
Ang pagsusuring ito ay para sa lahat ng taong gustong makalahok at maihayag ang kanilang talento sa isports. Ang pag-aaral sa temang “Pagkakahati ng Oras ng bawat estudyante sa pageensayo at sa paggawa ng plates ng mga CFAD students sa UST sa taong 2010-2011”. Ito ay makakatulong sa mga mambabasa lalong lalo na sa mga estudyante para malaman nila ang mga impormasyon tungkol sa paksa at magbigay ng interes sa susunod na henerasyon. Upang ang mga mambabasa ay magkaroon ng ideya kung papaano nila maihahati ang oras sa pag-aaral at sa ekstrakurikular na aktibidad tulad na lamang ng pagkakahilig sa isports.
Kahalagahan sa UST CFAD na estudyante at manlalaro:
Ang pananaliksik ay para sa mga estudyante ng College of Fine Arts and Design University of Santo Tomas na gusto maging varsity at interesadong malaman at mabasa ang pananaliksik tungkol sa mga atletang magaling din pagdating sa pag-aaral. Ito ay para sa mga magulang ng kanilang mga anak na may kakayahan sa kanikanilang isport para malaman ang mga dahilan, epekto at mga sakripisyo ng kanilang mga anak sa kanilang oras.
Ang kahalagahan ng pananaliksik ay para malaman ang mga suliranin at epekto ng pagiging isang atleta ng UST CFAD student, kung paano nila paghati-hatiin ang kanilang oras sa kanilang pagaaral at pamilya. Upang malaman ang mga sakripisyo na nagawa
nito at pagtuunang pansin ang kalusugan ng isang atletang estudyante. Sapagkat ang pagiging parte nito ay mahirap lalo na sa pagsasabay-sabay ng kanilang oras kadamay narin nito ang kanilang buhay o pangaraw-araw na gawain. Ito ay mahalaga para ating matanaw at mabigyang solusyon ang mga problema na kanilang pinagdaraananan at mabigyang halaga ang kanilang pamumuhay.
Upang mapagtuonan ng pansin ang kanilang mga kaalaman at karanasan sa kanilang pagiging isang mahusay na atleta, kung ito ba ay masaya o kaya’y mahirap bilang isang istudyante. Upang malaman ng mga estudyante kung gaano kahirap ang pagiging varsity at kung paano sila mabuhay. Upang magkaroon ng ideya at mabigyan ng mga payo kung saan paano maipagsasabay -sabay at maihahati ang kanilang oras sa kanilang prayoridad at kung papaano makasurbayb sa kolehiyo na walang pagaalinlangan. Malaman at maintindihan ng mga magulang ang kanilang mga anak kung bakit sila sumali sa kanilang nananais na isport. Para mabigyang at matuonan ng pansin ang mga problema at suliranin na sa tingin nila ay makaskasagabal sa kanilang pagkatao. At mabigyan ng halaga ang mga paghihirap na ginawa at sinakripisyo para manalo at kanilang binigay na kontribusyon na pagiging isang malakas na representatib ng kanilang unibersidad.
Kahalagahan sa magulang:
Ang bawat estudyanteng manlalaro ay may mga magulang na kailangang sumoporta sa kanilang gustong tahakin. Ito ay para magbigay linaw sa mga magulang kung bakit napili ng kanilang mga anak ang pagiging abala sa pagsasanay sa isports at hindi na nakakapag-ayos sa pag-aaral dahil sa kanilang pagsasanay. Ito ay para rin sa mga may balak na sumali sa pagiging varsity, upang maintindihan din ng kanilang magulang ang gustong tahakin ng kanilang anak at ang mga maaaring mangyari kapag ito ay ipinagpatuloy nila.
Sakop at Delimitasyon Ng Pag-aaral:
Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng konsepto at dahilan ng pag-aaral at kung saan lamang masasakop ang aming pananaliksik na Suliranin sa Pagkakahati ng Oras sa Pageensayo at Paggawa ng Plates ng mga CFAD Varsity Students sa UST sa Taong 2010.
TIYAK:
Ang tanging masasaklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga atletang mag-aaral ng College of Fine Arts and Design sa UST ng taong 2010 (dalawampu’t-libong sampu) hanggang 2011 (dalawapu’t-libo labing-isa) na humaharap sa mga mas komplikadong problema gaya ng sa ‘time management’ . Ito ay sumasakop sa mga estudyante mula sa unang taon hanggang sa ika-apat na taon sa kolehiyo. Sa Beato Angelico building sa Unibersidad ng Santo Tomas, España Manila. Ang mga korespandents na makakaapekto sa suliranin na aming susuriin ay ang mga varsity players ng basketball boys at girls pati narin sa volleyball boys at girls at sa football boys at girls sa nasabing kolehiyo.
LIMITASYON:
Ang pananaliksik na ito ay hindi masasakop ang ibang mga estudyante mula sa iba't-bang departamento o eskwelahan na bagama’t mga atleta ay hindi pa rin maisasama dahil ito ay masasakop lamang ang mga estudyanteng atleta ng College of Fine arts ang Design ng University of Santo Tomas.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-pansin sa mga kahalagahan at importansya ng pag-aaral, edukasyon sa mga estudyante pati na rin ang iba’t-ibang taong nakaksalamuha ng ating mga atleta, lalung-lalo na sa Unibersidad ng Santo Tomas at sa kanilang pamamahay.
Kaugnay Na Pag-aaral / Literatura: Ang bahaging ito ay naglalahad ng kaugnay na pag-aaral, riserts at literature sa Suliranin sa Pagkakahati ng Oras sa Pageensayo at Paggawa ng Plates ng mga CFAD Varsity Students sa UST sa Taong 2010.
Kasaysayan ng Sports: Sa kasaysayan ng isports marahil nagpalawak ng malayo sa ating pagiisip na ang pagkakaroon ng mga tao ay bilang makusa, masaya, at aktibong nilalang. Ang isport ay isang kapaki-pakinabang na paraan para sa mga tao upang dagdagan ang kanilang mga nanaig sa kalikasan at sa kapaligiran. Ang kasaysayan ng isport ay maaaring magturo sa mga tao lalong-lalo na ang mga kabataan ng isang mahusay na pakikitungo tungkol sa panlipunan at mga pagbabago tungkol sa kalikasan ng isport mismo. Ito ay anyong isasangkot ang mga pangunahing karapatang kasanayan na binuo at karunungan para sa kanilang sariling kapakanan, kahanay sa kanilang karunungan para sa kanilang pagiging kapaki-pakinabang. Adbentahe at Disadbentahe ng pagiging kasapi sa varsity team: May mga mag-aaral na atleta na nakamit na ang tamang pagbabalanse gaya ni Gretchen Ho ng Ateneo de Manila University na nakapanayam sa ‘ What StudentAthletes Should be’ na isinulay ni Francis Santiago at inilathala ng Manila Bulletin
noong Septyembre 14, 2010 kung saan sinasalamin niya ang tamang pagbabalanse. Dahil sa tamang pagsunod sa ginawa niyang ‘schedule’ nakayanan niya pang dagdagan ang kanyang mga gawain gaya ng pag-eensaya sa pag-gigitara at pagkanta kapag may libreng oras, at tuwing Sabado’t Linggo, ay dumadalaw siya sa Payatas upang mag-abot tulong sa mga nangangailangan. Si Arne Duncan na U.S. Secretary of Education ay dati ring atleta noong siya ay mag-aaral pa lamang at nang nakapanayam siya sa The NCAA News na isinulat ni Leilana McKindra, nabanggit niya na nagiging balanse ang kaniyang karanasan at nagkaroon ng mabuting buhay dahil rito. May nailimbag rin na libro gaya ng The Quality of Effort: Integrity in Sport and Life for Student - Athletes, Parents, and Coaches ni Reggie Marra.Mahirap raw talaga pagsabayin ang pag-aaral at dahil sa pagiging atleta
niya, hindi maiiwasan na isipin ng ibang tao na mahina siya pagdating sa akademiko, ngunit pinapatunayan naman niya na mali ang ibang tao. Ini-ayos niya ang kaniyang oras, at ginagawa ang tamang gawain sa tamang oras. Ang iba pang naihayag na artikulo na kaugnay ang mga atletang mag-aaral ay ang mga sumusunod:
May iilan naman na tumatalakay sa mga kakulangan sa benepisyo ng mga atleta halimbawa ay ang inilimbag ng The Varsitarian Vol. LXXX, No. 2 ng UST na ipinahayag noong Hulyo 31, 2008, isinulat ni Aura Marie P. Dangcutan ang artikulo ng inilalathala ang paglipat ng dormitory ng mga atleta. Ang artikulong ito ay may kaugnayan sa pangangailangan ng isang estudyanteng atleta. Pansamantalang inilipat ang mga atleta ng University of Santo Tomas sa GMG Active Dormitory Inc para sa paghahanda habang nagkakaroon ng kaunting pagbabago sa Isabela Building. Hindi nga lang talaga sila sigurado kung ito ba talaga ay panandalian o permanente na talaga sapagkat ayaw magbigay ng pahayag ng mga nakatataas.
Ayon sa The Sports Digest naman na ibinahagi ni Stephanie Sturgill noong taong 2002, nagkakaroon ng debate sa pagkakaroon ng sweldo ang mga atleta upang sila ay lalong ganahan sa paglalaro, ngunit may ilan na hindi sumasang-ayon dahil sinasabi na sila ay mga amateur pa lamang at sa puntong babayaran na sila ay pwede na silang matawag na propesyonal. Bukod sa iligal daw ito ay sapat na rin ang pagiging iskolar nila at ang mga iba pang ilan benepisyo na naibibigay sakanila gaya ng pagkakaroon ng tutor at pagpapahalaga sakanilang mga oras. Ngunit sinasabi naman na sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga atleta ay ganahan sila na mas tumagal pa sa eskwelahan at huwag agad umalis para maging isang propesyonal. Kailangan rin daw bigyan sila ng pera dahil sa mga naibibigay nilang parangalan sa paaralan. Maging si Melissa Somadelis ay nagbigay opinyon sa pagbibigay sweldo sa mga atleta at binigyang pamagat na , ‘The Value of a Student-Athlete
Education’.
Counseling
College
Student-Athletes:
Issues
and
Interventions ni Edward F. Etzel at A.P. Ferrante ay tumatalakay rin sa mga kakulangan at personal na buhay ng mga atleta.
Mayroong patakaran na
nagsasaad na sa Argumentative Essay # 58882 Ang mga estudyanteng atleta ay
nagpapaliwanag naman na dapat ay maabot nila ang nakatakdang marka bago sila makapaglaro.
Ayon sa Sekretarya ng Edukasyon na si Duncan Urges ang Student-Athlete Balance na isinulat ni Leilana McKindra ng The NCAA News na ipinahayag noong Enero 12, 2010. Ito ay isang interview kay U.S. Secretary of Education Arne Duncan na dati ay isa ring estudyanteng atleta. Sinasabi niya sa interview na ito na dapat ay matutunan ng mga katulad niya ang tamang balanse sa pag-aaral at sa palakasan. Sinasabi rin niya na malaki ang naitulong at apekto sa buhay niya simula ng siya ay naging isang estudyanteng atleta, marami ang natutunan. Nabanggit rin ang epekto sa ekonomiya sa mataas na edukasyon. Labis rin siyang nagpapasalamat na nagkaroon siya ng mabubuti’t magagaling na mentor, coach at guro. Isinulat ni Xenia Stewart noong taong 2009 sa New York Times na sikat na magasin sa Amerika. Si Xenia ay naglalaro bilang guard ng Pittsburgh women’s basketball team, sinasabi niya na may ilang tao na nag-aakala na masarap ang buhay ng isang atletang gaya niya, at nakukuha ang kaniyang mga gusto. Ngunit sa kaniyang isinulat sinasabi niya kung gaano kahirap at gusting maging normal na mag-aaral lamang ang ibang mga atletang gaya niya. May mga bagay daw silang mas pinahahalagahan, kung ang ibang normal na estudyante raw ay kayang hindi pasukan ang mga maaagang klase, sila naman daw ay kailangan gumising ng mas maaga at hindi basta-basta pwedeng tamarin at hindi puntahan ang kanilang ensayo, dahil meron silang kailangan panindigan, sa kanilang coach, mga guro, magulang at sakanilang mga sarili. Hindi rin daw nila nararanasan na mas makasama ang kanilang mga kaibigan at magsaya dahil meron silang mahigpit na oras. Ang ibang mga mag-aaral daw ay hindi naiisip kung gaano sila kalaya gawin ang mga gusto nilang gawin, hindi gaya nila na nakatali lamang sa mga paulit-ulit na gawain araw-araw. Sinasabi niya na silang mga estudyanteng atleta ay naghahangad rin na maging isang normal na mag-aaral lamang. Pero kahit na pinili at mas minahal nila ang ganung pamamaraan ng buhay mag-aaral, ay ipinapaintindi niya na hindi ganun kadali at hindi rin naman ganun ka-komplikado ang kanilang istilo ng pamumuhay.
Mayroong nailimbag na libro si Edward Etzel at Ferrante na may titulong Issues and Interventions na nagpapayo sa mga kolehiyong estudyanteng atleta. Ang paglalarawan ng librong ito ay patungkol sa mga pagtaas ng mga alalahanin tungkol sa personal na pamumuhay, akademiko, panlipunan at kagalingan ng mga college student-athletes. Ito ay
ang
unang aklat-aralin upang
suriin ang
mga pag-unlad na
karanasan ng
mga grupong ito ng mga mag-aaral. Ang mga editor ay may binuo ng isang grupo ng mga kontribyutor na ay kinikilalang eksperto sa pagkakaloob ng pagpapayo tulong para sa
mga mag-aaral
atleta.
Magkasama, sila ay
may ginawang isang
produkto
na mahusay, nababasa sa paggamot ng ilang mga nakakabighaning mga isyu at mga paraan upang tulungan
ang mga mag-aaral
sa mga
atleta. Mataas
na inirerekomenda para
kurso at sa
mga
interesadosa pagpapayo,sikolohiya, inilapat sports sikolohiya, Athletic pagsasanay, spor tsgamot, at Athletic administrasyon. Binago at
na
bagong chapters sa mga
update, ang ikalawang edisyonnagtatanghal isyu
sa pagkakaiba, babaeng
mag-aaral
ng mga at
atleta,
transitions, buhay kasanayan,pati na rin ang mga karaniwang clinical na konsern.
Pagkakaugnay ng literatura sa paksa: Ang pananaliksik ay para sa mga atletang magaaral na nagsisikap para mapabuti ang kanilang pag-aaral pati na rin ang pag rerepresenta sa kanilang kolehiyo. Mayroong malaking kaugnayan ang mga nakalap na literatura sa nasabing paksa para magbigay inspirasyon at magbigay kaalaman ng iba’t ibang tao sa lahat ng mambabasa.
Buod ng kabanata Ang kabuuan ng kabanatang ito ay naglalaman ng iba’t ibang pagsusuri ng kalagayan ng bawat atletang mag-aaral lalong lalo na sa mga estudyante ng CFAD sa UST na bisi sa kanilang gawain tulad na lang ng sa plates na major na sabdyek sa bawat CFAD na estudyante na kailangang ipasa sa takdang oras. Makikita sa kabanatang ito ang iba’t ibang termino na ginagamit at kaugnay sa nasabing paksa. Mababasa din dito ang mga layunin at suliranin ng mga estudyanteng atleta at iba’t ibang kahalagahan ng mga naisulat sa mga taong konektado nito. Ang mga kaugnay na riserts at literatura ay
makakatulong sa mga CFAD na atleta para magbigay ng inspirasyon sa kanila at sa mga kabataan na gusto rin tahakin ang ikinakamit nilang pangarap.