Kabanata 2 – Sa Ilalim sa Kubyerta Sa kabanata 1 ay nakita ang itsura ng kubyerta at pinakilala ang iba’t ibang tauhan na sumasalamin sa iba’t ibang uri ng mga namamahala sa ating gobyerno. Pinakita din sa kabanata 1 na ang Bapor Tabo ay may dalawang bahagi, ang nasa itaas at ang nasa ibaba. Sa Ilalim ng Bapor Tabo gaya ng ibabaw ng kubyerta ay makikita din ang iba’t ibang uri ng mga taong nasasakupan ng mga taong nasa itaas at sa lipunan nating ginagalawan. Tampok dito ang tinawag na “Kardinal Moreno” (Kataas-taasang demonyo) demonyo) na si Simoun at ang dalawang mag-aaral. Dahilan ng pamagat: Ito ang ginamit ni Rizal upang ipakita sa kanyang mambabasa ang kalagayan ng mga tao sa ibaba (mga mahihirap, nagtitiis, may sakit, puno ng problema sa buhay, at mga Pilipinong nagnanais na makaranas ng kaginhawaan sa buhay subalit sila ay nakakulong sa masalimuot na pamumuhay gaya ng kalagayan ng mga tao sa ilalim ng kubyerta. Mainit, siksikan, ingay, nagkahalong mga masangsang na amoy ng mga tao, at iba’t ibang gawain gaya ga ya ng pagsusugal, pagkukwentuhan, pagkukwentuh an, tawanan, atbp. Ito ang buhay ng mga Pilipino na kanilang binabaka sa pang-araw-araw. Pangunahing problema sa kabanata: Nagkaroon ng mainit na usapin sa pagitan ni Simoun S imoun at ng dalawang mag-aaral na nag-umpisa sa panghahamak ni Simoun sa lalawigang pinanggalingan ni Basilio at ang pag-alok niya sa pag-inom ng alak na siya namang pagtanggi ni Isagani I sagani na siyang naging tampok ng pagpapalitan ng mga salita ng dalawa. Tauhan: 1. Simoun – Bumaba sa ilalim ng kubyerta upang maibsan ang tensyon naganap sa ibabaw ng kubyerta. Nakita ang dalawang mag-aaral at nag-usap ukol sa bayan ng San
Diego.
2. Kapitan Basilio – may edad na, nagtanong tungkol sa kaibigang si Kap. Tiago kay Basilio. Nagkaroon ng negatibong pananaw ukol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila (AWK) na isinusulong ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya malabo itong
matuloy.
3. Isagani – Tahimik, malungkutin, isang makatang kakatapos lang sa Ateneo. 4. Basilio – Makisig, matangkad, estudyante ng medisina at mahusay gumamot.
5. Padre Florentino – Isang paring Filipino, anak-mayaman, kahit kailan hindi niya ambisyon maging pari, ito lamang ay bunga ng pamimilit ng kanyang ina. Simbolismo: *Ang pagiging negatibo ni Kap. Basilio ukol sa Akademya – Ipinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunang tinutuligsa ni Rizal sa ating mga namamahala sa gobyerno ay ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga patakarang may kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan. Ayaw makialam sa mga issue na direktang nagbibigay ng agarang atensyon ng mga taong dapat na magsagawa nito, bagkus pinapabayaan at hindi pinapansin. Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa mga pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay tulungan at suportahan ay tuwirang sumasalungat kayat walang nangyayari sa
bayan
dahil
sa
pagkakaroon
ng
dibisyon.
* serbesa – Kastila, mga nanunungkulan sa gobyerno at mga taong may kapangyarihan *Tubig
–
mga
Indiyo,
mga
Pilipino,
mamamayan
ng
bayan.
*Akademya ng Wikang Kastila – Ang patunay ng pagnanais ng mga kabataan na magkaroon ng edukasyon, umunlad sa buhay at maging marunong at lumaya mula sa
pagiging
mangmang
sa
pamamagitan
ng
pagkatuto.
*Ang sapilitang pagiging pari ni P. Florentino – Nakita natin dito noong unang panahon ang kapangyarihan ng mga magulang sa anak. Sa mga desisyon, sa mga kukuning bokasyon sa buhay at kung sino ang mapapangasawa. Kung ano ang sinabi
ng
magulang
ay
karaniwang
itong
sinusunod
ng
anak.
*ang dalawang mag-aaral – Mga kabataang gustong matuto at magkaroon ng kinabukasan
sa
pamamgitan
ng
pag-aaral.
Maikling buod ng kabanata: Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyante na pinakukundanganan ng iba, si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay na manggagamot at isang makata na katatapos pa lamang sa Ateneo, si Isagani. Kausap sila ni Kap. Basilio. Napag-usapan nila si Kap. Tiago. Pinauwi raw si Basilio ng matanda, ani Padre Irene na nagiing tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante para sa pagtuturo ng mga kastila. Hindi raw
ito magtatagumpay ayon kay kap. Basilio> ipinagtanggol naman ito nina Basilio at Isagani sapagkat nakahanda na raw ang lahat na kailangan upang ito ay maisakatuparan. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na ubod ng ganda, mayaman, at may pinag-aralan kaya lamang ay tiya nito si Donya Victorina. Ipinahahanap ni D. Victorina kay Isagani ang asawa, si D. Tiburcio de Espadana, na sa bahay pa ng amaing si P. Florentino nagtatago. Dumating si Simoun at kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani at sinabi niyang hindi sila namimili ng alahas dahil hindi nila itokailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang
mga
pari
sa
simbahan
ay
Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni P. Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio. Sabihin daw kay P. Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip na serbesa (alak), marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Dagdag ni Isagani, ang tubig ay lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy at sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang hinuuhay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulungan ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simou,
dahil
ang
makina
ay
hahanapin
pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang magaalahas na tinawag na KArdinal Moreno. May dumating na utusan. IPinatawag ni P. Florentino ang pamangkin. Ngunit nakita ng kapitan si P. Florentino at ito’y inanyayahag pumanhik sa kubyerta.