16
PANIMULA
Isa itong pagaaral o isyu na dapat bigyang pansin sa ating lipunan kanya-kanyang opinyon, kanya-kanyang pinaglalaban. Ano nga ba ang LGBT?-Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga transgender".Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender. Ang panliligalig sa sekswal at dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang kanilang buong kakayanan.
Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito'y labag sa batas. Kung yung mga pangit o lampa, at minsan yung mga may kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) ay nakakaranas din ng ganoon. Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang pinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ay napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti pa lang natatanggap ng lipunan. Kung ang "straight" ay naloloko sa relasyon at paulit-ulit na nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila. Kung yung mga Pinoy at Asians ay nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa modernong daigdig na ito, ganun din sila. ano ang "bottom line" nito? Tao rin sila. Kagaya natin, nasasaktan, may nararamdaman, may pinaglalaban. Tao rin sila na kailangan nating irespeto tulad din ng nais natin na irespeto tayo bilang tao.
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa panahon ngayon karamihan sa atin ay hindi tanggap ang mga LGBT. Lagi silang may nasasabing hindi maganda kahit hindi naman nila ito kilala. Sa tuwing sila'y nakikita matinding diskriminasyon ang kanilang nararanasan sa ibang tao. Ayon kay Kerwin Ray Marbella (2017), madami na siyang nakasalamuha na mga LGBT na nakakaranas ng matinding diskriminasyon mula sa kapwa nila. May mga nakakasalamuha rin siyang LGBT na takot maging totoo sa sarili nila dahil takot silang madiskrimina ang kanilang personal na pagkatao.
Hindi nya maipagkakaila na may LGBT na may respeto, may pakikitungo sa kapwa at mabuting asal. At, meron namang walang respeto, mahirap pakitunguhan at may masamang asal. May makasalamuha man tayo na mga ganitong LGBT, napakahalaga parin na bigyan natin sila ng maayos na pakikitungo at respeto dahil di natin alam ang pinagdadaanan nila.
Madaming LGBT na dumadanas ng matinding depresiyon dahil sa mga taong nang huhusga sa kanila. Marami rin ang dumadanas ng matinding kalungkutan dahil sa pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila. Kaya upang makatulong sa kanila, imbis na sila'y husgahan natin, pakitaan natin sila ng pagmamahal at pag-aalala. Sa ganon ay matutulungan natin sila dahill mararamdaman nila na may karamay sila.
Sa mundo natin, hinding-hindi mawawala ang diskriminasyon, mapa-LGBT ka man o hindi, kaya para sa kanila matuto sana tayo para ipaglaban ang sarili natin at tumayo sa sarili nating paa. At para naman satin, matuto tayong rumespeto ng kahit anong personalidad ng isang tao.
Ayon naman kay Miko Obtinario (2017), isang napakahalagang aspekto sa buhay ang naaapektuhan nang dahil sa pang aalipusta sa ating LGBT community. Ito ay ang edukasyon. Karamihan sa mga baklang mag aaral ay hindi na pumapasok sa eskwela dahil sa matinding pang iinsulto na natatanggap ng mga ito. Pagkawala ng pinag aralan hanggang sa pagkawala ng trabaho. Ito ang madalas na sinasapit ng LGBT. Dahil sa panunukso ng marami ay buong buhay ng tao ang nasisira, massging ang pamilya nito."
Ayon din kay Georgina Marie Moya (2017), iilan na lamang sa atin ang marunong umintindi, marunong makinig. Ang ating LGBT community, kailanma'y hindi pinakinggan, kailanma'y hindi pinaniwalaan. Mayroon man tayong iba't ibang paniniwala, dapat ay pagkakaintindihan pa rin ang nananaig sa puso't isipan ng bawat isa, kabilang man sa LBGT o hindi. Tayo'y nilikha ng Panginoon nang may kaibahan sa isa't isa. Lahat tayo ay nararapat na respetuhin sa kung sino o ano man tayo. Ang paghusga sa ibang tao'y di makakatulong satin o sa iba. Simulan natin sa ating sarili ang pagintindi at dito natin maiintindihan ang ating kapwa mamamayan. Hindi pagkukumpara sa bawat isa ang solusyon. Pagtanggap sa kaibahan ang makatutulong sa lahat – pagtanggap sa LGBT Community.
TEORITIKAL NA BALANGKAS
Sa mga nakalipas na panahon, hindi bukas ang mga talakayan tungkol sa homo-sekswalidad-sekswal na atraksyon sa mga tao ng sariling kasarian- kay't ito ay bawal. Ang mga kalalakihan at kababaihan na may homoseksuwal na oryentasyon ay tinutukoy bilang gay, habang ang terminong lesbian ay tumutukoy sa mga kababaihan lamang Ang Homoseksuwalidad ay inuri bilang isang sakit sa pag-iisip hanggang 1973, nang alisin ng American Psychiatric Association ang "homosexuality" mula sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Pagkalipas ng dalawang dekada, ang bias at diskriminasyon laban sa mga gays at lesbians ay umiiral pa, ngunit ang sekswal na oryentasyon ay tinalakay nang mas bukas at may pagtanggap. Ang Amerikanong manunulat na si Alfred C. Kinsey ay nagsagawa ng malawak na mga survey sa sekswal na pag-uugali noong 1950s, at tinatayang na ang humigit-kumulang 4% ng mga lalaki at 3% ng mga babae ay eksklusibo na homosexual; gayunpaman, nalaman ng kanyang pagsasaliksik na 37% ng mga lalaki at 28% ng mga kababaihan ang nagkaroon ng ilang sekswal na karanasan sa isang tao ng kanilang sariling kasarian. Ang karamihan sa mga mananaliksik noong dekada ng 1990 ay tinantiya ang porsyento ng populasyon na may homosekswal na oryentasyon sa tungkol sa 5%, habang kinikilala na ang pagtatantya ay batay sa mga pagpapakitang-kita, hindi mga estadistika. Ang apat na sangkap ng sekswalidad ng tao ay biological sex, pagkakakilanlan ng kasarian (ang sikolohikal na kamalayan ng pagiging lalaki o babae), sekswal na oryentasyon, at papel ng panlipunang kasarian (pagsunod sa mga kaugalian sa kultura para sa feminine at panlalaki na pag-uugali). Ang orientasyong sekswal ay tumutukoy sa pangmatagalang emosyonal, romantiko, sekswal, o mapagmahal na damdamin ng pagkahumaling sa mga indibidwal ng isang partikular na kasarian. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring o hindi maaaring ipakita ng mga indibidwal sa kanyang pag-uugali, dahil ang mga damdamin ng pagkahumaling ay maaaring repressed o hindi pinansin para sa anumang bilang ng mga kadahilanan. Ang tatlong sekswal na orientations ay karaniwang kinikilala: homosexual, atraksyon sa mga indibidwal ng sariling kasarian; heterosexual, akit sa mga indibidwal na kabaligtaran kasarian; bisexual, atraksyon sa mga miyembro ng alinmang kasarian. Sa pamamagitan ng kasaysayan, ang iba't ibang mga teorya ay iminungkahi tungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng oryentasyong sekswal. Naniniwala ang maraming siyentipiko na ang oryentasyong sekswal ay hugis para sa karamihan ng mga tao sa isang maagang edad sa pamamagitan ng mga kumplikadong pakikipag-ugnayan ng biological, sikolohikal, at sosyal na mga kadahilanan. Sa karamihan ng mga kaso, ang oryentasyong sekswal ay lumilitaw para sa karamihan ng mga tao sa unang pagbibinata nang walang anumang naunang sekswal na karanasan. Maraming mga ulat na naitala sa pamamagitan ng mga tao recounting mga pagsisikap upang baguhin ang kanilang mga sekswal na oryentasyon mula sa homosexual sa heterosexual na walang tagumpay. Para sa mga kadahilanang ito, naniniwala ang mga psychologist na ang oryentasyong sekswal ay hindi isang nakakamalay na pagpipilian na maaaring boluntaryong nagbago.
Bilang karagdagan, ang siyentipikong pananaliksik na higit sa 30 taon ay nagpapatunay na ang homosekswal na oryentasyon ay hindi nauugnay sa emosyonal o sosyal na mga problema. Batay sa pananaliksik na isinagawa noong dekada ng 1960, ang mga psychologist, psychiatrist, at iba pang mga propesyonal sa kalusugan ng isip ay nagpasiya na ang homoseksuwalidad ay hindi isang sakit, sakit sa isip, o emosyonal na problema. Ang proseso ng pagkakakilanlan ng pagkakakilanlan para sa mga lesbians at gay na lalaki, kadalasang tinatawag na "paglabas," ay natagpuan na malakas na nauugnay sa sikolohikal na pagsasaayos. Ang pag-usapan ang sekswal na oryentasyon ay isang tanda ng positibong kalusugan sa isip at malakas na pagpapahalaga sa sarili para sa isang gay na lalaki o lesbian. Sa isang 1989 na pambansang survey, halos kalahati ng mga taong gay at lesbian na sinuri ay iniulat na ang target ng ilang uri ng diskriminasyon o karahasan sa panahon ang kanilang buhay. Ang mahalagang proteksyon mula sa diskriminasyon at at karahasan para sa gay at lesbian na tao ay mahalaga. Ang ilang mga magulang na may kapansin-pansin ay naghanap ng therapy upang tulungan ang kanilang anak na baguhin ang kanyang oryentasyong sekswal, lalo na kapag ang pagpasok sa homoseksuwalidad ay tila nagdudulot ng malaking sakit sa emosyon ng bata. Sa katunayan, nagkaroon ng mga ulat ng mga kaso kung saan matagumpay ang naturang therapy; gayunpaman, maraming mga kadahilanan sa mga ulat na ito ang nagiging sanhi ng mga sikologo na tanungin ang mga resulta. Una, wala sa mga kaso na ito ang naiulat sa pamamagitan ng mga mananaliksik sa kalusugan ng mga layunin sa isip; sa halip, marami sa mga ulat tungkol sa sekswal na oryentasyon na binago sa pamamagitan ng therapy ay nabuo sa pamamagitan ng mga organisasyon na ideolohikal na sumasalungat sa homosekswal na oryentasyon. Bilang karagdagan, ang mga ulat ay hindi pinapayagan para sa isang makatotohanang follow-up na panahon. Noong 1990, sinabi ng American Psychological Association na ang katibayan ng siyensiya ay hindi sumusuporta sa conversion therapy; sa katunayan, ang ebidensya ay nagpapakita na maaari itong aktwal na maging nakakapinsala sa psychologically sa pagtatangka ng conversion Ang orientasyong sekswal ay isang komplikadong bahagi ng personalidad ng isang tao na hindi limitado sa sekswal na pag-uugali. Ang pagbabago ng oryentasyong sekswal ay ang pagtatangka na baguhin ang isang mahalagang aspeto ng pagkakakilanlan ng indibidwal.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang mga sumusunod na katanungan na ito ay nais matugunan ng mga mananaliksik.
1. Ano ang mga iba't ibang kasarian na nakapaloob sa LGBTQ?
2. Ano ang mga epekto ng diskriminasyon sa mga LGBTQ?
3. Paano maiiwasan ang pagdidiskrimina sa ating komunidad?
4. Anong nangyayari sa mga taong nadidiskrimina dito?
5. Nakakabawas ba ng tiwala sa sarili kung lagi silang nadidiskrimina?
HAYPOTESIS
Ang pag aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay mahalaga para mas maintindihan o maunawaan at mas mapalawak ang kaalaman tungkol sa diskriminasyon ng mga LGBT sa eskwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa kasarian na nagiging dahilan sa nangyayaring pagdiskrimina sa mga LGBT sa komunidad na nakakaranas ng pisikal na abuso, pasalitang harassment, atakeng sexual at cyber bullying na nagdudulot ng depresyon at nakakabawas ng tiwala sa kanilang sarili. Halos sa mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at naaabuso sa paaralan.
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa kadahilanang ito ay pwedeng maging patnubay at gabay ng mga tao sa mga LGBT. Sa pananaliksik na ita, mas mauunawaan ng mga tao ang mga LGBT at mas maiintindihan ang mga bagay na nauugnay dito.
Magsisilbi rin itong gabay at makaktulong sa mga sumusunod:
Sa mga kabataan- makaktulong itong mas maunawaan nila ang mga ka-edad nila na kabilang sa LGBT at maiwasang apihin ang mga ito.
Sa mga magulang- makakatulong ito sa mga magulang upang maintindihan nila ang kanilang mga anak at tanggapin ang mga ito at upang mas mapalapit sila sa kanilang mga anak
Sa komunidad- mahalagang malaman nila ang usaping ito upang maging alerto sa ganitong uring pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.
Sa pinuno ng Pamahalaan- mahalaga upang malaman nila ang epekto nito sa ating bansa at ang mga sakit ng idinudulot nito.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pagaaral na ito ay tungkol sa pagdidiskrimina sa mga LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender). Tinatalakay sa pagaaral na ito kung paano nakakaapekto sa mga LGBT ang pagkukutya sa kanila at kung paano nila ito nalaampasan sa tulong ng mga magulang, kaibigan, guro at mga taong sumusuporta sa kanila . Karamihan sa mga respondante ng aming pananaliksik ay mga estudyante.
OPERASYUNAL NA KAHULUGAN AT TERMINOLOHIYA
¤Biseksuwal - Pagkabighani ng tao sa kapwa lalaki at pati sa mga babae.
¤Cyber bullying - ang pag aabuso ng pag gamit ng social media kung saan ikaw ay nakaka sakit o nang aalipusta gamit ang social media.
¤Depresyon - ito ay ang matinding pag kalungkot ng isang tao gunit hindi niya alam kung bakit ang masaklap pa dito at hindi niya magawang sabihin sa iba. Taken for granted - nangyayare ito sa mga LGBT dahil hindi sila kinikilala bilang isa sa atin, ngunit kung sila ay nay sapat na kakayahan na kayang ibahagi saatin sapilitan natin silang tatanggapin upang tayo ay makinabang.
¤Diskriminasyon - Ay paraan ng pagtrato ng isang tao o isang partikular na grupo ng mga indibidwal lalo na sa masama o mas masahol na paraan dahil sa kanilang itsura , kulay ng balat , kasarian , seksuwalidad at iba pa.
¤Homoseksuwal - Romantikong atraksiyon sa mga magkatulad na kasarian. ¤Heteroseksuwal - Pagkabighani ng indibiduwal sa magkabiang kasarian.
¤LGBTQ - ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyan, gay, biseksuwal, transgender , at mga queer".
¤LGBT community - ay grupo ng mga lesbian , gay , biseksuwal , at transeksuwal.
¤Makasalamuha - Ang pag ka kita mo sa tao ng harap harapan.
¤Mananaliksik- ito ay ang mga taong nag hahanap ng impormasyon at nag lilista ng mga ginagawang pananaliksik.
¤Oryentasyong seksuwal - ay naglalarawan sa isang nagtatagal na nakagawian ng pagkaakit pangdamdamin, romantiko, seksuwal, o ilang pagsasama-sama ng mga ito sa katumbas na kasarian, sa katulad na kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa anumang kasarian, at ang mga kasariang umaagapay sa kanila.
¤Pangungutya- ito ay ang pag sasalita ng masasama laban sa mga tao o mga LGBT.
¤Pasalitang harassment - ito ay ang masamang pananalita, panunukso o pangungutya sa paraan ng pag sasalita gamit ang bibig.
¤Personalidad - Ang kabuoang katangian ng isang tao sa loob man o labas na anyo.
¤Rasismo - Ay ang pagkamit ng hustisya at katarungan kung nagawan ka ng hindi maganda o krimen.
¤Respondante- ito ay mga tumulong upang mas mapalalim o masagot ang mga pananaliksik na isinagawa. Mag patiwakal - mag pakamatay sa anumang paraan upang matigil na ang nararamdamang sakit.
¤Sex change - pag papalit ng pisikal na kasarian sa paraan ng retoke.
¤Transeksuwal - ay isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian at ito din ay pagpapalit ng kasarian.
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Sa kabanatang ito gumamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na kanilang inihanda at ipinasagot sa mga mag-aaral na nagmula sa Guagua National Colleges, nakapaloob dito ang mga iba't ibang kasarian ng mga LGBTQ komunidad. Nabuo ang pag-aaral ng mga mananaliksik dahil sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na kaugnay sa kanilang pag-aaral na naglalayon na makapangalap ng mga impormasyon upang malaman ang magiging epekto na kabilang sa mga LGBTQ komunidad.
MGA KALAHOK AT SAMPOL NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa mga respondate mula sa mag-aaral ng Guagua National Colleges. Tutugunan ng mga respondate ang mga sagot na inihanda ng mga mananaliksik ay ito ang mga sarbey kwestyuners. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondante ang mga katanungan na ipinamigay bibilangin at pagsasama - samahin ng mga mananaliksik upang makita at maobserbahan ang magiging resulta ng pagsasarbey.
TALATANUNGAN
Edad: ______
Kasarian: __________
Panuto: Bilugan at suriin ng buong katapatan at dignidad base sa iyong karanasan.
Bilang isang LGBTQ, kanino ka unang nagtapat ng iyong tunay na kasarian?
Magulang b. Kaibigan c. Kapatid d. At iba pa: _____________
Tanggap ka ba nila?
Oo b. Hindi
Nahihiya ka ba sa iyong kasarian?
Oo b. Hindi
Naranasan mo na bang makutya o naabuso dahil sa iyong kasarian?
Oo b. Hindi
Alin sa mga ito ang iyong naranasan?
Pisikal na pang-aabuso
Pasalitang harassment
Atakeng sexual
Cyber bullying
Ano ang nagiging epekto nito sa iyo?
Depresyon
Naisip na magpatiwakal
Pagkawala ng tiwala sa sarili
Kung wala sa nabanggit ano pa: ____________
Nalagpasan mo ba ito?
Oo b. Hindi
Importante ba ang suporta at payo ng iyong mga magulang, kaibigan, at mga taong malapit sa iyo?
Oo b. Hindi
May plano ka ba balang araw na mag papalit ng kasarian o "sex change"?
Mayroon b. Wala
Kung makakapili ka kung ano ang iyong kasarian gusto mo bang maging ganap na lalaki o babae?
Oo b. Hindi
RESULTA
Sa 50 na katao na aming binigyan at pinasagutan ng aming talatanunganan narito ang resulta ng aming pagsasarbey.
Sa unang tanong na ito 40% ang sa magulang, 50% sa kaibigan, 6% sa kapatid, 2% sa sarili, at 2% sa kanyang tito.
Sa ikalawang tanong naman, 12% ang sumagot ng hindi sila tanggap sa kasarian nila at 88% naman ang sumagot na tanggap sila.
Sa ikatlong tanong, 10% sa mga LGBT ang nahihiya daw sakanilang kasarian at 90% naman ang nagsabing hindi daw sila nahihiya.
Sa ika-apat na tanong, 28% ang nagsabing nakaranas na daw sila ng pangungutya ng dahil sakanilang kasarian at 72% naman ang hindi pa nakaranas.
Sa ika-limang tanong, 44% ang pisikal silang inaabuso, 14% ang nakaranas ng pasalitang harassment, 8% ang nakaranas ng atakeng sexual, 6% ang nakaranas ng cyber bullying, at 28% ang hindi sumagot dahil hindi pa sila nakaranas.
Sa ika-anim na tanong, 27% ang na depres, 4% ang naisip na magpatiwakal, 36% ang nakaranas ng pagkawalan ng tiwala sa sarili, 2% ang mas naging matatag, 2% ang hindi na lamang pinansin, 2% ang naisip na itago na lamang at 27% naman ang hindi sumagot.
Sa ika-pitong tanong,70% ang sumagot ng oo nalagpasan daw nila ito, 2% ang hindi ang sinagot, at 28% ang mga hindi sumagot.
Sa ika-walong tanong, 98% ang nagsabing importante ang suporta nila, 2% at ang nagsabing hindi.
Sa ika-siyam na tanong, 14%ang mayroong planong mag pa sex change, at 86% naman ang wala.
At sa ika-sampung tanong, 50% ang nagsabing gusto nilang maging ganap na lalaki/babae, at 50% din ang nagsabing hindi.
PAGLALAGOM
Dumadanas ang ibang estudyante ng bullying at diskriminasyon sa eskuwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa kasarian,gayong may batas Pilipinas na nagbibigay ng proteksyon at diskriminasyon at pag etsa puwera sa mga paaralan.Dinedetayle Tito ang talamak na bullying at harassment,mga patakarangn at gawing mapanghusga at ang kawalan ng resources na sumisira sa katapatan ng edukasyon ng kabataang LGBT sa ilalalim ng mga internasyonal na batas at naglalagay sa kanila sa panganib."Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati karahasan."ayon kay Ryan Thoreson isang fellow programary pagkarapatan ng LGBT sa Human Rights Watch.Maraming estudyanten ang hindi malay sa mga patakarang kontra bullying o hindi alam kung saan hahanap ng tulong kapag nabubully sila.
Ang dahas na kinakaharap ng mga estudyante sa eskwelahan ay madalas na pinakamalubhang mapaghusgang patakaran at gawin,sabi ng Human Right Watch."Ang kabiguang maipasa ang kontra diskriminasyong batas ay naglalagay sa kabataang LGBT sa piligro ng diskriminasyon at karahasan"sabi ni Meggan Evangelista ng LAGABLAB Network.""Sabi nila,ang mga bakla ang sentro ng HIV."ayon kay Jonas E,17 anyos na homosexual sa isang hay-iskul sa Marinduque City.Ang mga awtoridad sa bawat anta's ng gobyerno ang dapat na gumagawa ng hakbang para maitaguyod ang pagiging ligtas,pagkakapantay ng turing ,at pagkakaroon ng akses sa edukasyon para sa mga estudyanteng,sabi ng Human Rights Watch.Sa mismong paaralan ng mga administrator ay dapat na pagtibayan ang mga patakaran laban sa bullying at diskriminasyon upang masiguradong ligtas at marerespeto ang kabataang LGBT.
"Ang pagbabawal ng bullying ng kabataang LGBT at nagiging imprtanteng unang hakbang"sabi ni Thoreson."Ngayon ang mga mambabatas at administrador nang paaralan ay dapat ng kumilos upang ang mga proteksyong ito ay maaaring mangyaring isang makabuluhan at nagtataguyod ng respeto sa kabataang LGBT sa kabuuan nang edukasyon sa buong Pilipinas.
KONKLUSYON
Ang LGBTQ ang pagkakilanlan ng iba't ibang kasarian na isa sa mga isyu na dapat bigyang pansin sa ating lipunan ngayon. At dapat gawan ng hakbang upang matugunan ang karapatang pantao ng mga sangkot sa LGBTQ. Dahil karamihan ay nakararanas ng malupit na pagtrato, harrasment mapa-salita o sexual, at diskriminasyon sa eskuwelahan na dapat bigyang pansin ng mga guro at opisyales lalo na sa sekundaryan paaralan.
REKOMENDASYON
Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na ibahagi ang kanillang mga nakalap na impormasyon sa mga kabilang sa LGBTQ na nakakaranas ng pagdidiskrimina.
1. Ang mga awtoridad sa mga bawat antas ng gobyerno ay dapat gumawa ng hakbang para matugunan ang pagiging ligtas, pagka-pantay turing, at pagkaaron ng akses sa edukasyon.
2. Ang bullying at diskriminasyon ay hindi dapat ipagbalewala at dapat bigyang pansin ng mga guro.
3. Ang mga administrador ng eskuwelahan ay dapat magpatupad ng parusa sa sinomang mang abuso sa mga sangkot sa LGBTQ.
4. Hindi dapat ang mga guro ang magsimula ng pagturo na ang pagiging LGBTQ ay kasalanan o di-natural.
5. Dapat silang bigyang respeto at sila'y may karapatang pantao rin lamang tulad natin.
Kurikulum Vitae
Name: Honey Rose N. Moncupa
Address: Concepcion, Lubao, Pampanga
Email.
[email protected]
Phone:09192236312
Age: 17
Date and birth: June 1 2000
Sex: Female
Religion: Born Again
Nationality: Filipino
Weight: 60
Height 5'2
Mother's: Rosiel Moncupa
Father's: Jorge Moncupa
Basic Education: Guagua National Colleges
2017-2018
Secondary: Guagua National Colleges
2013-2017
Primary: Lubao Institute
2007-2013
Name: Niphey Danan
Address: San Roque Dau 1st Lubao Pampanga
Email.
[email protected]
Phone:09263589524
Age: 17
Date and birth: June 1 2000
Sex: Female
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight: 60
Height 5'2
Mother's: Jenifer Danan
Father's: Christopher Danan
Education
Primary: Guagua National Colleges
Address: St. Filomena Guagua Pampanga
Secondary: St. Augustine Academy of Pampanga
Address:Poblacion, Floridablanca Pampanga
Name: Rochelle Ann A Isip
Address: Bancal Guagua Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09368202559
Age: 16
Date and birth: August 31, 2001
Sex: Female
Religion: Christian Baptist
Nationality: Filipino
Weight: 55
Height 5'5
Mother's: Maria A Isip
Father's: Rally C Isip
Education
Basic Education: Guagua National Colleges
2017-2018
Secondary: Sto Tomas Sasmuan Pampanga
2013-2017
Primary: Bancal Elementary School
2007-2013
Name: Joshua Sampang
Address: JAS Siran, Guagua, Pampanga
Email: joshsampang
Phone: 09153555824
Age: 17
Date and birth: December 16, 2000
Sex: male
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight: 55
Height 5'7
Mother's: Riza Aquino
Father's: Paul Sampang
Education
Basic Education: Guagua National Colleges
2017-2018
Secondary: Guagua National Colleges
2013-2017
Primary: Siran Elementary School
2007-2013
Name: Bien C. Saldi
Address: San.Nicolas 2nd Sasmuan Pampanga
Email:
[email protected]
Phone: 09354614201
Age: 16
Date & Birth: September 15,2001
Sex: Male
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight:
Height:
Mother: Armina C. Saldi
Father: Nelson L. Saldi
Education
Primary: Santo.Tomas Elementary school
Address: Santo.Tomas sasmuan papm
Secondary: Santo.Tomas high school
Address: Santo.Tomas sasmuan papm
Name: Arcel S. Sibug
Address: purok 2 Sto. Cristo Guagua, Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09431319077
Age: 17
Date and birth: february 12,2001
Sex: female
Religion: catholic
Nationality: filipino
Weight: 55
Height 5'2½
Mother's: Rocel S. Sibug
Father's: Wilfredo A. Sibug
Education
Primary: Guagua National Colleges
Address: Sta. Filemona Guagua, pamoanga
Secondary: Guagua National Colleges
Address: sta. Filomena guagua, Pampanga
Name: Brendon Baul
Address: Calantas,Floridablanca,Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09283815462
Age: 16
Date and birth: March 24, 2000
Sex: Male
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight: 70
Height: 5'6
Mother's: Michelle Baul
Father's: Orlando Baul
Education
Primary: Guagua national Colleges
Address:
Secondary: Saint Augustine Academy Of Pampanga
Address: Poblacion, Floridablanca ,
Name: Jaecko Tan Siabungco
Address: Purok 3 Sto. Cristo Guagua Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09278028693
Age: 17
Date and birth:Sept. 10 2000
Sex: Male
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight:
Height
Mother's: Gertrudes T. Siabungco
Father's: Noel D. Siabungco
Education
Primary: Guagua Elementary School
Address: Sta. Filomena Guagua Pampanga
Secondary: Guagua National Colleges
Address: Sta. Filomena Guagua
Name: Marion Rafael De Jesus
Address: Purok Paroba San Antonio Guagua,Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09568729134
Age: 17
Date and birth:November 20,2000
Sex: M
Religion: Aglipay
Nationality: Filipino
Weight: 66
Height 5'8
Mother's: Mar De Jesus
Father's: Raffy De Jesus
Education
Primary: Bright Life
Address: San Pablo Guagua, Pampanga
Secondary: Guagua National Colleges
Address:Sta. Filomena Guagua,
Name: Arlan B. Cochon
Address: Sto. Cristo Guagua Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09484354786
Age: 16
Date and birth: March 27 2001
Sex: Male
Religion: Catholic
Nationality: Filipino
Weight: 45
Height : 4'2
Mother's: Jasmin Cochon
Father's: Rolando Cochon
Education
Primary: Guagua Elementary School
Address: Sta. Filomena Guagua Pampanga
Secondary: Guillermo D Mendoza National High School
Address: Sta. Filomena Guagua Pampanga
Name: Christine Joy Pablo
Address:Cabetican Bacolor Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09067370095
Age: 16
Date and birth: April 1 2001
Sex: Female
Religion: Roman Catholic
Nationality: Filipino
Weight: 43
Height :
Mother's: Jessica Pablo
Father's: Michael Pablo
Education
Primary:Cabetican Elementary School
Address: Bocolor Pampanga
Secondary: Betis National High School
Address: Betis Guagua
Name: Bianca M. Dela Cruz
Address: #45 Magsaysay Guagua Pampanga
Email. biancadelacruz0706@yahoo. com
Phone: 09495612525
Age: 16 years old
Date and birth: July 06, 2001
Sex: Female
Religion: Protestant
Nationality: Filipino
Weight: 55 kg
Height 5'4
Mother's: Loreta M. Dela Cruz
Father's: Augusto S. Dela Cruz Jr.
Education
Primary: Guagua National Colleges
Address: St. Filomena Guagua Pampanga
Secondary: Lubao Institute
Address: San Nicolas 1st Lubao
Name: Tracy Mae G. Quiambao
Address: San Jose Apunan Lubao, Pampanga
Email.
[email protected]
Phone: 09053069329
Age: 16
Date and birth: August 21 2001
Sex: Female
Religion: Protestant
Nationality: Filipino
Weight: 53 kg
Height 5'2
Mother's: Arcelie G. Quiambao
Father's: Rosal M. Quiambao
Education
Primary: Lubao Institute
Address: San Nicolas 1st Lubao Pampanga
Secondary: Holy Rosary Academy
Address: San Nicolas 1st Lubao