Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTERADO NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila
ISANG PAGSUSURI SA DULANG “SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK?”
Papel na iniharap kay Prop. Rogelio L. Ordoñez Paaralang Gradwado Kagawaran ng Filipinolohiya Kolehiyo ng mga Wika at Lingggwistika Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Bilang pagtugon sa kahingian sa kursong Masterado ng Sining sa Filipino sa asignaturang Panitikang Mapanghimagsik (MAF 504)
Mananaliksik: Reyes, Ryan Pesigan 2011-11110-MN-0
Hulyo, 2012
1
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTERADO NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Iniharap at inihanda sa mga kamag-aral ng MAF 504 ang pag-aaral na ito na may pamagat na, ISANG PAGSUSURI SA DULANG “SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK?”, bilang bahagi ng pagtupad sa kahingian sa asignaturang Panitikang Mapanghimagsik (MAF 504).
TAGASULIT
Prof. Rogelio L. Ordoñez Guro
2
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTERADO NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila
Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Lugar/Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila PAMAGAT: ISANG PAGSUSURI SA DULANG “SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK?”
MANUNURI: RYAN PESIGAN REYES (2011-11110-MN-0) Kurso: Masterado ng Sining sa Filipino
Petsang Nagsimula: Ika-7 ng Hulyo, 2012
Petsang Natapos: Ika-14 ng Hulyo, 2012
I.
A.
Pamagat ng Katha: Saan Papunta ang mga Putok May-akda: Rogelio L. Ordoñez
B.
Aklat na Pinagkuhanan: Saan Papunta ang mga Putok. Rogelio L. Ordoñez.
Quezon City: University of the Philippines Press,
1998. pp. 188-211.
II.
A.
3
Buod
Nagbubukas ang eksena sa panahon ng Administrasyong Cory Aquino kung kailan nakikipagtunggali ang kanan at kaliwang panig ng spectrum ng pulitika para sa kapangyarihan na hinahawakan ng isang karaniwang may-bahay na nailagay sa pinakamataas na posisyon sa Pilipinas. Lalabas sa unang eksena si Ador, ang estudyante at welgista na nakikilahok sa mga kilusang pambansa at ang kanyang kapatid na babae na si Aida.
Makikita dito ang kanilang pagiging mga anak ni Aling Ester ang
natatanging pagkakapareho nilang magkapatid. Kung saan palaging nakikibaka si Ador sa mga protesta at pagtanggol sa mga karapatan ng mga manggagawa; si Aida naman ay saradong isipan at nakatuon lamang sa kanyang pag-aaral. Pananaw ni Aida na maiaangat niya ang kanilang kalagayan sa pagtutok at pagtuon
lamang
sa
napakahalagang
edukasyon
na
pananaw
niyang
magsisilbing pundasyon kung saan huhubog at gagabay ito sa landas niya sa kanyang pagtanda at magiging batayan at gabay niya ito sa kanyang haharapin sa pang-araw-araw na mga desisyon sa buhay. Bagamat maganda sana ang kaniyang pananaw, sarado naman siya sa anumang kasalukuyang isyu na kanilang hinaharap sa pang-araw-araw. Magbabago ang mundo ng lahat ng mga tauhan isang araw kung kailan pinagbibintangan ng mga militar na nakipagtunggali sa mga nagproprotesta na ilan sa mga lumahok ay mga miyembro ng NPA Sparrow Unit – ang tinaguriang Alex Boncayao Brigade – ang urban hitmen ng NPA. Sa isang raid ng mga militar, dinakip si Ador at dinala sa isang interrogation room. Doon siya pinilit umamin ng tatlong sundalo kasama ang kanilang Tenyente Abadilla bilang isang
4
teroristang NPA Sparrow Unit. At nang hindi makuha ng militar ang kanyang pag-amin, tinortyur si Ador.
Dito rin nagwakas ang kuwento kung saan
bubunutin ni Ador ang baril ng isang sundalong nambubugbog sa kanya at magwawakas sa tunog ng mga putok ng baril.
III.
Pagsusuri A. Uring Pampanitikan Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay isang dula na sariling katha ni
Rogelio L. Ordoñez. Masasabi itong dula dahil nagsasaad ng isa o higit pang pangyayari na ginagampanan ng isa o higit pang tauhan ang likhang kuwento na naaakmang itanghal sa dulaan o entablado. Ang estilo rin ng pagsulat na bawat tauhan ay may diyalogo at may panuto kung ano ang eksena at kapaligirang napapalibot sa kanya ay akma rin para sa entablado o dulaan.
Panitikang
Patanghal ito dahil hindi nagiging ganap ang pagkasulat nito hanggang hindi ito naisasagawa o naitatanghal sa tanghalan o dulaan. B. Istilo ng Paglalahad Tradisyunal ang naging paraan ng paglalahad ng dulang kuwento. Sinimulan ito sa karaniwang paglalarawan ng kapaligiran, panahon at kondisyon kung kelan nagaganap at dula. Tradisyunal na dula ang pamamaraan o istilo ng paglalahad nitong sarilinga katha. Itong tradisyunal na pamamaraan ay maiiba sa huli ng dula kung saan nagtapos ang dula sa pambansang awit na kadalasang pinapatugtug sa umpisa ng pagsasadula. Kontrobersiyal rin itong
5
pagtugtug dahil ang eksenang sinundan nito ay ang pagpapakita ng dungis at baho ng administrasyon at militar ng bansa. C. Mga Tayutay 1. “Binatuta kami ng pasista, parang mga asong pinagbabaril. Aywan ko kung ilan ang tinamaan sa amin, kung ilan ang nasa morge” Masasabi nating simili itong diyalogo dahil di tiyak itong paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Naihalintulad ang pagbabatutua ng mga miltar sa mga estudyanteng aktibista sa mga galang asong pinagbabaril lamang upang mahinto ang mga ito dumami. 2. “Talagang wala na nga yatang pag-asa ang bansang ‘to dahil maraming Pilipino na ang isip kagaya mo... isip-lugaw, isip-abo!” Isang metapora ito na tiyak na naghahambing sa kaisipan ng maraming Pilipino na pag-iisip ay isip-lugaw, isip-abo lamang. Diretsong inihahalintulad ang mga Pilipino sa kanilang kakulangang mag-isip para sa kanila sarili, umahon sa kanilang paghihirap, at maghimagsik labang sa mga nangaapi sa kanila. 3. “’Di bale... kung ayaw mong kumanta, papipirmahan na lang kita ng tula.” Isang tayutay na hayberbole ang diyalogo sa itaas na pagpapasidhi ng kalabisan ng damdamin ni Ador sa kanyang kalagayan at katayuan. Hanggang sa kanyang kahuli-huling hininga, idiniin niya ang kanyang pagiging aktibista lamang at hindi bahagi sa ‘Sparrow Unit.’ “... ayaw mong kumanta, ... pirmahan na lang kita ng tula” – isang pabugtong patulang pagmamalabis ni Tenyente
6
Abadilla na naglalarawan ng matinding pag-aabuso sa karapatang pantao at dignidad ninomang nasa posisyon ni Ador.
D. Sariling Reaksiyon
1. Teorya Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay isang sariling katha ni Rogelio L. Ordoñez. Isang fiction ito na nagsasalamin ng katotohanan ng kapanahunang naisulat ito at maski sa kasalukuyan ay akma pa rin itong dula.
Isang
Realismong Panitikan ito na nagpapakita ng pamayanang panlipunan bilang napupuno ng salot, korupsiyon at kaguluhan. Kinapapalooban ng realismo rin ito dahil sa mga pangyayari sa kuwentong ito na maihahambing sa kasaysayan ng Pilipinas.
Maikukumpara ang demo sa Liwasan ng Bonificio sa madugong
pangyayari sa Mendiola noong 1987.
Katulad na lamang ni Ador na
maihahambing sa dami-daming mga aktibistang estudyante ng PUP at UP na nabilanggo, napatay, at natortyur dahil napagbintangang mga Sparrow Unit ng New Peoples’ Army.
2. Mga Pansin at Puna
Sa pagbabatikos ng panitikan, kailangang masusi munang pag-aralan ang talambuhay ng may-akda bago batikusin ang kanyang nilikha.
Sa ganitong
paraan, mas mapag-aaralan kung ano ang mga nagdulot sa kanyang sariling katha at ang kanyang mga pananaw sa pagsulat nito.
7
Nagtapos ang may akda ng Batsilyer ng Agham sa Inhenyeriya ngunit pinili niyang sagutin ang tawag ng malikhaing pagsusulat na kumakatawan sa realidad ng buhay – ang mga daing, sigaw, at paghihimagsik ng mga api lalo na ng mga manggagawa, mambubukid, at migrante.
Pinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa pagkuha ng Masterado ng Sining sa Pangmadlang Komunikasyon sa layuning magturo sa mga bagong henerasyon ng mga manunulat. Pinili ni Ordoñez magsulat kaysa ipagpatuloy ang pagiging inhinyero at ilan sa kanyang mga sinulat ay ginanampalaan dahil sa pagtugon ng mga ito sa sosyo-kultural-pulitikal na katayuan ng bansa. Tulad ng “Saan Papunta ang mga Putok?” na isinulat noong 1993, inilalarawan nito ang brutal na pang-aapi at paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa at ng mga aktibistang manggagawa na nais lang mag-organisa at magtaguyod ng Unyon. Isaalangalang rin natin na sa panahon ng Administrasyong Corazon Aquino kung kailan isinulat itong dula, kakatapos lang ng Mendiola Massacre ng Enero 22, 1987 na mayroong demo rin sa harap ng Liwasang Bonifacio kung saan naganap ang sigawaan sa Unang Tagpo ng dula. Mabuting banggitin rin na ang kasalukuyang administrasyon – ang Administrasyong P-Noy – ay bahagi sa kurakot na nagdulot nitong Mendiola Massacre at ang susunod na malaking massacre – ang Luisita Massacre noong Nov. 16, 2004 na nagbunga ng pangmalawakang kritisismo mula sa maraming mamamahayag lalo na kay Conrado De Quiros na nagpahayag sa kanyang kolum: “Ang pagwewelga ay hindi illegal o immoral, pinapahintulutan ito ng Konstitusyon at naka-ugat sa tradisyon ng kilusan ng mga
8
manggagawa. Sina Lucio Tan at ngayon ang kapangalan ni Ninoy ay naniniwala na hindi ito ganito."
Akma pa rin itong dula sa kasalukuyan dahil hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at kasalukuyang administrasyon ang “union busting” o pagsugpo ng pagtataguyod ng unyon sa mga pabrika. Maski ang pinakamalaking industriya ng Pilipinas – ang “call center industry” – na nagpapasok ng dolyar sa ating bansa ay walang nakataguyod na unyon para sa mga
“call center
representative.” Mabuting banggitin rin na ang kaantas ng mga ahente sa ibang bansa ay may unyon at mas malaki ang kanilang sinasahod.
Saan ang
katarungan dito?
Isa pang mapupuna sa dula ay ang konsepto ng Patay-Malisya sa karakter ni Aida. Inilarawan siya ng may-akda bilang “Kapatid ni Ador, 19 na taong gulang, karaniwang estudyante, walang pakialam sa mga isyung pambansa.” Siya ang karaniwang mamamayan at mag-aaral sa ngayon – pinagaaralan at binabatikos lamang ang mga kaganapan sa kapaligiran nguit walang planong baguhin ang sistema o ipabuti ang lipunan. Hinahayaan na lang ng mga Aida sa mundo manatili ang “status quo” sa paniniwalang hindi nila kayang baguhin ang lipunan. “Magsigaw man ako sa kalye kagaya n’yo, kahit-arawaraw, ano’ng magagawa ko?
Sino ako para baguhin ang sinasabi n’yong
masamang sistema ng lipunan.” – isang diyalogo ni Aida na kumakahon sa kanyang ugali, kinagisnan at marahil kinabukasan. Sa Kanluraning konsepto, ang konseptong “patay malisya” ay maaaring isalin na pagiging isang “Good
9
German” na lampas pa sa pagiging apatetiko o “apathetic”
na wala lang
pakialam, ang taong ”patay malisya” o matuturing “Good German” ay mga tao ng anumang lahi na may kaalaman at nagmamasdan ng mga pangyayaring mali o nakasasama – na ginagawa ng pamahalaan o ng anumang makapangyarihang institusyon – ngunit piniling maging tahimik at huwag magsalita, maski sa pamamagitan ng pagtutol o paggawa ng mga hakbang na makakapagbago ng mga pangyayari. Sila ang mga Aida ng ating lipunan. Maganda ring banggitin na ang salitang Aida ay hindi lang pangalang ng karakter sa dula ngunit ito rin ay isang “swardspeak” o salitang bakla na ang ibig sabihin ay AIDS o malubhang karamdaman. Tunay nga namang malaking salot ang mga Aida sa ating lipunan. Sino na ang pag-asa ng ating bayan? Pangatlong masusing pagpupuna ay ang pagsasadula ng “Saan Papunta ang mga Putok?”
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring teatro ang nais
magsadula nitong likha ni Rogelio L. Ordoñez. Palagi na lang itong tinatalakay at masusing sinusuri sa mga klaseng Panitikang Filipino ngunit wala pang pagkakataong isadula ito sa teatro.
Madalas binabanggit ang takot ng mga
teatro sa nilalamang karahasan ng istorya lalo na ang pag-tortyur kay Ador ngunit salamin ito ng buhay at tunay nitong pinapakita ang nangyayari sa tortyur sa isang rehimeng militar. Ngunit maski ang pinakamarahas na dula na sinulat ni William Shakespeare – ang “Titus Andronicus” ay naisadula na sa Pilipinas. Ang pinakatanyag at kamakailang pagsasadula nito ay pinamagatang “Titus Andronicus: Tinarantadong Asintado” at isinadula ng Dulaang UP noong Setyembre 14, 2011 kung saan ginampanan ni Bembol Roco ang papel na
10
Heneral Titus Andronicus. Dahil dito, hindi nating maaaring gamiting dahilan na ang karahasan sa “Saan Papunta ang mga Putok?” ay ang dahilan kung bakit hindi pa ito naisasadula.
Maaaring dahilan kung bakit hindi pa ito naisasadula sa ating entablado ay ang nilalamang Pasistang tema nito.
Maski ang pasistang tema ng
pandaigdigang manunulat na si William Shakespeare sa kanyang dulang “Coriolanus” ay hindi pa naisasadula sa Pilipinas dahil sa tema nito. Maaari nating sabihin na kinakatakutan ng lipunan ang salitang “pasista.”
Maski sa
ibang bansa tulad ng Gran Britanya, ang salita ay ipinagbabawal sabihin sa o gamiting pantukoy sa ibang tao. At sa Estados Unidos naman, bahagi ang tema at salitang pasista sa “50 Banned Words” na hindi maaaring gamitin sa sistema ng edukasyon. Batikusin natin itong salita at makikita natin na paniniwala at uri ng pamahalaan lamang ito na humihingi ng kabuuang bulag na pagsunod sa korporasyong estado. Bagamat alam ng karamihan na mali itong paniniwala, ipinagbabawal pa rin itong talakayin dahil sa madugong nakaraang pinag-ugatan nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At sa dulang “Saan Papunta ang mga Putok?”, tilang lantarang sinisimbulo ni Tenyente Abadilla at ng kanyang tatlong sundalo ay pasistang rehimen na maaaring manumbalik sa mga sumunod na pamahalaang administrasyon nina Macapagal-Arroyo at P-Noy Aquino at sa mga sumusunod pang mga administrasyon na manunungkulan kung hahayaan ng mga mamamayan ang mga ganitong pangyayari na patuloy maganap.
11
IV.
Talasanggunian
Aklat Ordoñez, Rogelio L. Saan Papunta ang mga Putok? Quezon City: University of the Philippines Press. 1998. San Juan, Gloria P., San Juan, Corazon P., Mag-atas, Rosario U., Carpio, Perla D.S., at Cabaysa, William G.
Panunuring Panitikan.
Manila:
Booklore Publishing Corp. 2005. Websayt http://plumaatpapel.wordpress.com/ “Dulaang
UP’s
Filipino
Titus
Andronicus
opens
Sept.
14.”
http://gibbscadiz.blogspot.com/2011/09/dulaang-ups-filipino-titusandronicus.html “Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: Ang
Panitikang
Mapanghimagsik
Sa
Panitikang
Pilipino.”
http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggangdula-mula-tradisyon.html
12