Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV- Kanlurang Visayas HIPONA NATIOANAL HIGH SCHOOL
Cyberbullying Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pangbu-bully ang nabigyan- daan nito: ang cyberbullying o ang pabu- bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensaheng pananakot, pagbabanta o pagtataglay ng msamang salita maging sa tekt o email; pagapapalaganap ng mga nakakasirang usap- usapan, larawan, video at iba pa sa email at social media; pag- bash o pagpo- post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag- hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Paano naiiba ang Cyberbullying sa Harapang Pambu- bully? Napakalaking tulong ang naibigay ng cellphone, tablet, computer at internet sa tao. Ang social media ay isa ring malaking biyaya lalo na kung pakikipag- ugnayan sa napapalayong kapamilya o kaibigan ang pag- uusapan. Ang internet ay isa sa pinakamahalagan pinakamahalagangg kagamitan sa ikadalawampu’t ikadalawampu’t siglo sapagkat sa pamamagitan nito “lumiliit” ang mundo. Npalapit nito an gang magkakalayong magkapamilya, napupunan nito ang kasabikang Makita at makausap ang isang minamahal, at nakatutulong ito upang magawa nito ang maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay- bagay, pag- aaply sa trabaho, paggawa ng transaksyon sa bangko, at iba pa na kahit ika ’y nasa bahay lamang at hindi na kailangang lumabas. Nakakatulong din ito ng malaki ng impormasyong mahalaga sa tao. Subalit sa kabilang banda, napapadali rin ng Internet ang paggwa ng iba’t ibang krimen, panloloko sa kapwa at paggwa ng maraming hindi mabubuting bagay tulad ng cyberbullying. Para sa isang biktima, mas mahirap at mas matindi ang cyberbullying kaysa sa harapang pangbu- bully. Ang harapang pambu- bully ay nangyayari sa isang lugar at isang panahon. Kapag hindi na magkaharap ang bully at biktima ay walang pambubully na nagaganap. Samantala, ang cyberbullying ay maaaring manyayari 24/ 7. Ibig sabihin kahit hindi magkaharap
ang biktima at ang bully o kahit natutulog ang biktima, sa loob ng kanyang tauhan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Maaari ding magtago ng kanyang tunay na pagkatao ang nambu- bubully upang hindi makilala kung sino siya habang ipinakakalat niya ang anumang bagay na makakasira sa kanyang biktima. Minsan mahirap malaman o ma-trace kung sino ang nagpasimula ng pagpapakalat nito. Kapag- naipost o naipadala na sa iba ang mga bagay na ito, napakahirap nang mawala o maihinto ang pagpapakalat ng mga nakasisirang bagay sapagkat wala nang control ang nag- post sa puweding gawin ng bawat makatanggap ay maaaring huwag pansinin o hayaaan nalang, i-delete at huwag patulan, maaaring i-share rin sa iba na lalong magdudulot ng pagkasira ng biktima dahil sa napakabilis na pagkalat ng mga bagay nan aka- upload na sa Internet Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying sa Pilipinas? Maaring sa Cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di tulad ng harapang pambu- bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional ay psychological truma na maaaring maranasan ng isang biktima ng Cyberbullying.May pangmatagalang Epekto ito sa tao lalo na kung hindi maaagapan o matutulungan ma-proseso ang damdamin ng isang nagging biktima nito.maaari siyang magkaroon ng mga isyung sikolohikal hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang panahon. Narito ang ilan sa mga Epekto ng cyber bullying:
Mga senyales ng depresyon –ang –ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na sugat.Kapag matindi ang emosyonal na trauma dahil sa mga nakasisirang post sa internet,ang biktima ay nakararanas ng mga sintomas ng depresyon tulad ng hindi maipaliwanag na kalungkutan,hindi makatulog,kawalan ng ganang kumain, o minsa’y humahantong sa pananakit sa sarili,o pag-iisip na wakasan na ang sariling buhay. Paginom ng alak o paggamit ngg ipinagbawal na gamut-ito ay nagiging paraan ng biktima upang makalimot o magkaroon ng tapang o lakas ng loob na harapin ang bully at ang mundo.madalas, dahil dito’y hindi niya namamalayang nagiging bully na rin siya.Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong nagiging bully sa senior high o sa kolehiyo ay ang mga taong nakaranas ma-bully noong sila ay nasa middle school o high school. Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan-Ito ay isang paraan upang makaiwas sa taong mambu-bully. Pagkakaroon ng mabababang marka sa paaralan-ang madalas na pagliban at kawalan ng konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa
nangyayaring pambu-bully ay nagre-resulta sa mababang marka sa paaralan. Pagkawalan ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem ang mga alaala ng panunukso o pananakit ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa sarili o mababang pagpapahalaga sa sarili. Pagkakaroon ng problema sa kalusugan- karaniwang ang mga biktima ng bullying ay nakararanas o nagsasabing sila ay may tulad ng karaniwang ubo,sipon,sakit sa ulo,sakit ng tiyan, at iba pa. Pagiging biktima rin ng harapan bullying –minsan bago pa manyayari o kapag nangyari na ang Cyberbullying,ang biktima ay karaniwang ding nagiging biktima ng harapan bullying dahil nawawala ang tiwala niya sa sarili at ang kakayahan gawin ang nararapat upang maipagtanggol ang kanyang karapatan.
Ano na ba ang Sitwasyon ng Cyberbullying sa Pilipinas? Ayon sa ulat ng Google Trend, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa Cyberbullying noong 2013 ay ang pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng Cyberbullying ay isa nang realidad sa ating bansa. Ba gama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na estadistika ang pilipinas patungkol sa Cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grades 6 hanggang 12 ang nakaranas ng Cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grades 9 hanggang 12 na nakaranas ng Cyberbullying. Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying .org, ang sumusunod ang isinasagawa ng mga nagiging biktima ng Cyberbullying.
36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya. 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangang ang komunikasyon sa bully. 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully 29% ang walang ginagawa anuman ukol sa pambu-bully 28% ang nag-sign-offline 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring Cyberbullying
Ano ang Maaaring Gawin ng Isang Taong Nabiktima ng Cyberbullying? Ayon sa pag-aaral, pito sa kada sampung kabataan edad 18 taong gulang pababa ang nakakaranas ng cyberbullying. Iba't iba ang uri at paraan ng
cyberbullying. Ang ibig sabihin ng cyberbullying ay ang paggamit ng mga digital technologies upang ipahiya, saktan, abusuhin o takutin ang isang tao. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang edad o estado sa buhay. Maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng cyberbullying. Ang pinakamahalaga ay malaman mo kung paano mo ihahandle ang cyberbullying. Narito ang ilang mga tips ng mga dapat gawin kapag ikaw ay naging biktima ng cyberbullying: 1. Huwag patulan ang mga masasamang bagay na sinabi sa iyo sa internet. Huwag gumanti sa mga taong nagsasagawa ng cyberbullying dahil lalo lang lalala ang away sa social media. 2. Kumuha ng screenshot ng mga comments, posts o messages na sa palagay mo ay klase ng cyberbullying. Magkaroon ng record ng mga ito. 3. Ireport o iblock ang taong gumagawa ng cyberbullying. Mayroong report o block button ang mga social media sites tulad ng Facebook. 4. Maging bukas o magkwento sa mga taong komportable kang kausap. Makakatulong na may nakakausap at napagsasabihan ka ng iyong nararamdaman kung ikaw ay nabiktima ng cyberbullying. Hindi ka nag-iisa at may mga taong nais tumulong sa iyo. 5. Alamin kung malala ba o seryoso ang nararanasan mong cyberbullying. Tingnan kung simpleng panunukso o pag-iinis ang o nakakasira na ito ng iyong reputasyon at pagkatao. Kung simple lang ay maaaring iblock o ireport na lamang ito. 6. Kung ang taong gumagawa ng cyberbullying ay kasama mo sa paaralan, isumbong ito sa inyong guro o guidance counselor. Kung ang taong ito ay pinagbabantaan ang iyong buhay, magsumbong agad sa iyong mga magulang at pulis upang maprotektahan ang iyong buhay. 7. Gawing pribado ang settings ng iyong social media account. Huwag tumanggap ng mga friend requests mula sa mga taong hindi mo kilala ng personal. May mga taong nagpapanggap lamang sa mga social media sites kaya maging maingat sa pagtanggap ng mga friend requests. 8. Makakatulong kung mayroong mas matanda tulad ng guro na makakasama sa pag-uusap sa pagitan mo at ng taong gumagawa ng cyberbullying sa iyo. Marahil ay nakakatakot na magkaroon ng face-toface na pag-uusap pero makakatulong ito upang masolusyunan ang problema ng cyberbullying. 9. Intindihin pa rin ang mga taong gumagawa ng cyberbullying. Ang mga taong nambubully ay kadalasan mga taong hindi masaya at insecure sa
Pag-usapan natin
kanilang buhay. Alalahanin na maaaring may masakit na pinagdadaanan ang isang taong nambubully at kailangan din nila ng tulong at suporta.
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (FI1PSIIif-92) Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
Para malaman kung ang iyong anak ay nabibiktima na ng cyberbullying, tingnan ang mga senyales tulad ng depression, anxiety, laging takot o galit, ayaw nang pumasok ng bata sa paaralan, bumababa ang grades sa school, ayaw nang makipagkaibigan o natatakot nang gumamit ng computer. Labis na makakaapekto sa isang bata kung hindi masosolusyunan ang cyberbullying. Para sa mga magulang o guardians, aging kausapin at kamustahin ang inyong mga anak upang malaman kung sila ay biktma ng cyberbullying. Gayundin naman kung ang inyong anak ang cyberbully, mahalaga ang open communication upang matulungan ang bata, siya man ang cyberbully o siya ang biktima ng cyberbullying.
1. 2. 3. 4.
Ano ang Cyberbullying? Paano ito isinasagawa? Paano ito naiba sa pamb-bully nang harapan? Paano nakaapekto ang Cyberbullying sa nagiging biktima nito? Anong datos ang magpapatunay na bagama’t walang opisyal na estadistika ang pilipinas kaugnay ng mga nabibiktima ng Cyberbullying,ito ay isang isyu o realidad sa ating bansa? 5. Ano-anong katangian ng tesktong binasa ang magpapatunay na it nga ay isnag tesktong impormatibo?
May pag-asa pa bang makabangon mula sa Cyberbullying? Ang pagiging biktima ng Cyberbullying ay hindi katapusan ng mundo. Maraming biktima ang nagtagumpay na malampasan ang ganitong kalagayan sa sarili nilang pagsisikap matibay na pananalig sa diyos, at sa tulong ng mga taong magmalasakit upang sila’y muling makabangon mula sa masakit na karanasan. Isa sa mga ito si Pau la Jamie Salvosa, ang babaeng binansagang “Amalayer girl” nang makunan ng vedio ang pagsigaw niyang pakikipagtalo sa babaeng guwardiya ng LRT habang paulit- ulit niyang sinasabi ang “Do you think I’m a liar” Nang maipost ang videong ito ay nagging viral ito sa Internet at umami ng napakaraming bashing ang “Amalayer Girl”halos hidni niya nakayanan ang mga pangungutyagalit, at pagbabantang natanggap mula sa mga netizen na nakapanood ng video. Nahusgahan ang kanyang pagkatao nang dahil sa vedio at ang pangyayaring ito ay bumago sa takbo ng kanyang buhay. Masaki tang pinagdaanan niya subalit napatunayan niyang ang panahon nga ang pinakamabisang lunas.Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalimot ng tao ang panyayari at kasabay nito’y unti -unti rin siyang nakabangon sa mapait na karanasan. Ngayon siya’y aktibo sa kanilang simbahan at nangangaral ng salita ng diyos. Marami pang ibang tulad ni Salvosa na nabiktima rin ng Cyberbullying ang nakabangon at nabigyang- pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang buhay.
Inihanda ni: MICHAEL L. MARCELINO