1.
KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Nagsimula ang sakit na HIV/AIDS sa Pilipinas noong 1984. Kinatakutan at pinandirihan ang sakit na ito noong una itong nadiskubre. Dahil sa mga maling paniniwala na nakukuha ito sa mga paghawak sa kagamitan sa banyo, sa pagdikit sa taong mayroon nito o kaya naman ay sa paggamit ng kutasara at tinidor sa restaurant. Dahil sa kaunti pa lamang ang kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Ang pagtatalik ng hindi protektado o “unprotected
sex ay siyang unang dahilan kung bakit mabilis ang paglaganap ng sakit na ito. Ang HIV/AIDS ay walang sintomas o indikasyon. Hindi rin agad ito makikita sa taong mayroong HIV/AIDS o kung sino pa ang wala nito . kaya kailangan ng sapat na kaalaman upang makaiwas at maprotektahan ang iyong sarili. Kapag nakuha ang Human Immuno Deficiency Virus o HIV ay magbabago ang kaniyang buhay. Ang HIV ay nagpapahina ng Immune System o resistensya ng tao. Kapag ang HIV ay humalo sa dugo ng tao pinapatay nito ang CD4 + TCELL na lalong nagpapahina sa resistensya ng tao. Sa paghina ng Immune System ng tao. Malike ang possible na magkaroon siya ng tinatawag na AIDS. Ang AIDS o Aquired Immuno Deficiency Syndrome ay malubhang indikasyon dala ng paghina ng Natural Defense ng tao. Wlang kalaban-laban ang kaniyang resistensya sa pag-atake ng tinatawag na Oppotunistic Infections. Katulad ito ng mga Tuberkolosis, Meningitis, Pnuemonia, Hepatities at I ba pang uri nito katulad ng Kanser. Kapag dumapo na ang mga ito sa taong may AIDS. Maaari niya itong ikamatay dahil sa pagbabago-bago ng panahon o temperature katulad ditto sa aing bansa ay mabilis na makakapitan ng iba’t ibang sakit ang
taong may HIV/AIDS.
2.
Ayon sa Department of Health o DOH. Isa ang pilipinas sa pitong mga bansa ang may pinakamabilis na pagtaas ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na ang kakulangan ng kaalaman ng mga Pilipino ang isang sanhi kung bakit tumataas ang paglaganap ng sakit na HIV/AIDS. mula noong 1984 hanggang 2008. Umabot na sa 3,500 ang naitala na positibo sa sakit na HIV/AIDS. ditto sa pilipinas ay pinangangambahan nab aka dumoble pa ito sa mga susunod na taon. Halos gayundin ang binanggit ni Gng. Teresita Bagasao na isang Country Coodinator ng UNAIDS. Sinabi niya na dapata alamin o malaman ng mga Pilipino ang tungkoil sa HIV/AIDS upang maiwasan ang pagdami o pagtaas ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS. Ayon naman sa datos ng United Nation halos 33 Milyon ng tao sa buong mundo ang may sakit na HIV/AIDS. Simula noong 2001 hanggang 2009 halos tumaas ng dalawamput limang porsyento (25%) ang naitala sa pitong bansa gaya ng mga sumusunod; Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Philippines at Tajikstan. Ang pilipinas ay kasama sa mga pitong bansa na may malaking pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng HIV/AIDS ay ang pagtatalik ng walang proteksyon o “ Unprotected Sex ”. Kaya kailangan na alam natin ang bagay na
ito upang tayo ay makapag-ingat.
3.
2. Layunin ng Pag aaral Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa sakit na HIV/AIDS. ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na tanong; 1.Bakit ba dapat malaman at maunawaan ang sakit na HIV/AIDS? 2. Anu-ano ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa ating bansa? 3. Sapat ba ang kaalaman ng mga tao upang maiwasan at maprotektahan ang kanyang sarili? 4. Anu-ano ang kanilang mga damdamin, pananaw, at saloobin tungkol sa sakit na HIV/AIDS ?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga na malaman at maunawaan an tungkol sa HIV/AIDS sapagkat nakakabahala ang pagtaas ng porsyento ng mga nagiging positibo sa HIV/AIDS. sa pananaliksik na ito malalaman at mauunawaan ng mga mambabasa at mga estudyante ang tungkol sa HIV/AIDS. Makadaradag ito sa mga estudyante na naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Malaki ang maitutulong nito upang mapababa ang porsyento ng saakit na HIV/AIDS. Magiging babala rin ito sa mga tao na ginagawa ang tinatawag na Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex. Maiiwasan ang pinangangambahang HIV/AIDS. Hindi sila magiging mangmang ukol sa sakit na ito. Sapagkat sa pananaliksik
na
ito
ay
makakatulong
ng
malaki
upang
maiwasan
at
maprotektahan ang inyong kalusugan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Maaaring matugunan ang kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Malalaman ng mga kabataan kung ano ang magiging epekto ng maagang pakikipagtalik.
4.
Lalo na sa murang edad ay kaunti pa lamang ang kanilang nalaman at nahuhulog sila sa maagang pakikipagtalik at pag-aasawa. Magiging batayan ito sa mga kabatan o mambabasa na makaiwas at mapangalagaan ang kanilang sarili. Sa pananaliksik na ito malilinang at mahuhubog ang kaalaman ng mga mambabasa. Lalo na ang mga estudyante at mga kabataan. Makakatulong din tio sa mga may sakit na HIV/AIDS at sa wala pang sakit na ito. Inaasahan na ang pananaliksik na ito ay magiging pundasyon at magiging mabisa upang makapag – ingat ang mga tao. Ang pananaliksik na ito ay batay sa datos na aming nakalap
at nakolekta na pinagsama-sama upang makabuo ng ganitong pananaliksik.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri
ng damdamin,
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Saklaw nito ang Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex. Sapagkat sila ang pangunahing dahilan kung bakit mabilis na lumalaganap ang sakit na HIV/AIDS. Nalilimitahan ang pag-aaral na ito dahil sa mga bagong datos at mga bagong pag-aaral tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Sa taun-taon na lumalaganap ito at napagtutuunan ng higit na pansin ang epidemyang ito. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasulukuyang panahon ang pinakamainam ,agkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na kakulangan ng impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS hindi lamang sa mga mambabasa, kundi maging sa publiko sa kabuuan.
5.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap na maunawaaan ng mga mambabasa ay mga salita na di maunawaan o may malalim na kahulugan. Binigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik na ito. Ang AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome ay isang bayrus na nakukuha sa kadahilan na mababa na ang kanyang resistensya dulot ng HIV. Ang CD4 + TCELL o Lympocytes ay isang uri ng White Blood Cell (Luekocytes) na siyang sumisira o lumaban sa mga baktirya at bayrus na pumapasok sa ating katawan. Upang mkaiwas sa sakit. Ang Extra Marital Sex ay tumutukoy sa isang tao na may asawa o kasal na nakikipagtalik o nakikipagtagpo sa ibang tao. Ang HIV o Human Immuno Deficiency Virus ay isang bayrus na nakukuha sa pakikipagtalik at naipapasa din sa mga anak sa pamamagitan ng dugo. Pinapahina nito ang resistensya ng tao upang makapasok ang mga Opportunistic Infections. Ang Kondom ay isang bagay na ginagamit ng lalake at babae sa kanilang pagtatalik upang maiwasan ang pakabuntis ng isang babae Ang Pre-Marital Sex o maagang pakikipagtalik ng mga kabataan na wala pa sa tamang gulang o edad. Ang White Blood Cell o Leukocutes ito ang pangunahing lumalaban sa mga baktirya, bayrus at iba pang Micro organisms. Ito din ay sumisira sa mga porma ng mga bayrus at baktirya sa pamamagitan ng paglabas ng Enzyme o di kaya naman ay kinakain nila ito. Ang syndrome ay isang set ng mga sintomas na maaring mamanifest ng isang may sakit.
6.
KABANATA II MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa Pilipinas, ang kalusugan ay tinuturing na kayaman hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipuna. Sa personal na lebel, ang pagiging malusog ay isang rekwisito para sa isang masayang buhay. Kung ang isang taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kanya ay magkakaroon siya ng kompyansa na makipag – usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na relasyon sa kanya. Gayundin nman ang isang taong malusog ay may sapat na kompyansa para mabuhay ng masya. Ng may dignidad atr may pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan. Kadalasan ang ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang tao may malalang sakit. Lalong lalo na ang mga biktima na AIDS. karamihan kasi ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng pagtangi sa kanilang totoong kalagayan. Pagkagalit sa sarili at sa mundo, at depresyon. Ito ay dahilan sa sakit na HIV/AIDS na hindi na nagagamot at karamihan sa mga taong nagtatalay nito ay nakakaranas ng pagtangi at pagiwas ng mga dating kaibigan at ng ibang mga tao, problema sa paaralan at trabaho. Ang HIV ay ang baktiryang pinangmumulan ng AIDS. mayroong mahigit na 33 milyong katao sa buong mundo ang nabubuhay sa sakit na HIV/AIDS. mahigit sa kalahati ng mga tao ay mga kababaihan at mga kabataan. Ang HIV/AIDS ay nakakaapekto sa lahat at walang itinatangi maging edad. Kulay ng balat, kulturang kinagisnan o relihiyon. Walang gamot sa sakit na AIDS. Ang paggamit ng mga kondom habang nagtatalik ay isang mabisang pangprotekta upang makaiwas sa sakit na HIV. Ang HIV ay isang bayrus na nakukuha sa pagtatalik ng lalake at babae o di kaya nman ay sa pagtatalik ng parehas ang kasarian. Naisasalin din ito ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak, at pagpapasuso. Ito rin ay nakukuha sa mga karayom o matalim na bagay na ginamit ng may HIV at muling itutusok sa kaniya
7.
katulad ng pagpapatato at pagbubuntas o paglalagay ng hikaw sa tenga. Gayundin sa pagsasalin ng dugo o ung mga nagdadayalisis. Kapag sila ay nasalinan ng dugo na may HIV. Hahalo agad ito sa kanilang dugo. Higit din na nakakabahala ang mga kabataan na maagang nakikipagtalik ng wala pa sa tamang edad. Malaki ang tiyansa na mahawaan sila ng pinangangambahang sakit. Hindi nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, pagbebeso-beso, laway, yakapan, pag-ubo, pawis, luha, hatsing o pagbahing, pakikipagkamayan, paghihiraman ng mga damit, pakikisalo sa pagkain, paghiram ng mga kubyertos, kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog, at paggamit ng kubeta. Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV/AIDS ay ang sumusunod; pamamaga ng mga kulani na tumatagal ng may mga tatlong buwan, pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan, pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa, ang pagbaba ng timbang, pangangayayat, mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, at ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksyon simula lima magpahanggang sampung mga taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang mapagmamasdan o lumilitaw na mga palatandaan ang isang taong impeksiyong HIV .
Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang gamot na panlunas laban sa HIV. Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang nalalaman kung may sakit na HIV ang isang tao. Tinitingnan sa pagsusuring ito ang pagkakaroon ng “laban sa katawang HIV” (o HIV antibody sa Ingles). Hindi nakikita sa pagtanaw lamang ng
mga mata ang pagkakaroon ng HIV. Lihim o kumpedensyal ang pagpapasuri ng dugo. Hindi nakatutulong sa paghadlang sa pagkakaroon ng sakit na ito ang paginom ng mga antibiyotik o mga bitamina bago makipagtalik. Hindi rin nakahahadlang ang paglalabas ng ari bago dumating sukdulan ng pagtatalik (Ingles: withdrawal), pagdudutsa (Ingles: douching, o paggamit ng douche, paglalagay ng gamot sa paraang papuslit sa loob ng ari), at paggamit ng mga kemikal sa paglinis ng ari .
8.
Maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS sa pamamagitan ng mga sumusunod na gabay na titik pang -abakada
A – para sa
Abstinensiya
(pagpipigil at pagtanggi, pagsasabi
ng Ayoko muna! sa katalik kung ibig nitong makipagtalik na).
B – para sa
B asta, asta,
ikaw lang! ang katalik o pag-ibig ng iyong asawa o
kasintahan (katumbas ng " B e faithful!" sa Ingles).
C – para sa
C ondom ondom
ay gamitin o " C orrect orrect condom use", paggamit at
tamang paggamit ng kondom). kondom) .
D – para sa
D roga roga
on’t take drugs" sa Ingles. ay iwasan o " D on’t
E – para sa Ingles na " E arly arly diagnosis and treatment", o maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa mga manggagamot at paggamutan .
9.
KABANATA III
DESENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK P ANANALIKSIK
1. Desenyo ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pag-aaral. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag aaral na ito ang damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga respondente.
2. Mga Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa una at ikalawang taon ng Kolehiyo ng Kriminolohiya ng Unibersidad ng Taguig Sa una at ikalawang semester ng taong 2011-2012. Sa kasalukuyan, may dalawang pangkat ng mga estudyante sa nasabing kolehiyo: limang grupo ang nasa unang pangkat at dalawang grupo sa ikalawang pangkat. Dahil sa di kalakihang bilang ng mga estudyante ay ginamit na ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa ikalawang taon, samakatuwid, sa unang taon ay kumuha ng tiglilimang respontende bawat pangkat sa pagitan ng ramdom sampling upang magkaroon ng pantay ng representasyon ang bawat pangkat. Sa kabuuan, may tiglilimang respondent ang una at ikalawang taon, pansinin ang kasunod na talahanayan;
10.
Talahanayan 1 Distribusyon ng mga Respondente sa Una at Ikalawang Taon sa TCU Seksyon A B C D E F G H I J Kabuuang Dami
Unang Taon 5 5 5 5 5 5 5 5 5 5 50
Ikalawang Taon 25 25 50
Kabuuang Dami 30 30 5 5 5 5 5 5 5 5 100
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa una at ikalawang semester
sapagkat
sila
ang
pinakamadaling pinakamadalin g
makatugon
sa
mga
panagangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay na representason ang bawat taon.
3. Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong mangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga respondent. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tesis,
proposal, disertasyon, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
11.
Bukod sa mga nabanggit na. interbyu ang mga mananaliksik ng isang dalubhasa sa mga nakahahawang sakit mula sa DOH upang makakuha ng mahalagang impormasyon at makatotohanang datos sa sakit na HIV/AIDS.
4. Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyuner ang inalam nng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik. Dahil sa isandaan ang mga repondente, nagging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng poryento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.
12.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon: Inalam ang distribuyon ng mga respondente ayon sa kanilng kasarian; Pitongpum porsyento (70%) sa kanila ay mga lalake , samantalang tatlongpum porsyento (30%) ay mga lalake
Grap 1 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
B. 30% A. 70%
A. Respondenteng Lalake B. Respondenteng Babae
13.
Grap 2 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad 120.0%
100.0%
80.0%
60.0%
40.0%
20.0%
40%
35% 20%
0.0%
5% 14-15
16-17
18-19
20-Pataas
Apatnapung porsyento (40%) sa mga respondent ay nasa edad 16-!7. ang tatlumpu’t limang porsyento (35%) sa mga respondent at may edad na 18-19. Ang dalawampung porsyento (20%) naman ay sa edad na 20 pataas. Ang natitirang limang porsyento ay sa edad na 14-15.
14.
Grap 3 Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman Tungkol sa sakit na HIV/AIDS
B. 10%
C. 10%
D. 30% A. 45% E. 5%
A. B. C. D. E.
Wala silang Kaalaman Katamtamang Kaalaman Walang Pakialam Kaunting Kaalaman Alam na Alam
Sa isandaang (100) repondente, apatnapu’t limang porsyento (45%) ang nagsasabing wala silang kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS batay na rin sa kanilang pansariling assessment. Sampung porsyento (10%) naman sa kanila ang ngsasabing sila ay may katamtamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS. Sampung porsyento (10%) din ang nagsabi na alam na alam nila ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabi na kaunti pa lamang ang kaalaman nila at ang natitirang limang porsyento (5%) ang nagsbi na alam na alam nila ang tungkol sa HIV/AIDS.
15.
Grap 4 PInagmulan ng Kaalaman ng mga Respondente Tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Flyers/Leaflets
5%
Paaralan
3%
Health Center
10%
Usap-Usapan
2%
Internet
20%
Dyaryo
15%
Libro
10%
T.V
30%
Radyo
5% 0
5
10
Hinggil naman kung saan
15
20
25
30
35
nila narinig o natutunan ang kaalaman
tungkol sa sakit na HIV/AIDS, tatlumpu porsyento (30%) ang nagsabing nagmula sa telebisyon, dalawampu’t limang porsyento ang nagsabing nagmula sa
internet, labing limang porsyento (15%) ang nagsabing sa dyaryo nila nabasa, sampung porsyento (10%) naman ang mga nagsabing sa Dyaryo at Libro nila nabasa ang ukol sa sakit na HIV/AIDS. Limang porsyento (15%) nman ang nagsabi na nabasa nila at narinig sa flyers/leaflets at radio. Tatlong porsyento (3%) naman ang naman ang nagsabi na sa paaralan nila natutunan ang ukol rito at dalawang porsyento (2%) naman ang nalaman nila sa usap-usapan.
16.
Grap 5 Damdamin ng mga Respondente sa Pagkalat ng Sakit na HIV/AIDS sa Bansa
5% 15%
25%
20% 35%
Inalam din sa pananaliksik na ito ang damdamin ng mga respondent ukol sa pagkalat ng HIV/Aids sa bansa. Mapapansin sa kasunod na grap na tatlumpu’t limang porsyento (35%) sa kanila ay nababahala. Dalampu’t limang porsyento (25%) sa kanila ay
nakararamdam ng takot. Dalawampung porsyento (20%) sa kanila ay nadidismaya, labing limang porsyento (15%) naman sa kanila ay hindi nangangamba at ang natitira naman na limang porsyento (5%) ay walang pakialam tungkol sa sakit na HIV/AIDS
17.
Grap 6 Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa Kasapatan ng Ginagawa ng Pamahalaan Upang Malabanan ang Sakit na HIV/AIDS
60
60%
50 40 30
25%
20 10
10%
5%
0
Sapat na Sapat
Kakaunti
Sapat Lang
Walang Ginagawa
Sa palagay na Animnapum porsyento ang sapat lang o katamtaman ang ginagawa n gating pmahalaan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS. Dalampu’t limang porsyento naman a ng nagsabi ng kakaunti lamang ang
ginagawa ng pamahalaan. Labing limang porsyento sa kanila ang nagsabing walang ginagawa ang pamahalaan at limang porsyento naman ang nagsabing sapat na sapat ang gginagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS.
18.
Grap 7 Epektong Pandamdamin ng Kumakalat na Epidemya
50 45 40 35 30 25 20 15 10 5 0
50%
30% 10% 5%
5%
Limangpung porsyento (50%) ang sa mga respondent ang nagsabing hindi sila gaanong apektado ng kumakalat na epidemya. Ayon naman sa talongpum porsyento (30%) na respondent, apektado sila sa kumakalat a sakit. Sampung porsyento (10%) sa kanila ang nagsabing apektadung-apektadong sila ng kumakalat na epidemya. Tiglimang porsyento naman na mga respondent anga nagsabi na walang pakialam at hindi sila apektado sa palaganap ng sakit na HIV/AIDS.
19.
Grap 8 Pananaw ng mga Respondente sa Kasapatan ng Kaalamang Itinuturo sa Taguig City University Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS 45 40 35 30 25
40%
20
30%
15 10 5
15%
10%
0 Sapat lang
Kaunti ang kaalaman
Walang ibinabahagi
Walang Espesalisasyon
5% Walang pakialam
Tungkol sa palagay ng mga respondent ukolsa tanong na sapat nab a ang kaalamang ibinabahagi o itinuturo sa Taguig City University hinggil sa sakit na HIV/AIDS, apatnapum porsyento (40%) ang nagsabing walang ibinabahagi sa kanila , tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabing kaunti lamang ang kaalaman ukol sa sakit na HIV/AIDS, labinglimang porsyento (15%) ang nagsabing sapat ang kaalaman ibinabagi, sampung porsyento (10%) (10%) ang nagsabing walang espesyalisasyon at ang limang porsyento (5%) naman ay ang mga nagsabing walang pakiaalam ukol sa sakit na HIV/AIDS.
20.
Grap 9 Pananaw ng mga Respondent sa Ginagawa ng Pamahalaan Upang Maipaalam sa mga Mamamayan ang Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS
10%
50% 40%
Tungkol sa kanilang palagay kung sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamaya ang tungkol sa kumakalat na epidemya, limampung porsyento (50%) ang nagsasabing na sapat ito para malaman ng lahat ang tungkol sa sakit HIV/AIDS. Apatnapum porsyento (40%) naman ang nagsabing sapat lamang ito sa piling mamamayan. Ang natitirang sampung porsyento (10%) ang nagsabing walang nakaaalam tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
21.
Grap 10 Pananaw ng mga Respondente sa Kakayahan ng Ospital Upang Maiwasan ang Paglaganap ng Sakit na HIV/AIDS
35%
35% 30%
25%
25%
20%
20% 15% 10% 5%
5%
5%
0%
Tungkol naman sa pananaw ng mga respondent, tatlumpu’t limang poryento (35%) ang nagsabing kakaunti ang kakayahan ng ospital sa knilang lugar upang makaiwas sa sakit na HIV/AIDS. Dalawpu ’t limang porsyento (25%) sa kanila ang nagsabing walang kakayahan, dalawampung porsyento (20%) ang nagsabing sapat lang ang kakayahan ng ospital. Limang porsyento (5%) naman ang nagsabing sapat na sapat ang kakayahan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS, gayundin ang nagsabing walang espesyalisasyon ang ospital na may porsyento limang porsyento (5%) lamang.
22.
Grap 11 Mga Naitala Lamang sa Bansa sa Nagdaang Panahon Tungkol sa HIV/AIDS 16,000 14,000
14,000
12,000 10,000 8,000 6,000 4,000 2,000
1,884
1,591 342
0 1984-2006
20 07
528 2 0 08
835 20 09
2 0 10
2011-2012
Nakakabahala na ang mabilis na pagtaaas ng mga naitala sa bansa tungkol sa HIV/AIDS. Noong 1984 hanggang 2006 ang naitalang may HIV sa bansa. Noong 2007, 342 ang naitala sa buong taon gayun din ang taong 2008 ay nagtala ng 528 at patuloy itong tumataas noong 2009 ay 835 ang naitala at umakyat na ito sa libo. Noong 2010 ang naitalang kaso ng HIV ay 1,591. At sa loon ng dalawang taon ay mas higit na duma ang nagkaroon ng HIV/AIDS. Sa bagong tala mula noong 2011 hanggang 2012 ay umabot na sa 14,000 na ang positibo sa HIV/AIDS. Dahil sa kakulangan ng kaalaman at sa pakikipagtalik ng walang proteksyon. Naipapasa din ito sa mga bata mula sa ina hanggang a sanggol pa lamang ito. Sa ganitong pananaliksik ay dapat bigyan ng pansin ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
23.
KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDYASYON
1.Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatakangmalaman ang damdamin, pananaw
at
kaalaman
ng
mga
estudyanteng
kumukuha
ng
kursong
Kriminolohiya sa Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananliksik ay nadisenyo
ng
sarbey-kwestyuner
na
pinasagutan
sa
isangdaang
(100)
respondent, Limapung (50) responte sa unang taon at gayundin sa ikalawang taon na kumukuha ng kursong Kriminolohiya sa Taguig City University. 2.Kongklusyon Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon;
Ang kaalaman ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Kriminolohiya sa Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Nababahala naman ang karamahihan sa mga respondent hinggil sa pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa.
Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Walang itinuturo hinggil sa sakit na HIV/AIDS sa Kolehiyo ng Narsing sa TCU.
Sapat lamang ang ginagawa ng pamahalaan upang malabanan at maipaalam sa mga mamamayan ang sakit na HIV/AIDS.
24.
3. Rekomendasyon Kaugnay
ng
mga
kongklusyong
nabanggit,
ang
buong
pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod;
Para sa pamahalaan, magbigay ng mga babala uko sa sakit ng HIV/AIDS. Upang maiwasan ang pagtaas ng porsyento ng mga nakakaroon ng HIV/AIDS sa bansa.
Para sa maga administrador ng mga ospital. Magsagawa ng mga seminar na dadaluhan ng kanilang mga empleyado at higit na bigyan pansin ang kanilang kasanayan at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo ng asignaturang may kinalaman sa kalusugan, nawa’y maging
instrument sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kaugnay ng sakit na HIV/AIDS
Para sa mag-aaral, mas palawakin pa ang inyong mga kaalaman sa sakit na HIV/AIDS upang maging mas epektibo at maging batayan ito upang maiwasan ang ganitong sakit.
Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higgit pang revelant na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS at iba pang sakit.
25.
LISTAHAN NG SANGGUNIAN
Kapuso mo, Jessica Soho. HIV Update in the Philippines, http://www.youtube.com/watch?v=WEu1PzTH0DU
GMA Documentaries “Think Positive”
http://www.youtube.com/watch?v=I4twtyTxtrw&feature=related Ibid. Ibid . G GMA MA News Investiga Inve stigative tive looks at rising rising cases cases of HIV in PHiL PHiL http://www.youtube.com/watch?v=bOxsG8xS4b4 Dr. Erick Tayag, Director IV National Epidemiology Center, Department odf health http://www.doh.gov.ph/search/apachesolr_search/hiv UNAIDS Organization, http://www.unaids.org/globalreport/Global_report.htm Ibid. UNAIDS Philippines, http://www.unaids.org.ph/index.php Wikipedia Online Dictionary http://tl.wikipedia.org/wiki/AIDS The Oxford Advance Learner’s Dictionary of Current English. 1963 edition.UAE. Webster universal dictionary and thesaurus, 1993. USA; torment publication Inc.
26.
APENDIKS Direksyon; punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang patlang na tumutugma sa iyong sagot. 1. Pangalan (Opsyunal) ________ _______________________________ _______________________ 2. Kasarian;
lalaki
babae
Edad;
14-15
18-19
16-17
20-pataas
3. Sa iyong pansariling asesment, ano ang antas na iyong kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS? Alam na alam
katamtamang kaaaman
Kaunting kaalaman
walang kaalaman
Walang pakialam 4. Saan mo narinig narinig o natutunan ang kaalaman mo tungkol sa sakit na HIV/AIDS? Radyo
Dyaryo
Health Center
Telebisyon
Internet
Libro
Usap-usapan
Flyers/Leaflets Flyers/Leaflet s
Paaralan
5. Ano ang damdamin mo tungkol msa pagkalat ng sakit na HIV/AIDS sa bansa? Takot
Nababahala
Hindi nangangamba
Nadidismaya
Walang pakialam
6. Sa iyong palagay, sapat na ba ang ginagawa n gating pamahalaan upang malabanan ang sakit na HIV/AIDS? Sapat na sapat
Sapat lang o Katamtaman
Kakaunti
Walang ginagawa
7. Bilang isang estudyante, apektado ka bas a kumakalat na epidemya? Apektadung-apektado
Hindi apektado
Apektado
Walang pakialam
Hindi gaano
27.
8. Sa iyong palagay, sapat na ba ang kaalamang binabahagi o itinuturo sa Unibersidad ng Taguig tungkol sa HIV/AIDS? Sapat na sapat
Walang iinabahagi
Sapat
Walang espesalisasyon
Kakaunti 9. sa iyong palagay, sapat nab a ang ginagawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS? Sapat para malaman ng lahat Sapat para malaman ng piling mamamayan Walang makakaalam 10. batay sa iyong pananaw at karanasan, sapat ba ang kakayahan ng mga ospital sa ganitong sakit na HIV/AIDS? Sapat na sapat
Walang iinabahagi
Sapat
Walang espesalisasyon
Kakaunti ,
Maraming salamat po sa paglalaan mo ng iyong panahon sa kwestyoner na ito!