KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1. Disenyo ng Pananalisik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa pamamaraang deskriptib-kwantitatib na pananalisik. Tinangkang ilarawan at suriin ng pag-aaral na ito ay dagdag na impormasyon at kasanayan ukol sa “demo-teaching” sa aming respondante .
2. Mga Respondente 3. Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng “collage of Education” sa Batangas State UniversityUniversityRosario Campus sa ikalawang semester taong 2015-2016 . Sa kasalukuyan ay may dalawang pangkat sa unang antas , ang unang estudaynte naman sa ikalawang pangkat .Sa kabuuan na Una at Ikalawang Pangkat ay binubuo ng isandaang respondent .
Distribusyon ng mga Respondente sa Una at Ikalawang pangkat sa Ikatlong taon sa BSU- Rosario Campus. Seksyon A B Ikalawang Dami
Unang Antas 50 50 100
Kabuuang Dami 50 50 100
4. Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsusurbey. Ang mga mananaliksik a y naghanda ng isang isan g surbey – kwertyoner kwertyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos at impormasyon sa sa ”demo-teaching”. Nagsasagawa rin ang mga mananalisik ng pangangailangan disertasyon at pamanahong papel . Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang imporatanteng impormasyon sa internet. 5. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamahala ang papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon , Walang ginagawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Inalam ng mga mananaliksik ang bilang o dami ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoner. Kung gayon, ga yon, Ang pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang k inakailangang gawin ng mga mananaliksik dahil iisandaan (100) ang mga respondent . Ang pagkuha ng porsyento ay nagiging madali para sa mga mananaliksik dahil sa dami ng bilang ay awtomatikong katumbas ng porsyente noon .
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian . Siyamnapu (90%) sa kanila ay may babae samantalang sampu (10%) naman ay lalaki.
Graph 1 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
10%
Babae Lalaki
90%
Inaalam din ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang edad . Limampu’t walo (58%) sa kanila ay nasa edad 18-19 at apatnapu’t dalawa (42%) naman sa kanila ay nasa 20 pataas .
Graph 2 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad 18-19
20 pataas
42%
58%
Sa kasanayan naman sa pamamaraan ng ”Demo-Teaching”, animnapu’t anim (66%) ang katamtaman , labing anim (16%) naman ang medyo sanay , sampu (10%) ang hindi pa gaanong sanay at walo (8%) naman ang sanay na sanay.
Graph 3 Kasanayan at Pamamaraan sa "Demo-Teaching" 70%
60%
50%
40%
30%
20%
10%
0% Katamtaman
Medyo Sanay
Hinggil naman sa kasukatan sa natutunan ng mga estudyante batay sa kanilang pagdedemo , limampu (50%) ay sa pagsasalita at pagpapaliwanag , dalawampu’t apat (24%) ay sa malawak na impormasyong ibinibigay , dalawamput dalawa (22%) ay sa mga aktibidad at apat naman sa Visual aids .
Graph 4 Kasukatan ng Natutunan ng mga Estudyante Batay sa Pagde-Demo 60%
50%
40%
e l t i T 30% s i x A
20%
10%
0% Pagsasalita at pagpapaliwanag
Malawak na Impormasyon
May aktibidad
Axis Title
Visual Aids
Inaalam din kung sino ang nagturo o nagbigay pa ng ibang impormasyon ukol sa “demo-teaching” sa mga resspondente , pitumpu’t apat (74%) ay
nanggaling sa propesyunal at dalawampu’t anim (26%) naman ay sa kaibigan o kaklase .
Graph 5 Pagkalap ng Ibang Impomasyon Ukol sa Demo teaching
74%
26%
Propesyunal
Kaibigan o kaklase
Ukol naman sa oras sa paggawa ng maganda at maayos na demo , pitumpu (70%) ay 3 o higit pa ang ginugugol samantalang tatlumpu (30%) naman ay 1 o 3 oras .
Graph 6 Oras sa Paggawa ng Maganda At maayos na Demo Column1
70%
30%
3 o higit na oras ang ginugol
1 o 3 oras
Ayon naman sa kapaboran sa “demo-teaching” sa paggamit ng modernong paraan isandaan (100%) na respondent ay sumagot ng “Oo” .
Graph 7 Pabor sa Paggamit ng Modernong Paraan sa "Demo-Teaching"
Oo 100%
Sa pamamaraan naman na maaaring gamitin sa “Demo-Teaching” , apatnapu’t apat (44%) ay nakadepende sa estudyante , apatnapu’t apat (44%) ulit ay sa lesson/subject , walo (8%) ay sa kalagayan ng lugar at apat (4%) naman ay sa modernong teknolohiya .
Graph 8 Depende na pamamaraan na Maaring Gamitin sa " Demo-Teaching"
45%
44%
44%
40% 35% 30% 25% 20% 15% 10% 5%
8%
0%
4% Estudyante Lesson/Subject Kalagayan ng lugar
Modernong teknolohiys
Sa katanungan naman sa kung paano mahahasa o mapapaunlad ang kakayahan sa larangan ng “demo-teaching” , animnapu’t dalawa (62%) na respondent ay sa pagkalap ng
impormasyon sa ibang mas nakakaalam at nakakaunawa at tatumpo’t walo (38%) naman ay sa pagbibigay – tuon at oras . Graph 9 Pagpapaunlad sa kakayahan sa Karangan ng "Demo-Teaching "
Pagbibigay-tuon at oras 38%
Pagkalap ng Impormasyon sa ibang mas nakakaalam at nakakaunawa 62%
Hinggil naman sa paraan o materyales na mas nakakatulong sa pagsaagawa ng “demoteaching” , animnapu (60%) ay sa Internet/Media , dalawampu (20%) ay sariling kakayahan , labing-apat (14%) ay sa module at anim (^%) naman ay sa propesor .
Graph 10 Paraan o Materyales na mas nakatulong sa Pagsasagawa ng "Demo-Teaching"
60%
20%
14%
6%
Internet/Media
sariling Kakayahan
Module
Propesor
KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin , saloobin at pananaw ng mga estudyante sa Ikatlong Taon na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Batangas state University-Rosario Campus ukol sa “demo-teaching”. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik , ang mga mananaliksik ay gumawa ng surbuykwestyoner na pinasagutan sa isandaang (100) respondent sa Ikatlong Taon na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Batangas State University-Rosario Campus .
2. Konklusyon Batay sa mga inilahad na datos at resulta ng mga sagot sa surbey-kwestyoner , ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon .
a.) Ang kasanayanan ng mga estudyante sa Ikatlong Taon na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Batangas State University-Rosario Campus ay katamtaman . b.) Karamihan naman ng mga respondent ang nagsabing sa propesyunal sila nakakuha o nakapangalap ng ibang impormasyon ukol sa “demo-teaching”. c.) Sa pagsasalita at pagpapaliwanag masususkat ang matutunan ng mga estudyante . d.) Pabor ang mga respondent sa paggamit ng modernong paraan. e.) Ang pagkalap ng impormasyon sa ibang mas nakaalam at nakakaunawa mapapaunlad ang kakayahan ng mga respondent . f.) Karamihan naman sa mga estudyante ang sumagot ng internet/media mas makakatulong sa pagsasagawa ng “demo-teaching”. 3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit , buong pagpapakumbabang inirereromenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod . a.) Para sa pamahalaan , magbigay pa na maaaring magamit sa isang unibersidad upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante ukol sa “demo-teaching” . b.) Para sa mga administrador at mga dekana ng Edukasyon ng ibat-ibang kolehiyo at unibersidad , nawa ay magsagawa pa sila ng mga aktibidad o seminar upang higit na mapalawak ang kaisipan patungkol sa “demo -teaching” .
c.) Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo lalo na sa mga nagtuturo sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Edukasyon nawa ay maging ehemplo sila sa pagtuturo ng kaalaman sa mga estudyante at maging sila sa ganitong pagsasanay . d.) Para sa mga mag-aaral “demo-teaching” upang hinaharap
, nawa’y palawakin pa ang inyong isipan at kaalaman sa maging kapaki-pakinabang at mas epektibong guro sa
.e.) Para sa iba pang mananaliksik , ipagppatuloy lamang ang pag-aaral na ito upang mapalawak at makapangalap ng iba pang impormasyon o datos hinggil sa “demo-teaching”.
APENDIKS A Jonathan P. Papio Office Of The Registrar Teodoro M. Luansing College of Rosario
Kagalang-galangang Ginoo, Maalab na pagbati! Kaugay ng isinulat naming pamanahong papel sa Filipino 2 tungkol sa
“ Kasanayan at Dagdag na Impormasyon ukol sa Demo-Teaching na nasa Ikatlong Taon na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Batangas State University -
Rosario Campus”,
nais po sana naming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itinakda. Lubos po ang aming paniniwala sa inyong pagkadalubhasa sa nasabing paksa ng aming pag-aaral ay makakatulong sa amin nang lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming pamanahong papel. Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap. Maraming salamat po! Lubos na Gumagalang,
Maderaso,Mark Dave B. Lider ng Pangkat
Ms. Sheryl A. Ramirez Gurong TAgapayo
Apendiks B TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY JONATHAN P. PAPIO
Mga Interbyuwer :
Maderazo, Mark Dave B. Maranan, Edlyn T. Casabuena,Christine Bianzon,Efren Dave: Sir,magandang araw pos a inyo . Salamat pos a inyong pagpapaunlak sa amin para kayo po ay interbyuhin naming sa aming pamanahong papel hinggil sa “Demo-Teaching”. Sir, unang katanungan para sa inyo , ano ang ibig sabihin ng “Demo-Teaching”?
Sagot: Ang “demo-teaching”, ito ay isang paraan ng pagtuturo ng isang guro upangmaintindihan ng mga bata kung ano ang layunin , kung ano ang dapat pag-aaral at kung ano ang dapat linangin ng isang bata . Edlyn: Para po sa inyo , saan matututo ang isang estudyante sa pagde-demo? Sagot: Matututo ang isang estudyante sa pagde-demo ,una ang layunin. Dapat Makita at masubaybayan at malinang ng bata ang layunin at kung paano gawin ito . Pangalawa, ang asignaturang kanyang ituturo.Halimbawa ,alam niya at gamay na gamay ang isang aralin.Dapat alam din ang pagkakasunod-sunod ng isang asignatura na lilinangin sa mga bata . alam din dapat ang sunod sunod ng isang “lesson plan”.Halimbawa, pagpasok ng silid -aralan, una ay ang panalangin , tapos pagbati kasi ang pagde-demo a y may tinatawag na daily routine o pang-arawarw na ginagawa bago magsimula ang isang klase. Christine: Paano po mapapalawak ang kaalaman ng estudyante sa larangan ng pagde-demo?
Sagot:Una dapat malillinang ay ang “self -confidence” o ang tiwala sa sarili . Kasi merong minsan na kahit saulo ang asignatura na ide-demo ay nahihiya, kinakabahan o natatakot , ay nakakalimutan na ang kanilang dapat gawin . Nalilinang din sa panonood sa mga kaklase . O kaya naman ay dapat matutong magbasa, kasi nadito lahat ang ituturo sa mga bata. Dapat ang mga sinasabi mo sa bata ay tama, kasi ang tingin ng mga bata sa iyo , lahat ng sinasabi mo ay tama lahat. Efren: Ano po ang magandang
teaching”?
gawin para maging maayos at maunawan ang isang “demo-
Sagot: Dapat gamay na gamay ninyo ang lesson plan o alam na alam nyo ang bawat detalye ng isang lesson plan.
Dave: Paano nyo o masasabi na ang isang “demo-teaching” ay naiintindan ng isang estudyante? Sagot: Masasabi na naiintindihan ng bata o estudyante ang “demo” kapag na-hit o naisagawa ang layunin o objectives ng isang nagde-demo o ng guro ang asignaturang ituturo . Sa ebalwasyon, dapat merong 5-10 items na quiz ang mga bata . Ibig sabihin kapag nakuha o naipasa nila ang CPL, naiintindihan ng mga bata ang iying itinuro . At sa pangkalahatan kapag nagtanong kayo at nasagot ng mga bata , ibig sabihin naiintindihan talaga nila ang iyong itinuro. Edlyn: Ano po dapat ang katangian ng isang ng kapaki-pakinabang at maayos?
estudyante para maisagawa ang “Demo-Teaching”
Sagot: Una, ang kailangan ay ang paghahanda . Kailangan sa paghahanda ay ang kaalaman. Hindi naman pwedeng pumunta sa unahan na walang alam. Bakit? Ang inyong iminomold o hinuhubog ay ang kinabukasan ng mga bata. Kung anong sinasabinsa mga bata , iyon ang tatatak sa isipan nila. Christine: Kapag hindi po nagawa ng maayos ito, ano po ang dapat nilang gawin?
Sagot: Kapag hindi nagawa ng maayos, meron naming lagging “revision” na kailangan .Dahil panimula pa lamang ito, sa mga susunod na pagde-demo ay mahahasa na kayo at alam na ang gagawin.
Efren: Ano po ang maiipayo nyo sa mga nagsasagawa ng “Demo-Teaching”? Sagot: Sa mga nagsasagawa ng “demo-teaching”, dapat sempre matiyaga, kasi una sa lahat iyon.Ang paggawa ng “lesson plan” ay hindi biro . Sabi nga, hindi kayang matapos ito ng isang gabi lang . Kasi merong maiisip at maiisip ka o merong maidadagdag na mga gawain para mas matutunan ng mga bata . So,kailangan lagi ng rebisyon.Sa visual aids din naman, mapatradisyunal man o modern o kaya naman sa educational technology na ginagamit sa pagtuturo, kailangan din dito ng tiyaga. Sempre kailangang artistic ka kasi doon nag-gaganyak ang mga bata. At sempre ,sapat na kaalaman. Alam ng bata kung alam nyo ang mga ititinuro nyo lalo na
sa mga sekondarya na mga estudyante kasi ay mapagmatyag o “keen observer”. Alam nila ang mga ginagawa nyo sa unahan. Dapat din ay maayos ang pananamit o “grooming” dapat kaaya aya kayong tingnan sa unahan o sa harap ng mga bata. Dave: Sir, marami pong salamat sa inyong mga kasagutan.Makakatulong poi to sa aming pananaliksik sa pamanahong papel hinggil sa kasanayan at dagdag impormasyon ukol sa “Demo-Teaching”.
APENDIKS D
Mahal naming respondent, Maalab na Pagbati! Kami po ay mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong papel hinggil sa “Damdamin, Saloobin at pananaw ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon na kumukuha ng Kursong Edukasyon sa Batangas State University Rosario Campus hinggil sa Kasanayan at Dagdag na Impormasyon ukol sa Demo-
Teaching”. Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyoner na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyayaring sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming maging kompidensyal na impormasyon ang inyong kasagutan. Marami pong salamat!
-Mga mananaliksik-
Mga Gabay na Tanong
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Lagyan
ng tsek (√) ang kahon na tumutugon sa inyong sagot.
1. Pangalan (Opsyunal) 2. Kasarian:
Lalaki Babae
3.
Edad:
14 - 15
18 - 19
16 -17
20
Para sa iyong sarili, gaano kasanay ang iyong pamamaraan sa isang “DemoTeaching”? Sanay na sanay Katamtaman Medyo Sanay Hindi pa gaanong sanay
4. Sa iyong palagay, saan masusukat ang natutunan ng mga estudyante batay sa iyong pagdedemo? Sa Visual Aids Sa pagsasalita at pagpapaliwanag Sa mga aktibidad Sa malawak na impormasyong iyong ibibigay 5.
Sino ang nagturo o nagbigay pa ng ibang impormasyon sa iyo ukol sa “demo teaching”? Kaibigan o kaklase
Kapatid
Kakilala
Propesyunal
6. Ilang oras ang ginugugol mo sa paggawa ng maganda at maayos na demo? 1
- 3
3 o higit pa 7. Pabor ka ba sa demo - teaching sa paggamit ng modernong paraan? Oo Hindi 8. Saan mo idedepende ang mga pamamaran
na maari mong gamitin sa “Demo -
Teaching”? Estudyante Kalagayan ng lugar Lesson/Subject Modernong Teknolohiya 9. Sa iyong palagay, paano mo mahahasa o mapapaunlad ang iyong kakayahn sa larangan ng “demo-teaching”? Pagkalap ng impormasyon sa ibang mas nakakalam at nakakaunawa Pagbibigay-tuon at oras 10. Anong paraan o materyales ang mas nakakatulong sa pagsasagawa ng demoteaching? Internet/Media Sariling kakayahan Module Propesor
Pebrero 23, 2016 Dekano/Dekana, Departamento ng Edukasyon Batangas State University – Rosario Campus Ginoo/Madam, Mabunying Pagbati! Kami po ay pangkat ng mga mag-aaral sa Unang Taon na kumukuha ng kursong
Edukasyon sa “Teodoro M. Luansing College of Rosario” na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2 sa ilalim na pamamahala ni Bb. Sheryl A. Ramirez. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay pagsulat ng pamanahong papel. Sa kasalukuyan, kami po ay nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa “Damdamin, Saloobin at Pananaw ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon na kumukuha ng Kursong Edukasyon sa Batangas Stare University - Rosario Campus hinggil sa Kasanayan at Dagdag na Impormasyon ukol sa demo-Teaching.” Kaugnay po nito ay nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami ay makapamahagi ng survey kwestyoner sa isandaang mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon sa Ikatlong Taon. Ang mga datos po na aming makakalap sa surbey ay makakatulong po sa aming pag-aaral. Inaasahan po naming ang inyong positibong tugon sa aming kahilingan. Maraming salamat po. Lubos na Gumagalang, Mark Dave B. Maderazo Lider ng pangkat Binigyan ng Pansin, Sheryl A. Ramirez Gurong Tagapayo