Ang Mga Maranao
Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng ibat-ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao. Ang mga Maranao ay ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito’y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay tinatawag na “Maranao” (naninirahan sa may lawa), at galing ito sa wikang
Austronesian. Austronesian. Tinatayang Tinatayang aabot aabot sa 90% ang ang bilang ng mga ito na naniniraha naninirahan n sa Lanao del Sur, ang ibang natira ay matatagpuan sa Lanao del sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon. Ang sentro ng pangangalakal, pangkultura, at pangedukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o dating tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao del Sur.
Ang mga Maranao Maranao ay unang naninirahan naninirahan sa kabundukan, kabundukan, pero pero ang impluwensya impluwensya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga malalalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga Muslim kung may aktibidad laban sa mga Espanyol, Amerikano , at at hapon, hapon, at kahit kahit na ang Republika Republika ng Pilipinas sa panahon ng batas batas militar.
Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.
Ayon kay Casan Alonto Alonto sa kanyang “Perspective on Maranao Maranao Society” (1974), may mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Maranao. Ang isang teorya’y batay sa epiko
ng mga Maranao na Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga naninirahan dito sa kapaligiran ng Lanao ay pinangungunahan ng isang nangangalang “Butuanon Kalinan” na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag na Bombaran (kung saan
sumisilang ang araw). Ang isa pang teorya’y ang migrasyon ay patungo sa dakong
pasigan ng Katimugang Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o Ilanon na natagpuan nang naninirahan sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga bagong dating.
Prinsipe Bantugan (Ikatlong Salaysay ng Darangan)
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan. Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat. Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran. Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik
ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali. Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran. Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban. Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan. (wakas ng buod na kwento)
Noong nabubuhay pa ang Pangulong Manuel Luis Quezon, pinangalanan niyang “maliit na Baguio ng timog” ang lalawigan ng Lanao. Noong Mayo 2, 1959 sa paglabas
ng Batas ng Republika 2228 ay nahati sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang Lanao. Ang mga punong lalawigan ay Lunsod ng Marawi at Lunsod ng Iligan. Ang Lanao del Sur ay siyang pook ng pamayanan ng mga Maranao. Batay sa sensus noong 1970 ang buong populasyon nito’y 455, 507. Malamig sa pook na ito at malayo sa tinatawag na belt ng
bagyo.
Bagama’t pangingisda ang ikinabu buhay ng iba, masasabing ang pangunahing pinagbubuhatan ng kabuhayan nila’y pagsasaka. Malawak ang lupain at mataba pa. Ang
silangang bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas na siyang pangunahing pagkain. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng ibat-ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi, at klase-klasing uri ng tropikal na prutas. Sa prutas ay maipagmamalaki nila ang kanilang marang at durian, na hindi matatagpuan sa Luzon. Sa kasalukuyan ay marami nang mangangalakal na Maranao.
Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala din sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat- ibang gamit sa bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal.
Ang hinahabing banig at malong ng mga Maranao ay labis na nakakatawag ng pansin ng mga mamimili hindi lamang sa local na pamilihan kundi sa pandaigdig man. Ang isang magandang malong ay mas mahal kumpara sa ordinaryong malong. Magagandang disenyo ang makikita. Maraming kagamitan ang malong: damit, pangulan, kumot, duyan ng bata, sako, lubid, duyang lululanan ng maysakit, panakip at minsan glab na pamboksing.
Ang isa pang kalakal ay ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga ito’y binubuo
ng mga gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas, malalaking hugis na paso na may adorning tinatawag na okil na disenyo. Ang okil o okirr ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. (Ang mga kalakal na nabanggit ay makikita sa mga malalaking tindahang panturista sa malalaking Lungsod ng Luzon, Visayas at Mindanao.) Ang sarimanok ay ang pangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay naglalarawan ng maunlad nabuhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao. Ito ay nagtataglay ng makulay na pakpak, mabalahibong buntot at mapalamuting ulo na pinaniniwalaan din na nagdadala ng swerte.