Pagsusuring pang nobela Para kay B Ipinasa ni: Dansson R. Caranto IX-Einstein
Ipinasa kay: Gng. C. Norrmann Mataas na paaralang Ramon Magsaysay High School Espanya,Manila
Nobyembre 25, 2014 (2014-2015)
I. Pamagat
Para Kay B II. May Akda Lee, Ricky Maiksing Biograpiya: - Si Ricardo Lee o mas kilala bilang Ricky Lee, ay ipinanganak noong Marso 19, 1948 sa Daet, Camarines Norte at kasalukuyang nabubuhay bilang isang manunulat sa edad na 66.
Si Ricky Lee ay nakapagsulat na ng mahigit na 150 produced film scripts, limang dula, maraming artikulong panlathalain, ilang maikling kwento, isang script writing manual, at isang nobela. May mahigit 50 trophies siya mula sa kanyang mga pelikula, kabilang na ang lifetime achievement award mula sa Urian. Nagbibigay din siya ng libreng scriptwriting workshop mula pa noong 1982.
III. Taon ng Pagpapasulat ©2008 Ngunit sa kabuuan ay, limang beses itong nalathala. 1st printing: Nob. 2008 2nd printing: Dis. 2008
3rd printing: Peb. 2010 4th printing: Ene. 2012 5th printing: Peb. 2013
IV. Kahulugan ng Pamagat A. Bago Mabasa: - Noong una ang aking akala ay ito iyong tipo ng libro na kagaya ng mga akda ni Marcelo III lalo na iyong libro niya na “Para sa Broken Hearted” dahil ito ay parang magkatunog o magkaparehas ng mensahe. B. Pagkatapos Mabasa: - Ngayon naman naintindihan ko na ang “B” na tinutukoy dito sa nasabing nobela ni Ricky Lee ay si Bessie na isa sa mga pangunahing tauhan sa kwento na ito. Si Bessie ay ang natatanging iniibig ni Lucas
na siyang pinaka pangunahing tauhan dahil sinasabi dito na siya ang may akda ng iba’t-ibang tauhan at kwento na nakasaad sa libro.
V. Mga Tauhan Unang Kwento: 1. Irene- isang wirdong babae na siyang hindi makalimot sa alaala ng nakaraan.
2. Jordan- isang lalaki na naulila sa mga magulang dahil pinatay ang mga ito ng hinihinalang mga NPA. Ang lalaking minahal ni Irene.
3. Fr. Zuñiga- ang kumupkop kay Jordan pagkatapos ng pagpatay sa kanyang mga magulang.
4. Sonya- ang stepmother ni Irene sa kanyang ama.
Pangalawang Kwento:
1. Sandra- isang babaeng umiibig ng bawal sa kanyang kapatid. 2. Lupe- Kuya ni Sandra na siyang iniibig niya at iniibig din siya nito. 3. Ruben- asawa ni Sandra na walang alam sa kanilang bawal na pag-ibig. 4. Belinda- ang anak nina Sandra at Lupe.
Ikatlong Kwento. 1. Erica- ang babaeng bida sa kwento na siyang galling sa Maldiaga, isang lugar ng walang pagmamahalan. 2. Matandang babae sa ilog- ang boses na nagsasabi ng I Love You na siyang sinundan ni Erica upang mapunta sa mundo natin. 3. Jake- ang lalaking hindi marunong magmahal ng tama ngunit natuto dahil kay Erica. 4. Mrs. Baylon- ang ina ni Jake na siyang pinakamalakas na taga-suporta sa pagiibigan nila.
Ikaapat na Kwento:
1. Ester- isang babaeng nabyuda ngunit may lihim na pagmamahal sa kapwa babaeng nagngangalang Sara. 2. Sara- ang kanilang kasambahay noon pa man na umalis sa kanila nang may mangyari sa kanila ni Ester. 3. AJ- ikalawang anak ni Ester na siyang bakla ngunit siya rin ang tumulong sa pagkikita nila ni Sara muli. 4. Pio- ang matandang asawa ni Sara na siyang alam ang kanilang pagiibigan kaya’t nagpapahaba ng buhay upang kanya lamang si Sara.
Ikalimang kwento: 1. Bessie- ang kaibigan ni AJ na siyang laging may ka date sa kanyang bahay. 2. Lucas- isang manunulat na siyang minahal si Bessie. 3. Brigs- isang ka-date ni Bessie na siyang nambugbog kay Lucas. 4. Manang Belen- ang kumupkop kay Lucas dahil sa kalunos lunos na kalagayan.
5. Charlie- ang parang naging mentor ni Lucas sa pagsusulat.
VI. Buod Unang Kwento: -Si Irene ay taga San Ildefonso. Nakilala niya si Jordan, isang ulilang lubos, sa isang clinic kung saan ginagamot ang tama ng baril sa leeg nito. Kinupkop ito ni Fr. Zuñiga at ginawang sacristan. Naging magkaibigan sila ni Irene at sa kalaunan ay nakaramdam ng kakaiba para sa isa’t isa. Nangako si Jordan na pakakasalan niya si Irene baling araw. Pinaalis ng mag asawang Ignacio si Jordan dahil sa pambubugbog nito sa anak nila. Hindi na nakita ni Irene si Jordan hanggang sa makatapos siya ng pag aaral sa Maynila. Isang araw, nakita ni Irene si Jordan sa isang hotel at sinundan niya ito. Pinaalala niya kay Jordan ang pangako nito sakanya ngunit hindi nito maalala ang lahat. Dinala ni Irene si Jordan sa isang hotel at doon ay may nangyari sakanila. Iniwan ni Irene si Jordan sa hotel habang mahimbing itong natutulog.
Ikalawang kwento: -Si Sandra ay isang magandang babae at maraming manliligaw ngunit hindi niya malaman kung bakit wala siyang magustuhan kahit isa sa mga ito hanggang sa nagtama ang mga mata nila ng kanyang Kuya Lupe at may naramdaman silang kakaiba. Naging mas malapit pa sila sa isa’t isa at naging tagpuan nila ang kanilang bodega kung saan sila ay nagiging isa. Nalaman ito na kanilang mga magulang at pinalayas ang kanyang Kuya Lupe. Hindi na nila ito nakita hanggang sa mamatay ang kanilang mga magulang. Lumuwas sa Maynila si Sandra. Isang gabi, habang pauwi sila ng kanyang nobyo na si Ruben mula sa Luneta, napadaan sila sa isang madilim na parte ng Baywalk at doon niya nakitang muli ang kanyang Kuya Lupe na siyang nangholdap sa kanila. Kinuha nito ang cellphone ni Ruben at tinawagan siya. Nagkita sila sa isang motel at doon ay nagsanib na naman ang kanilang mga katawan. Iniwan siya ni Lupe at hindi kalaunan ay isinilang si Belinda.
Ikatlong Kwento:
-Si Erica ay mula sa kakaibang mundo na Maldiaga kung saan ang mga tao ay hindi marunong magmahal. Napunta siya sa kabilang mundo na lahat ng tao ay marunong umibig. Nakilala niya si Jake at minahal siya nito ngunit hindi niya magawang mahalin ito. Iniwan si Jake at naging isang sikat na TV host ngunit makalipas ang ilang taon ay nagbitiw din sa trabaho dahil nais niyang maalagaan si Jake. Naaksidente ito dahil sa paghahanap sakanya kaya’t ni hindi na ito makapagsalita.
Ikaapat na Kwento: - Si Ester at Sara ay magkaibigan na simula bata. Habang lumalaki si Ester, sinabi ng kanyang tito na makikita niya sa bubong ng bahay kung sino ang kanyang true love. Nagpakasal si Ester. Isang gabi, umakyat siya sa bubong at nakitang umiiyak si Sara at bnaisip niyang tama nga ang tito niya. Naging malapit sila at hanggang sa may nangyayari na sakanila. Umalis si Sara sa bahay nila. Ilang taon ang lumipas, hinanap ni AJ, anak ni Ester, si Sara at pinuntahan nila ito ngunit nalaman nilang may
asawa at anak na ito. Tuwing Biyernes ay pumupunta sa bahay nila Ester si Sara.
Ikalimang Kwento: -Si Bessie ay isang babae na hindi marunong magseryoso, nymphomaniac at nangangarap na maging isang actress. Nakilala niya si Lucas na isang messenger at frustrated writer. Nagtrabaho si Lucas para kay Bessie. Habang tumatagal lumalalim ang nararamdaman ni Lucas para kay Bessie ngunit hindi nga ito marunong magseryoso.
Ikaanim na kwento: Ang totoong kwento sa totoong kwento -Ang author ay ipinakilala bilang si Lucas. Biglang lumabas ang limang panguahing tauhan at hinarap si Lucas. Nais nilang ipabago ang wakas ng kanilang mga kwento dahil para sakanila ay tila wala itong closure at hindi happy ending. Samantala, ayaw na ipabago ni Sandra at Ester ang kanilang wakas.
Binago ng manunulat ang wakas ng ibang kwento. Sinundan ni Jordan si Irene sa San Ildefonso, humingi ito ng tawad at tinanggap naman ito ni Irene. Bumalik sa pagiging isang TV host si Erica mula ng mawala si Jake na napunta sa Maldiaga at nagpakasal si Erica sa isang TV executive na minahal niya hindi kalaunan. Tinapos ni Lucas ang kwento, pumunta sa pad ni Bessie at iniwan sa receptionist ang sinulat. Natanggap ito ni Bessie at pinipigilang maiyak habang binabasa ang sinulat ni Lucas.
Totoong Nangyari: -Bitbit ni Lucas ang manuscript at dinala kay Bessie. Kasama ni Bessie sa isang basketball court ang mag amang Moncayao. Nakita siya ni Bessie at lumapit ito. Binigay ni Lucas ang manuscript at nalaman niya mula kay Bessie na kalive-in na nito si Brigs, anak ni Colonel Moncayao. Inilagay ni Bessie sa isang upuan ang manuscript at sinayawan ang mga tao. Ang nakikita niyang Bessie ay isang
maduming babae at noon niya narealize na tapos na siya sa kanyang kwento at lalong lalo na kay Bessie.
VII. Pagsusuri ng Nobela A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan - kung susumahin ang lahat ng kwento, sa aking palagay ay makikita natin ang normal na Pilipino sa pinakahuling istorya lalo na sa mga nakatira sa riles na sina manang Belen at Charlie. Ang kalagayang sosyal nila sa nasabing kwento ay kahirapan o mahirap dahil nga sa deskripsiyon pa lamang ng lugar nila ay mahihinuha mo na sa isip mo ang lugar na kanilang tinitirahan. Ang mga mamamayang mayayaman ay sa kwento nina Erica dahil sa nasabing negosyo nina Mrs. Baylon na flower shop. Ang mga tiwaling opisyal naman na kagaya nina Mayor Ignacio at sina Colonel Moncayao ay yumayaman lamang dahil sa mga katiwalian na kanilang pinaggagagawa. At ang pinakahuli ay ang eksenang kapit sa patalim na kagaya ng kay Bessie na gumagawa ng mga ganung bagay upang magkaroon lamang ng salapi.
B. Kulturang Pilipino 1. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita – kung iyong mababasa ang akda ay makikita mo ito sa ikaapat na kwento. Dito kung saan ay bumisita sina Ester sa bahay nina Sara ay magiliw naman silang tinanggap nito at ang mga bata ay marunong gumalang. 2. Ang tradisyon ng pag lilibing ng mga Katoliko – makikita ang tradisyon/kultura na ito sa ikalimang kwento dahil sa pagkamatay ng taong nagkupkop kay Jordan noong siya ay maulila. Si Father Zuñiga na siyang ililibing na ay iprinusisyon na lamang imbis na isakay sa karo ng patay.
C. Pilosopiyang Pilipino - Ang pilosopiya o teorya na siyang pinaniniwalaan dito sa kwento na ito ay ang 4 sa kada 5 Pilipino siyang sawi sa pag-ibig at ang isa ay mananatili bilang masaya habang buhay.
D. Simbolismong Ginamit - Ang simbolismo na ginamit sa akdang ito ay ang hitsura na kung saan si Lucas ang ipinapalabas. Sa
harap ng libro ay may lalaking parang kumawala sa isang bagay o alaala at mayroon siyang hawak na manuscript at makikita din duon ang sombrero niyang may nakasulat na “Awesome Me”.
E. Mga Terminolohiya 1. Nagpupuyos- ang ibig sabihin nito ay nag uumapaw. 2. Bantulot- ang isa sa mga ibig sabihin nito ay ang nag aalangan. 3. Proposition- ito ay isang pangungusap na nagpapahayag ng opinion o argumento. 4. Conjure- isang bagay na siyang bigla na lang lumabas sa kung saan.
VIII. Pagsusuring Pampanitikan A. Mga teoryang ginamit - Gaya nga ng nabanggit kanina ay ang teorya ni Ricky Lee na “ 4 sa kada 5 tao ay sawi sa pagibig at isa lang ang sasaya sa sa kanilang lima.”
B. Mga Kabisaan
- Bisa sa Isip – nabago ang aking pananaw tungkol sa pag ibig dahil sa nasabing quota. Mas lalong tumindi ang paniniwala ko na ang pag-ibig ay binibigyan ng tamang panahon para sa iyong kapares ay makita mong tunay at ikaw ay sumakto sa quota na sinasabi. - Bisa sa Damdamin – mas napansin ko na ang aking pakiramdam tungo sa mga sensitibong bagay na kagaya ng pag ibig ay lalong tumigas at ako’y nagdesisyong huwag munang pumasok o manghimasok sa mga ganyang bagay. - Bisa sa Kaasalan – hindi naman nagbago ang aking pag aasal tungo sa ganitong mga bagay. Nananatili at mananatiling Neutral o tama lang ang aking asal tungo sa mga bagay na ito.
IX. Konklusyon - Sa kabuuan ako’y nagpapasalamat kay Gng. Norrmann dahil sa proyektong ito dahil na rin sa ito’y nakatulong sa akin sa pag-angat sa panibagong lebel ng buhay dahil hindi
naman ako nagbabasa ng libro at ngayo’y ako’y naeengganyo magbasa ng iba’t-ibang akda kahit na hindi kailangan ng pagsusuri. Ang Para Kay B ay isang akda na kung saan tinatalakay ang limang uri ng babae na kung saan iisa lamang sa kanila ang magiging masaya ayon na rin sa teoryang inilatag ni Ricky Lee. Ito ay isang akda na siyang nagpapaliwanag o nagpapakita ng katotohanan ng buhay sa iba’t-ibang aspeto nito. Tinatalakay rin nito ang iba’tibang uri ng tao na siyang nakikipaglaban sa iba upang mabuhay at makuha ang taong minamahal o ang total na kasiyahan sa buhay kasama ang pinakapapangarap nilang mga bagay na nais nilang maganap sa kanilang buhay.
X. Rekomendasyon - aking nirerekomenda na ito’y inyong basahin dahil madali ka lamang makasakay sa mga punto na pinapakita ng may akda dito. Sa umpisa ay maaaring makaramdam ka ng kakaunting pagkainteres sa kwento dahil na rin sa sobrang pagmamahal ang ipinupunto dito. Ngunit pag ikaw ay lalong lumayo at patapos na ay mabibitin ka ng tunay sa iyong mga ninanais na kaganapan.
XI. Bibliyograpiya - NA-
Wakas