Republic of the Philippines Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Goa, Camarines Sur College of Education S/Y 2015-2016 MASUSING BANGHAY- ARALIN
sa
FILIPINO 9 (PSU Laboratory High School) I.
II.
Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang ay inaasahang: A. naisasalaysay ang mga pangyayari sa kabanata kabanata 32 (Ang Panghugos) Panghugos) B. nakapagbabahagi nakapagbabahagi ng aral ayon sa sariling pagkakaunawa sa mga pangyayari C. naibubuuod ang mga pangyayari sa kabanata 32 batay sa sariling pagkakaunawa. pagkakaunawa. Paksang Aralin: A. Paksa: Kabanata 32- Ang Panghugos (Noli Me Tangere) B. Sanggunian: Noli Me Tangere: Obra Maestra (Bagong Edisyon), Lourdes L. Miranda, et. al. pp. 241-245 C. Kagamitan: Aklat, Cartolina, pentelpen, pentelpen, tisa at pisara
III.
Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MGA MAG- AARAL
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Pakipangunahan mo ang panalangin Fhat.
Fatima: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Esperitu Santo. Amen… Magandang Umaga po Ma’am.
Magandang umaga rin. Pakiayos muna ng mga upuan at pulutin ang mga kalat bago kayo maupo.
(pupulutin ang mga kalat)
Okey. Maari na kayong maupo.
Salamat po.
May liban ba sa klase?
Wala po.
A. PAGGANYAK
Magkakaroon ng pagbibigayan ng “Recognition Card” para Card” para sa mga kaibigan ang mga mag-aaral. Isusulat ito sa ikawalong bahagi ng papel. (4 kada mag-aaral) Isipin ang pangalan ng mga kaibigan mo na nais mong bigyan ng pasasalamat o papuri. Isulat sa piraso ng papel ang nais mong sabihin sa kanya.
Pagkatapos isulat, magkakaroon ng maikling pagbabahagian sa sa klase ng mga isinulat bago bago ibigay sa kaibigan.
Halimbawa: Chriss: Nakagalitan ako ng aking guro, at ikaw Jhen ay naroroon upang ipagtanggol ako. Napakabuti mong kaibigan. May: hinahangaan kita Sheena sa iyong pagiging mapagpakumbaba.
A. PAGTALAKAY NG ARALIN
Sino sa inyo ang nakapagbasa ng aralin?
(itataas ang mga kamay ng mga mag-aaral na nagbasa)
Mabuti. Ngayon, magkakaroon tayo ng dugtungang pagsasalaysay upang upang maisa- isa ang mga mahahalagang tagpo sa kabanata.
Paano nagsimula ang kwento? Ano a ng ginawa ng lalaking madilaw?
Jhen: May isang lalaking madilaw ang tumupad sa kanyang salita. Gumawa siya ng di pangkaraniwang makinarya o panghugos.
Para saan ang nasabing makinarya? Maaari mo bang ilarawan Mani?
Mani: Ito ay isang makinaryang kahanga- hanga na gagamitin sa pagbababa ng mga malalaking tipak ng bato sa hukay. hukay. Ito ay may taas na higit sa walong metro at sinusuportahan ng apat na malalaking troso na pinagkabit-kabit sa malalaki at matitibay na lubid.
Tama! Ano naman kaya ang ibig ipahiwatig ni Pilosopo Tasyo sa kanyang mga sinabi nang mapadaan siya sa harap ng itinatayong gusali na ? Sige nga, Baan?
Baan: sinasabi niya na darating daw ang panahon na tayo ay makaka-alpas sa mga mananakop at sa pagdating ng araw na iyon, matatanto natin kung kung gaano tayo nagpakatanga at nagpaalila sa mga kastilang mananakop.
Tumpak! Ngayon sa pagsisimimula ng seremonya, sino ang tinutukoy na lalaki na nakasuot magbubukid na nakamasid sa ginawang panghugos ng lalaking madilaw?
Bambi: Si Elias po.
Tama! Si Elias nga ang tinutukoy. Sa tingin ninyo, bakit halos ayaw nang umalis ni Ibarra sa tabi ng kura sa mga pagkakataong sinasabihan siyang bumaba sa hukay?
Mara: Sapagkat alam niyang may mangyayaring masama sa kanya sa ilalaim ng hukay katulad ng ibinulong sa kanya ni Elias sa simbahan.
Noong hindi na na nakatanggi si Ibarra na bumaba sa hukay, tuluyan tuluyan na ba siyang napahamak sa kamay ng taong madilaw?
Rose: Hindi po sapagkat sa halip na si Ibarra ang mamatay, ang lalaking madilaw ang natagpuang patay sa hukay.
Sino kaya sa palagay ninyo ang nagligtas kay Ibarra?
Rhein: Si Elias po.
Kung kayo ang nasa katayuan ni Ibarra na alam ninyong may naghihintay na kapahamakan saiyo sa baba ng hukay, bababa ka pa rin ba para masunod masunod ang alkalde?
Hindi, sapagkat hindi ko isusugal ang s arili kong buhay para lamang paluguran paluguran ang mga tao sa aking paligid.
Kung kayo si Elias, gagawin ninyo rin ba ang pagliligtas kay Ibarra kahit na hindi ninyo siya gaanong kilala? Bakit?
Oo. Sapagkat siya ay isang mabuting tao. Iniligtas niya na rin naman ang buhay ko nang minsang muntik na akong mapahamak dahil sa buwaya.
Tama ang lahat ng inyong kasagutan. Ngayon naman, upang mas mapalalim pa natin an gating mga natutunan, hahatain ko kayo sa anim na pangkat. A. PAGLALAPAT Sa loob ng bente minutos,pag-usapan ang mga nakahandang katanungan sa loob ng inyong grupo. Pumili ng tagapag-ulat ang bawat pangkat.
(anim na pangkat ang sasagot sa mga tanong)
1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “Pag -ibig, Pangkat 1: Hindi natin kailangan pang gumawa ng Pag-asa at pananampalatay ang dapat na masama para lang matupad natin ang ating mga sumapuso sa bawat isa sa pagsasakatuparan pangarap. Sapat na ang pag-ibig, pag-ibig, pag-asa at ng mga pangarap. ( Pangkat 1,3,&5) pananampalataya upang upang tayo ay magtagumpay. Pangkat 3: kailangan nating manalig sa Poong Maykapal lalo na sa pag-abot ng ating mga pangarap sa halip na gumawa ng masama sa kapwa. Pangkat 6: Huwag tayong gagawa ng masama sa kapwa lalo na sa pag-abot ng ating mga pangarap sapagkat ang masama ay hindi nagtatagumpay. 2. Kanina, bago tayo nagsimula ng talakayan, nagpasalamat kayo sa mga nagawang n agawang kabutihan sa inyo, ngayon, ano naman ang kaya ninyong gawin para sa isang kaibigan? (Pangkat 2,4,&6)
Pangkat 2: Ang magparaya, maging matulungin, at suportahan siya sa lahat ng kanyang mga pangarap. Pangkat 4: Ang maging mabuting kaibigan na maaring sandalan sa lahat ng oras.
Pangkat 6: Ang maging isang tunay na kaibigan na kaya siyang ipagtanggol sa lahat ng oras. B. PAGLALAHAT Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong mga opinion. Ngayon, sino naman naman ang makapagbabahagi ng inyong mga natutunan sa kabanatang ito?
Rhea: Huwag mag-isip ng masama sa kapwa. Jhunel: Ang pagtulong sa kapwa ay isang malaking karangalan. Kahit hindi natin kilala ang isang tao, kapag nangangailangan ito n gating tulong, wag tayong mag- aatubiling tulungan ito. Ashley: Ang pagiging isang mabuting tao ay walang pinipiling panahon o tao sapagkat sapagkat kapag kabutihan ang nananalaytay sa iyong mga dugo at nananahan sa iyong puso, di mo pipiliin kung sino man ang makikinabang nito. Grey: Huwag na huwag mong iisipin na mapahamak ang iyong kapwa sapagkat maaaring ito ang maging dahilan ng iyong kapahamakan.
Tama ang lahat ng inyong kasagutan. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan kailangan nating maging mabuti mabuti sa kapwa. Wag nating pairalin ang kasamaan para lamang makamit natin an gating mga minimithi.
IV.
Ebalwasyon:
Punan ang Ladder Organizer sa ibaba. Pamagat: Kabanata 32: Ang Panghugos Mga Tauhan:_________________________ Mga Pangyayari:
SIMULA
SULIRANIN
KASUKDULAN
WAKAS
Gintong Aral: V.
Takdang Aralin: Basahin ang kabanata 33: kaayusan ng Kaisipan, sa pahina 250 -255 ng Noli Me Tangere: Obra maestra at saguin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Sino sino ang mga tauhan sa kabanata 33? 2. Ano ang nais ipahiwatig ng kabanata 33? 3. Magtala ng limang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa kwento.
Inihanda ni:
REINA ANTONETTE P. FRANCO BSED 3B-Filipino Major