Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Wika sa Filipino III I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. napaghahambing napaghahambing ang ang dalawang dalawang uri ng ng pang-uri; B. nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran; C. nakabubuo ng talatang ginagamitan ng pang-uring pamilang at palarawan; D. aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain. II. Paksang-Aralin A. Paksa: Uri Uri ng Pang-uri Pang-uri B. Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtatalakay sa Filipino, pp. 119 C. Kagamitan: Graphic Organizer, larawan, sipi ng isang sanaysay III. Pamaraan (Pabuod) Gawaing-Guro
Gawaing-Mag-aaral
A. Panimulang Gawain 1. Balik-Aral Klas, kahapon ay ating tinalakay ang tungkol sa salitang naglalarawan.
Ngayon ay narito ang dalawang pangungusap. Basahin nga ang mga ito. (Babasahin) Ang dalaga dalaga ay maganda. maganda. Kulot ang buhok ni Lhea. Ngayon klas, ay tukuyin nga ang mga salitang naglalarawan, Lhea. Maganda ma’am! Tama! Sa pangalawang pangungusap naman, Isabel. Kulot po. Mahusay! Anong tawag tawag sa mga salitang salitang naglalarawan na inyong ibinigay mula sa mga pangungusap, Edna. Pang-uri Pang-uri ma’am Magaling! Pang-uri nga ang tawag sa salitang naglalarawan. 2. Pagganyak Klas, anong nakikita ninyong hawak ko?
Mga larawan po. Tama! Ito nga ay mga larawan, ilarawan nga itong unang hawak ko, Grace.
May maraming puno po sa larawan, ma’am. Magaling! Nakikita nga natin sa larawan ang maraming puno. Ang pangalawang larawan naman klas, Lhea. Ang babae po ay maganda. Marunong! Sa Pangatlong larawan naman, Isabel. May limang bulaklak na magaganda ma’am. Mahusay! Ang limang bulaklak nga ay magaganda.
B. Paglalahad Ngayon klas, narito ang isang sanaysay na pinamagatang “Edukasyon… Susi sa Pag-abot ng mga Pangarap”
Basahin nga ito nang malinaw at malakas Cheryl. Klas, habang binabasa ni Cheryl ang sanaysay, inyong sundan ito gamit ang inyong mga kopya at inyong pagtuunan ng pansin ang mga salitang nasalungguhitan. (Babasahin)
Edukasyon… Susi sa Pag-abot ng mga Pangarap
Ang mga tao ay likas na mapangarapin. Mula nang tayo’y magkaisip, samut saring pangarap na ang nais nating maabot. Ang mga pangarap na ito’y maaa ring bumago sa ating abang buhay. Mga pangarap na kaytatayog na tila ba kay hirap abutin. Ngunit paano ba tayo magiging matagumpay sa pag-abot ng mga matatayog na pangarap na ito? Edukasyon! Ito ang magsisilbing mabisang susi sa mundo ng kaalaman. Ito ang ang lilinang at hahasa sa ating kakayahan. Ito ang susubok sa ating katatagan at determinasyon. Sadyang mahirap abutin ang mga pangarap. Ang landas na tatahakin natin tungo dito’y maaaring mabata, maputik. Maraming balakid ang maaaring kaharapin hindi lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit matuto sana tayong bumangon at labanan lahat ng mga mapanghamong suliranin o hadlang sa landas na ating tatahakin. Sabi nga, “Edukasyon ay pagbutihin, upang magandang kinabukasan ay mabuksan para sa atin.”
C. Pagtalakay
Ngayon klas, balikan natin ang sanaysay. Pagtuunan natin ang sanaysay. Pagtuunan ng pansin ang mga salitang nasalungguhitan. Anuano ang mga ito, basahin, Marciana. (Babasahin) Magaling! Isa-isahin nating talakayin ang mga salita. Basahin ang buong pangungusap na may nasalungguhitang salita. Mula nang tayo’y nagkaisip, samut -saring pangarap na ang nais nating maabot. Alin ang nasalungguhitang salita, Lhea?
Samut-sari madam
Paano ginamit ang salitang samut-sari sa pangungusap? Inilarawan po dito ang mga pangarap na nais maabot. Magaling! Inilarawan nga ang mga pangarap na nais maabot mula nang tayo’y magkaisip. Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, basahin Pia. Okey klas, batay sa binasa alin naman dito ang nasalungguhitang salita, Mona?
Ang mga pangarap na ito’y maaaring bumago sa ating abang buhay.
Aba ma’am
Tama! Paano naman ginamit ang aba sa pangungusap klas, Isabel? Inilarawan po nito ang buhay ma’am. Marunong! Inilarawan nga nito ang ating buhay. Ano pa? Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Edna. Mga pangarap na kaytatag na tila ba kay hirap abutin. Tukuyin nga ang nasalungguhitang salita dito, Isabel.
Kaytatayog ma’am
Mahusay! Paano ginamit ang salitang kaytatayog sa pangungusap klas? Naglalarawan poi to sa pangarap ma’am. Magaling! Ang salitang kaytatayog nga sa pangungusap ay naglalarawan sa mga pangarap na tila mahirap abutin. Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Mona.
Ito ang magsisilbing mabisang susi sa mundo ng kaalaman. Okey, alin dito ang salitang nasalungguhitan, Cheryl? Mabisa ma’am. Ano naman ang ginamit ng salitang mabisa sa pangungusap? Ginamit po ang mabisa upang ilarawan ang susi ng kaalaman, ang edukasyon. Tumpak! Tama ang inyong sagot. Ngayon magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Lhea. Ang landas na tatalakayin natin tungo dito’y maaaring mabato at maputik. Tukuyin nga ang mga salitang nasalungguhitan, saka tukuyin ang mga salitang naglalarawan at ano ang inilalarawan nito, Marciana. Mabato at maputik ma’am na panuring po sa salitang landas. Tama! Ang mga salita ngang mabato at maputik ay naglalarawan sa landas na tatahakin. Maliban sa mga naibigay na klas, magbigay pa nga kayo, Mona. Maraming balakid ang maaaring kaharapin hindi lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit matuto sana tayong bumangon at labanan lahat ng mga mapanghamong suliranin o hadlang sa landas na ating tatahakin Alin dito ang mga nasalungguhitang salita, Naïve? Ang mga nasalungguhitan pong mga salita ay ang marami, iisa, dadalawa, tatatlo at mapanghamon Magaling! Unahin natin ang unang salitang nasalungguhitan sa pangungusap, ano ito Ivy?
Marami po ma’am
Tama! Pansinin klas ang mga salitang nasalungguhitan ang salitang iisa, dadalawa, tatatlo, ano ang inilalarawan nito? Balakid ma’am Sang ayon ba kayo klas na ang inilalarawan ng salitang iisa, dadalawa at tatatlo ay ang salitang balakid. Opo ma’am. Mahusay! Ang inilalarawan nga ng mga ito ay ang salitang balakid. Ano ang sumunod na salitang nasalungguhitan? Mapanghamon ma’am Batay sa pangungusap, anong
inilalarawan ng salitang napanghamon?
Mga suliranin o hadlang ma’am.
Magaling! Basahin nga ang panghuling pangungusap na may nasalungguhitang salita. Edukasyon ay pagbutihin, upang magandang kinabukasan ay mabuksan para sa atin. Basahin nga ang salitang nasalungguhitan. Maganda po Tama! Ano ang inilalarawan ng maganda base sa pangungusap, Naïve? Ang salita pong maganda ay naglalarawan sa kinabukasan para sa atin. Tumpak! Ang salita ngang ito ay naglalarawan sa ating kinabukasan. D. Paghahambing at Paghalaw Ngayon klas, gamit ang mga salitang nasalungguhitan sa lunsaran, inyong gamitin ang talahanayang ito. Ang inyong gagawin ay isulat ang salitang tumutukoy sa bilang sa unang hanay at mga salitang nagsasaad ng katangian, uri, hugis naman sa pangalawang hanay.
Naunawaan ba klas?
Opo Inaasahang marami iisa dadalawa tatatlo
sagot: samut-sari aba kaytatayog mabisa maputik
mabato mapanghamon maganda
Basahin nga ang inyong mga isinulat klas, sa unang hanay at sa pangalawang hanay Cheryl. (Babasahin) Ano ang katangian ng mga pang-uri sa unang hanay at ano ang tawag sa mga ito?
Nagsasaad po ng bilang o dami at ito’y pang-uring pamilang ma’am.
Ano naman ang katangian ng mga salita sa ikalawang hanay? Tumutukoy sa uri, katangian ng bagay, tao at pangyayari. Ano naman ang tawag sa mga panguring ito? Pang-uring palarawan ma’am. Paghambingin ang dalawang uri ng pang-uri.
Ang pang-uring pamilang ay tumutukoy sa bilang habang ang palarawan ay naglalarawan sa uri, katangian ng bagay,
tao at pangyayari. E. Paglalapat Klas, narito ang isang Graphic Organizer.
Punan ang bawat bahagi nito ng mga impormasyong hinihingi. P A N G U R I
kahulugan
(Inaasahang sagot)
P A
kahulugan
uri N G U R I
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa hugis, anyo at kulay
Pang-uring Pamilang
uri Pang-uring Palrawan
Klas batay sa mga isinulat ninyo, magbigay ng buod ng paksang tinalakay natin.
Tumpak!
(Inaasahang Sagot) Ang pang-uri ay salitang naglalarawan. Ito ay may dalawang uri ang pang-uring pamilang na nagsasaad ng bilang o dami at ang pang-uring palarawan na naglalarawan sa katangian, anyo, kulay at hugis.
F. Paglalapat Ngayon klas, tatawag ako ng isa niyong kamag-aral.
Ang inyong gagawin ay ilarawan siya gamit ang dalawang uri ng pang-uri, Marciana?
Mahaba ang buhok ni Grace.
Mahusay! Paano inilarawan ni Marciana si Grace, Cheryl? Mahaba po ang kanyang buhok ma’am. Marunong! At anong uri ng pang-uri ang kanyang ginamit sa paglalarawan, Jessicah. Pang-uring palarawan ma’am. Tumpak! Ilarawan pa nga si Grace, Ivy. May suot na dalawang hikaw si Grace ma’am. Tama! Mayroon ngang dalawang hikaw si Grace. Ngayon klas, anong uri ng
pang-uri ito, Pia? Pang-uring pamilang po ma’am. Mahusay! Ano pa Naïve? Mayroon apat na maiitim na nunal sa mukha si Grace ma’am. Magaling! Si Grace nga ay may apat na maiitim na nunal sa kanyang mukha. Kung ganon, anong uri ng pang-uri ang ginamit upang ilarawan si Grace, Mona?
Pang-uring palarawan at pang-uring pamilang ma’am. Sapagkat ang salitang apat ay nagsasaad ng bilang ng nunal ni Grace at ang salitang maiitim naman ay tumutukoy sa kulay ng kanyang nunal ma’am.
Tumapak! Naunawaan ba klas ang ating aralin sa araw na ito? Opo ma’am IV. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng isang talatang ginamitan ng pang-uring pamilang at pang-urin palarawan. Tiyakin lamang na may taglilimang salitang ginamit sa bawat uri. V. Kasunduan
1. Ano ang pang-abay? 2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay? Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtalakay sa Filipino, pp.133-135