Ang tulang ito ay sample ng isang tulang pan-kaibigan. Kaibigang nalayo man, ngunit hinding hindi mapapalitan.
,,,,,
Ito'y ilang tula hinggil sa karapatang pantaoFull description
Full description
Panahon ng Hapon
Uri ng Tula ayon sa Kayarian
Tula LagnaFull description
isang tulaFull description
TULA-RAP.docx
Tula Lagna
TulaFull description
una novela de drama y sentimeintosDescripción completa
Descripción: Arreglo para la coral latinoamericana de helsinki
Descripción: visita a la central.
ISKA Mga Tula
Tula
Full description
Cuarto de Tula - Full ScoreDescription complète
Published by: Ivan Ruadil on Aug. 04 2014 Copyright:Attribution Non-commercialFull description
Full description
Cuarto de Tula - Full ScoreDescripción completa
1.) Salubong
I
Langit na mataas kami tumatawag Buksan mo sa amin pintong lahat-lahat Dito ay manaog angheI na matapat Ihayag sa, amin misteryong naganap Kami nag-aabang, kami nag-aagap II Butihing anghel na aming kaibigan Sabihin mo sa amin ang balitang taglay Bakit nagtitipon dito sa tahanan At kapal na tao na nagtatanawan, Sa pagsunod dito nitong pagdiriwang III Kami nasasabik sa inyong pagkaway Dahil sa pangako na taglay ang buhay, Halina't bumaba, halina ngang tunay. Kami nasasabik, kami naghihintay IV Natipon na namin alagad na tanan Sampu ng lahat na taga ibang lupa, Dahil sa balita dito ang tipanan Upang salubungin ang tunay na buhay, Kasaysayang tunay dakilang tagumpay.
2.) ANG PAGBATI RESUREXIT DOMINUS VERE SICUT DIXIT ANG NANGYARI KAYA’T ANG HAIN PURI ALELUYA REX DOMINI
1 Ako’y naririto na mahal na ina ko Narito ako ng dahil sa hirap mo Hahandugan kita sa araw na ito Ng isang hain na pang-aliw sa iyo. 2 Liligayahin ka nga na walang kahambing O! Ina ni Jesus at ina rin namin Yaman ang dahilan ng pagkahilahil Ng puso moy tingnan at nasa iyong piling. 3 Dili kong sa bagay oo’t namatay nga Nabuhay rin naman para nang winika Sa ganitong sanhi, O! Ina ng awa Ampunin mo kaming mga taga-lupa. 4 Idalangin tunay kay Jesus na sinta Yaman ang hirap niya’y naging ginhawa Pangapitang yaong wikang mahalaga Surexit Dominus Vere Aleluya. 5 At ikaw O Jesus na buhay at lakas Nangangaligaw sa tunay na landas Hanguin mo kami sa pagkapahamak Yaman ginugulan ng puspos mong hirap.
6 Parahing balsamong tinaglay sa iyo Ng tatlong babae ang handog kong ito At maging Serapin nawa sa puso mo Ang alab ng sintang na ukol sa iyo. 7 Palibhasa ngani’y tunay mong inianak Ako naman sampung nariritong lahat Ama kang naturan, lingapin ang dapat Kami ngayon at sa huling wakas. 8 Tandaan ang sintang nakayanan namin Vivang dugtong-dugtong pagsaliw-saliwin Nabuhay na pala Ang Mag-inang Birhen At sa ligaya rin walang kahambing. 9 Venite Exeltemus mangatuwa kayo Bilang pasasalamat sa Mahal na Pasko Sapagkat si Jesus sabi’y Victorioso Kaya’t bandera rin ang tugon taglay ko. 10 Viva itong bayan at Viva ang kura Viva ang Parokya ng Sta. Clara Viva ang Pangulo, Viva ang lahat na Ang maging pamatid na ala-ala Ang taos papuring VIVA JESUS MARIA!
3.) RESUREXIT SICUT DIXIT Ave Gratia Plena, Ang bati sa iyo Ng pagkakatawang tao ang Diyos na Verbo Dalang balita ni Gabriel na katoto Sa pagdarasal mo itinaon dito Bilang pagsalubong pagkamapalad mo. Sa tuwang misteryo puso mo’y masaya Dalaw kay Isabel lalo pang gumanda Ng ipinanganak mo higit sa ligaya Buhay sa Nazareth langit ang kapara Bunsong mahal mo ay labis ang pagsinta Sa misteyong hapis sa tao’y pagsakop Pasan ni Hesus mo ang krus na pag-ayop Puhunang buhay sa kalbaryo’y natapos Masunod lamang ang takda ng Poong Diyos Puso mo’y naghirap ng putos na putos. Ng siya’y malibing ikaw ay naulila Kalong ng linggatong na walang kapara Krus, sibat, pako at tinik na korona Sanglang naiwan sa iyo’y pamana Tao ang dahilan upang guminhawa. Paalam sa iyo’y muling magkikita Sa ikatlong araw pagkamatay niya Mahal na Señora ngayo’y magalak na Ito na si Hesus at ikaw ang pita Ang tagpo ninyo aming ipinagsasaya. Ipahintulot mo, na aking alisin Ang tabing ng lungkot balabal na itim Ang puso mo’y buksan aming aawitin Ang Regina Coeli na puno ng aliw Sagana sa saya at kagalakan namin. Mga kasama tayo’y magsaliw-saliw Sa Ina at Anak nang pag-awit natin Ang araw na ito ay magdiwang tambing Araw ng tagumpay, araw na maningning Ng Poong si Hesus na ‘di magmamaliw. Vivang dugtong-dugtong s kanyang tagumpay Vivang sunod-sunod sa Inang Mahal Vivang, vivang matutunog, vivang sabay-sabay Sigaw na malakas MABUHAY, MABUHAY, MABUHAY!