PAGSUSURI NG PELIKULA Nobyembre 8, 2006 2- 3 pahina TNR 12 Short bond paper I. Tema – nagsasaad ng pinakapaksa, layunin o mensahe 1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Masasalamin ba sa mga tauhan ang ugali o asal ng totoong tao sa ating lipunan? Ano ang kinakatawan ng bawat tauhan sa pelikula? 2. Anong mensahe ang nais ipahatid ng pelikula? 3. Pagkatapos na mapanood ang pelikula, ano ang iyong naramdaman? naramdaman? Bakit? II. Mga Tauhan – gumaganap gumaganap ng iba't ibang katauhan o karakter 1. Mahusay at makatotohanan makatotohanan ba ang kanilang paggaganap? Naaayon bas a kanilang pananamit, paraan ng pananalita at kilos? 2. Ang mga tauhan ba ay nababagay sa panahon at tema ng pelikula? 3. Ang pag-uugali ba ng mga tauhan ay may kaugnayan sa uri ng kultura at pamumuhay ng mga Pilipino? III. Banghay – pagkakasunud-sunod ng mga eksena o pangyayari 1. Maayos ba ang daloy ng mga eksena? 2. Maayos ba ang transisyon o ang pag-usad ng isang "sequence" patungo sa kasunod? 3. Nasusunod ba ang banghay ng pelikula o may mga eksenang saliwa at hindi dapat naroroon? IV. Musika/Sound Effects – musikang tumutugtog habang may eksena; mahahalagang tunog na nagbibigay ng higit na kabuluhan sa bawat eksena 1. Angkop ba o may kakulangan ang tunog o musika sa pelikula? 2. Mas nabibigyang-pansin ba ang tunog kaysa sa mga eksena? e ksena? Angkop ba ito o hindi? V. Rekomendasyon Rekomendasyon Magbigay ng tatlong (3) rekomendasyon upang higit na mapaganda ang pelikula.
ang interes o kawilihan ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo, nakapagbigay ng takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa lamang ng pelikula,
nabihag na ako na waring walang oras para ito’y mawala sa aking paningin. Habang pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayari sapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito.
Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ng mga tauhan lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong- pusong pag-aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sa kanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang inaruga niya. Hindi lamang niya nabigyang ligaya si Mr. Morgan, nabago rin niya ang takbo ng buhay nito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob sa lahat ng taong makakasalamuha niya.
Sa isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan na ng pag-asa si Teddy, nangamba ako para kay Sarah sapagkat maaari siyang maapektuhan sa nangyayari sa kanyang asawa. Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindi napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas. Nagpursigi si Sarah sa trabaho niya nang sa gayon ay makuha na niya ang kanyang anak sa Pilipinas. Hinangaan ko ang desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit alam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang loob niya sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang mas makabubuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya.
Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang Pangkaalaman ng pelikulang ito sapagkat napakaraming kaalaman o karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na pagpupunyagi ng ating mga OFW’s o ang mga tinatawag nating mga “bagong bayani” sa ibang bansa upang mapaganda ang buhay ng mga minamahal na pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikabubuti at mas ikauunlad ng kanilang buhay.
Dito rin matututunan ang totoong ibig sabihin ng sakripisyo. Sa pagsasakripisyo natin malalaman kung tayo ay nagmamahal ng totoo. Sa ginawang sakripisyo ni Sarah, hindi maikakailang nagsilbi siyang isang tunay na mapagmahal na asawa, anak at higit sa lahat, sa pagiging mabuting ina. Maipaparating din nito ang maayos na pagtrato ng kapwa. Katulad ni David, ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip ng kanyang kapatid. Bukod pa rito, mas nabigyang diin ang pagiging relihiyoso ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo. Kahit na saan magpunta, hindi pa rin mawawala sa mga Pinoy ang mga santo na pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa. Isa pa sa mga matututunan at mas maiintindihan dito sa
pelikulang ito ay ang kalayaan sa pagbuo ng sariling desisiyon. Kagaya ni Sarah, kahit alam niyang mawawalay siya kay Teddy, pinilit niyang maging matatag para sa pagpapatuloy sa mga pangarap niya kasama ang kanyang anak.
Higit sa lahat, ang pelikulang ito ang nagbigay diin sa mga pagtitiis at paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa. Kaugnay nito, nais nito iparating sa mga manonood na bigyan ng sapat na puri at paggalang ang ating mga kababayang nagpupursigi para sa pag-ahon ng kanilang pamilya, pati na rin ng ating bayan.
Bilang huli, masasabing kakikitaan din ito ng Kahalagahang Pansining sapagkat naisagawa naman at napaloob nito ang lahat ng bahaging nararapat upang makatawag pansin at makaantig ng damdamin. Sa pelikulang ito ay mabisang naipakita ang realidad ng buhay. Si Sarah, bilang isang caregiver, ay nagpamalas ng buong pusong laging handang sumuporta anu mang oras. Hindi niya pinabayaan ang trabaho niya. Sa kabila ng mahirap na trabaho, nagsumikap siyang magampanan ang lahat; lagi niyang isinasapuso ang bawat responsibilidad niya bilang isang asawa at ina. Isa sa mga pangyayaring nakaantig ng aking damdamin ay ang parte kung saan nabago ni Sarah ang matandang sa una’y nagkaroon ng malamig na pagtrato sa serbisyong ibinibigay niya. Si Mr. Morgan, mula sa pagiging mainitin ang ulo marahil na rin siguro sa TUNOG
Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Halimbawa na lamang nito ay ang pangyayari kung saan namatay si Mr. Morgan.
Sa pamamagitan ng mabagal at nakaka-iyak na musika, nakatulong ito upang maging makatotohanan ang pangyayari. Mas maipaparating ang totoong damdamin ni Sarah sa bahaging ito. Sa pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maaantig ang damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita nila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyayari sa totoong buhay. G. POTOGRAPIYA
Mapapansing ang kamera ay pinagalaw nang maayos mula sa umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula. H. DIREKSYON
Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing naging matagumpay ang direksyon ng pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script dito. Sa kabila nito, may mga bahaging nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor. Para sa akin, ang nagpamalas ng kahinaan ng direktor ay ang parte kung saan binawian ng buhay ang isa sa mga pasyente ni Sarah na naging sobrang malapit sa kanya. Naglaan si Sarah ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan. Bago pa man binawian ng buhay ang butihing si Mr. Morgan ay nakasama pa siya ni Sarah at ginugol ang mga natitirang oras sa pagpapalipad ng saranggolang gawa ng isa sa mga
kaibigan niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang binawian ng buhay si Mr. Morgan. Pagkatapos nito, hindi man lamang naipakita sa pelikula ang mga detalye ng pagkamatay ni Mr. Morgan. Ipinakita lamang kapagdaka ang pagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng mahal na kaibigan. Sa kabilang banda, naipakita naman ang kalakasan ng direktor sa bahagi kung saan natupad ni Sarah ang pangako niyang pagkuha sa anak mula sa Pilipinas. Naipakita ang pagtatagumpay ng karakter sa desisyong binitawan at pinanindigan niya. Sa lahat ng ito, masasabing nagtagumpay ang direktor na maabot ang orihinal nitong layunin. Hindi lamang ito nakapagabot ng mahahalagang impormasyon, nag-iwan din ito ng aral sa buhay ng tao. I. PAG-EDIT
Naipakita sa pelikula ang natural o makinis na daloy ng mga pangyayari. Sa mga nasaksihang pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagkaka-edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng pelikula na nagbigay daan upang makita ng mga manonood ang tunay na
nilalaman nito. Ang pag-edit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga bahaging hindi ganoong kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong maunawaan. Isa pa, mas gumaganda ang nilalaman ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas sa mga bahagi nito ay detalyado at walang nakasasagabal sa daloy ng bawat pangyayari. II.
KONKLUSYON Ang pelikula ay kakikitaan ng tatlong kahalagahan: Pangkawilihan, Pangkaalaman, at Pansining. Kahalagahang Pangkawilihan ito kung nabihag nito
ang interes o kawilihan ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo, nakapagbigay ng takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa lamang ng pelikula, nabihag na ako na waring walang oras para ito’y mawala sa aking paningin. Habang pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayari sapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito.
Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ng mga tauhan lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong- pusong pag-aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sa kanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang inaruga niya. Hindi lamang niya nabigyang ligaya si Mr. Morgan, nabago rin niya ang takbo ng buhay nito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob sa lahat ng taong makakasalamuha niya.
Sa isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan na ng pag-asa si Teddy, nangamba ako para kay Sarah sapagkat maaari siyang maapektuhan sa nangyayari sa kanyang asawa. Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindi napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas. Nagpursigi si Sarah sa trabaho niya nang sa gayon ay makuha na niya ang kanyang anak sa Pilipinas. Hinangaan ko ang desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit alam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang loob niya sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang mas makabubuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya.
Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang Pangkaalaman ng pelikulang ito sapagkat napakaraming kaalaman o karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na pagpupunyagi ng ating mga OFW’s o ang mga tinatawag nating mga “bagong bayani” sa ibang bansa upang
mapaganda ang buhay ng mga minamahal na pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikabubuti at mas ikauunlad ng kanilang buhay.
braham Lincoln said, “Reputation is the shadow. Character is the tree. ” Our character is not just what we try to display for others to see, it is who we are even when no one is watching. Good character is doing the right thing because it is right to do what is right. One dictionary defines character as “the complex of mental and ethical traits marking a person.” In another dictionary, character is said to be “ the stable and distinctive qualities built into an individual’s life which determine his or her response regardless of circumstances. ”
ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dap at maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Read more: http://wiki.answers.com/Q/Ano_ang_teoryang_feminismo#ixzz1cAXiWgaL