Am I weird? ( Isang Pananaliksik sa Teoryang Queer)
Panimula
Kung isang araw sabihan ka ng kaibigan mo na "Alam mo, ang weirdo mo!" Ano ang magiging reaksyon mo? Dedma ka lang ba,matutuwa ka ba o maiinis?
Ano nga ba ang basihan sa pagiging weirdo?
Siguro matatawag ka na weirdo kung may makakapal na eyeglasses, tahimik parati, tumatawang mag-isa na parang sariling mundo o kaya naman kaiba sa mga ginagawa ng mga normal na tao ang iyong trip. Kaya siguro kung tatawagin kita ngayong weirdo ay magagalit ka at magtatanim ng sama ng loob.
Pamilyar ka ba sa terminong "Queer"? Kung hahanapin natin sa diskyonaryong ang salitang wierd , ang lalabas ay "Queer". Ang Queer ayon sa Encarta Dictionary ay not usual or weird and slightly unwell and an offensive term. Sa madaling salita weirdo.
Nagsimula ang teoryang Queer noong kalagitnaan ng dekada '90 pinag-ugatan nito ang pag-aaral ng femenistang pananaw. Mula sa pag-aaral sa social costruction, sekswalidad at identidad ng tao . Sa kalaunan, naging pag-aaral na ito na sinusuri ang mga bagay na itinuturing na nasa kategoryang normative at deviant na sinusuri ang pagiging kaiba o hindi karaniwang gawi at pagkakakilanlan.Sa madaling salita pag-aaral ito tungkol sa mga bakla/lesbiana.
Upang higit na maunawaan ang kaisipang taglay ng teoyang ito, mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng kasarian (seks), jender, at sekswalidad. Tumutukoy ang kasarian sa pagiging babae at lalake ng indibidwal. Ang jender ay ang gawaing nagpapakita ng gawi o kilos ng pagpapakababae (femininity) at pagpapakalalkr (masculinity) na itinuturing na itinakda ng lipunan. Ang sekswalidad naman ay ang pagiging homosekswal o heterosekswal ng indibidwal. Homosekswal ang tawag sa katangian ng indibidwal na may sekswal na pakikipag-ugnayan sa kaparehong kasarian; at ang heterosekswal naman ay ang katangian ng indibidwal na may sekswal na pakikipag-ugnayan sa indibidwal na iba ang kasarain.
Dahil taliwas ito sa pamantayang itinakda ng lipunan, lumilikha ito ng kaguluhan at panghuhusga maging pang-aabuso kung kayat umuusbong na rin ang mga akdang kakikitaan ng mga pagpapalawig at pagpapatatag ng mga karapatan ng mga bakla/lesbian lalo na sa panahon ng digital age na maraming mga pamamaraan upang maipakita ng mga ito ang kanilang saloobin--- ang social media.
Ang Social media ay naging susi hindi lamang sa kabuuhang kaunlaran ng Queer Theory kundi pati na rin ang pagpapalakas ng kompyansa ng kanilang sarili at tulungan silang magkaroon ng puwang sa lipunan.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ang mga bakla/lesbiana ng paraan upang mag open-up ng kanilang istorya at karanasan at karapatan ng pagiging pantay-pantay hindi lamang karapatang mag siwalat ng sariling opinion at karanasan kundi pati narin sa karapatang magbahagi ng personal na karanasan na magsisilbing inspirasyon ng mga katulad nilang may ibang gender preference.
Sa larangan naman ng Panitikan, maraming Queer theorist na gumawa na rin ng mga katha o obra na naging basehan rin upang lumawak ang pagkakaintende, pananaw at respeto ng mga tao sa may ganitong kalagayan. Ang ilan sa mga akdang kakikitaan ng ganitong teorya ay susuriin sa papel na ito. Ito ay ang maikling kwento na "Giyera" ni Honorio Bartolome de Dios at ang tulang "Sa Iyong kaarawan Itay" ni Christopher E. Cahilig.
Talakay (4 A's)
Activity
*Pinoy Henyo- sa loob ng 1 minuto, dapat mahulaan ng kalahok ang salitang nasa kanyang noo/screen na ang tanging sagot lamang ng mga manonood ay "Oo", "Hindi", at "Pwede".
Mga salita/larawan na may kaugnayan sa Queer Theory
Vice Ganda
Boy Abunda
Aiza Seguera
BB Gandanghari
Madonna/Lady Gaga
Analysis
May-Akda
Christopher E. Cahilig (Sa Iyong Kaarawan Itay)
Si Christopher E. Cahilig ay presidente sa "INSIGHT 360" , isa sa mga respetado at maimpluwensya sa larangan ng public relations, music marketing, talent at events services, at social media consultancy firms sa Pilipinas ngayon. Siya rin ay isang music producer, talent manager, published poet, blogger at political adviser.
Honorio Bartolome se Dios ( Giyera)
Si Honorio Bartolome De Dios ay nagmula sa Marilao, Bulacan at lumuwas ng Maynila bilang isang seminarista ngunit kinalaunan ay napili ring lumabas. Nag-aral siya noon ng Sociology at nakilahok sa mga gawaing pangmasa. Lumahok siya sa mga development work sa loob ng, humigit kumulang, sampung taon.
Ngunit, hindi maikakailang maaga siyang namulat sa mundo ng mga bakla. Nakita niya ang duality ng buhay na ito - malungkot at masaya, madilim at makulay.
Hindi lamang sa mga gawaing pangmasa naging abala si De Dios. Ginalugad din niya ang lahat ng sulok ng kabaklaan sa malawak na lungsod upang hanapin ang lugar niya sa lipunan. Hindi naging madali ito para kay De Dios. Nariyang nadapa siya, napaluhod siya, at napasubasob habang siya ay naghahanap. Ngunit, hindi man siya lalaking lalaki sa kasarian ay naging lalaking lalaki naman siya sa pagharap ng mga pagsubok na ito. Napakatapang ng pagpapakita ng pagbangon na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.
Ang Akda
Sa Iyong Kaarawan, Itay
Uri ng tula- Malayang tula (walang sukat at tugma)
Talinghaga/tayutay-
kinikimkim nitong pait- pagpapalit saklaw
Sinturong naputol sa aking mga katawan-pagmamalabis
kape at biskwit at sisinindihan ang kandila/sinturon/alak –simbolismo
Nang sa gayo'y masimulan ko na ang aking pagdiriwang- euphemism
alak na naipon sa namumugto kong mga mata-
Persona- anak ng nangbubugbog na ama dahil sa kayang kasarian.
Mensahe ng 1 saknong- ang persona ay magdiriwang ng kaarawan ng kaniyang ama, siya ang taya.
Mensahe ng 2 saknong- sa kanilang pagdiriwang, iinom sila ng alak na simbolo ng nagmumugto niyang mga mata dahil sa suntok ng kaniyang ama na tuwing ito'y nalalasing.
Mensahe ng 3 saknong- ang pulutan ay mga sinturong naputol dahil sa lakas ng pagpalo at pananakit ng ama.
Mensahe ng 4 saknong-aawitin ng persona ang panambitan/panlilibak at masasakit na salita na araw-araw niyang naririnig sa bibig ng kaniyang ama.
Mensahe ng 5 saknong- kung nalasing na ang tatay sa alak at pulutan at handa na itong sumuka, ilalabas rin ng may-akda ang kaniyang inihandang biskwet at kapi bilang simbolo ng kaniyang pagdiriwang.
Giyera
Pormalismo ng Kuwento
Salitang ginamit- pormal at mayroong gay lingo
Tayutay/talinghaga:
Magtatago ang araw sa likod ng buwan at pagtatampuhan ng hangin at lupa ang san martin hudyat iyon upang magising ang halimaw na daantaon nang nahihimbing sa sinapupunan ng karagatan.
Daloy ng Kamalayan: First person Omniscient
Istilo ng Awtor: Flashbacking
Tagpuan: San Martin
Tauhan at Karakterisasyon
Bernie -may-ari ng pinakasikat na parlor sa bayan ng San Martin. Siya ang taga-ayos ni Donya Estela Salvador.
Jaime -kaibigan ni Bernie. Nag-aral siya ng agrikultura sa pamantasan ng Los Baños. Hayagan ang naging laban niya at ng kanyang grupo sa pagpapatigil ng operasyon ng planta. Madalas silang magmartsa ng mga magsasaka at mangingisda patungo sa munisipyo at magpiket sa harap nito.
Gabriel -kaibigan ni Jaime. Sumasama rin siya sa mga pagkilos.
Mandy at Vanessa -mga baklang parlorista ni Bernie. Itinakwil sila ng kanilang mga ama pero tinanggap rin nang mag-umpisang mag-akyat ng pera sa bahay.
Romano Alvares Jr. -alkalde ng San Martin. May mga nagdududa sa pagkapanalo niya bilang alkalde sa pangalawang pagkakataon. Mayroon siyang magarang Pajero at dose-dosenang bodyguards. Siya ang nagpatayo ng planta.
Donya Estela Salvador -pinakamayamang donya sa San Martin. Isa siya sa limang panginoong-maylupa na nagmamay-ari ng San Martin. Tinalo niya sa pagka-alkalde ng San Martin ang asawa ni Romano Alvares Jr.
Rico-kapatid ni Bernie na namatay sa unang buwan ng operasyon ng planta.
Buod
Matapos kumalat sa San Martin ang pagpapaganda ni Bernie sa mukha ng yumaong anak ni Donya Estela na si Estrelita sa paraang halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak, di magkamayaw ang mga tao sa pagpapaayos nila ng buhok at mukha kay Bernie, lalong-lalo na tuwing may espesyal na okasyon gaya ng binyag, kasal, debut, pagtatapos at flores de mayo.
Pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan, apat na baryo sa San Martin, kabilang na ang pamilya ni Bernie, ang sapilitang inilikas sa mga karatig-bayan upang magtayo ng planta ng kuryente sa dalampasigan.
Pagkauwi ni Jaime pabalik ng San Martin mula Los Baños, dumalaw ito sa parlor ni Bernie at nalungkot sa nasaksihan: sira na ang mga lupain sa San Martin, maitim ang usok na nanggagaling sa may planta at kakaunti na ang mga huli ng mga mangingisda sa dagat.
Tatlong bangkay ng mga magsasakang nakatali ang mga kamay at paa, wasak ang mukha at luwa ang bituka ang natagpuan sa bundok ng Matalim na kidlat; pinapalabas ng mga bodyguard ng alkalde na NPA ang mga biktima pero alam ng taong bayan na ang tanging kasalanan ng tatlo ay ang pagtanggi sa pag-alis sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay at puno ng mangga na masasagasaan ng itatayong planta.
Muling nahalal si Romano Alvares Jr. bilang alkalde at sa ikapitong taon ng operasyon ng planta, sa araw mismo ng kapistahan ni San Martin, pinaslang sina Jaime at apat pa nitong kasamahan.
Kumalat ang balita tungkol sa napakalaking donasyon na ibinigay ni Donya Estela sa kura ng parokya para sa kapistahan ng San Martin kaya't nang tumakbo ito sa pagka-alkalde laban sa maybahay ni Romano Alvares Jr., nanalo ito.
Biyernes ng gabi, nakatulog na sa harap ng telebisyon si Bernie nang maalimpungatan sa mga katok ni Gabriel, kaibigan ni Jaime na may pagbabanta sa buhay; pinatuloy ni Bernie si Gabriel at inayusan (ginupitan, kinulayan ng kulay mais ang buhok, nilagyan ng foundation ang mga pisngi) para hindi ito makilala pagpunta nito sa estasyon ng Bus patungong Maynila kinabukasan.
Isang araw, natagpuan na lamang ang bangkay ni Bernie sa loob ng kanyang parlor na tadtad ng pasa at saksak.
Paksa
Industriyalisasyon
Ang bayan ng San Martin, kung saan payak ang pamumuhay at pagsasaka at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao, ay unti-unting naging urbanisado makaraang ipatayo ang planta ng kuryente.
Pera at kapangyarihan
Ang mayayamang angkan nina Romano Alvares Sr. at Donya Estela Salvador ang nag-aagawan sa mga posisyon sa San Martin.
Papel ng mga bakla sa lipunan
Sila Jaime at Gabriel ay hayagang tumututol sa pagpapatuloy ng operasyon ng planta at dala nitong mga sakit sa mga mamamayan ng San Martin. Sila Mandy at Vanessa, bagamat itinakwil ng kanilang sariling mga ama dahil sa kanilang sekswalidad, ay nagsisikap na buhayin ang kanilang mga pamilya.
Abstraction
Kritikal na pagsusuri sa mga akda
Ang akdang "Sa Iyong kaarawang, Itay" at "Giyera" ay isa sa mga napakaraming akdang kakikitaan ng Queer na pananaw. Sa mga taong nagsasabi na kasalanan ang pagiging bakla at tomboy dahil lalaki at babae lang daw ang nilikha ng Diyos at ang pagiging bakla o tomboy ay labag sa Kaniyang kagustuhan kaya labis na diskriminasyon at pang-aapi na kanilang nararanasan sa mga mata ng mapanghusgang madla. Sa tula, pisikal at emosyonal na pang-aabuso ang naranasa ng persona ng tula. Labis na pananakit at masasakit na mga salita ang naranasan ng persona mula sa kaniyang ama kaya hindi natin masisisi na nanaisin pa niyang mamatay na lang ang kaniyang ama. Sa tunay na buhay, ang pagkakaroon ng lalaking anak ay garbo sa mga ama dahil simbolo ito ng isang pang henerasyon o lahi ng kanilang apilidido o di kaya ay mayroon na naman silang maaasahan sa mga trabaho sa bahay at bukid. Kaya ganito na lang ang labis na emosyon o galit ang nararamdaman ng isang ama. Isa lamang iyan sa mga normal na reaksyon ng mga tatay noon, kung kaya'y takot silang magladlad o isiwalat ang kanilang tunay na pagkatao at tunay na nararamdaman. Ito pa ang ibang aspekto:
Relihiyon:
Kamakailan lamang, naglabas ang Catholic Bishops Council of the Philippines ng isang libro kung saan ay inilahad nila ang stand nila sa mga homosexuals. Sinasabi ng CBCP na tanggap nila bilang bahagi ng lipunan ang mga homosexuals – pero di sila pwedeng makipagtalik sa kaparehas na kasarian. "We don't condemn them until they act upon it," ika ng CBCP. Matibay parin ang kanilang paninindigan sa paksang ito. Tulad ng Pilipinas na isa sa mga katolikong bansa tunay na mahihirapan pa rin silang mag lantad dahil sa makitid na pagtingin ng lipunan sa ganitong sitawasyon o kalagayan. Para bagang moralidad ng tao ay fix at kung anong sabihin nilang mali, para sa kanila mali na talaga. Wala nang bawian.
Politika:
Sa maikling kuwentong "Giyera" ni Honorio Bartolome de Dios na ating sinuri ay kakikitaan ito ng political na role ng mga bading sa ating lipunan. Mas ginusto niyang maging rebelde sa lipunan kaysa maging sunud-sunoran lamang ng sa sistema ng ekonomiya at politika sa bayan ng San Martin.
Sa tooong buhay, pinagbabasehan ang pagiging bakla o tomboy ng kandidato sa kaniyang paraan ng pamumuno, sapagkat hindi daw sila kapapanaligan sa larangan ng politika at sa kanilang mga desisyon. Nagiging stereotipikal na ang mga tao sa kanilang konsepto sa mga gay people
Media:
Lumiliit na rin ang paningin ng mga tao sa mga LGBT dahil sa lumalabas sa telebisyon, nababasa sa diyaryo at iba pang babasahin.
Tulad na lamang sa palabas na "Bubble Gang", kung paano naging sanhi ng katatawanan ang pagiging bakla, tulad nalang ng karakter na si Diego at sa Showtime host na si Vice Ganda, na hindi lang sa jokes kinokontra siya kundi pati rin sa kaniyang pananamit at cross-dressing . Isali pa natin ang mga pelikulang mas lalong pandidirihan ang mga bading tulad na lamang ng mga "indie films". Maraming mga pangyayari at palabas sa pinilakang tabing – o ng entertainment ang nagpababa ng moral ng mga homosexual, nagiging tampulan ng katatawanan ang mga ito.
Sa mga nababasa naman ay maraming beses narin na naging biktima ng krimen at pang-aabuso ang mga ito. Isa na rito ang mortal na pagpatay kay Jeffrey "Jennifer" Laude ng isang US 1st Lieutenant na si Scott Pembirton na hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya.
Ngunit sa kabilang banda, may mga palabas rin namang nakaka-"boost" ng moral ng mga LGBT. Tulad na lang ng "Zombadings" o "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros". Kahit may halong katatawanan ito at kakikitaan parin ng role sa lipunan ng mga kapatid nating bading. Marami-rami rin namang mga pelikula na nagpapahalaga sa sekswalidad ng ating mga kapatid na bading, ngunit mostly katatawanan kayat hindi masyadong na-iemphasize.
Sa larangan naman ng panitikan, isa sa mga aklat na may compilation ng mga akda na kakikitaan ng mga pagpapahalaga,respeto at ibat ibang karanasan ng mga LGB, ay ang " Ladlad 3: An Anthology of Philippine Gay Writing" (2007, Anvil) edited by J. Neil Garcia and Danton Remoto. Narito ang isa sa mga halimbawa.
Bago ang Bading
(Pasintabi kay Rebecca T. Anonuevo)
by Ralph Semino Galan
Mabuti nalang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na bading.
Hindi ko na kailangang tumili o tumalak
Para marinig ang aking voice.
Hindi ko kailangang magdamit babae
Kung hindi ko carry,
O umastang machong lalaki
Kung feel kong magpa-girl
Sa bahay man o opisina.
Hindi ko kailangang magpahaba ng hair
O manggupit ng hair para mabuhay.
Hindi ko kailangang magpakasal
Sa mujer na hindi ko mahal
Para maging respectable ako sa madla.
Hindi ko kailangang ipilit ang sarili
Sa straight na mhin na ayaw sa akin.
Hindi ko kailangang magpa-cut ng notes
O magpadagdag ng boobs
Para makumpleto ang aking pagkatao.
Hindi ko kailangang i-forget
Na isa akong tao
Bago isang bading.
Application
Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba't ibang bansa sa mundo. Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang ihayag ng malaya ang kanilang kalooban (freedom of expression), karapatang sibil na maikasal at makamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na heteroseksuwal at mga anak nito, karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon.
Mga halimbawa ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla ay ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kanilang seksuwalidad, mga pang iinsulto at pagkutya, pagpapaalis sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o kilos gaya ng nangyari kay Inday Garutay at BB Gandanghari sa Aruba bar, mga karahasan at minsan ay pagpatay, bullying ng mga homosekswal na estudyante, at iba pa. Ilan lamang iya sa lumalalang kalagayan ng mga kapatid nating homosexual
Ang mga epekto ng diskriminasyong ito sa isang homosekswal ay kinabibilangan ng depresyon, paglayo sa mga tao (social withdrawal), hindi pagpasok sa eskwela, pagpapatiwakal at iba pa.
Kaya, ang pantay-pantay na pagtinginat mabuhay ng Malaya at malayo sa diskrimininasyon ang tanging hangad nila. May ilan na nakakaintindi may ilan naman na hindi, ngunit tao din sila. Nasasaktan at nahihirapan kaya't atin silang tulungan.
Mga halimbawa ng kilalang homoseksuwal
Alan Turing- Tinuturing na ama ng agham pangkompyuter
Jóhanna Sigurðardóttir- Punong Ministro ng Iceland
Oscar Wilde - manunulat
Magnus Hirschfeld - doktor
Chris Hughes - kapwa tagapagtatag ng Facebook
Ellen Degeneres - aktress, TV host
James Randi - manunulat at skeptiko
Elton John - musikero
Mark Feehily - miyembro ng Westlife
Boy Abunda- talk show host
Vice Ganda-komidyante
Aiza Seguerra- sikat na singer
Rajo Laurel- fashion expert
Joel Cruz- make-up artist
Danton Remot- sikat na writer
Konklusyon
Sa paaralan na ang mga kabataan ay hinuhubog sa kaalaman at pati na rin kagandahang-asal, dapat ikintal natin sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng respeto at pagkakaunawaan sa isa't isa, dahil ang mga bakla/bayot/bading/tomboy at iba pang tawag sa kanila ay ating mga kapatid, kapitbahay, kaibigan, kalaro, at karamay at nagbibigay ngiti at ligaya sa ating buhay. Kaya respeto at pang-unawa ang ating handog sa kanila at gagawin din nila ito sa atin.
Sa kasalukuyan, narito ang tala ng mga maimpluwensiyang mga tao sa kanilang larangan. Naway magsilbi silang inspirasyon at mabuting halimbawa sa lahat.
Sanggunian
https://projectkino.wordpress.com/kultura/zombadings-and-overcoming-the-formulaic-position-of-homosexuals-in-a-genre/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Honorio_Bartolome_De_Dios
http://tl.honoriobartolomededios.wikia.com/wiki/Honoriobartolomededios_Wiki
Inihanda ni;
Gracely Flor I. Ayongao
Reporter
09101672560/
[email protected]