Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9
Layunin
Naisasalaysay ang daloy at pangyayari sa kabanata.
Naibabahagi ang sariling opinyon hinggil sa kulturang Pilipino na ipinakita sa kabanata (Isang Handaan)
Nakasasagot sa mga hinihinging halimbawa na may kinalaman sa kagandahang-asal.
Nilalaman
Paksa: Isang Hapunan
Sanggunian: Noli Me Tangere pahina 10-12
Mga kagamitan: Kagamitang Biswal, Mga larawan, Laptop, Projector
Pamamaraan
Preparasyon
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral
Magandang umaga klas! Magandang umaga rin po!
Paki-ayos ang inyong mga upuan at
pulutin ninyo ang mga kalat. Opo Ma'am.
Bago kayo maupo ay siguraduhing
nakasuot ang inyong mga I.D sainyo. Opo Ma'am.
May mga lumiban ba sa klase sa araw
na ito? Wala po Ma'am.
Mabuti kung gayon. Umupo na kayo nang
maayos at magsisimula na tayo. Opo Ma'am.
Pagbabalik-aral
Kahapon ay tinalakay natin ang ikalawang
kabanata ng Noli Me Tangere. Ito ang
Si Crisostomo Ibarra. Sino na nga si
si Crisostomo Ibarra, Paul? Si Crisostomo po ay anak ni Don Rafael Ibarra na kaibigang matalik ni Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago.
Magaling! at para kanino ang salu-salong
iyon na inihanda ni Kapitan Tiago, Jamaica? Para po sa ligtas na pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa ilang taong pananalagi sa Europa.
Tama! At bakit sa unang pagkikita nina Padre
Damaso at Ibarra ay nagkaroon agad ang
dalawa ng hindi pagkakaunawaan? Sapagkat iginiit po ni Padre Damaso na hindi niya kilala ang ama ni Crisostomo.
Tama! at ano namang kaugalian ang ipinakita
ni Ibarra sa salu-salo nang ipakilala ang sarili
sa mga taong naroroon? Jim? Kaugaliang galing Europa po. Ito po ay nangangahulugang pagbibigay galang sa mga taong naroroon sa piging.
Nauunawaan ba? May tanong pa? Wala na po.
Pagganyak
Mainam kung gayon. Sa palagay ko ay
handa na kayo sa panibagong aralin.
Ngunit bago ito mayroon muna akong
ipanonood sa inyong bidyo. Ito ay
mayroong kinalaman sa ating tatalakayin
ngayong araw. Handa na ba kayo? Opo Ma'am.
(Bidyo: )
D. Pagtalakay
Ngayong tapos na ninyong mapanood,
tungkol saan ang bidyo, Alex? Tungkol po sa kainang pamilya nang sama-sama.
Tama! ito ang kulturang Pilipino
na bahagi ng ating pamumuhay.
Ano bang mayroon sa sabay-
sabay na kainan sa hapunan, Rex? Dito po nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap- usap ang bawat miyembro ng pamilya.
Tama! Dito tinatalakay ang mga nangyari
sa maghapon o sa anumang mahahalagang
bagay.
Ngayon naman ay tingnan natin ang kahalagahan
ng "hapunan" batay sa ikatlong kabanata ng Noli
Me Tangere, ang "Isang Hapunan".
E. Pagtalakay
Bago natin talakayin ang mismong akda
ay alamin muna natin ang mga salita o
pangungusap na maiuugnay natin sa
"Hapunan".
Magbibigay ako ng halimbawa, ang
hapunan ay dapat igalang sapagkat
dito pinagsasaluhan ang dulot ng
maykapal. Kayo, ano naman ang
ideyang maiuugnay ninyo, Cheska? Ang hapunan ay isang paraan ng pagkakaroon ng koneksyon ng bawat miyembro ng pamilya sa isa't isa.
Salamat Cheska. Ano pang mai-
uugnay ninyo? Roger? Ang hapunan ay simbolo ng selebrasyon sapagkat ito ay tradisyon ng pamilyang Pilipino.
Tama! Magbigay ka pa nga ng isa,
Rojo? Ang hapunan po ay mahalagang pagkakataon para sa pasasalamat sa maghapong gabay ng panginoon.
Salamat! Ngayong may una na kayong
kaalaman hinggil sa hapunan, tayo
nang talakayin ang ikatlong kabanata,
"Ang Hapunan". Ngunit bago ko kayo bigyan
ng ilang minuto sa pagbabasa, narito muna
ang ilan sa mga gabay na tanong na
ating sasagutin sa pagtalakay sa akda.
(Ipapaskil ng guro ang mga tanong sa pisara).
Ayan.. Nga pala, nasa mga kagrupo ninyo
na ba kayo? Opo Ma'am.
Magaling! mayroon kayong limang minuto
para magbasa, matapos nito ay magkakaroon
tayo ng kwen-dugtungan. Bawat grupo ay
magkwekwento hanggang matapos. Matapos
makwento, ibabato ko na ang mga gabay na
tanong at kung sinumang grupo ang makasasagot
ay siyang magkakaroon ng karagdagang puntos.
Maliwanag ba? Opo.
(Matapos ang limang minutong pagbabasa).
Ayan.. umpisahan natin ang pagkukwento sa
grupong ____, na pangungunahan ni
Rain Camille. Nagsimula po ang kwento sa isang hapunan sa bahay ni Kapitan Tiago. Nang papunta na po ang mga panauhin sa hapag- kainan, pareho pong gustong umupo nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa panguluhan. Parehong nagbigayan ang dalawa ngunit bakas sa mukha ng mga ito na iba ang nais nila sa sinasabi nila. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at hindi na nila napansing wala pang upuan ang may-ari ng bahay na si Kapitan Tiago.
Magaling! Itutuloy ng grupong _____, na
pangungunahan ni Rona. Iyon nga po, hindi inalok nina Padre Sibyla at Padre Damaso si Kapitan Tiago. Sa halip ay si Crisostomo Ibarra ang nag-alok dito. Ngunit tinanggihan ito ni Kapitan Tiago at sinabing huwag daw po siya alalahanin. At ang sumunod na nga po ay ang paghain ng tinola na ipinaluto ni Kapitan Tiago para kay Ibarra. Sa di inaasahang kaganapan, ang napunta po kay Padre Damaso ay ang leeg at matigas na pakpak ng manok samantalang napunta kay Ibarra ang pitso, hita at malalaking bahagi ng manok. Humigop lamang po ng sabaw si Padre Damaso at padarag na ibinagsak ang kaniyang mga kubyertos.
Tama! Nadismaya si Padre Damaso sapagkat
Lahat ng gusto niyang parte ay na kay Ibarra.
Ipagpatuloy na ng grupong _____, na
pangungunahan ni Reister. Habang kumakain po ay natuon ang usapan kay Ibarra. Naitanong ni Laruja kung ilang taong nawala sa Pilipinas si Ibarra. At doon ay tinanong kung nalimot niya po ba ang bayan. Matapos nito ay nagpatuloy ang mga karanasan ni Ibarra at ang kanyang mga natutunan sa ibang bansa kabilang ang wikang kanilang sinasalita. Dito ay natanong din ni Laruja, kung anong bansa ang pinaka- nagustuhan ni Ibarra at kung anong mga natutunan niya dito.
Salamat. At ang huling tagpo ay ikukwento
ng grupong____, na pangungunahan ni
Joshua. Nung narinig nga po ni Padre Damaso iyung mga kasagutan ni Ibarra ay minaliit siya nito sa harap ng maraming tao. Nagtimpi si Ibarra. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila. Ibinaling na lamang po ni Ibarra ang pagsagot sa pagsasabi na, siya (Ibarra) at Padre Damaso ay magkakilala na noon pa mang bata pa lamang siya sapagkat nakakasalo nila ito ng kanyang amang si Don Rafael sa kanilang hapag Pagkarinig po ni Padre Damaso ay nanginig ito samantalang si Ibarra po ay nagsimula nang magpaalam. Tinangka siyang pigilan ni Kapitan Tiago ngunit nangako itong babalik na lamang kinabukasan. Nang makaalis si Ibarra ay sinabi ni Padre Damaso na epekto ito ng pag-aaral ng isang Indiyo sa ibang bansa.
` Ayan.. palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili. (palakpakan)
Ngayon ay dumako naman tayo sa mga gabay
tanong. Bakit pinag-aagawan nina Padre
Sibyla at Padre Damaso ang panguluhang
upuan o kabisera, samantalang may iba
pang pwesto kung sakali? Group ____. Ang pag-upo po kasi sa pwestong iyon ay nangangahulugang pinakamataas kumpara sa mga panauhing nakaupo rin duon.
Magaling! ano pang dahilan, group ____. Tulad po ng sa bahay po. Ang nauupo po sa kabisera ay Tatay o Ama, sapagkat siya po ang pinakamakapangyarihan sa loob ng bahay. Ganun din po sa hapag-kainang iyon, ang pag-upo po sa panguluhan ay nangangahulugang ikaw ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
Tama! Susunod na tanong ay, Ayon kay
Ibarra, sariling wikang ginagamit ng mga
bansang narating niya. Ano ang nais niyang
ipahiwatig tungkol sa Pilipinas, group___? Nais niya pong gamitin din ng Pilipinas ang kanyang sariling wika. Hayaang ang mga dayuhan ang mag-aral ng ating wika, hindi yaong tayo ang mag-aaral sa kanilang wika sa ating sariling lugar.
Tama! Sapagkat kung ating susuriin ngayon
mas gamitin na ang ibang wika kaysa sa sariling
pagkakakilanlan nating mga Filipino.
Susunod ay ang, bakit nasabi ni Padre Damaso
na dapat ipagbawal ng pamahalaan ang
pagpapadala ng isang Indiyo sa Europa dahil
sa masamang epekto nito, group ____. Kung makikita po kasi sa kilos ni Ibarra, nakita ni Padre Damaso ang narating ni Ibarra kabilang dito ang kanyang edukasyon. Nasabi ni Padre Damaso na hindi dapat nakapag-aaral ang mga indiyo upang hindi matuto ang mga ito na lumaban sa halip ay maging sunud-sunuran na lamang sa kanila.
Magaling! Ayan klas, may tanong ba? Wala po Ma'am.
F. Paglalahat
Ano ang kaugaliang Pilipino na makikita sa
hapunan na nasa kabanata ang makikita
pa rin sa mga hapag-kainan hanggang sa
kasalukuyan, Rosell? Iyon pong agawan po sa ulam ng mga magkakapatid. Ito po ang maituturing na sakit sapagkat dito po nawawala ang respeto sa kainan.
Tama! anu-ano pa? Iyun pong pag-upo sa kabisera ng pinakamakapangyarihan sa bahay. Iyon pong Tatay.
Magaling! may tanong ba? Wala po.
IV. Ebalwasyon
Gamit ang larawan, pupunuan ng bawat pangkat ang mga bilog na nakaguhit sa manila paper. Ilalagay dito ang mga dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan. Matapos mapunan ay ipapaskil ito sa pisara upang mabigyan ng puntos ng guro.
Rubriks sa Pagmamarka
10 puntos- Nakapagbibigay ang 10 na dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan.
8 puntos- Nakapagbibigay ng 7-9 na dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan.
6 puntos- Nakapagbibigay ng 5-6 na dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan.
4 puntos- Nakapagbibigay ng 3-4 na dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan.
2 puntos- Nakapagbibigay ng 1-2 na dapat tandaan ayon sa magandang asal sa hapag-kainan.
V. TakdangAralin
Basahin ang kabanata 4-7 ng akdang Noli Me Tangere. Isulat ang mahahalagang tauhan na mababanaggit.
Binigyang pansin nina: Inihanda ni:
G. Ryan B. Baltazar Virgielyn D. Nicolas.
Master Teacher II Gurong Nagsasanay
G. Ryan M. Aguinaldo
Teacher III