I. Dahilan ni Rizal para lisanin ang Paris a. napakataas ng pamumuhay sa Paris. b. ang kasiyahan sa lungsod ay nagiging balakid sa kanyang pagsulat, Lalo na sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela ang El filibusterismo. * ngunit naniniwala si M. H. Del Pilar at Valentin Ventura na ang dahilan ng kanyang pagais ay dahil sa babaing iniwan niya sa London.
1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan. 2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad . 3. Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels. a. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura. b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga. c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog. d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si s i Mariano Herbosa. e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. f. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma. h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas. i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino. j. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga tagaCalamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal). 1. Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot.Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad. Ngunit ibinigay niya ang karangalan kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera awtor ng El sanscrito en la Lengua Tagala. 2. Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog. 3. Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papaimbes na Pepe na kanyang tunay na palayaw. 4. Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita. a. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba. b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal. c. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol. d. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan.
1. Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. 2. Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso. dahil sa pagiisip sa kinasapitan ng kanyang pamilya isinulat niya ang "A Mi....." 3. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera.
1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulongAsociacion Hispano-Filipinaat mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumenupang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba. 2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at pati na rin si Dr. Dominador Gomez kalihim ng Asociacion Hispano-Filipina kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano. 3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibitbalikat na lamang." 4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.
5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban. 2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan. 3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal . 4. Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera. a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera. b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal. c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin." d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)." e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
5. Karibalang Rizal at del Pilar a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala sidel Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan. b. Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar. c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madridna may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891. d. Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridaday mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo. e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madridnoong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta. f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan. g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan. 6. Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.
A. Mga Ginawa ni Rizal saBiarritz 1. Sa pag-alis ni Rizal saMadrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada.
2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie. 3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian saMadrid. 4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted. 5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie. 6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod: a. Ayaw ni rizal maging Protestante b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan. 1. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan. 2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismoilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris.Nagtuloy siya kay Valentin Ventura sa 4 Rue de Chateaudum. 3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor. 4. Nagbalik si Rizal saBrussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby. 5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela El Fili dahl na rin sa pangiintriga ng mga nainggit na kababayan.Mula saBrussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan.
6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.
Ang Bahay ni Rizal sa Ghent 1. Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan ng Belgium. 2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismoat natapos ang huling kabanata sa Biarritz. 3. Naninirahan si Rizal saGhent dahilan sa mga sumusunod: a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby 1. Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghentna sina Jose Alejandro at Edilberto Evangelista. 2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrinona nakapuna ng kanyang labis na katipiran. 3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan. 4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. 5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy.
6. Nang malaman ni Venturaang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag. 7. Noong Setyembre 18, 1891ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. 8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktibre 1891. 9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA . Ang orihinal na manuskrito ng El Fili ay iniingatan ngayon sa Filipiniana Division ng Bureau of punlic libraries. Binili ito kay Ventura sa halagang 10 000 at binubuo ng 279 pahina. 10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili. a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa. b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata). c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli. d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili. 1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika. 2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.