Ang mga Digmaang Punic Punic War Noong 264 BCE ay nakidigma ang Rome sa Carthage, isang lungsod estado sa Hilagang Africa. Ang cartage ay itinatag ng Phoenician na kilala sa kanilang pagiging mahusay na mga magdaragat. Lumago ang Carthage dahil sa kinontrol nito ang malaking bahagi ng kalakalan sa Kanlurang Mediterranean, gayun din ang Spain at Hilagang Africa. Ang Carthage ay walang kolonya sa peninsula ng Italy ngunit may mga panirahan ito sa mga karatig-pulo ng Sicily, Sardinia at Corsica. Sa pagsapit ng 265 BCE naging pandaigdigamg lakas sa larangan ng kalakalang pandagat Carthage. Marami silang mga barkong pangkalakalan na nagbiyahe ng mga ginto at garing buhat sa Africa, pilak mula sa Spain at lata mula sa Britain. Mayroon ding itong malakas na hukbong pandagat sa Mediterranean na nagbigay ng proteksyon sa mga mangangalakal. Ito ang dahilan kung bakit hindi magawang sakupin ng Rome ang ilan sa mga lungsod estado sa Mediterranean. Nang masakop ng Rome ang Timog Italy, nangamba ang mga Carthaganian na maagaw ng Rome ang Sicily kung saan naroon ang kanilang mga kolonya at pamilihan. Natatakot naman ang mga Romano na isara ng hukbong pandagat ng Carthage ng mga daanan sa Dagat Adriatic at sa kipot ng Messina na nasa pagitan ng Sicily at Italy. Ang mga pangambang ito ang nagbunsod sa digmaang Rome laban sa Carthage na tinawag na mga Digmaang Puniko. Ang tunggalian ng Rome at Carthagian para sa Sicily at sa Kanlurang Mediterranean ay humantong sa digmaan.
Nagmula ang Punic sa salitang “punicus” na siyang taguri ng mga Romano sa mga Phoenician. Ang pagiging makapangyarihan ng Rome ay hindi lamang naipakita sa matatag na pamahalaan at organisadong hukbong sandatahan. Naging magaling din ang Roman pagdating sa kalakalang pandagat. Dahil sa istratehikong kalagayang ng Italy sa Mediterranean Sea, nagtagumpay ang mga Roman na paunlarin ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang lugar sa rehiyon. Sa panahong ito, naging katunggali ng Rome ang Carthage. Ang Carthage ay isang maunlad na lungsod sa hilagang Africa. Itinatag ito ng mga Phoenician at ginawa itong kolonya. Hindi nagtagal at nakamit ng mga Carthaginian ang kanilang kalayaan at naging isa sa mga mahuhusay na mangangalakal sa rehiyon ng Mediterranean. Nagkaroon ang Carthage ng mga kolonya sa Spain, Hilagang Africa, at sa mga pulo ng Mediterranean tulad ng Scicly, Sardinia at Corsica. Nagkaroon ng tunggalian ang Rome at Carthage dahil sa pagnanais ng dalawang pangkat na kontrolin ang mga rutang-pangkalakalan sa buong Mediterranean. Nauwi ito sa isang mahabang labanan na tinaguriang Digmaang Punic. Ang digmaang Punic ay isang salitang latin na tumutukoy sa Phoenicia na tagapagtatag ng Carthage. Nagkaroon ng tatlong digmaang punic sa pagitan ng Roma at Carthage. Tatlong Digmaang Roma laban sa Carthage ang naganap.nakilala ang mga ito sa kasysayan ng mundo sa Pangalang Digmaang Punic. Noong 264 BC, nakipagdigma ang Roma sa lungsod-estado ng Carthage sa Hilagang Aprika. Dahil sa mga phoenicians, lumakas ang puwersang pandagat ng Carthage at
pinangambahan ng Roma ang paglakas ng Carthage lalung-lalo na sa kakampi nito sa katimugang Italya. Unang Digmaang Punic
(264-241 BCE)
Naganap ang labanang ito sa dagat. Sa simula, nahirapan ang mga Romano dahil walang silang mahusay na mga barkong pandigma na siya naman naging panlaban ng Carthage. Nang masira ang isang barko ng Carthagininian , kinuha ito ng mga Romano at ginawang modelo sa paggawa ng kanilang barkong pandigma sa dagat. Mahusay ang istratehiyang military na ginamit ng Rome kaya ito ang nagtagumpay sa Unang Digmaang Puniko. Bunga nito. Napilitang makipagkasundo ang Carthage noong 241 BCE. Sa kanilang tagumpay nakuha ng Rome ang Siciliy. Ito ang naging nasakop din ng Rome ang Sardinia at Corsica noong 238 BCE. Tinalo din ng mga Romano ang mga Gaul sa Cesalpine Gaul at nakuha ang rehiyng ito. Pagkatapos ng Unang Digmaang Puniko, nakontrol ng Rome ang kabuuan ng Italy, mga pulo ng Sicily, Sardinia at Corsica at ang Silangnag baybayin ng Adriatic. Nagtagal ang digamaang ito ng 23 taon. Noong 241 BCE., nagapi ng Roome ang Carthage at nakamit ang Sicily bilang unang lalawigan ng Republika sa labas ng tangway. Sa pagnanais na maipaghiganti ang pagkagapi ng Carthage sa Rome, pinamunnuan ng Heneral na Carthaginian na si Hannibal ang hikbo ng 59,000 sundalo at 60 na elepanteng pandigma upang sugurin ang Rome. Upang linlangin ang kalaban, nilandas ng hukbo ni Hannibal ang mahabang ruta mula Spain, France at patawid sa Alps, upang sakupin ang Italy. Sanhi: Mahigpit na katunggali ng Rome ang Carthagian sa kalakan at panganib ang kapangyarihan nito sa mga kaalyado sa Rome sa timog Italy.
Bunga: Nagwagi ang mga Roman. Nakamit nito ang Sicily na siyang naging unang lalawigan ng Rome na hindi kabilang sa tangway ng italy. Ang Unang Digmaang Punic ay nagsimula noong 264 BC pagkatpos magbigay ng tulong ang Roma sa Sicily upsng lupigin ang hari ng Syracuse. Itinuring ng Carthage na pakikialam ang hakbang na Ginawa ng Roma dahil ang Sicily ay isa sa mga naangking teritoryo ng Carthage. Ang lahat ng digmaan ay naganap sa karagatan. Malakas ang pwersa ng Carthage sa labanan sa dagat. Gumagamit sila ng mga barkong pandagat na tintawag na quinquereme. Ang istratehiyang ginamit na Roma ay ang paggamit ng sariling kalakasan ng kalaban. Nang mapadpad ang isang quinquereme sa maypangpang ng Roma, naisip ng mga Romano na kopyahin ito upang lituhin ang kanilang kalaban. Sa tulong ng mga Griyego, bumuo sila ng isandaan quinquereme. Kaya Ang unang digmaan ay tumagal ng 23 taon, mula 264 hanggang 241 B.K. Ipinanalo ito ng Roma nang maagaw nito ang Sicily mula sa Carthage. Inulunsad ng Roma ang Unang Digmaang Punic. Naghanda ang Roma ng isang malakas na hukbong panlupa na may abang na suporta mula sakanyang mga kakampi, samantala ang Carthage naman ay naghanda ng kanyang hukbong pandagat. Nagtagumpay ang Roma sa Digmaang naganap sa dagat at sa pulo ng Sicily at napilitang makipagkasundo ang Carthage noong 241 BC. Napasakamay ng Roma ang pulo ng Sicily matapos ang Digmaan. Ang Unang Digmaang Punic ay naganap sa Sicily. Natalo ng mga Romano ang mga Carthaginian at ito’y pinilit na magbayad ng malaking bayad-pinsala at isuko ang Sicily sa Rome. Ang panahon sa pagitan ng pagwawakas ng Unang Digmaang Punic at pagsiklab ng ikalawa ay nagsilbi lamang sa dalawang protagonist bilang pamamahinga.
Ikalawang Digmaang Punic (218-201 BCE) Inulunsad ang Ikalawang Digmaang Puniko nang tangkain ni Hannibal, isang mahusay na Heneral sa Carthage, na biglaang sakupin ang Rome mula sa Hilaga. Isang malaking hukbo na kinabibilangan ng mga kabalyero at ng mga pandigmaang elepante mula sa Spain ang inihanda ni Hannibal. Tinahak nila an gang ngayo’y Timog France at binagtas ang Alps patungong Italy. Nahirapan ang hukbo ni Hannibal na baybayin ang kabundukan dahil nababalutan ito ng yelo at nagkakaroon ng madalas na pagguho. Namatay ang halos na kalahating bahagi ng hukbo ni Hannibal at sa pagwawakas ng buwan ng Setyembre narrating ng mga mandirigmang Carthagininian
ang Lambak ng Po sa Italy.
Nakapagtataka subalit sa kabila ng hirap na dinaanan nina Hannibal ay hindi napantayn ng mga Romano ang kanilang lakas at kahusayan sa pakikidigma. Namalagi si Hannibal sa Rome sa loob ng labinlimang taon at nagwagi sa lahat ng digmaan. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa Italy, kulang ang lakas ng kanyang hukbo upang makuha ang lungsod-estado ng Rome. Samantala upang mabawasan ang tensyon sa estado ng Rome isang hukkbong ng Romano sa pamumuno ni Heneral Scipio ang umatake sa mga Carthagininian sa Spain para mapigilan ang pagpapadala ng tulong kay Heral Hannibal. Noong 230 BCE,sinakop ng Romano ang Hilagang Africa at sa pagnanais ni Hannibal na ipagtanggol ang kanyang bansa ay napilitan siyang bumalik sa Carthage. Natalo ni Scipio si Hannibal sa digmaan sa Zama sa Numidia (ngayon ay bahagi ng Algeria) noong 201 BCE. Ito ang unang pagkatalo ni Hannibal na nagwakas naman sa ikalawang Digmaang Puniko. Bunga nito, naging isang lalawigan ng Rome ang Macedonia. Nasaklaw din
ng kapangyarihang Romano ang Corinth at ilang lungsod-estado ng Greece at mga lupain sa Silangan. Nakamit ng mga Carthagian ang pinakamalki nilang tagumpay sa Cannae noong 216 BCE. Samantala, nakatagpo ng katapat si Hannibal kay Scipio, Heneral at konsul ng Rome. Sa estratehiyang ipinatupad ni Scipio, napilitan si Hanniabal na umatras patungong Carthage upang ipagtanggol ito laban sa sumasalakayna hukbong Roman. Nagwakas ang ang Ikalawang Digmaang Puniko noong 202 BCE nang magapi ng mga Roman si Hannibal sa Zama, malapit sa Carthage. Sanhi: Nagpasya si Hannibal, isang Heneral na Carthagian na salakayin ang Rome sa pamamagitan ng pagdaan sa Hilagang bahaig ng Italy. Pangyayari: Naglakbay si Hannibal kasama ang buong hukbo, kabayao at mga elepante mula sa Spain patungog kabundukan ng Pyrences, Gaul(France ngayon) at bulubundukin ng Alps. Noong 216 BCE naganap ang unang sagupaan ng dalawang pangkat sa Cannae. Nagtagumpay ang mga Carthaganian. Tinangkang lusubin ni Hannibal ang Rome ngunit nabigo siya. Noong 204 BCE, sinilakay ni Scipio, heneral ng Rome ang Carthage. Dahil dito, nagtungo ang hukbo ni Hannibal sa hilagang Africa upang ipagtanngol ang Carthage ngunit nabigo siya sa labanan sa Zama noong 202 BCE. Bunga: Nagwagi ang mga Romano at tumakas si Hannibal.
Sa Ikalawang Digmaang Punic, sumibol ang dalawang magigiting na pinuno sa kasaysayan: si Hannibal at si Scipio Africanus ng Roma. Anoang papel na ginampanan nila sa Ikalawang Digmaang Punic ? Si Hannibal ang magiting na Heneral ng Carthage. Dahil na rin sa dami ng kanyang hukbo, nasakop nito ang Italya noong 218 BC. Sa loob ng 15 na taon ay napasailalim sa kapangyarihan ni Hannibal ang Roma. Tinalo ng kanyang hukbo ang mga Romano sa Cannae, Italaya na siyang pinakamalakaing labanan sa pagitan ng dalawang bansa kung saan wala halos natira sa pwersang Romano.may mga animnapung libong tao ang namatay at kaunti lamang ang nakatakas sa patibong na inihanda ng hukbo ni Hannibal. Ngunit hindi nagtagal, ipinadala ng Roma si Scipio upang sugpuin at talunin si Hannibal . Naglaban ang dalawang pinunosa Zama. Natalo si Hannibal at patungo siya sa aAsa upang makahikayat ng tulong buhat sa ibang bansa. Ngunit nabigo si Hannibal at dahil hindi niya matanggap ang kanyang pagkatalo, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pag-inom ng lason noong 182 BC sa Bethynia. Ang ikalawang digmaan ay nagsimula dahil sa paniwala ng Roma na muling nagtatayo ng imperyo ang mga Carthaginian, sa Espanya naman, bilang preparasyon sa pagganti sa mga Romano. Tumagal ito ng 17 taon , mula 218 hanggang 201 BK. Noong 218 B.C. tinangkang lusubiin ng mga Carthaginian ang Roma na mapagsiyahang sakupin ng heneral ng Carthage na si Hannibal ang Hilagang Italya. Ito ang simula ng Ikalawang Digmaan Punic. Sa digmaang ito, natalo ng mga Carthaginian ang mga Romano. Dahil sa pagkatalo ng Roma, pinangambahan nila na mapasok ng puwersa ni Hannibal ang Roma.
Noong 218 BC, ay sumiklab ang Ikalawang Digmaang Puniko. Si Hannibal ang pinakamagiting na heneral ng Carthaginian, ay bumuo ng isang makapangyarihang hukbo. Gumawa siya ng isang taktikang walang kapantay sa kasaysayan ng pankikidigma. Ang kanyang hukbo, dala lahat ang kasankapan g pandigma at turuang mga elepante, ay nagpumilit na dumaan sa silangang baybayinng Spain, sa ibabaw ng Pyrenees at tumawid sa Gaul patungo sa paanan ng kanlurang Alps. Sila’y pumanhik at bumaba sa matarik at natatapakang niyebeng bulubundukin ng Alps. Nagbukas sila ng mga bagong daanat sinalag ang mga pagsalakay ng mga iba’t ibang tribong bundok. Buo na sa kanilang loob na isagawa ang pakikidigma sa mga lupain ng mga Romano. Ang mga paghihirap na kanilang dinanas ay kalunos-lunos. Ang pagguho ng yelo, lamig at gutom ay kumitil ng maraming buhay ngunit ang pagmamartsa ay nagpatuloy hanggang sa kanilang marating ang mga kapatagan Italy. Ang mga Roman ay nagulantang at sa loob ng 15 taon ay napanatili ni Hannibal ang kanyang hukbo sa mg lupain ng mga Romano na hindi nadaig na kahit isang digmaan. Bagaman nasakop ni Hannibal ang hukbo ng mga Romano ay binubuo ng mga kawal na hindi nakikipaglaban para sa salpi kung hindi para sa pag-ibig ng bansa. Sa wakas noong 203 BC, si Hannibal ay tinawag sa Carthage upang ipagtanggol ito sa hukbong Romanona tumawid sa Mediterranean patungong Hilagang Africa. Sa digmaan sa Zama noong 202 BCE , si Hannibal ay nakaranas ng isang matinding pagkatalo sa mga kamay ni Scipio na tinawag na Scipio Africanus dahil sa kanyang pagtatagumpay sa Africa. Ikatlong Digmaang Punic (149-146 BCE) Naganap ang Ikatlong Digmaang Puniko dahil sa pagnanais ng isang maliit na pangkat ng mayayamang may-ari ng lupa na makuha ng Rome ang lahat ng teritoro ng Carthage.
Noong 149 BCE, nagdeklara ng digmaan ang Rome. Ang hangarin ni Cato na lubusang masira ang Carthage ay naisakatuparan noong 146 BCE. Sa pangyayaring ito, naging pangunahing kapangyarihan sa Mediterranean ang Rome at ipinagpatuloy nito ang pananakop sa iba pang lupain. Ito ay bunsod ng pambubuyo ng maimpluwensiyang senador na si Cato sa mga Roman na “wakasin ang Carthage”. Sinunog ng mga Roman ang lungsod at ipinagbili sa pagkakaalipin ang may 5000 na naninirahan dito.ang Carthage ay ginawang lalawigan ng Rome. Bandang 70 BCE nakamit ng Republika ang tugatog ng kapangyarihan. Matapos makapangyari nsa kanlurang Mediterranean ay pinalawig nito ang kapangyarihan pasilangan. Sinakop nito ang Macedonia, Greece at Pergamun sa Anatolia. Sa panahong ito, itinuring ng mga Roman ang Mediterranean Sea na mare nostrum ,o “ang aming dagat”. Sanhi: Tuluyan ang napabagsak ang Carthage Pangyayari: Iminungkahi ni Cato na isang Senador na nararapat na wasakin na ng lubusan ang Carthage upang hindi na mapanganib sa Rome sa susunod na panahon. Sinalakay ng mga Roman ang Carthage. Bunga: Nagwagi ang mga Roman. Sinunog ang buong lungsod at ipinagbili bilang mga alipin ang mahigit 50,000 na Carthaginian. Pinilit pa rin bumangon ng Carthage. Sinakop pa rin nito ang ilang mga kaalyado ng Roma ngunit kaagad silang sinupil ng huli. Sinunog ang Carthage at ang trahedyang ito ay itinuring na hudyat ng pagwawakas ng Digmaang Punic, na sumasagisag din sa tuluyang paglawang ng imperyo ng Roma.
Ang ikatlo o ang ikahuling digmaang punic ay tumagal lamang ng Tatlong taon, 149 BC146 BC. Ang mmmuling pagbangon at pag-unlad ng Carthage matapos ang dalawang mapanirang digmaan ay nagbunga ng inggit at takot sa mga Romano. Inutusan nilang iwanan ng mga Carthaginian ang kanilang siyudad at nang hindi sumunod ang mga ito ay winasak nilang muli ang Carthage. Ang senador na si Cato, ang sensor , ay nagbigay ng inspirasyon dahil sa matinding poot sa mga Carthaginian. Sa kanyang pagtatalumpati sa Senado ay laging inuulit ni Cato ang “Ceterum censeo Carthsginem ese delendam”(“Further, I think Carthagain must be destroyed”) Nang subukin ng Carthage na pangalagaan ang kanyang sarili sa laban sa mga mapnggulong kalapit na bansa ay inakala ng mga Romano na ito ang hudyat ng ikatlong pakikidigma. Ang Carthage ay walang kalaban-laban ngunit ang mga mamamayan nito ay nagmamatigas loob ng tatlong taon hanggang sa sila’y sapilitang pinasuko. Ang syudad ay bumagsak at ang mga mamamayan ay ipinapatay sa pamamagitan ng espada o kaya’y ipinagbibili upang maging alipin.
REFERENCES: Araling Pandaigdig Aurora L. Santiago Dolores C. Arias Mary Ann L. Mendoza Eliseo D. Manaay Kasaysayn ng Daigdig Mark Alvin M. Cruz Mark Andrew F. Fietas Michael M. Mercado Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig Eliza D. Bustamante Michael M. Mercado Ang Daigdig Rheena M. Soquila Zenaida A. Gonzales,Ph.D. Ang kasaysayan ng Daigdig, Sa iba’t Ibang panahon III Vanessa Policarpio- Alcantara Kayamanan, kasaysayn ng Mundo Celia D. Soriano Eleanor D. Antonio Consuelo Imperial Evangeline Dallo Carmelita Samson