Ang Kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay "Depensang Mekanismo na ginagamit ng mga Piling mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Santa Rosa Campus sa Taong 2015-2016 sa kursong Sikolohiya."
LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Depensang Mekanismo na ginagamit ng Piling mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Santa Rosa Campus sa taong 2015-2016 sa kursong Sikolohiya. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga inpormasyon sa pagkakakilanlan ng mga estudyante. Ikalawa ay upang malaman ang iba't-ibang Depensang Mekanismo. Ikatlo kung ano ang pagkakaiba ng kanilang paraan kung paano gumamit ng depensang mekanismo. At ang panghuli ay kung nakaka-apekto ba ang edad at taon ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Upang matukoy ang iba't-ibang mga Depensang Mekanismo at ang mga epekto nito, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire para sa mga piling mag-aaral lamang na magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos.
MGA NATUKLASAN
KONKLUSYON
Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:
Karamihan ng mga estudyante ay nasa edad labing-walo hanggang labing-siyam na (18-19) taong gulang. Ang bilang ng mga babae ay mas Malaki kaysa sa bilang ng mga lalaki. Karamihan sa mga nagsisagot ay nagmula sa ikaaapat na taon ng Sikolohiya.
Ibat-ibang uri ng Depensang Mekanismo na ginamit ay pangingimbabaw(sublimation),pagtanggi(denial),pagbabalik(regression), pagsugpo (repression), reaksyon (reaction) at pagkaayos (formation).
Karamihan ng mga mag-aaral ay apektado sa Depensang Mekanismo, habang ang iba naming mag-aaral ay nasa pagitan lamang.
Walang pagkakaiba sa mga Depensang Mekanismo sa mga tuntunin ng kasarian, taon at seksyon mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Santa Rosa Campus sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.
REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:
Counselling interbensyon ay dapat isagawa para sa mga mag-aaral na bumuo ng positibong Depensang Mekanismo tulad ng pangingibabaw, reaksyon, pagkakaayos at rasyonalisasyon.
Ang mga mag-aaral ay dapat sumailalim sa talakayan tungkol sa ilang mga paraan sa mga positibong mag-isip upang maiwasan ang pag-iisa at paghihiwalay.
Ang mga mag-aaral ay dapat na bumuo ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao. upang ang kanilang pakikipagkapwa-tao ay lalo pang maging epektibo.
Ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral upang makakuha ng kanilang mga layunin sa pakikipag-ugnayan sa iba. Narito ang mga maaaring gamitin ng mga estudyante:
Interpersonal Counselling Intervention Program
Gamitin ang reaksyon sa pag-aayos (use reaction formation)- upang maiwasan ang galit at manatili sa kontrol ng kanilang mga damdamin.
Gamitin ang pagsupil ng personal na mga pangangailangan (repression of personal needs) - upang maiwasan ang pagiging maralita.
Gamitin ang pagkakakilanlan (use identification) – upang maiwasan ang pagkabigo at mapanatili ang isang sariling imahe ng pagiging matagumpay.
Gamitin ang paghihiwalay (use isolation) – upang maiwasan ang karanasan ng panloob na kawalan ng kaalaman at mapanatili ang isang sariling sapat na kaalaman.
Gamitin ang rasyonalisasyon (use rationalization) – upang maiwasan ang paghihirap at upang mapanatili ang isang sariling imahe ng pagiging maayos.
Gamitin ang pagtanggi (use denial) –upang mapanatili ang isang imahe sa sarili ng pagiging malaks o matapang.