MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO KUNG BAKIT LUMILIPAT ANG MGA MAG-AARAL MULA SA IBA’T IBANG KOLEHIYO TUNGO SA COLLEGE OF ACCOUNTANCY NG DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN SA ASIGNATURANG FILIPINO 102: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
MAURICIO, KENNETH JOHN DC. MIRANDA, DANICA JANE G. PELAGIO, MA. CAROLINA R. SALVADOR, MARIANNE V. TABLADA, SHARY C.
BSA 1A
PROF. VIRGILIO J. VALENZUELA 2010-2011
TSAPTER 1 SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL PANIMULA “Kung ano uso, doon tayo.” “Kung saan sikat, doon tayo.”
Nakalulungkot mang isipin, maraming mag-aaral ang gumagamit ng walang batayang mga salitang ito sa pagpili ng kursong kanilang tatahakin at maging sa paaralang kanilang papasukan. Ito ang mga salitang tila nagsisilbing pamantayan nila sa pagpili ng landas na kanilang susuungin.
Mula pa noon, hanggang sa kasalukuyan, maraming mga mag-aaral ang lumilipat mula sa iba’t-ibang kurso at paaralan. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, naging sandigan nito ang mga senaryong katulad nito. Ngunit, ano nga ba ang nagiging dahilan na nakaaapekto sa pangyayaring tulad nito? Ito ang mga katanungang nais mabigyang kasagutan sa pag-aaral na ito.
Ang ganitong senaryo ay kalimitan ding nangyayari sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. Maraming mag-aaral ang lumilipat mula sa iba’t ibang kolehiyo patungo sa “College of Accountancy” ng nasabing paaralan. Ang mga bagay na nagbubunsod at nakaaapekto sa ganitong kaganapan ay inaasahang mabigyang linaw sa pamamagitan ng pananaliksik na ito.
KAHALAGAHAN NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang malaman ang mga salik na nakaaapekto sa paglipat ng mga mag-aaral sa “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. Ang pinakabinibigyang-diin ay ang mga katanungang inaasahang mabibigyan ng kasagutan tulad ng mga sumusunod:
1. Ano ang mga katangian ng “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. na nagbunsod sa mga mag-aaral na lumipat mula sa ibang kolehiyo? 2. Sino ang mga taong nagkaroon ng malaking kontribusyon o bahagi upang mahikayat silang lumipat? 3. Nasiyahan ba sila sa paglipat?
4. Bakit sila nagpasyang lumipat? 5. Nakatulong ba ang kanilang paglipat ng kolehiyo sa pagpapayabong ng kanilang kaisipan ukol sa edukasyon?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, inaaasahang maisasakatuparan ang mga layuning nais mabigyang linaw.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at tiyak na magiging kapakipakinabang para sa mga taong matutulungan ng mga magiging kasagutan ng pananaliksik na ito.
Para sa mga mag-aaral, ito ay labis na mahalaga sa paggawa ng desisyon kung ano nga bang kurso ang kanilang nais kuhanin. Maaaring nadadala lamang sila ng pananaw at hilig ng kanilang mga kaibigan. Maraming mag-aaral sa kolehiyo ang tila napipilitan lamang at nakikisabay sa agos ng buhay. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng paglipat ng paaralan at kung minsa’y maging ang kursong kinukuha dahil hindi nila natatagpuan ang kasiyahan sa kanilang tinatahak na kurso. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang makatutulong ito sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral na nais tukuyin ang kursong tunay na nababagay sa kanila at magiging susi sa kanilang pagtatagumpay.
Para naman sa mga magulang, inaasahang mauunawaan nila ang kanilang mga anak at mas matutulungan sa pagpili ng tatahaking kurso. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito higit nilang mabibigyan ng pansin ang mga bagay na higit na
makapagbibigay tagumpay sa kanilang mga anak sa tulong ng pagpapayo sa kanila ng nararapat at matiwasay.
Para sa iba’t ibang departamento, institusyon at mga kolehiyo, mahalagang matugunan nila ang mga kinakailangan ng mga mag-aaral upang maiwasan ang mga senaryo ng paglipat. Mahalagang malaman nila na sa kanilang pangangalaga nakasalalay ang interes ng mga mag-aaral sa kurso. Dapat lamang na maitimo nila sa kanilang nga kaisipan ang mga kaalaman na maari nilang makuha sa pag-aaral na ito sa pagtugon sa mga nasabing sitwasyon.
Para sa “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. upang mas maging handa sila sa kung gaano karami ang bilang ng mga mag-aaral na nais lumipat sa kanila at para maging handa sila sa pagdagsa ng mga mag-aaral na nais makatapos ng propesyong ito. Makatutulong rin ito upang matugunan nila na maayos at nararapat ang mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga salik o kadahilanan ng mga mag-aaral kung bakit lumilipat sila sa “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. Nais na masakop nito ang lahat ng mga bagay-bagay na labis na nakaaapekto sa pagpapasya ng mga mag-aaral ukol sa nasbing bagay. Ang lahat ng ito’y susuriin at tiyak na pag-aaralan mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking kadahilanan.
Saklaw nito ang mga “Irregular” na mag-aaral na tiyak na magiging sentro ng pananaliksik na ito. Sa kabilang banda, maipapaloob rin dito ang mga mag-aaral batay sa kanilang mga nagging rason sa pagkuha ng kursong “Accountancy.” Ang mga datos at impormasyon na aming nakalap ay batay sa mga personal na saloobin at katwiran ng mga nasabing mga mag-aaral na aming nakausap at hiningan ng opinyon.
Ang pag-aaral na nabanggit ay nakatuon at lilimitahan sa pamamagitan ng pagkuha lamang ng tiyak na bilang ng mga mag-aaral at pantay-pantay na bahagdan ng bawat antas. Sasaklawin din nito ang mga katangian ng “College of Accountancy” Dr. Yanga’s Colleges Inc. kung bakit maramin ang nais pumasok dito.
MGA KAUGNAYANG PANGLITERATURA
Datapwat ang ating ekonomiya ay sa kasalukuyan ay mababa, may nanatili pa ring puwang para sa mga ilang mag-aaral na nais makatapos ng kanilang napiling propesyon lalo na kung “Accountancy” ang nais nila.
Ayon sa National Association of Colleges and Employers’ 2009 Student Survey, “ Kahit na ang mga mag-aaral mula sa pangkat 2009 ay nakapagtapos ng walang sapat na hanapbuhay ang naghihintay para sa bawat isa, ang mga kumukuha ng kursong Accountancy at Engineering ay nanatiling patok sa lahat dahil mas madaling makakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos ng kursong ito.
Batay naman sa U.S. World and News Report, “Ang mga nakaktapos ng mga digri sa Accountancy ay isa sa mga madaling nakakapasok ng trabaho dahil sa patok itosa kasalukuyan.
Sa kabilang banda, kung ukol naman sa paglipat ng mga kurso ang tatalakayin ayon kay Josh Gerstain, “ Ang paglipat-lipat ng kursong kinukuha o shifting ay hindi madali sapagkat madaming kinakailangang isaalang-alang at nararapat na magsimula
muli.” Ang mga usapin tulad nito ay maaaring magbigay kalinawan at makatulong sa pagbuo ng mga kasagutan tungol sa aming pananaliksik. Mahigit limang taon na nang maitatag ang “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. at sa loob ng mga taon na iyon mapatutunayan na lumalago ang populasyon ng nasabing kolehiyo dahil na rin sa patok ang kursong yaon sa panahon ngayon at isa ang Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa mga paaralan sa Bulacan na pribado ngunit may halos isa sa may pinakamababang tuition fee at mga scholarship grants na ipinagkakaloob sa mga masisipag na mag-aaral na salat man sa kabuhayan ay may determinasyon upang magkaroon ng kinabukasan.
Ang “College of Accountancy” ng nabanggit na institusyon ay may mga pananaw at layunin at nais makamit para sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral nito. Narito ang kanilang Vision at Mission.
Vision Concomitant with the Vision and Mission of the Institution. The College of Accountancy envisions itself in developing in its students a culture of excellence in the field of Business, Entrepreneurship, Research and Consultancy Service.
Mission The college of Accountancy (COA) commits itself to the following mission statements: 1. Develops curricular offerings responsive to manpower demand for both local and international market.
2. Devices a policy to achieve Quality Education through Quality Teaching and Quality Learning. 3. Design a policy of continuous enrichment/revision of curriculum to ensure a high passing percentage of its graduates in the CPA Licensure Board Examination. 4. Institutes a program for development of all accountancy students centering on religious, social political and ethical consciousness. 5. Instill in the mind of every graduate the value of Honesty, Integrity and Justice in the practice of their profession. 6. Trains the students in preparing Feasibility studies (FS) and Business Plans (BP) to hone their potentials of their profession. 7. Develops a year-round Faculty development program to enhance their teaching competencies, strategies and professional leadership.
Ang mga nabanggit na layunin ng kolehiyo ay ang nagsisilbing gabay sa paghubog ng mga mag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Dahil dito, kung kaya’t
nakakpanghikayat sila ng mga kabataan, dahil tinitiyak nila ang
kasiguraduhan ng pagiging matagumpay ng mga nakakatapos sa kursong ito.
INPUT
Mga salik na nakaapekto kung bakit lumilipat ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang kolehiyo tungo sa “College of Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges Inc.,
PROSESO
Pagsasagawa ng mga sumusunod na pamamaraan upang makalap ang mga datos na kakailanganin nsa pagsususuri: • Sarbey • Panayam
OUTPUT Malalaman na ang mga kadahilanan at mga salik sa suliraning inilahad •
Interes ng mag-aaral
•
Kagustuhan ng magulang at mga kapamilya
•
Scholarship grants
•
Impluwesya ng mga kaibigan
•
Tirahan
•
Magandang pamantayan ng pagtuturo
KONSWEPTAL NA BATAYAN
Interes ng Mag-aaral Kagustuhan ng Magulang at mga Kapamilya Patok sa Lipunan Mga Salik Na Nakaaapekto Kung Bakit Lumilipat ang mga
Scholarship Grants
Mag-aaral Mula sa Iba’t Ibang Kolehiyo Tungo Sa “College
Impluwensya ng Kaibigan
Tirahan Magandang Pamantayan ng Pagtuturo
Accountancy” ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc.
KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN
Accountancy- kurso kung saan pinagtutuunan ang pagtutuos ng pananalapi
Degree/Digri-natapos na kurso
Dr. Yanga’s Colleges Inc.- isa sa kilalang paaralan sa Bulacan dahil sa mga katangitanging tagumpay na nakakaanyaya ng mga mag-aaral nito.
Irregular na mag-aaral- mga mag-aaral na hindi nakasunod sa nararapat na bahagdan ng kurso na ayon sa kanilang antas
Mission-ang mga layunin sa hinaharap
Scholarship- ginagawad sa mga mag-aaral na may determinasyon na nais makapag-aral ngunit salat sa kayamanan
Shifting- tumutukoy sa proseso ng paglipat
Vision- pananaw ng isang tao, organisasyon o maging isang institusyon
MGA TALA NG TSAPTER 1
http.// www.career-opportunities.net/aricles/view/career_as_an_accountant
http.// www.career-opportunities.net/career_profiles/accountant
http.// www.journalofaccountancy.com/issues/2009/jul/accountingmajors.htm
http.// www.accountingcoach.com/careers/accounting-jobs.htm
http.//www.thefreelibrary.comWhy+choose+accounting %3a+with+CPAs+more+in+demand+than+ever%2c+it%27s+no…-a0236427986
http.//www.thedycian.com
http.//www.politico.com