Masusing Banghay Aralin sa Pakikinig Grade 9 Pangkalahatang Layunin: Naipamamalas nhg mag-aaral ang pag-unawa pag-unawa sa impormasyong pananaw, opinion, batay sa iba’t ibang tekstong/seleksyonlakdang napakinggan: maikling kwento at saling akdang asyano. I.Layunin:
Natutukoy ang mga mahahalagang detalye o pangyayari sa akdang napak inggan Nakapagbibigay ng sariling opinion o pananaw batay sa naging pagpapasya ng pangunahing tauhan Nakasusulat ng isang mabisang wakas na nagpapakita sa aral ng akda
II.Paksang Aralin: Sanggunian: III.Kagamitan:
“Hashnu, ang manlililok ng bato” Pluma 9 Powerpoint presentation, Audio recorder, Laptop, at speaker.
IV.Pamaraan
Gawaing Guro A.Bago Makining (Motibasyon)
Klase, bago tayo dumako sa ating aralin magkakaroon tayo ng isang Gawain. Sino ang nakakakilala sa larawang ito? Tama, Ano ang masasabi ninyo kay Genie?
Gawaing Mag-aaral
Ma’am, si Genie po sa Aladin.
Isa po siyang kakaibang nilalang na tumutupad at nagbibigay ng mga kahilingan.
Magaling. Ngayon klase kung bibigyan kayong pagkakataon na Makita siya, Ano ang inyong hihilingin sa kanya? At bakit?
Maraming salamat chelsie. Sige Ellaine maari ko bang marinig ang iyong sagot.
Ma’am ako po hihilingin ko sakanya namagkaroon ng maraming pera upang makuha at mabili lahat ng gusto ko. Ako po ma’am nais ko pong maging president upang magkaroon ng kapangyarihan at sundin ng mamayan.
Maraming salamat Ellaine.Sige ikae Ronald ibahagi mo naman ang iyong sagot.
Isang napaka gandang kahilingan Ronald batidko naito ay matupad.
Ma’am gusto ko pong hilingin na pagalingin niya ang aking Ina na may malubhang karamdaman, dahil siya na lamang po ang natitirang kasama ko sa buhay.
B.Habang Nakikinig (Pagtalakay sa Aralin)
Batay sa mga sagot ng inyong mga kaklase, may kanya-kanyang kahilingan kayong nais na matupad. Ang ating gawain kanina ay may kinalaman sa akdang ating tatalakayin na pinamagatang "Hashnu, ang manlililok ng bato" isang akdang nagmula sa bansang Tsina.
Ngunit bago tayo dumako sa talakayan, hahatiin natin ang klase sa tatlong grupo. Habang pinakikinggan ang pagsasalaysay sa akda kailangang makinig at bawat grupo dahil may pagkakataon n ihihinto ko ang pinakinggan ninyo. At may isang grupo akong tatawagib upang sumagot sa akibg katanungan. Malinaw ba?
Opo ma’am.
Manahimik na ang lahat at ipokus ang mga tenga sa pakikinig sa nagsasalaysay ng akda.
Klase, batay sa napakinggan niyo anong lugar o bansa ang tinukoy ng tagapagsalaysay? Sige pangakat 2, kayo ang sumagot.
Maam sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina.
Mahusay! Pangkat 3 sino naman ang ating pangunahing tauhan? At sabihin kung ano ang kanyang trabaho.
Maam ang ating pangunahibg tauhan ay si Hashnu, siya po ay isang manlililok ng bato.
Tama. Anong klaseng trabaho ang nanlililok ng bato?
Maam ito po yung mga nag-uukit ng mga imahe gamit ang bato minsan po kahoy ang ginagamit nila.
Mahusay. Ngayon ipagpatuloy na natin ang pakikinig .
Ano ang unang ninais na maging ni Hashnu? Pangkat 1 maari ng sumagot.
Maam ninais niya pong maging isang hari.
Tama. Ano ang dahilan ng pagnanais niya na maging isang hari?
Dahil po napagod na po siya sa kanyang trabaho, hindi katulad ng isang hari na nakaupo lamang at maraming sundalo at mga alalay.
Maam isang araw po.
Magaling. Ngayon alamin natin kung ano ang sumunod na pangyayari.
Pagkatapos maging hari ni Hashnu, ano ang sumunod na ninais niyang maging?
Tama, bakit niya ninais na maging isang araw? Ano ang kanyang napagtanto? Pangkat 1?
Napagtanto po niya na may mas mataas sa kanya.
Maam naisip niya na kahit isa n siyang hari at mataas sa lahat ng nasasakupan ay merob parin isang bagay na mas higit sa kanya at ito ang araw.
Maari, nais kong magbigay kayo ng patunay na mula sa napakinggan ninyo.
Tama!
Pagkatapos maging hari at araw ni Hashnu, ano ang sumunod na hiling niya? At ipliwanag pangkat 3.
Tama. Ngunit hindi pa doon nagtapos ang lahat. Pagkatapos maging isang ulap ni Hashnu ano ang sumunod na ninais niyang maging?
Maam maging isang ulap dahil nakita niyang kayang takpan ng ulap ang liwanag ng araw.
Maam maging isang bato.
Pangkat 1 ano ang dahilan kung bakit ninais niyang maging isang bato?
Mahusay pangkat 1!
Napagtanto po niya na sa kabila ng mga sakuna at malalakas na hangin at ulan ay nanatiling buo ang mga bato at sila lamang ang bukod tanging natira.
Klase, pagkatapos ng hiniling ni Hashnu na maging isang bato, Ano ang kanyang napagtanto sa buhay?
Maam napagtanto oo niya na oo, hindi nga siya natinag sa malalakas na hangin at ulan bilang isang bato ngunit nasasaktan naman siya sa bawat pagpukpok sa kanya gamit ang maso.
Tama. Pagkatapos niyang napagtanto na hindi rin maganda ang maging isang bato, ano ang sumunod na hiniling niya? Sige pangkat 2.
Maam muli niya pong hiniling na maging isang tao. Hiniling niya sa bumalik na lamang sa dating kaanyuan at bumalik bilang isang manlililok.
Anong katangian ang masasalamin niyo sa buhay ni hashnu?
Maam ang hindi po pagkakuntento sa kung anong meron niya sa buhay.
Mahusay! Sa inyong palagay bakit kaya ninais niyang mamuhay sa iba't ibang kalagayan o katauhan?
Tama! Ano pa?
Tama. Dito natin masasalamin ang hindi pagkakuntento ni Hashnu sa kanyang buhay.
C.Pagkatapos Makinig (Paglalapat)
Para sa inyo, tama ba ang mga pagpapasyang ginawa ni hashnu? Tama ba na ninanis niyang mabuhay sa ibang katauhan?
Maraming salamat. Ano pa?
Maam para po sa akin dahil sa nagsawa na siya sa kanyang buhay at trabaho bilang isang manlililok. Maam sibubukan po niyang mamuhay sa iba't ibang katauhan dahil nais niyang maging higit sa lahat.
Para po sakin hindi po. Dahil minsan nagdudulot lamang ito ng kapahamakan sa atin. Maam para po sa akin, tama po ang ginawang desisyon ni hashnu dahil dito naranasan niyang mabuhay sa iba't ibang katauhan at kanyang napagtanto na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ka.
Klase palaging tandaan na hindi naman masama ang maghangand ng isang bagay basta alam natin dapat ang ating limitasyon at tignan natin kung magdudulot ba ito ng kabutihan sayo.
(Paglalahat)
Ngayon klase upang lubos na tumatak sa inyong isipan ang akdang ating tinalakay, ilalahad ninyo ang mga mahahalagang pangyayari batay sa pagkakasunod nito. Bawat grupo pagusapan na ang mga mahahalagang pangyayari at pumili ng isang representante upang pumunta sa harapan. Malinaw ba klase?
Ngayon maari na ninyong simulan ang pag-uusqo. Pagkatapos ng 5 minuto tatawag ako ng pangkat na pupunta sa harapan.
Ngayon sino ang representante ng pangalawang pangkat pumunta na sa harapan at ilahad ang mga pangyayari.
Opo maam.
Maam sa pangkat po namin napagusapan po namin na una yung dahilan ng kagustuhan ni hashnu na magkaroon ng ibang katauha. Ang dahilan po ay dahil pagod na siya bilang isang manlililok kaya naisip niya ba maganda ang maging hari, hindi naman siya nabigo sa kanyang kagustuhan at siya ay naging hari. Hindu siya nakuntento sa pagiging harivkaya hiniling nitong maging araw atcmuki ito ay natupad, hiniling din niya na maging isang ulap at bato at natupad naman ang nga ito. Sa bandang huli napagtanto nito na maganda parin ang isang manlililok mula noon ay buong puso niyang pinaghusayan ang paglililok.
Mahusay, palakpakan ang pangalawang pangkat. Tama ang pagkakalahad ng mga pangyayari.
Pumunta na sa harapan ang repeesentante ng unang pangkat upang magbahagi.
Maraming salamat, palakpakan ang unang pangkat. Batay sa mga pagbabahagi ng inyong mga kasagutan talagang malinaw at nauunawaan na ninyo ang kwento.
IV.Ebalwasyon Sa isang buong papel sumulat su mulat ng sariling wakas ng akdang tinalakay na nagpapakita ng aral at mensahe ng kwento. PAMANTAYA:
Ngayon klase maari na ninyong simulamn ang inyong Gawain, bibigyan ko lamang kayo ng sampung minute upang ito’y inyong matapos.
V. Takdang Aralin Basahin ang isang akdang saling Asyano na pinamagatang “Mabuhay ka Anak ko” ni Pin Yathay salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo..
Maam, s pangkay po namin napagusapan namin na kahit gaano pa karami ang katauhang ninais ni Hashnu sa bandang huli ay ninais parin niyang bumalik sa dati at manatiki sa dati. Una hiniling niya na maging hari at natupad naman, pangalawa ay maging araw dahik nakita niya na mas higit na makapangyarihan ang araw kaysa sa hari, at nang mga sumunod huniling nito na maging ulap at bato na natupad din. Ngunit sa huli pinili pa rin niya ni ya na maging isang manlililok at mahusay na nagtrabaho.