I use this Lesson Plan during my School Demonstration Lesson just this Tuesday, October 4, 2016. The lesson is about Pagsunod sa Panuto (Following Directions)
Halimbawa ng isang Banghay Aralin sa ikawalong baitangFull description
FILIPINOFull description
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IVFull description
Masusing banghay-aralin tungkol sa mga batayang konsepto ng komunikasyon.
panitikanFull description
banghay aralin
MakatotohananFull description
Banghay Aralin sa Filipino sa Ika-Anim na Baitang I.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang; 1. Matukoy ang iba’t ibang pokus ng pandiwa. 2. Masuri ang pagkakaiba ng pokus ng pandiwa. 3. Makasagot sa pagsasanay sa pagbuo ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang pokus ng pandiwa. II.
Nilalaman Paksa: Pokus ng Pandiwa Sanggunian: Aklat sa Wika at Pagbasa sa Filipino, pahina 257-267. Kagamitan: Powerpoint, laptop, at projetor. Pagpapahalaga: Bigyang halaga ang pagsusumikap ng mga magulang upang matustusan
ang pangangailangan. III.
Pamamaraan
Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain 1. Panalangin
Gawain ng Mag-aaral
Magandang Umaga mga bata.
Magandang umaga rin po.
Bago tayo magsimula sa ating gawain tayo muna ay mananalangin at pangungunahan pangungunaha n tayo ni Ana.
Panginoon, salamat po sa panibagong buhay na ipinagkaloob niyo sa amin upang makapag-aral. Bigyan mo po kami ng karunungan at kaalaman na nagmumula sayo para maunawaan namin ang ituturo sa amin ng aming guro. Sayo na po namin ipinagkakatiwala ipinagkakatiwa la ang lahat sa pangalan ni Jesus, Amen.
2. Pagsasaayos ng silid
Mga bata bago umupo pulutin ang mga kalat na inyong nakikita at ayusin ang inyong upuan.
( Pinulot ang mga kalat, inayos ang upuan at umupo )
3. Pagtatala ng liban
Sino ang liban sa klase ngayon?
Mabuti naman at walang lumiban sa klase ngayon.
Ma’am wala pong liban sa klase ngayon.
B. Aktibiti
Pagsasagawa ng “Pantomime”. Ang mga mag
aaral ay hahatiin sa dalawang grupo. Kukuha sila ng tatlo hanggang limang tao upang magsadula ng buod ng kwento. Aarte ang mga mag-aaral ng walang imik hanggang matapos ang pagsasadula. (Ang isasadula ay tungkol sa mga magulang na nagtatrabaho sa ibayong dagat).
(Huhulaan ng mga mag-aaral ang buod ng dula). Ang buod ng dula: [1]Si ama ay nagtungo sa America. [2]Pinagsisilbihan ni ama ang ospital. [3] Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente. [4] Ang bawat batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan. [5] Ipinanghahawi ng kalungkutan ang mga laruang binili. [6] Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin.
C. Analysis
Mga bata, tungkol saan ang buod ng dula?
Irish: Tungkol po sa magulang na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Mahusay Irish!
Sino sa inyo ang nagtatrabaho ang magulang sa ibayong dagat?
Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing sila’y umaalis?
Sa inyong palagay bakit nagtatrabaho sa malayo ang inyong mga magulang?
Mag-aaral: Ako po ma ’am.(Itinaas ang mga kamay ng karamihan.)
Ana: Nalulungkot po ma’am kasi hindi na naman po namin sila makakasama.
Alona: Nagtatrabaho sila doon para matustusan ang aming mga pangangailangan.
Magaling Alona! Nakikita mo ang pgsasakripisyo na ginagawa ng iyong magulang.
Sa inyong sariling pamamaraan paano ninyo masusuklian ang paghihirap ng inyong mga magulang? Jessa: Masusuklian po namin ang bawat paghihirap ng aming mga magulang sa pamamagitan ng pagkaroon ng mga matataas na marka. Mahusay Jessa!
D. Abstraction Paglalahad sa Aralin
Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap. May iba’t ibang uri ang pokus ng pandiwa. Ito ay ang aktor/tagaganap, layon, ganapan at sanhi.
Balikan natin ang buod ng dula na nasa pisara. ( Basahin ng sabay-sabay. Handa, basa) Ang buod ng dula: [1]Si ama ay nagtungo sa America. [2]Pinagsisilbihan ni ama ang ospital. [3] Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente. [4] Ang bawat batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan. [5] Ipinanghahawi ng kalungkotan ang mga laruang binili. [6] Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin. Basahin ang unang pangungusap.
Ang pandiwa sa pangungusap ay nagtungo. Sino ang gumaganap ng kilos?
Mag-aaral: (Basahin ng sabay-sabay)
Mag-aaral: Si ama ay nagtungo sa America.
Charmaine: Ang gumaganap ng kilos ay ang ama.
Mahusay Charmaine!
Saang bahagi ng pangungusap makikita ang ama?
Angela: Sa bahagi ng simuno.
Magaling Angela!
Ano ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa? Magaling Jessa!
Ito ay tinatawag din na pokus sa aktor o tagaganap. Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?".
Jessa: Ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap.
Basahin ang ikalawang pangungusap.
Mag-aaral: Si ama ay nagsisilbi sa ospital.
Ang pandiwa sa pangungusap ay nagsisislbi. Saan nagsisilbi si ama? Ana: Si ama ay nagsisilbi sa ospital. Mahusay Ana!
Ano ang tawag natin sa ikalawang pokus ng pandiwa?
Len: Ang tawag natin sa ikalawang pokus ng pandiwa ay pokus sa ganapan.
Magaling Len! Ang pokus sa ganapan ay tumutukoy sa pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “saan?”. Basahin ang ikatlong pangungusap.
Ang pandiwa sa pangungusap ay inihahatid. Ano ang araw-araw niyang inihahatid?
Mag-aaral: Araw-araw niyang inihahatid ang gamot sa mga pasyente.
Hydee: Ang kanyang inihahatid araw-araw ay gamot.
Mahusay Hydee!
Ano ang tawag sa ikatlong pokus ng pandiwa?
Josiel: Ang tawag sa ikatlong pokus ng pandiwa ay pokus sa layon.
Magaling Josiel! Ito ay tinatawag na pokus sa layon. Ang pokus sa pandiwa ay pinaglalaanan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “ano?”. Basahin ang ikaanim na pangungusap.
Ang pandiwa sa ikaanim na pangungusap ay ikinalulungkot. Ano ang sanhi o dahilan ng inyong pagkalungkot?
Mag-aaral: Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin.
Ana: Ang sanhi o dahilan ng aming pagkalungkot ay ang kanyang paglayo.
Ano naman ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa? Alona: Ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa ay pokus sa sanhi. Magaling Alona! Ito ay tinatawag na pokus sa sanhi. Ang paksa ay ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na “bakit?”.
E. Application Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin. 2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista. 3. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng
chess
araw-araw.
4. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo Jejomar Binay. 5. Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger.
IV.
EBALWASYON
Panuto: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ito.
1. Ito ay tumutukoy sa pinangyarihan ng kilos. Sumasagot sa tanong na “saan?”. 2. Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?". 3. Ito ay nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na “bakit?”.
4. Ito ay pinaglalaanan ng kilos. Sumasagot sa tanong na “ano?”. 5. Ito ay tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap.
V.
Takdang Aralin
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa sa iba’t ibang pokus.