TAKDANG ARALIN II
Isinulit ni : Jerome Quejano
Isinulit kay: Marciano Catapang
1. Ponolohiya - ay sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan .
1.1.
Ponema - Ang ponema ay ang pundamental, teoretikong yunit ng
tunog na nakakabuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang salita kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
1.2.
Uri ng Ponema Ponemang Malayang Nagpapalitan
May mga salitang nagkakapalit ng ponemang u at o gayundin ang i at e ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa: Babae – babai Lalake – lalaki Nuon – noon
Ponemang Suprasegmental
Ang diin, bilang ponemang suprasegmental ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbikas ng isang pantig sa salitang binibigkas
Halimbawa: Sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/ ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diiin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/ siya.
Ponemang Segmental
1.3.
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig
Labing lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinima ang impit na tunog o glottal stop sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil nagpagbabaho nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay maluma o maragsa.
KATINIG
Mapapangkat ang katinig ayon sa sumusunod na mga punto ng aritikulasyon.
Artikulasyon:
1) Panlabi - /p, b, m/ 2) Pangngipin - /t, d ,n / 3) Pangngalangala Palatal - /Y/ Velar - /l, g, w/ 4) Pang-gilagid - /s, l, r/ 5) Glottal - /h/ Inilalarawan kung paano ang hininga ay lumalabas sa bibig o ilong sa pagbigkas ng katinig. 1) Pasara - /p, t, k, b, d, g/ 2) Pailong - /m,n/ 3) Pasutsut - /s, h/ 4) Paligid - /l/ 5) Pakatal - /r/ 6) Malapantig - /w, y/
Ito ay itinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantig.
1.4.
Diptonggo
Tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a, e, i ,o , u) at isang malapantig (w,y) sa loob ng isang pantig.
Halimbawa:
Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy, at uy.
1.5.
Klaster (kambal katinig)
Ang klaster o kambal katinig ay dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa isang pantig. Ang mga salitang may klaster sa Filipino ay parami ng parami dahil sa impluwensya ng Ingles na ipinalalagay na bahagi na ng wikang Filipino. .
Halimbawa: pluma, plaka, braso, trak, tren, bruha, prito
1.6.
Pares Minimal
Ang pares na salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema na magkatulad na pusiyon ay tinatawag na pares minimal.
Halimbawa:
Kasa, Kain, botas, aba, bata
2. Morpolohiya
Ito ang makaagham na pag-aaral ng mga salita.
2.1.
Morpema
Ang morpema ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkukumbinasyon ng mga ponema upang makabuo ng mga makabuluhang yunit ng wika.
Halimbawa:
2.2.
Buhay
Ligaya
Bulaklak
Anyo ng Morpema
2.2.1. Morpema ng salitang-ugat
Ito’y payak na salita at walang panlapi. Tinatawag itong
matayong morpma sapagkat nakapag-iisa. Halimbawa:
Langit
Ganda
Buhay
Ligaya
Aklat
2.2.2. Morpemang Panlapi
Ito’y ginagamit sa pagbuo ng salita. Ang uring ito’y tinatawag
na di-malayong morpema sapagkat inilalapi lamang sa ibang morpema. Halimbawa:
Mag-
Um-
I-
In-o-nin
Ma-
2.2.3. Ponemang patinig
Sa mga sumusunod na mga halimbawa ay makikitang ang patinig /a/ sa hulihan ng mga salita sa hanay sa gawing kanana ay nangangahulugangna pagiging babae.
Halimbawa:
2.3.
Doktor
Doktora
Abugado
Abugada
Lolo
Lola
Sekretaryo
Sekretarya
Tindero
Tindera
Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong morponemiko ay mga pagbabagong nangyayari sa pagbuo ng salita dahil sa : kalikasan ng salita, paraan ng pagpapadali ng bigkas, pagtitipid sa salita, impluwensiya ng mga pinagsasamang tunog.
Uri ng Pagbabagong Mopoponemiko 1. Asimilasyon – pagbabaong naganap sa /n/ sa posisyong pinal
dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Halimbawa:
/d/l/r/s/t/
/b/o/p/
/k/g/h/m/n/ng/w/y/
PAN
PAM
PANG
MAN
MAM
MANG
SIN
SIM
SING
San
SAM
SANG
1) Pan+dikdik
Pam+bayan
Pang+gabi
2. Metastesis/Maylipat – Sa loob ng salita ay may titik na nag-
iiba ng posisyon o lunan at mayroon pang titik na nakakaltas. Kapag ang salitang ugay ay nagsisimula sa /l/ /o/ /y/ ay ginitlapian ng (in) ang /l/o/y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
Yari+in = yariin = niyari Niyari niya sa husi ang barong tagalog Lipad+in = lipadin = nilipad Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng bahay.
3. Pagkakaltas ng Ponema – nagaganap ang pagbabagong ito
kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
Takip+an = takipan = takpan Sara+han = sarahan = sarhan
4. Pagliilpat-diin – may mga salitang nababago ng diin kapag
nilapian.
Halimbawa:
Basa+hin = Basahin Ka+sama+han = kasamahan
5. May Angkop - kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababwasan ng papungo o pakutad at kung minsan pa ay
napapalita ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
Halimbawa:
Wikain mo
/ka/mo/
Hayaan mo
/ha/mo
Winika ko
/ikako/
6. Pagpapalit ng Ponema – kung ang isa o dalawang titik ng
salita ay napapalitan ng iba buklod sa kung nakakaltas o nagsusudlong. Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling poneman ng unlapi.
Halimbawa:
Ma+dapat = madapat
Marapat
Ma-dunong = madunong
Marunong
7. Maysudlong o Pagdaragdag ng Ponema – kung bukod sa
may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlungan o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/ /-han/ /-in/ /-hin/ /-an/ /o/ /-anan/
Halimbawa:
Antabayanan, antayan Muntik-muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan
3. Palaugnayan o sintaks 3.1.
Pangungusap
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
3.2.
Ayos ng Pangungusap
3.2.1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap
Ito ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain. Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Punong-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika. Nangangahulugang Originial Pilipino Music / ang OPM.
Ang punong-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music ay pawang mga
panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.
3.2.2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap.
Ito ang ayos ng pangugnusap na nauuna ang simuno sa panaguri sa pangungusap. Ang dalwang bahagi nito ay pinaguugnay ng panandan ay.
Halimbawa: Ang musika / ay punong-puno ng damdamin. Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
4. Kasaysayan ng Wikang Pilipino sa Pilipinas, Mga Batas at Kautusan nito.
1935
Sa Saligang-batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa “... ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa sa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
(Seksyon 3, Arktikulo XIV) 1932
(Okt. 27) – Itinagubuilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag0aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. 1936
(Nob. 13) – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas ng Komonwelt bilang 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambasa at itinakada ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
1937
(Enero 12) – Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas ng Komonwelt bilang 184, sa pagkakasusog ng Batas ng Komonwelt bilang 133.
1937
(Nob. 9) – Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wika ay nagpatibay ng siang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog sa “siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184,” kaya’t itinagubilin niyon sa
Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa. 1937
(Dis. 30) – Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
1938
(Hun. 18) – Pinagtibay ng Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsusog sa ialnag seksiyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184.
1940
(Abril 1) – Sa pamamagita ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksiyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimula nang ituro ang wikang pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Inaatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay
ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito. 1940
(Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusang pagkagawaran : ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg 26. Serye 1940) ang patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimula muna sa mataas na paaralan at mga paaralang normal. (Hun. 7) – Pinagtibay ng Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhanam bukod sa iba pam na ang Pmabansang Wikang Pilipino ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946
1954
(Mar. 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong sklaw ang pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
1955
(Set. 23) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Prok. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang sa
Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. 1959
(Agosto 13) – Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang silang PILIPINO ay siyang gagamitin. 1967
(Okt. 24) Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96) na nagtatadhananag ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
1968
(Marso 27) Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay inaatas din na ang mga “letterhead” ng mga
kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Inaatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. (Agosto 5 ) Memorandum Sirkular Blg. 199 na pinalabas ng Kahalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleado ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maari sa Lingo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan. 1969
(Agosto 7) Memorandum Sirkular Blg. 277 na pinalabas ng Kahalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos sa Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purol pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pangpapalaganap ng Wikang Pambansa.
1970
(Agosto 17) Pinalabas ng Kahalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalga ng mga may kakayahang tauhan upang mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
1971
(Marso 4) Pinalabas ng Kahalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 433 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971. (Marso 16) Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanang ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin (Hulyo 29) Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19. 1972
(Disyembre 1) Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusang Pnalahat Blg. 17 na nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Inggles sa Official Gazette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa ratipikasyon ng Saligang batas noong Enero 15, 1973.
1974
(Hunyo 19) Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972.
1978
(Hulyo 21) Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsiismula sa unang semestre ng taong-aralan 19791980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipinong sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong patuturo na mananatili sa labindalawang (12) yunits. Nabanggit din sa kautusang ito an ang Pilipino ay gagamiting wikang pantura sa ilan sa mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan 1983-84.
Kalakip din sa kautusang ito angpagkakaroon ng palatuntunang pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura. 1986
Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa dekripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filino 1 (Sining ng Pakikipatasatasan), Filipino 2 (pagbasa at pagsulat sa Iba’t ibang disiplina ) at Filipino 3 (Retorika).
1987
(Pebrero 2) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Sek 6-9, nasasaad ang mga sumusunod:
Sek 6. Ang wikang pambansa sa Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon na narararpat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wka ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
Sek. 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang
ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang pnarehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Sek 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila
Sek. 9 Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.