ST. PETER'S COLLEGE OF BALINGASAG
Balingasag, Misamis Oriental
Taung Panuruan 2017 – 2018
Pangalan: Irish Jean Llagas Marka:
Kurso/Taon: Bsed-III Petsa: Ika-14 ng Marso, 2018
PAGSUSURI SA KWENTONG UHAW ANG TIGANG NA LUPA
I PANIMULA
Bago pa man tayo sinakop ng mga dayuhan ay may sarili na tayong literatura. Ngunit ito ay pasalin –dila lamang sa pamamagitan ng salita ng tao. Tulad ng mga (a) kwentong-bayan na binubuo ng mito, alamat, salaysayin o pabula; (b) mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan, at (c) mga awiting-bayan gaya ng kundiman, oyayi at kumintang.
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ito ay karaniwang mayroong limang bahagi: Ang (1) Panimula, (2) Saglit na kasiglahan, (3) Suliraning inihahanap ng lunas, (4) Kasukdulan, (5) Kakalasan. Ang panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa. Ang saglit na kasiglahan naman ay ang bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin. Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi. Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang kakalasan ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa kwento.
Pinoy Edition © 2018 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/
Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagadng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ngMaikling Kwento,ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.
Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa iba t ibang manunulat.
Ayon naman kay Reyes,ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isangmahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isangkakintalan sa isip ng mga mambabasa. Habang mula naman kay Gonzales ang kanyang pagpapakahulugan ng maikling kwento ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay samadulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.Tunay ngang ang maikling kwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikliang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
Ang "Uhaw ang Tigang Lupa" na isinulat ni Liwayway Arceo ay hango sa totoong buhay. Na upang mapatunayan ang sagot sa tanong na Paano mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?Ang isang pagkakamali ay sapat ban a dahilan para iwanan ang minamahal? Ito ay isang kwento tungkol sa dalagitang uhaw sa pagmamahal ng kanyang ina at ama. Na ni minsan ay hindi niya nadama ang tunay na kaligayahan ng isang pamilya.
SANGGUNIAN
Pinoy Edition © 2018 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ https://www.google.com.ph/search?ei=IQamWuSsFsjy8QXZjLBY&q=uhaw+ang+tigang+na+lupa+ni+liwayway+arceo&oq=Uhaw+ang+tigang+na+lupa+ni&gs_l=psy
II BALANGKAS
BUOD
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi'y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay "Sapagkat ako'y nakalimot". May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay "Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko". Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
TAUHAN
Ang tauhan sa kwento ay ang dalagita, ama at ina.
Ang dalagita o anak ay siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Kung ating mapapansin sa pamagat pa lang ng kwento ay may ideya n aka agad tayo kung ano yung takbo ng kwento, ang pagkauhaw ng anak sa kanyang pamilya. Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama at ina. At sa pangunahing tauhan din unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan. Ang Ama siya ay naging pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento. Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan. At ang ina ay isa rin sa pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.
TAGPUAN
Aklatan ang maaring tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan. (Sobre Liham Pelus na Rosas Larawan) Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan palang ng tagpuan.
BANGHAY
d.1 Panimula
IIang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…
Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
d.2 Saglit na Kasiglahan
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang aman nagsasalaysay tungkol sa kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina.;ng isang pulutong na nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging ang pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din. .
d.3 Suliraning inihahanap ng lunas
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: sapagkat ako'y hindi makalimot.. Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko bigla ang pagkapoot sa kanya at sa mga sandalingyaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan.
Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina at paano ang gagawin nito upang malaman ang totoong nasapit ng ama bakit ganoon na lamang ang kanyang mga magulang. Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang kalungkutan ng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento.
d.4 Kasukdulan
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina…Halos kasing gulang moa o nang pagtaliin ang mga puso naming ng iyong Ina…Mura pang lubha ang labingwalong taon…Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay…
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.
SIMBOLISMO
Liham – ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na pag-iisip na mambabasa.
Pelus na Rosas – o ang pag-ibig na dula ng tauhan sa kwento.
Larawan – sa pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaaring malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito.
Ama, ina, anak – sumisimbolo sa pamilya.
Uhaw ang tigang na lupa – sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa suliranin ng pamilya.
III. MGA NATUKLASAN
Ang Kwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay maaari nating dulugan ng Teoryang Pormalismo. Sapagkat ginamitan ng may-akda ang kwento ng mga matalinghagang salita upang mas lubos na maiparating sa mga mambabasa ang kanyang mga tunguhin. Gaya ng linyang ito na ginamitan niya ng matatayutay na mga salita.
""\""""""""""""""''"
Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."
Kung ating lubos na nanamnamin ang bawat kataga ay makikita natin o mapansin na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin ng mambabasa.
Sa siping ito ay mababasa natin na may kalituhang nagaganap:
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...
Kung ating babasahin at unawaing mabuti na sa unang mga salita ay isinasaad ang pisikal na katangian ng kanyang ina. Subalit sa linyang ito "Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina..." hindi natin lubos maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang kanyang nais ipaabot sa mga mambabasa. Ano ba talaga ang totoong kaganapan sa kwento?
PANANAW ARKETIPAL
Sa kwentong ito ay mapapansin natin ang mga nais iparating ng may-akda. Ipinapahiwatig sa atin ang bawat katagang ginamit sa pagtuklas o tunguhin ng akda.
Ang mabigyang linaw ang lahat na namumutawi sa kanilang pamilya kung bakit ganoon na lamang ang takbo ng kanilang pamilya. Na ang akalang perpekto ay may bahid na kasinungalingan. Ang pangunahing tauhan ay siyang nagsalaysay tungkol sa mga bagay na gustuhin niyang maranasan. Gamit ang mga matalinghaga na mga salita na ating napapansin na mas lubos na nakakapagbigay kuryusidad sa mga mambabasa.
TEORYANG PORMALISMO
Sa akdang binasa, mapapansin natin ang pisikal na katangian nga akda, at pagbibigay-pansin sa anyo ng panitikan. Dahil mababatid natin na upang maabot ang nais ipaabot ng may akda ay gumamit siya ng mga tuwirang panitikan.
Kung atin itong namnamin ang bawat salitang ipinapahayag sa atin makikita at mpapansin natin ang mga malalalim na salita.
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana'y huwag tayong magising sa katotohanan...
Ang pag-ibig na ito'y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako'y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...
May mga bagay talaga na ang hirap limutin. Tanging panahon na lamang ang makakapagsasabi kung kailan. Sa mga katagang iyon ay may bahid kalungkutan at pagkahinayang ang bawat panahong nakalipas.
MGA MUNGKAHI
MAY-AKDA
Pinapakita ng may akda Ang himig ng kwentong ay kalungkutan; nakapapaloob din ang damdaming pagtatago ng hinanakit ng pamilya sa kanyang pagbabago at sa sarili dahil sa pagbabagongtinatamasa upang isipin ng marami na nananatili ang kanyang katatagan.Samakatuwid, natuklasan kong ang tatlong kwentong isinulat ni Liwayway Arceona napiling gamitin sa pananaliksik na ito ay may himig ng kalungkutan at damdaminglihim na paghihinakit. Ang galaw ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay maayos na umunlad, mula sapaglalahad ng suliranin sa mga unang bahagi pa ng kwento, pagbabalik-gunita sa mga nakaraangpangyayari at paglutas at pagtugon ng mga pangunahing tauhan sa suliranin kahit na hinditahasang inilahad sa akda kung nasolusyunan ba ang lahat ng problema sa pagwawakas ng katha. Ang galaw ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay mabuting nailahad sa pamamgitan ngtahasang pagpapahayag ng suliranin sa kwento na matatagpuan sa unang bahagi, pagkakaroon ngpagbabalik gunita sa mga pangyayari sa nakaraan upang mabigyang hustisya ang mga binanggitna pangyayari sa kasalukuyan, at ang wakas ng katha na kung saan ay panandalian lamang nanaresolba't nalutas ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinakaharap.
ISTILO
Sa simula ng kwento ay aking naisip ang istilo ng ni Liwayway ay upang malinlang ang mambabasa sa pagbasa ng kanyang akda. Maaring ang lahat ng pangyayari ay may dahilan , ngunit hindi nalalaman ng lubosan kung ano ang pulot-dulo ng lahat kung ano ba talaga ang nangyari sa sitwasyon ng pamilya.
b.1 SIMULA
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...
Sa simula ay nagpapahiwatig ng kalungkutan at pangungulila sa atensyon na gusto nang bata na maranasan, subalit tila may kalungkutan na bumabalot sa mata ng kanyang ina at walang imik at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
b.2 KATAWAN
Ito ay isang kwento ng isang dalagita na mayroon ina na palaging malungkot, di makatulog, malalim ang paghinga at minsan humihikbi. Ang tatay naman niya ay laging nagmamakinilya habang nag sisigarilyo at wala din imik. Mahintulad ang puso ng dalagita sa tigang na lupa, uhaw na uhaw sa pagmamahal. Isang araw naisauli ng labandera ang isa talaarawan sa ina niya, kung saan ito ay napaluha. Umuwi ang tatay niya lasing na lasing. Nakita ng dalagita ang pitaka na may lamang sulat at larawan . Dito nakasaad ay "sapagkat ako'y nakalimot". Lumubha ang pakiramdam ng ama, bago namatay sabi ng ama na ang kanyang kaluwalhatian ay na sa kalamigan ng lupa. Bago lumisan ang kaluluwa ng kanyang asawa, sinabihan ng ina ng dalagita na"Maangkin mo na ang kaligayahan mo."
ReadmoreonBrainly.ph-https://brainly.ph/question/416818#readmore
b.3 WAKAS
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko... Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya'y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa..
Naipapakita ang pagmamahal aking inay sa aking ama.ngunit hindi ko lubos maintindihan kung ano ano ang ibig sabihin kung ano ang ipinapahiwatig ng salita ni ama bago siya lumisan. Ngunit narooon parin ang aking kalituhan sa mga pangyayari .
GAMIT NG MGA SALITA
Guumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita na kinapalooban din ng mga matatayutay na pagpapahayag gaya ng linyang.
"Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."
Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin ng mambabasa.
PAGLALARAWAN SA MGA PANGYAYARI AT TAGPUAN
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw at kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi'y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay "Sapagkat ako'y nakalimot". May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay "Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko".
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa.
Jose Corazon de Jesus
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
José Corazón de Jesús (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.
Kabataan[baguhin " baguhin ang batayan]
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong 22 Nobyembre 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily'
Hari ng balagtasan[baguhin " baguhin ang batayan]
Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.
May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong 6 Abril 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang balagtasan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina De Jesus at Florentino Collantes.
Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing noong 18 Oktubre 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya noong 1932.
Mga huling taon[baguhin " baguhin ang batayan]
Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang dela Rama at [Maria Santos]). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino.
Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong 26 Mayo 1932. Iniwan niya ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio.
Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.
Kategorya:
Mga manunulat mula sa Pilipinas
Ipinanganak noong 1856
Namatay noong 1932
ikalawaNG SEMESTRE T.P.2017-2018 FILI 324 PANUNURING PAMPANITIKAN