6 6 Module 54
Filipino Mga Sugnay na Pang-abay
50
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral Magandang araw sa iyo! Isang magandang kasanayan na masasabi natin kung kailan, saan at paano isinasagawa ang kilos o pangyayari. Sa bawat panayam na ating ginagawa, ginagamit natin ito. O, ano tayo na at sabay natin itong pag-aralan.
Mga Dapat Matutuhan Natutukoy ang sugnay na pang-abay.
Subukin Natin Kopyahin ang sugnay na pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Naglalakad ako nang biglang umulan. Agad kong inilabas ang aking payong mula sa aking bag. Kaagad kong binuksan ito pero nabasa na ako. 2. Dahan-dahang lumakad ang Reyna Elena habang ang lahat ay nakatingin sa kanya nang walang kakurap-kurap. 3. Tuluy-tuloy ang ingay ng serena samantalang ang sasakyan ay mabilis na tumatakbo. 4. Sa may gilid ng bundok bumagsak ang eroplano. Di ang tagal pagkatapos na mawala ang apoy at usok, nakita kong tumatakbo papalayo ang mga tao. 5. Nang malaman kong may sakit siya nagtungo agad ako sa kanila. 51
Kung ang kuha mo ay 4 o 5, binabati kita, Ngunit dapat mo pa rin itong pag-aralan upang lubos mo pa itong maintindihan. Kung ang kuha mo naman ay 3 pababa, huwag kang mag-alala ang modyul na ito ay tutulong sa iyo.
Pag-aralan Natin Kilala mo ba siya? Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanya
Si Tandang Sora
Bago sumiklab ang rebulosyon ng 1896, si Melchora Aquino na mas kilala bilang Tandang Sora ay nakaririwasang namumuhay sa piling ng kanyang mag-anak sa malawak na lupain sa Banilad, Pasong Tamo, Kalookan. Ang kanilang pook ang napili nina Andres Bonifacio at ng kanyang kasama bilang himpilan noong Agusto, 1896.Napili nila ito dahil ito ay nasa gulod at mataas na pook at nakikita nila sino mang dumarating kahit na saang pook ito manggaling. Malaki ang bahay ni Tandang Sora na natatakpan ng mga punongkahoy. Mayroon din silang malaking kamalig na maaaring tigilan ng mga sundalo. 52
Nang makiusap ang mga Katipunero kay Tandang Sora kung maaari nilang gawing himpilan ang kanilang bahay, siya ay sumang-ayon. Naghandog siya ng mga bigas, pagkain at mga kagamitan. Sa maluwang na pagtanggap ni Tandang Sora sa mga Katipunero ay nabatid din niya na may malupit na kaparusahan ang pamahalaang Kastila. Hindi siya natakot. Buong tiyaga niyang pinagsilbihan ang mga Katipunero. Noong ika-18 ng Agusto, nakatanaw ang mga guwardiya – sibil sa isang tanod sa nasa itaas ng puno ng sampalok. Nang salubungin ng mga Katipunero ang mga ito ay nagkaroon ng maikling labanan. Pagkatapos nito, ang mga Katipunero ay nagsimulang umalis. Habang mabilis at palihim na nagsialis ang mga Katipunero, si Tandang Sora ay umiwas din sa mga guwardiya- sibil. Ngunit hindi nagtagal at siya ay nadakip din. Ikinulong siya sa Bilibid sa Maynila ng mga tatlong araw pagkatapos ay ipinatapon sa malayong Marianas. Nakalaya lamang siya nang siya ay kunin mula sa Marianas ng mga Americano makaraan ang tatlong taon, dalawang buwan at dalawang linggo. Siya ay malakas pa rin at nakakalakad nang tuwid. Siya ay nabuhay hanggang sa edad na 107 taon. Nalasap din niya ang kalayaang ipinaglaban mula sa mga Kastila. Pag-usapan Natin: 1. Sino si Melchora Aquino? 2. Anu-ano ang mga katangian ni Tandang Sora? 3. Bakit itinuring na bayani si Tandang Sora? •
•
•
Bago pumutok ang rebulosyon ng 1896, si Melchora Aquino na mas kilala bilang Tandang Sora ay nakaririwasang namumuhay sa piling ng kanyang mag-anak sa malawak na lupain sa Banilad, Pasong Tamo, Kalookan. Napili nila ito dahil ito ay nasa gulod at mataas na pook at nakikita nila sino mang dumarating kahit na saang pook ito manggaling. Habang mabilis at palihim na nagsialis ang mga Katipunero, si Tandang Sora ay umiwas din sa mga guwardiya- sibil. 53
- Ang lipon ng mga salitang may salungguhit ay mga dimakapag-iisang sugnay o pantulong na sugnay na ginagamit bilang bahagi ng pangungusap na hugnayan. A. Sa unang pangungusap, ang sugnay na bago pumutok ang rebulosyon ng 1896 ay nagsasaad ng panahon sa pagkaganap sa mga pangyayaring binanggit sa pangungusap. Tumutugon ito sa tanong na kailan. Ito ay tinatawag na pang-abay na sugnay na pamanahon. B. Sa ikalawang pangungusap, ang sugnay na kahit na saang pook ito manggagaling ng nagsasaad sa lugar kung saan nagaganap ang kilos. Ito ay tinatawag na pang-abay na sugnay na panlunan. C. Sa ikatlong pangungusap, ang sugnay na habang mabilis at palihim na umalis ang mga Katipunero ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos o pangyayari. Ito ay tinatawag na pang-abay na sugnay na pamaraan. Mga dagdag na halimbawa:
1. Matagal siyang naghintay habang ang kanyang hinintay ay nasa silid-aklatan.(panlunan) 2. Sasalubungin kita, kapag ako’y maagang makauuwi. (pamanahon) 3. Nagtapos siya ng may karangalan dahil sa puspusang pagsusunog niya ng kilay. (pamaraan) Tayo na, magsimula na tayo sa ating mga gawain.
Gawin Natin Isulat kung ang sugnay na pang-abay ay nasa pamaraan, panlunan o pamanahon. _______1. Nagmamadaling pumunta ang guro sa paaralan upang darating siya nang maaga roon. _______2. Gustong mag-ihaw ng spare ribs ni Gng.Llanos kaya lang naubusan siya sa tindahan ng kanyang suki. 54
________3. Kung sasama ka sa probinsya, ngayon pa lamang magsanay ka na sa simpleng buhay. ________4. Lumakad ang bata sa simbahan na parang isang anghel. ________5. Ang mga tao ay nanonood sa palabas kahit malakas ang ulan dalawang araw na ang nakaraan. Kung ang kuha mo ay 4 o 5, dumiretso ka sa ‘Mga Dagdag na Gawain”! Kung ang kuha mo naman ay 3 pababa sagutin mo muna ang Gawain 1.A bago ang “Mga Dagdag na Gawain”.
Gawain 1.A Ilagay sa pangungusap
Sugnay na pang-abay na pamaraan
tamang
hanay
ang
Sugnay na pang-abay na pamanahon
mga
sumusunod
na
Sugnay na pang-abay na panlunan
1. Isinilang ako sa Amerika nang may sampung taon na ang nakalipas. 2. Sumasama ang aking pakirandam, kapag nakakakita ako ng diskriminasyon at kawalan ng pitagan sa kapwa. 3. Higit na uunlad ang buhay natin kung bukas ang ating isip at puso. 4. Nawili siya sa kanyang mga panauhin habang ang bata ay nagbabasa sa silid-aklatan. 5. Aabutan sana niya ang kolektor kung hindi ito nagdaan sa groseri.
55
Mga Dagdag na Gawain Gumuhit ng na pamanahon,
sa patlang kung sugnay na pang-abay kung sugnay na pang-abay na pamaraan at
kung sugnay na pang-abay na panlunan ang nakapaloob sa bawat sugnay na pangungusap.
______1. Namasyal ang mag-aaral sa Marikina dahil may malawak na palaruan doon. ______2. Humingi ng saklolo ang babae kaya sumigaw siya nang malakas. ______3. May dala siyang pagkain na gulay dahil galing siya sa bukid kahapon. ______4. Habang natulog ang bata kagabi, umalis si Nita. ______5. Pumalakpak ang mga bata habang magaling na nagtanghal ang mga mananayaw.
Ano ang natutuhan mo sa iyong ginawa?
56
Tandaan Natin
Ang mga pang-abay ay maaring binubuo ng higit pa sa isang salita o parirala. Tinatawag itong sugnay na pang-abay Ang sugnay na pang-abay ay maaring 1. Pang-abay na sugnay na pamaraan a. Nagbibigay turing sa paraan na ginanap ang kilos b. Sumasagot ito sa tanong na paano. 2. Pang-abay na sugnay na panlunan a. Nagbibigay turing sa kung saan isinagawa ang kilos o pangyayari b. Sumasagot ito sa tanong na saan. 3. Pang-abay na sugnay na pamanahon a. Nagsasabi kung kailan isinasagawa ang kilos o pangyayari b. sumasa ot sa tanon na kailan
Sariling Pagsusulit Kahonan ang sugnay na pang-abay. Isulat sa patlang ang PU kung panlunan, PM kung pamaraan, at PH kung pamanahon _____1. Nagpepenitensya ng tatlumpong araw ang mga Muslim kung dumarating ang panahon ng Ramadan. _____2. Ang Ramadan ay isang tungkuling pangrelihiyon ng mga Muslim na ipinagdiriwang nila taun-taon. _____3. Dahil pinag-aaralan nila ang Koran nang buong puso at isipan, tumitibay ang kanilang pananampalataya. _____4. Kapag nasa mosque sila taimtim nilang pinasasalamatan ang mga biyayang bigay ni Allah. _____5. Ipinakita ang tumpak na kabanalan ng Ramadan sa pamamagitan ng pag-awit at pagdarasal sa araw at gabi.
57
Kung ang kuha mo ay 9 o 10, binabati kita. Ang modyul na ito ay sadyang pinag-aralan mo. Handa ka na sa susunod na modyul. Kung ang kuha mo naman ay 8 pababa, sagutin mo muna ang pagyamanin natin!
Pagyamanin Natin Basahin ang pangungusap na nasa tsart. Kilalanin ang mga sugnay na pang-abay na ginamit sa pangungusap. Lagyan ng tsek ang angkop sa uri nito. Pangungusap
Sugnay na pang-abay na Pamanahon
Sugnay na pang-abay na Pamaraan
1. Dadalo ako sa parti mo kahit malayo ang bahay ninyo. 2. Natapos niya kaagad ang proyekto dahil puspusang atensyon ang kanyang ginawa. 3.Kung magaaral ka arawaraw, makakuha ka ng mataas na marka. 4. Sasali ako kung pupunta ka sa bahay. 5. Nanalo sila dahil sa malaanghel nilang pag-awit. 58
Sugnay na pang-abay na Panlunan
Gabay sa Pagwawasto Subukin Natin
1. nang biglang umulan. 2. Habang ang lahat ay nakatingin sa kanya nang walang kakurap-kurap 3. Samantalang ang sasakyan ay mabilis na tumatakbo 4. di nagtagal pagkatapos na mawala ang apoy at usok 5. Nang malaman kOng may sakit siya Gawin Natin
1. 2. 3. 4. 5.
pamanahon panlunan panlunan pamaraan pamanahon
Gawain 1.A
Sugnay na Pamaraan 1. Sumasama ang aking pakiramdam, kapag nakakakita ako ng diskriminasyon at kawalan ng pitagan sa kapwa.
Sugnay na Pamanahon 1. Isinilang ako sa Amerika nang may sampung taon na ang nakalipas.
2. Higit na uunlad ang buhay natin kung bukas ang ating isip at puso.
Sugnay na Panlunan 1. Nawili siya sa kanyang mga panauhin habang ang bata ay nagbabasa sa silidaklatan.
2. Aabutan sana nila ang kolektor kung hindi ito nagdaan sa groceri
59
Mga Dagdag na Gawain
1.
4.
2.
5.
3.
Sariling Pagsusulit
Kung dumating ang panahon ng Ramadan
PH
1.
PH
2.
na ipinagdiriwang nila taun-taon.
PM
3.
Dahil pinag-aralan nila ang Koran
PL
4.
Kapag nasa Mosque sila
PH
5.
Sa pamamagitan ng pag-awit at pagdarasal nila sa araw at gabi.
Pagyamanin Natin
Pangungusap
1 2 3 4 5
Sugnay na pang-abay na pamanahon
Sugnay na pang-abay na pamaraan
Sugnay na pang-abay na panlunan √
√ √ √ √
60