Masusing Banghay-aralin sa Filipino III
I. Mga Layunin 1. Napipili at nabibigyang-kahulugan ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto 2. Natutukoy ang damdamin habang binabasa ang teksto 3. Napipili ang mga salitang pumukaw sa interes at pag-uugnay ng angkop na simbolismo sa mga salita 4. Nababasa nang may damdamin ang teksto at nailalapat ang tamang kilos at galaw II. Paksang-Aralin Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula Teksto: Ang Aso at Ang Uwak Kasanayang Pampanitikan: Pagpapaliwanag sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto Kasanayang Pampag-iisip: Pagbuo ng konsepto Halagang Pangkatauhan: Huwag agad-agad magpapaloko sa mga papuri Mga Kagamitan: Big Book, Kagamitang Biswal, Concept Strips Sanggunian: http://www.scribd.com/doc/18743728/ANG-ASO-AT-ANG-UWAK http://kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-kaligirangpangkasaysayan-ng-pabula_1145.html http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Filipino-Folktales/ang-aso-at-anguwak.html http://www.bse.ph/download/BSE%20site_/BSE%20WEBSITE%202010/2010SE C/Fil/Pabula%20Kaligirang%20Pangkasaysayan.pdf
III. Pamamaraan A. Panalangin Panalangin Gawain ng Guro Magandang hapon sa bawat isa sa inyo! Maria, maaari bang pangunahan mo ang ating panalangin?
Gawain ng Mag-aaral
Magandang hapon din po, Sir!
Classmates are you ready to pray? Yes, we are. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Loving heavenly Father we come to you this hour asking for your blessing and help as we are gathered together. We pray for guidance in the matters at
hand and ask that you would clearly show us how to conduct our work with a spirit of joy and enthusiasm. Give us the desire to find ways to excel in our work. Help us to work together and encourage each other to excellence. We ask that we would challenge each other to reach higher and farther to be the best we can be. We ask this in the name of the Lord Jesus Christ. Amen In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. B. Pangganyak Istratehiya: Story Telling Gawain ng Guro Okay, huwag na tayong magpatumpiktumpik pa. Magandang hapon ulit sa inyo mga bata! Gusto n‟yo bang makarinig ng isang kuwento?
Gawain ng Mag-aaral
Magandang hapon Sir!
Opo!
Kung ganun, halikayo‟t making at tiyak magugustuhan n‟yo ang kuwentong ito. Ang kuwentong kuwentong ilalahad ko sa inyo ay pinamagatang “Ang Aso at Ang Uwak” mula sa panulat ng isang Griyego na si Aesop. Nabasa Nabasa n‟yo n‟yo na ba ba ito? Hindi pa po. Mabuti! Kung ganun, sisimulan ko na. handa na bang making? Ayan. Isang araw, si Uwak aymay nakitang karne na nakabilad sa sikat ng araw. Anong nakita ni Uwak mga bata?
Opo!
Karne!
Tama, karne. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Siya ay dumapo sa isang sanga ng punong duhat. Saan siya dumapo? Tama ulit mga bata at doon ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na
Sa isang sanga ng punong duhat.
boses ng isang aso. Ang sabi ni Aso: "Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinakamagaling! Walang kakumpara!"Ano ulit ang sabi ni Aso?
"Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinakamagaling! Walang kakumpara!"
Ang galing n‟yo naman mga bata! Sa pagkarinig ni Uwak sa sinabing ito ni Aso, siya ay natuwa at binukas ang bibig para humalakhak. “HA-HA“HA-HAHAHAHA!” Paano nga n ga tumawa si Uwak? “HA-HA“HA-HA-HAHAHA!” HAHAHA!” Ang galinggaling-galing galing n‟yo talaga mga bata! Eh sa tingin ninyo, ano kaya ang sumunod na nangyari?
Tama! Nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan agad namang sinunggaban ni Aso na matuling tumakbo palayo kay Uwak. Anong ginawa ni Aso?
Nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig.
Sinunggaban ang karne at matuling tumakbo palayo kay Uwak.
Magaling! Ngayon alam na natin na ang papuri sa ibang tao ay isang uri na rin ng panloloko. At d‟yan na nagtatapos angating kuwento. Nagustuhan n‟yo ba ang kuwento mga bata? Opo! Mabuti. Kung ganun, sino-sino nga ulit ang mga tauhan sa kuwento?
Sina Aso po at Uwak.
Okay. Sina aso at uwak. Kung ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop, ano kayang uri ng panitikan ito?
Pabula!
Tama. Ito ay isang pabula. Bukod sa mga hayop ang tauhan sa kuwento, ano-ano pang nalalaman ninyo tungkol sa pabula?
(Mag-iisip.)
Saan at kalian kaya unang nagkaroon ng pabula?
Sino-sino ang mga kilala manunulat ng pabula?
ninyong
Kagaya ng tagline ni Tony Gonzaga: “Malalaman ninyo ang lahat ng „yan. Maya-maya Maya-maya lamang.” Kaya ngayon, para madagdagan ang inyong kaalaman tungkol dito, tatalakayin natin ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula”. C. Pagtalakay Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral (Ipapaskil sa pisara ang kagamitang biswal. Tatawag ng mag-aaral na babasa nito.) Ang karaniwang karaniwang pabula ay mga kuwento na hayop ang gumaganap ngunit kumikilos at nagsasalita na tulad sa tao. Madalas na inilalarawan dito ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali at nag-iiwan ng aral. Pinalalagay na ang pabula ay nagmula kay Aesop na tinaguriang “ Ama Ama ng Sinaunang Pabula” Pabula ” noong panahong 620-560 BK. Siya ay isang Griyegong alipin mula sa Isla ng Samos, pangit at may kapansanan sa pandinig mula pagkabata ngunit dahil sa taglay na katalinuhanm sipag at katapatan ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa mga tao sa bayan. Dahil nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na lumabas at makihalubilo sa mga tao. Sumulat siya ng mga pabula tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, at ang kalagayan ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Pinuna niya ang mga maling gawi gawi ng mga tao sa lipunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.Ginamit niya ang
mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga isinusulat. Sa tingin ninyo, bakit kaya? Joshua.
Okay. Bigyan natin siya ng tatlong palakpak. Sino pa? Michael.
Dahil ang mga tao ay hindi rin naman nalalayo sa mga hayop.
(Papalakpak ng tatlong beses.) Dahil isa lamang po siyang alipin, Sir.
Magaling! Naisip ni Aesop na gamitin ang mga hayop bilang mga tauhan dahil bilang isang alipin, wala rin siyang karapatan na punahin ang mga tao lalo na kung ang mga ito ay nabibilang sa mataas na uri sa lipunan. At noon pa man ay ayaw na ng mga tao na pinangangaralan nila nang tuwiran. Kaya bago siya namatay, tinatayang nakalikha siyang mahigit 200 pabula bago siya namatay. May paniniwala rin na ang mga pabula ay nagmula sa India at hinango sa Jatakas at Panchantara. Ang Jatakas, Marlon, pakibasa… Ang Jatakas ay kalipunan ng mga pabula sa India na ipinalalagay na lumaganap noong 500 BK. Ito ay ikinabit ng mga Budhista sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ayan. Si Gautama Buddha ay ang tinatawag na “The Enlightened One”. Ayon sa paniniwala, paniniwala, bago raw nagging Buddha si Gautama ay nagpasalinsalin muna raw siya sa iba‟t ibang hayop tulad ng barako, leon, isda at daga. Naniniwala ba kayo roon?
Iyan ay kanilang paniniwala kaya tanggapin na rin natin dahil kahit tayo ay may sarili ring mga paniniwala. Sa 547 kuwentong Jatakas, may 30 lamang ang maaaring pambata. Ito ay ayon na rin sa pagsusuri at pagtipon ng
Opo. Hindi po.
mga pabulang ito nina Ellen C. Babbit at Marie Shedlock. Isa pang katipunan ng mga pabula ang napatanyag sa India, ito ay ang Panchantara. Ang Panchantara ay kalipunan ng mga pabula sa India na sinulat ni Kashmir noong 200 BK. Ang mga kuwentong ito ay nagsasalaysay ng mga buhay ng mga itinuturing nilang dakilang tao. Pero, makalipas ang maraming taon, patuloy na lumaganap ang pabula ngunit nagkaroon ng pagbabago sa mga paksa. Hindi n ito tungkol sa mga dakilang tao kundi mga kuwento na rinna naglalayong maturuan ang mga tao tungkol sa moralidad at wastong pamumuhay. Kaya nga‟t si Bidpai ay sumulat ng dalawang aklat ng mga pabula na ang mga pamagat ay buhat sa pangalan ng dalawang lobo (jackals): Kalilab at Dimab. Gayunpaman, ang Jatakas, Panchantara kabilang na ang Kalilab at Dimab ay lumaganap lamang sa bansang India hindi tulad sa mga pabula ni Aesop na nakarating sa iba‟t ibang panig ng mundo. Kaya pagkamatay ni Aesop, Sheila, maaari mo bang basahin? Pagkamatay ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan rito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Kabilang din sa nagpalaganap ng pabula sa daigdig ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800. Samantalang ang mga pabula ni Aesop ay tinipon ni Milo Winter noong 1989 at ipinalathala ang “The Aesop for Children”. Ayan. Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba‟t ibang bansa
hanggang sa makarating sa ating kapuluan bago pa man dumating ang mga Español. Nakalikha ng mga katulad na kuwento ang ating mga ninuno. Ginamit din nila ang mga ito upang turuan ang mga tao ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Tulad ng iba pang kuwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng ating mga ninuno. Subalit nang matutuhan nila ang sistema ng panulat, ilan sa mga ito ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato, balat ng mga punongkahoy, talukap ng niyog at mga dahon ng halaman. Ginamit nila bilang panulat ang matutulis na kahoy at bato. Sa paglipas ng panahon ay nagawa na nila itong maisalin sa mga papel, naimprenta at lumaganap hanggang sa kasalukuyan. At isa nan gang konkretong halimbawa rito ay ang pabula na isinalaysay ko sa inyo kanina, ang “Ang Aso at Ang Uwak”. (Ipapaskil sa pisara ang kopya ng pabula.) Basahin n‟yo ngang lahat.
ANG ASO AT ANG UWAK Ni:Aesop
Ang ibong si Uwak Uwak ay lipad ng lipad Nang biglang makita tapang nakabilad Agad na tinangay tinangay at muling lumipad lumipad Sa dulo ng sanga ng malagong duhat. Habang kumakain si Uwak na masaya Nagpakubli-kubli nang huwag Makita Nang iba pang hayop na kasama niya At nang masarili masarili kinakaing kinakaing tapa. tapa. Walang anu-ano narinig ng Uwak Malakas na boses nitong Asong Gubat “Sa lahat nang ibon ika‟y naiiba Ang kulay mong itim ay walang kapara”. Sa mga papuri nabigla ang Uwak At sa pagkatuwa pagkatuwa siya‟y humalakhak; At ang kagat kagat na karne karne sa lupa‟y
nalaglag Kaagad nilundag nitong Asong Gubat. At ang tusong tusong aso‟y tumakbong matulin Naiwan si Uwak na nagsisi mandin “Isang aral ito na dapat isipin Ang labis na na papuri‟y panloloko na rin”. Anong napapans napapansin in ninyo ninyo sa pabula? pabula? Tama. Ito ay nasa anyong patula samantalang gaya ng pagkakaalam natin, ang pabula ay nabibilang sa mga panitikang nasa anyong tuluyan. Huwag sana kayong maguguluhan, kasi noong araw, ang lahat ng uri ng panitikan ay nasa anyong patula. Dumating lang ang sandali na ang ilan sa mga ito ay naisulat nang patuluyan. Buod dito, ang pabulang ito ay hinalawa lamang mula sa orihinal na gawa ni Aesop na may pamagat sa Ingles na “The Fox ang The Crow”. Doon, isang fox ang kaagawan ni uwak ng pagkain pero rito sa pabula ay nagging aso. Bakit kaya?
Patula po, Sir.
Dahil wala pong fox dito sa ating bansa.
Tama. Isa pa, doon sa bersyon sa Ingles, ang pinag-aagawan nina Fox at Crow ay isang cheese samantalang pagdating dito sa pabulang ibinahagi ko sa inyo ay isa ng karne na nakabilad sa araw. Isda lang? Ito ang kaligirang pangkasaysayan ng pabula. D. Pagpapalalim Gawain ng Guro May tanong ba?
Gawain ng Mag-aaral Wala po!
Kung wala, maaari bang pumunta sa kanya-kanyang pangkat?
(Hahanapin ang mga kapangkat.)
Nasa kanya-kanya na bang pangkat?
Opo!
Mabuti. Ngayon, pumunta sa akin ang
mga pinuno ng bawat pangkat para bunutin ang kanilang group activity. Bibigyanko lamang kayo ng 15 minuto para tapusin ang mga gawaing iyan.
(Pupunta sa guro at bubunot ng isang index card kung saan nakalagay ang mga sumusunod na group activities:) a. Mungkahing Istratehiya: Concentric Circle Kaisipan 1 Kaisipan 2
b. Mungkahing Istratehiya: Categorize/Classify Organizer Bilang ng saknong Saknong bilang 1
Mensahe
Saknong bilang 2 Saknong bilang 3 Saknong bilang 4 Saknong bilang 5 c. Mungkahing Istratehiya: Ladder
d. Mungkahing Istratehiya: Choral Reading e. Pagpili ng mga salitang pumukaw sa kanilang interes at paguugnay ng angkop na simbolismo sa salita. Halimbawa : Bata – Bata – manyika Wika – Wika – kadena E. Pagbabahaginan ng Bawat Pangkat F. Pagkuha sa Feedback ng Iba pang Mag-aaral
IV. Pagpapahalaga 1. Ano-anong pag-uugali o katangian ng mga tao ang makikita kina Aso at Uwak? 2. Marami kayang aso at uwak noong araw dahlan para maisulat ang pabulang ito? Maaari ba kayong makapagbigay ng halimbawa? 3. Sa inyong palagay, ano kaya ang gustong iparating sa atin sa pabulang ito?
V. Paglalahat Alam
Gustong Malaman
Nalaman
VI. Pagtataya Gawain ng Guro Kumuha ng isang kapat na papel. Makinig sa panuto. Ibigay ang hinihinging sagot sa sumusunod na mga tanong. Maliwanag ba? 1. Anong taguri kay Aesop noong kapanahunan niya? 2. Saang isla nagmula si Aesop? 3-4. Ano-ano ang pamagat ng mga aklat na sinulat ni Bidpai? 5. Sino ang sumulat ng Panchantara? 6. Anong akalat ang lumaganapsa India noong 500 BK? 7. Kanino hinango ang mga pabula sa Jatakas? 8. Sino ang nagpalathala ng Aesop for Children noong 1919? 9-10. Sino-sino ang nagtipon ng mga kuwentong Jatakas?
Gawain ng Mag-aaral (Kukuha ng papel)
Opo, Sir. AMA NG SINAUNA SINAUNANG NG PABULA PABULA SAMOS KALILAB at DIMAB KASHMIR JATAKAS GAUTAMA BUDDHA MILO WINTER ELLEN C. BABBIT at MAINE SHEDLOCK
VII. Takdang-Aralin Gumawa ng isang angkop na kasabihan mula sa pabulang tinalakay.