Ang tulang ito ay sample ng isang tulang pan-kaibigan. Kaibigang nalayo man, ngunit hinding hindi mapapalitan.
,,,,,
Traditional poems we use in our parish during Easter morning Salubong ceremony.Full description
Full description
Panahon ng Hapon
Uri ng Tula ayon sa Kayarian
Tula LagnaFull description
isang tulaFull description
TULA-RAP.docx
Tula Lagna
HEKASI VIFull description
Rights for the childrenFull description
TulaFull description
una novela de drama y sentimeintosDescripción completa
Descripción: Arreglo para la coral latinoamericana de helsinki
Descripción: visita a la central.
ISKA Mga Tula
Tula
test
Full description
mga tula sa karapatan ni greg bituin jr. mula sa kanyang blog na http://matangapoy.blogspot.com http://matangapoy.blogspot.com
KARAPATAN AT KALIKASAN
BAWAT KARAPATAN AY BUTIL NG GINTO
HINDI GINTO ANG KATAHIMIKAN
12 pantig bawat taludtod
12 pantig
10 pantig
tayong tao raw ang tagapangalaga nitong kalikasang bigay ni Bathala ngunit ngayon tayo'y tagapangasiwa nasa diwa'y tubo sa pamamahala
mamamayan tayong di dapat matanso ng sinumang taong may utak na liko bawat karapatan ay butil ng ginto sinumang aagaw ay dapat masugpo
karapatan nati'y kasabay pagsilang "yaong mga puno'y sibaking tuluyan at dapat magamit hanggang kamatayan gawin nating troso upang pagtubuan kaya karapatan ay dapat igalang at nang mga ito'y maging kasangkapan ng sinumang tao, gobyerno't lipunan at malaking ambag pa sa kaunlaran" at ang dugtong pa ng kapitalista: "itapon sa dagat ang mga basura na pawang nalikha sa ating pabrika at nang makatipid sa tuwi-tuwina" "pati mga usok, itaboy sa hangin itapon ang dumi sa may papawirin mga dagdag karbon pa'y ating sunugin ito nama'y para sa pag-unlad natin" sadyang kawawa na itong kalikasan winawasak para lamang pagtubuan di na iniisip ang kinabukasan kundi tubo, tubo, tubo lamang karaniwang tao'y laging nagtatapon ng mga basura dito, diyan, doon kung saan-saan lang, tila sila maton di na iniisip ang mahihimaton karapatan natin ang pangalagaan itong kalikasan at kapaligiran at di karapatang gawing basurahan itong mundong ating pinaninirahan pinaninirahan NANG IGALANG ANG KARAPATAN
tulang siyampituhan Ipaglaban ang karapatan Ng karaniwang mamamayan Edukasyon, paninirahan Relihiyon, pangkabuhayan At iba pa'y dapat tutukan At patuloy na ipaglaban Nang igalang ang karapatan.
karapatan natin ang makapagpahayag ito'y karapatang di dapat malabag isang moog itong dapat matibag tanganan ito't di tayo patitinag karapatan natin ang mag-organisa ng manggagawa at karaniwang masa sa mga samahan, unyon at iba pa ng may isang layon at pagkakaisa karapatan natin ang tayo'y mabuhay may trabahong sapat at nakabubuhay ng ating pamilya, meron ding pabahay at tatlong beses ding kakain ng sabay karapatan nating maging malulusog di nagkakasakit, sa buhay pa'y busog asikasong pantay-pantay pantay-pantay di man irog tinatanggap kahit ospital ma'y bantog nakatala itong mga karapatan sa mga deklarasyong pandaigdigan na dapat basahin at maunawaan ng lahat ng bansa at pamahalaan pag sinaling itong karapatang buo ipagtatanggol ipagtatanggol diligin man ng dugo pagkat karapatan ay butil ng ginto di tayo papayag na tayo'y matanso KARAPATAN, IPAGLABAN dalit
Karapatan, ipaglaban Ng lahat ng mamamayan Pagkat ito y karangalan Para sa kinabukasan ’
pag sinagasa ang karapatan hindi ginto ang katahimikan karapatan nati'y ipaglaban upang makamit ang katarungan di dapat sa sulok ay lumuha di tayo dapat lang tumunganga dapat lumaban at magsalita pag karapatan na'y ginigiba pag karapatan nati'y nilabag aba'y di tayo dapat pumayag di dapat sa takot ay mabahag pananahimik dapat mabasag hindi ginto ang katahimikan ang kapara nito'y karuwagan pagkat gintong dapat ipaglaban ang karapatan ng mamamayan
KARAPATAN NATING MAGRALI
tulang siyampituhan Ang pagrarali'y karapatan Ng bawat isang mamamayan Dito ang hinaing ng bayan Ay baka-sakaling pakinggan. Tayo'y sumama sa lansangan Sabihin ang nararamdaman Pagkat ang rali'y karapatan.
MAGKANO KA, KARAPATAN?
tulang siyampituhan Bawat isa'y may karapatan Na dapat nating ipaglaban Tubig, pagkain, kalusugan Pag-aral, trabaho, tahanan Na maralita'y wala naman Pagkat ito'y may kabayaran. Magkano ka ba, karapatan?