Name:__________________________________________________Seksyon:______________________________
Aralin 1: MGA PANANAW, KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL A. Kasaysayan ng Komunikasyong Komunikasyong Teknikal Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. gaya na lamang pag-aaral ni Aristotle ng RETORIKA, mahusay niyang pinag-iba ang panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung paano maiaangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang argumento naman ay wastong pagsalansan ng mga mapanghikayat na ideya. Ayon sa paliwanag nina Martinez et.al. (2011), ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyal na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. Sa kasulukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slieds at iba pang uri ng multimedia na kagamitan. B. Ano ang Komunikasyong Teknikal? isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. maituturing din na applied na uri ng komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa isang suliranin. Mga Halimbawa ng Komunikasyong Teknikal Blogs Grant at proposal Papel katalog Polyeto Handbook Materyal para sa presentasyon presentasyon Dokumentong pampagsanay User manual Ginabayang reperensiya ulat
Siyentipikong Siyentipikong sarbey Website Procedural manual Ebalwasyon
C. Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal 1. Awdiyens Nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood, o mambabasa. 2. Layunin Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe. 3. Estilo Kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadala ang mensahe. 4. Pormat Tumutukoy sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipapadala.’ 5. Sitwasyon Pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe. 6. Nilalaman komunikasyon. Dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon. Filipino sa Piling Larangan- Tech Voc Lea Queen M. Tamayao
Page 1
7. Gamit
Ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe.
D. Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal a. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens- ang mensahe ay kinanakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat. b. Nakapokus sa subject- dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtatalakay. c. Kumakatawan sa manunulat- ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan. d. Kolaborasyon- maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal.
E. Etika at Komunikasyon ETIKA- ay isang sistemang kinapalolooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan. Pinagmulan ng Etika 1. Personal na Etika - Ito ang pagpapahalagang natatmo ng tao mula sa pamilya, kultura, at pananampalatayang mayroon siya. 2. Panlipunang Etika - Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na kinalakhan ng isang tao. 4 na Kategorasisasyon ng Panlipunang Etika: a. Karapatan- ang pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula nang siya ay isilang at karaniwan iton g nasusulat bsa batas. b. Hustisya- tumutukoy ito sa pagbibigay ng patas na pagtingin sa dalawa o higit pang magkakaibang bagay, ba higit na kinakailangan sa pagdedesisyon. c. Epekto- tinatanaw rito ang interes ng nakararami kaysa sa interes ng iilan. d. Pagkalinga- tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga o mapagkalinga kaysa sa pagiging marahas.
Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyong dapat niloang mabatid. Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipapahatid sa mga mambabasa. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto ito sa impormasyong tatanggapin ng mambabasa. Iwasan ang paggamit ng maligoy na wika gaya ng marahil, di-umano, siguro, at iba pa. Sa pagsulat, siguraduhing naitala ang lahat ng anggulo o detalye nang sa gayon ay matulungan ang mambabasa na magpasya. Tiyaking patas ang lahat ng pinaghanguan ng impormasyon. Kilalanin ang lahat ng nagbigay-ambag sa pagkakabuo ng impormasyon.
References: Filipino sa Piling Larangan-TechVoc nina Francisco, et.al.2017 MGA PANANAW, KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL “
”
Filipino sa Piling Larangan- Tech Voc Lea Queen M. Tamayao
Page 2