MGA ALAMAT NA ETIOLOHIKAL Alamat ng Durian Durian Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. bundok. Ang maliit maliit niyang kubo kubo ay nakatayo sa sa gitna ng malawak niyang bakuran na na naliligid ng mga mga puno. Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na mga anak. Sabi Sabi nila ay lahi ito ito ng mangkukulam mangkukulam kung kaya dapat dapat iwasan. Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. bundok. Tahimik siyang siyang tao at dahil matanda na ay mas mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman. Masungit si Tandang During kaya kaya iniiwasan ng mga mga tao. Noong kamamatay kamamatay palang ng mga mahal niya sa buhay buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan tinanggihan niya. Sa gayon gayon ay unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao tao hanggang maging maging panakot na lamang lamang siya sa makukulit makukulit na mga bata. bata. Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang Tandang During ay gayon gayon parin. Nag-iisa sa kubo kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-salamuha sa sa mga tao. Isang gabi ay itinaboy ng hanging hanging amihan ang isang isang kakaibang amoy amoy sa komunidad. komunidad. Hindi nila alam kung ano ang amoy a moy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at patindi nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy. Nagkaisa silang silang puntahan ang kubo kubo ni Tandang During During nang ma tiyak na doon nanggagaling nanggagaling ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin ila sa isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan buksan ang prutas prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay. bahay. Nang may makasalubong makasalubong silang isang matanda na tagaibang tagaibang lugar at itinanong itinanong kung ano ang dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang During 'yan", sabi nila. During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. matanda. Kaya nang bigyan bigyan nila ito ng bunga at itanong ng mga mga kakilala kung ano ano iyon ay sinabi sinabi nitong ang pangalan pangalan ng prutas ay during yan. Kalaunan ay nagiging durian.
Alamat ng Batutok o Woodpecker Noon daw unang panahon ay may isang matandang lalaki na nagpapalipat-lipat sa mga bayan upang mangaral. Ang sabi ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito ngunit may nagsasabi naman iyon si San Pablo. Anu't anuman, isang araw ay nakarating ang mangangaral sa isang malayong bayan makaraan ang mahabang mga oras ng paglalakbay. Pagod na pagod ang matanda at gutom na gutom din. Lihim na nakadama ng tuwa ang matanda nang marating ang isang bahayan kung saan maaamoy sa hangin ang mabangong samyo ng tinapay na ibinebeyk. Lumapit siya sa bahay na pinanggagalingan ng mabangong amoy ng tinapay at humingi mula sa babaing may-ari. Ang babae ay gumagawa ng tinapay para ipagbili. Maraming nagpapagawa rito ng araw na iyon kaya marami ng luto nang dumating ang matanda. Subalit nanghinayang ang babae na ipamigay ang mga naluto na dahil masyadong malalaki ang mga iyon. Pinaghintay ng babae ang matanda. Aniya ay ipagbibeyk niya ito ng bago. Ang ginawa ng babae ay nagmasa ng mas maliit na arina para sa apostol. Nang mabeyk ang minasa ay lumabas pa ring malaki iyon. Muling nagmasa ang babae ng mas maliit saka iyon iniluto. Muling nanghinayang ang babae dahil ang tingin niya ay malaki parin iyon para ipamigay. Ilang beses pang nag-masa at nagbeyk ang babae pero muli at muli niyang itinatabi para magluto ng mas maliit pa. Alam ng matanda kung bakit matagal na siyang naghihintay sa kapirasong tinapay ay hindi pa rin iyon maibigay ng babae. Nasabi tuloy ng matanda ang ganito, "Labis-labis na mga biyaya ang ipinagkaloob sa iyo pero ubod ka pa rin ng damot. Mula ngayon, paghihirapan mong mabuti ang lahat lalo na ang iyong kakainin." Hindi nagtagal ang apostol ay umalis para maghanap ng mabuting loob na magbibigay sa kanya ng makakain. Lilang hakbang pa lang ang nalalakad ng mangangaral ay isang pangyayari na ang naganap sa loob ng iniwan niyang bahay. Unti-unting nagbago ang anyo ng babae hanggang maging isang ibon. Nang makita ito ng alagang pusa ay agad nilundag. Nakalipad lang agad ito kaya hindi nasunggaban ng pusa. Sa takot ng babae na maging ibon ay lumipad ito patungong gubat. Doon ay hindi na ito tumigil sa pag-tuktok sa mga kahoy para makakuha ng makakain. Ang ibong iyon ay ang batuktok o woodpecker.
Ang Talon ng Maria Cristina Si Datu Talim ay tanyag sa buong Magindanao hanggang sa Sulu dahil sa kagandahan ng kanyang anak na si Maria Cristina. Ngunit hindi si Datu Talim ang tunay na ama ni Maria Cristina. Si Maria Cristina ay anak ng isang mangingisda sa Romblon. Tuwing tag-ulan ay tumutulong si Cristina sa pagtatanim sa kanilang maliit na lupain. Mahirap lamang sila ngunit ang kanilang kaligayahang mag-anak ay ganap. Isang araw ang kanilang bayan ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu Talim. Tumakas ang mga tao papuntang bundok. Bata pa noon si Maria Cristina at hindi pansin ang kaguluhang nangyayari. Patuloy siya sa paglalaro nang damputin siya ng mga tauhan ni Datum Talim. Nanlaban ang ama ni Maria Cristina ngunit siya-ay napatay din. Ang batang si Cristina ay inialay kay Datu Talim na labis namang kinagiliwan nito dahil sa kagandahang taglay. Minahal ng labis ng datu si Cristina at tinoring parang isang tunay na anak. Lumaking napakaganda ni Cristina kaya lalong nakilala si Datu Talim. Marami ang nagkagusto sa dalaga. Isang binata na nagngangalang Prinsipe San-i ang sa mga masugid na manliligaw ni Maria Cristina. ito ay makisig may matipunong pangangatawan at tunay na dugong maharlika. Sa madaling sabi ang binatang ito ang nakabihag ng puso ni Maria Cristina. Namanhikan ang ama ni Prinsipe San-i na isang Sultan ng Sulu at itinakda ang isang malaking kasalan. Habang abala sa pagtatakda ng kasal ang magkabilang partido ang dalawang magkasintahan ay nagkikita sa batis na may malalaking bato. Nagbabalak sila ng magagandang bagay para sa kanilang kinabukasan. Ngunit lingid sa kanila ay may isang dalagang mangkukulam na naninibugho kay Maria Cristina. Isiniumpa niyang hindi-hindi matutuloy ang kasal ng dalawa. Dalawang gabi bago pa ang itinakdang kasal naalaala ni Maria ang kanyan ina na matagal na niyang hindi nakikita. Nagtungo siya sa batuhan sa may batis sa tagpuan nila ni San-i. Doon nag-iiyak si Maria sa labis na pagaalala sa kanyang ina. May pangako sa kanya si San-i na tutungo sila sa Romblon para dalawin ang kanyang ina sa oras na matapos lamang ang kasal. Ipinikit niya ang kanyang mata at pinaglaro sa kanyang diwa ang mga ala-alang kapiling pa niya ang kanyang ama at ina noong siya ay isang musmos pa lamang. Nasa ganitong kalagayan si Maria nang dumating ang pangit na dalagang mangkukulam buhat sa kanyang likuran. Akala ni Maria ay ito na ang kanyang kasintahan ngunit laking gulat niya nang isang pangit na babae ang kanyang namulatan. "Alam mo, si San-i ay akin. Hindi matutuloy ang inyong kasal. Sige ipagpatuloy mo ang pagluha mo," sabi ng mangkukulam. Lalo lamang lumuha si Cristina dahil sa kabila pala kanyang kaligayahan sapiling ni San-i ay may isang pusong nagngingitngit. "Sa araw ng inyong kasal, si San-i ay hindi mo na makikita. Siya ay inagaw mo lamang sa akin. Sige...ipagpatuloy mo ang pagluha, bago sumapit ang kasa l mo, ikaw ay magiging isang bundok. Ang luha mo ay dadaloy sa bayan patungo sa dagat," galit na pagbabanta ng mangkukulam. Sumapit ang araw ng kasal at labis na pagtataka ng lahat ay hindi sumipot si Maria Cristina. At lalo pasilang namangha nang isang bundok na lumuluha ang kanilang nakita. Umilig ito sa bayan at nagkaroon ng ilog. "Nasaan si Cristina, paano na ang kanilang kasal?" tanong ng mga tao. "Ha ha ha! Ang natatanaw ninyong lumuluhang bundok ay walang iba't si Maria Cristina. Ang daloy na kanyang luha ay magpapatuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan," ang sabi ng mangkukulam. Mula noon ay hindi na nakita pa ang pangit na mangkukulam. Ang bundok na lumuluha ay tinawag na Maria Cristina sa bayan ng Iligan.
Alamat ng Tabios Kaytagal nang hinihintay ni Haring Lawis at ni Reyna Gila ang pagkakaroon ng anak. Matagal na silang kasal ngunit hindi sila magkaroon ng supling. Napakarami ng mga manggaga-mot ang tumingin sa mag-asawa ngunit bigo ang mga ito na mabig-yang solusyon ang kanilang problema. Bagamat malungkot ay natutuhan na ring tanggapin ng hari at reyna ang kanilang kapalaran. Ibinuhos na lang nila ang atensyon sa pagtulong sa mga nasasakupan. Isang umaga ay nagulat na lang ang hari nang ayaw tumigil sa kasu-suka ang asawa. Agad niya itong ipinasuri sa mga manggagamot ng palasyo. Nasorpresa sila nang ma-lamang nagdadalantao ang babae. Halos ayaw pagalawin ni Haring Lawis ang asawa. Ang sabi kasi ng mga manggagamot ay maselan ang pagbubuntis nito. Isa sa naging malaking problema ng hari ay walang ganang kumain ang reyna. Kapag nagpatuloy ito sa hindi pagkain ay malamang na manghina ang katawan at manghina rin ang sanggol sa sinapupunan. Nang malaman ng mga nasasakupan ang kalagayan ng reyna ay nagdala ang mga ito ng iba't ibang uri ng pagkain sa palasyo. Halos lahat naman ay tinitingnan lang ng reyna at ni hindi gagalawin. Minsan ay may isang matandang dumating sa palasyo. May dala itong isang kulay berdeng prutas na pa-bilog ang hugis. Noon lang nakakita ng gayong prutas ang reyna kaya naingganyo siyang tingnan iyon. Lalong napukaw ang interes ng reyna nang buksan iyon at makita ang tila puting mga patak ng luha na itsura ng prutas. Nang tikman niya ang prutas ay nasiyahan siya kaya sinabing dalhan pa siya ng prutas ng matanda. Nang itanong ni Reyna Gila kung ano ang prutas na iyon ay sinabi ng matanda na suha ang pangalan niyon. Hindi naman lubos na kinakain ng reyna ang prutas. Sinisipsip lamang niya ang katas at pagkatapos ay itatapon ang sapal sa lawang katapat ng bintana ng silid niya sa palasyo. Nang manganak ang reyna ay nalimutan na niya ang prutas na pinaglihian sa anak. Naaliw silang mag-asawa sa sanggol na kaytagal nilang hinintay. Isang umaga ay naisipang paarawan ng reyna ang sanggol sa may tabi ng lawa. Naagaw ang kanyang pansin ng maliliit na mga bagay na tila naglalanguyan sa tubig. Nagulat pa siya nang makita ang maliliit na mga isdang halos kasinlaki ng mga sapal ng suha na itinapon niya roon. Ang mga isda ay tinawag na tabios ng reyna.
Alamat ng Papaya Si Payang ay anak ng isang mayamang mag-asawa mula sa Laguna. Ipinagkasundo siya ng ama't ina sa anak na binata ng pinakamayamang angkan sa kanilang lalawigan.
Lingid sa mga magulang ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Pepe, isang magsasaka.
Nagpasyang magtanan sina Pepe at Payang upang hindi mag-kahiwalay. Ngunit natuklasan iyon ng ama ni Payang at ipinahabol sa mga tauhan ang dalawa.
Nang abutan sila ay ipinabugbog ng ama ni Payang si Pepe sa dalawang tauhan nito at iniwang duguan. Si Payang naman ay sapilitang iniuwi sa kanilang bahay at ikinulong sa sariling silid.
Isang matanda ang nakatagpo kay Pepe. Sa pag-aaruga nito ay unti-unting bumalik ang lakas ng binata.
Ngunit huli na. Nalaman ni Pepe na namantay si Payang sa lungkot at sama ng loob.
Nagluksa ang binata at halos araw gabing umiyak. Nang tuluyang gumaling si Pepe ay agad tinungo ang libingan ni Payang.
Sa libingan ni Payang ay may nakita si Pepe na halamang tumubo malapit sa puntod. Tila nababantay ang halaman sa ulilang puntod ng dalaga.
Inalagaan ni Pepe ang halaman hanggang mamulaklak at mamunga. Nang mahinog ang prutas nito ay kanyang tinikman. Nasarapan siya sa lasa nito. Naalala ni Pepe ang nobyang si Payang dahil sa punong iyon.
Ang bunga ng puno ay tinawag niyang Payang. Nang lumaon ay naging papaya ang tawag dito ng mga tao.
Alamat ng Sayote Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang sayote sa mundo. May isang bata na ayaw na ayaw kumain ng gulay. Ulila na siya. Ang tanging nag-aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang nakatatandang kapatid na Babae. Mahilig siyang magluto ng tinolang manok kahit alam niyang di kumakain ng gulay ang kanyang kapatid. Kakainin lamang niya ang manok, subalit ang gulay ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi niya "ang gulay ‘te ay para sa 'yo".
Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi ukol sa mga gulay, "te sa'yo".
Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming handa. Napakasiba ng bata, naka-ilang plato ng kanin at Ulam ang kanyang naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng gulay ay "te sayo".
Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na lamang itong na-empacho, subalit pag Takbo Niya sa palikuran, ina-take sa puso sa nashogbak. Dahil walang pera ang bata, tinadtad na lamang Niya ang katawan ng kanyang ate, at ginawang pataba sa kanilang taniman ng gulay. Isang Araw, maaaring tumubong kitang kakaibiang tanim na maaaring kakaibang bunga, na animoy peras na luntian na pagka-pangit-pangit. Sabi ng bata "ay, simpangit ng ate ko", subalit bigla siyang naluha dahil namiss Niya ang ate niyang mukhang ang gulay. Pinangalanan Niya ang kakaibang bunga ng "sayote" sa karangalan ng kanyang ate.
Bakit Nakayuko ang Kawayan? Noong unang panahon, may isang pagmilya ang naninirahan sa isang pulo. Ang pamilyang ito ay kinikilala at iginagalang. Ang kanilang pagpapasunod sa tao ay ayon sa batas kaya sila ay napamahal naman sa kanila. Pawang naisin nila ay nasusunod, ngunit laan din silang magbigay ng tulong sa mga nangangailang.
Ang kapangyarihang ito ay nagpasalin-salin sa mga anak at apo ng angkang iyon . Lahat ng namuno ay naging makagtaraungan at malapit sa mamamayan. Subali't dumating ang isang tao sa pamilyang iyon na kakaiba ang ugali. Siya ay ubod ng sakim kaya halos lahat ng lupain pulong iyon ay kanyang kinamkam. Isa siyang mapangaapi ng kapwa kaya siya hindi kinalugdan ng mga tao.
Ang kanyang pangalan ay Kawayan . Isanggabing kasarapan ng tul og ni Kawayan, isang matandang pulubi ang kumatok at nanghihingi ng kaunting limo.
"Ano... baka nagkakamali ka ng malalapitan tanda? Hindi ako nagbibigay ng limos sa di ko kaanuano. Ang pagkaing nasa bahay ko ay aking pinagpaguran kaya lumayas ka na!" ang nakapamaywang na sabi ni Kawayan.
"Anak, huwag kang palalo. Parurusahan ka ni Bathala saiyong kasakiman," ang wikang matanda.
"Ako...parurusahan...ako na ngang pinakamakapangyarihan dito. Sinong magpaparusasa akin?"
"Si Bathala ang tunay makapangyarihan. Sa sinabi mong iyan ay parurusahan ka niya. Mula ngayo'y magiging magalang ka at yuyuko sa anumang bagay na mas malakas kaysa sa iyo."
Pagkawika nito ay naglaho na ang matanda. Si Kawayan naman ay unti-unting nanlambot, napahiga at tuluyang namatay.
Siya ay inilibing ng mga tao sa lugar na kanyang kinamatayan. Sa paglipas ng panahon, may isanghalaman ang umusbong sa libinganga iyon. Ang halaman ay tumaas nang tumaas ngunit kapansin-pansin ang pagyuko nito sa ihip ng hangin. Ito ay tanda ng pagpapakumbaba at paggalang. Tinawag na Kawayan ang punong ito sapagkat ipinalalagay ng mga tao na iyon si Kawayan. Tinamo niya ang parusa ni Bathala dahil sa kanyang masamang ugali.
Alamat ng Ilang-ilang Sa isang malayong bukid ay may isang mag-asawang matagal na ring umaasam na magkaroon ng kahiit na isang anak man lamang, Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay hindi pa rin lubos ang kanilang kaligayahan. Ganoon pa man ay hindi sila tumitigil pagdarasal kay "Bathala". Ipagpapalit nila ang kanilang kasaganaan pagkalooban lamang sila ng anak. Isang gabi, habang nananalangin ang matandang babae sa halamanan ay isang anghel ang bumaba buhat sa langit at nagwika, "huwag kang matakot. isinugo ako ni Bathala upang dinggin ang iyong panalangin." Sa labis na tuwa ay lumuhod matandang babae sa harap ng anghel. "Huwag, hindi ako ang iyong Bathala. Ako ay kanya lamang inutusan upang mag hatid sa inyo ng magandang balita. Sa kanya ninyo iukol ang inyong pasasalamat. "Kayo ay bibigyan ni Bathala ng isang anak na babae. Ito ay magiging isang napakagandang bata tatawagin ninyo siyang ilang. Subalit iwasan ninyong mahipo ng lalaki ang inyong anak sapagkat sa sandaling mangyari ito ay mawawala na sa inyo ang inyong anak," ang bilin ng anghel. Pumayag ang babae sa kasunduang iyon. Lumipas ang isang taon at isinilang ang kanilang anak na babae. Sa murang gulang nito ay kapansin-pansin na ang kakaibang ganda nito..gandang may kaakibat na bango ng isang kahali-halinang bulaklak. Tulad ng sabi ng anghel, tinawag nilang Ilang ang bata. Nang magdalaga na si ilang ay maraming lalaki ang naakit sa dalaga. Labis na nangamba ang mga magulang ni Ilang na baka ang kanilang anak ay mahipo ng lalaki. Sa labis nilang takot ay ikinulong nila sa isang silid ang kanilang anak. Hindi na nila ito pinayagang lumabas ng silid. Labis na nanimdim si Ilang. Araw at gabi ay umiiyak siya. Ang itaimtim na panalangin ni Ilang ay narinig ni Bathala. Ang bintana ng silid ni Ilang ay biglang nabuksan at siya ay nakalabas. Tuwangtuwang lumanghap ng sariwang hangin sa labas si Ilang. Isang lalaki ang nakakita sa kanya at ang hawak nitong aso ay tumahol kay Ilang. Nakilala ng lalaki si Ilang at lumapit ito sa dalaga. "Kaytagal mong nawala ilang araw kitang hinahanap," wika ng lalaki na ginagap ang palad ni ilang. Ang tagpong iyon ay dinatnan ng ina ni Il ang. Gustuhin man niny ang pigilan ang lalaki sa p aghipo kay Ilang ay huli na. Unti-unti ay lumulubog sa lupa si Ilang hanggang sa ang dalaga ay tuluyang maglaho. "Ilang, Ilang...nasaan ka anak ko?" Umiiyak na nasambit ng matandang babae. Maya-maya'y may isang napakabangong halimuyak ng isang bulaklak ang naamoy ng matanda. Ito ay nanggagaling sa lugar na kinalubugan ni Ilang. Sinilip niya ito at may nakita siyang isang halaman na unti — unting umuusbong sa lupa. Tumaas pa ito at nagkaroon ng mga bulaklak na ang hugis ay pahaba at ang amoy ay tulad ng bango ni Ilang. Ang halamang iyon ay pinangalanan nilang Ilang — Ilang bilang pag-alaala sa kanilang anak.
Alamat ng Dama de Noche Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang Sultan na ubod ng tapang. Dahil sa kanyang katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagapi. Ang Sultan ay ipinalalagay na pinakamasuwerteng hari dahil sa bukod sa kanyang katapangan ay mayroon pa siyang isang anak na dalaga na ubod naman ng ganda.
Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaw sa dalaga nguni't wala sa panlabas na anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban ng tao.
Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kanyang hinahanap. Siya ay si Ramen, ang bago nilang hardinero. Mabait at maginoo si Ramen kung kaya't si Mayuri ay nahumaling sa kanya. Hindi nagtagal at ang dalawa ay nagkaibigan nguni't ito ay lingid sa kaalaman ng amang Sultan ni Mayuri. Tuwing gabi lamang sila nagniniig ni Ramen sa halamanan.
Nagkukunwaring nangunguha ng bulaklak para sa kanyang silid si Mayuri at si Ramen naman ay nagdidilig.
Waring nakahalata ang hari sa kakaibang sigla ng kanyang anak. Sinubaybayan niya si Mayuri at natuklasan niya ang pag-iibigan nina Mayuri at Ramen. Sa labis na galit, ipinatapon ng Sultan ang binata sa ilog na maraming buwaya.
Sa labis na kalungkutan ni Mayuri sa hindi na pagsipot ni Ramen sa kanilang tagpuan ay umiyak siya nang umiyak. Alam niyang may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal. Hindi niya alam na ang kanyang ama ang may kagagawan ng lahat.
"Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang humahalimuyak ang bango. Sa pamamagitan lamang po nito maaring maalala ng aking ama na ang kanyang anak ay nawala sa kadiliman ng gabi." ang samo ni Mayuri.
Pagkawika ng mga katagang iyon ay unti-unting nagbago ang anyo ng dalaga. Naging puno ito at namunga ng mga bulaklak na hugis luha at nagsasabog lamang ng bango sa gabi.
Dahilan sa gabi lamang nalalanghap ang bango ng bulaklak, ito ay tinatawag na "Dama de Noche" ang ibig sabihin ay "dalaga sa gabi".
Alamat ng Makopa Sa dakong baybayin isang bayan ng Ilokos, may naninirahang mga tao. Sila ay nananalig at sumasamba sa diyoses ng kanilang ninuno. Bilang ganti, sila naman ay pinagkakalooban ng kanilang anito ng isang masagana at maunlad na pamumuhay.
Ang kanilang kasaganahan at kaunlaran ay kinaiinggitan ng kanilang karatig-bayan. Pilit nilang inalam ang pinagmulan ng kanilang kayamanan. Sa kanilang pagmamatyag, natuklasan na ang mga taga-tabing-dagat ay may tinutugtog na malaking kampana tuwing nag-aalay at nananalangin sa sinasambang Apo Binayen. Gayugndin ang gawain sa oras ng kagipitan.
Ang kampanang hugis-sombrero ay kaloob ng bathala sa bundok ayon sa mga taga-tabing dagat. Dahil dito ipinasiya ng mga taga — karatig bayan na nakawin ang kampana. Sa pagliit ng buwan ang takda nilang paglusob sa mga baybaying dagat.
Natunugan ng mga taga baybaying dagat ang masamang balak taga karatig-bayan kung kaya't itinago nila ang malaking kampana. Ibinaon nila ito sa masukal na gubat. Na malapit sa kanila, Tinambangan nila ang paglusob ng mga kaaway. Malaking labanan ang namagitan sa magkabilang panig. Maraming namatay nguni't nanaigi parin ang kampo ng kabutihan.
Nanalo man ang taga — baybaying-dagat sa labanan ay malungkot pa rin sila sa dahilang walang makapagturo sa kinababaunan ng malaking kampana. Ang mga kalalakihan nangasiwa sa pagbabaon ng malaking kampana ay pawang nangasawi sa labanan.
Magmula noon ay naging malungkot aa lugar ng baybaying-dagat. Dumanas sila ng tagtuyot. Namatay ang kanilang mga pananim dahil sa matinding init. Ang mga panalangin ay nawalan ng kasagutan. Nisaisip nila na ito ay bunga ng pagkawala ng malaking kampana.
Nagpatuloy ang ganoong kahirapan. Minsan isang bata ang naghahanap ng makakain sa kagubatan ang nakapansin sa isang puno na hitik na hitik sa bunga. Ang buganang ito ay hugis-kampana. Pumitas siya ng isa at nasarapan siya sa lasa ng bungangkahoy. Pumitas siya nang pumitas sa abot ng kanyang madadala. Iniuwi nya ito sa kanilang lugar. Nagustuhan din ng ibang tao ang lasa ng bungangkahoy. Nguni't ang ipinagtaka ng mga taga baybaying dagat ay kung bakit ito hugis-kampana. Nagtalu-talo sila hanggang sa maalaala nila ang malaking kampanang nawawala. Naghukay sila sa tabi ng puno at laking tuwa nila nang matagpuan doon ang malaking kampana. Bglang nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang isang malakas na ulan. Walang pagsidlan sa tuwa ang mga tao. Inisip nilang ito ay sagot ng Apo sa bundok bilang tugon sa pagkakatuklas nila sa malaking kampana.
Magmula noon ay muling umunlad ang buhay ng mga taga baybaying dagat. Tumubong muli ang ka nilang mga pananim. Palagi rin nilang tinutugtog ang malaking kampana tulad ng kanilang nakagawian. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa halamang naging dahilan ng pagkakabalik ng nawalang kampana, nagtanim pa sila ng marami pang mga punong ito at ang mga bungang punong ito ay tinawag nilang "Makopa."