Halimbawa ng isang Banghay Aralin sa ikawalong baitangFull description
FILIPINOFull description
Full description
Ang seleksyong ito ay tumatalakay sa mga uri ng Tayutay. Ito ay mga matatalinhagang pahayag na masining,mahiraya, at malalim na nagbibigay-kulay sa isang pahayag. Ito ay sinadyang paglayo sa…Full description
FILIPINO SECONDARY LESSON PLANFull description
Banghay Aralin sa Filipino 7
Ang "Ang Aso at Ang Uwak: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula" ang naitalaga sa akin bilang paksa nang ako ay mag-apply bilang Filipino Subject Teacher sa St. Agnes Academy. Ito ang nabuo kong bang...Full description
Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO
NG FILIPINO BAITANG IX
KOMPETENSI: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa
parabula sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisasabuhay ang
mga aral at mahalagang kaisipang nakapaloob dito.
I. LAYUNIN
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag na ginagamit sa
parabula;
B. Nailalahad ang iba't-ibang bisang pandamdamin, at pangkaisipan mula sa
napakinggang pahayag;
C. Napahahalagahan ang paggawa ng isang desisyon at ang mga kaakibat na
responsibilidad sa buhay; at
D. Napapatunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa
kasalukuyan at sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay.
II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Panitikan : Parabula : Ang Alibughang Anak (Lucas 15:11-32)
SANGGUNIAN:
KAGAMITAN: Pantulong Biswal, Yeso, Teyp, Mga Larawan, Speaker at
Laptop.
III. PAMAMARAAN
PAUNANG GAWAIN
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsasaayos ng silid
d) Attendans
e) Pagbabalik-aral
SUBUKIN NATIN:
a. ) Ano ang PARABULA?
b. ) Anu-ano ang mga katangian nito?
f) Pagganyak
Gawain I. (PAGHAHAWAN NG SAGABAL)
PANUTO: Gamitin ang mga hindi nakaayos na salita sa Hanay A para
maunawaan ang ibig kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga salita sa Hanay
B. Matapos itong mabuo ididikit ang tamang ayos na salita sa mga kahong
nakalaan sa pisara.
PABABA
1. Nilustay niya ang lahat-lahat ng kaniyang kayamanang minana sa walang
kabuluhang bagay.
2. Dahil sa kaniyang ginawang desisyon ay lubha siyang nagdalita.
4. Sa kanilang tahanan ay lumalabis ang pagkaing inilalaan para sa mga
katulong.
6. Lubhang na nahabag ang kaniyang ama nang makita niya ang anak.
PAHALANG
3. Kahit ang mga alipin ng kaniyang ama ay tiyak na hindi makukulangan sa
pagkain.
5. Nang nasilayan ng ama ang papalapit na anak, siya ay napatakbo upang
salubungin ito.
7. Inamu-amo ng ama ang anak na nagtampo.
B. PAGLALAHAD
Gawain II. (PAGSASAAYOS NG KWENTO)
PANUTO: Isaayos ang mga larawan na maaaring pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa tatalakaying parabula.
Pagbasa at paglalahad ng Parabula : Ang Alibughang Anak
Gawain III. (PAGBIBIGAY KAHULUGAN)
PANUTO: Pangkatang Gawain: Bigyang kahulugan ang mga salita o pahayag
hango sa talinghagang "Ang Alibughang Anak". Gumamit ng grapik organayser
sa pagtatalakay ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa isang buong papel at
ibahagi sa klase. Sa loob lamang ng 5 minuto.
" "LITERAL NA "SIMBOLIKONG "ISPIRITUWAL NA "
" "KAHULUGAN "KAHULUGAN "KAHULUGAN "
"Alibugha " " " "
"2. Kayamanan " " " "
"3. Ama " " " "
"4. Anak " " " "
"5. Ang magsaya " " " "
"at magalak ay " " " "
"kailangan " " " "
"sapagkat ang " " " "
"kapatid mong " " " "
"ito ay namatay " " " "
"at muling " " " "
"nabuhay. Siya " " " "
"ay nawala at " " " "
"natagpuan. " " " "
C. PAGTALAKAY / PAGLINANG
Gawain IV. (SA ANTAS NG INYONG PAG-UNAWA)
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Anong uring ama ang ama sa akdang binasa? Sa inyong palagay, tama ba ang
ginawa niyang pagbibigay ng pamana sa kanyang mga anak kahit siya'y buhay
pa at malakas pa?
Ano ang ibinubunga ng kaniyang ginawang desisyon? May kakilala ka rin bang
anak na ganito rin ang kinahihinatnan sa buhay dahil sa kanyang pagiging
alibugha?
Anong mga katangian ng iyong ama/ina ang sumasalamin sa katauhan ng ama sa
akda? Paano mo pinahahalagahan ang mga pag-aaruga sa iyo ng iyong mga
magulang?
Kung ikaw ang kapatid ng alibughang anak? Ano ang gagawin mo? Tatanggapin
mo ba ang pagbabalik niya?
Kung ikaw ang alibughang anak sa akda, anong mga aral ang iyong natutunan?
Kaya mo bang humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali?
G. PAGLALAHAT
Ang Parabulang "Ang Alibughang Anak" ay nagpapakita ng dakilang pagmamahal
ng isang ama sa kaniyang anak na nagkasala. Nasaktan man ang ama sa maagang
pagkuha ng mamanahin ng kanyang anak ay ibinigay parin niya ito; at nang
ito ay bumalik sa piling ng kaniyang ama. Siya ay tinanggap ng buong puso
at walang halong pag-aalinlangan. Ipinakikita ng parabula kung gaano
kadakila ang pagmamahal ng isang magulang sa kabila ng pagkakasala ng anak.
Bukod sa ating mga magulang ay isa pang nagmamahal sa atin nang lubos at
kahit ikamatay Niya pa ito ay kaya Niyang gawin. Walang iba kundi ang ating
Diyos. Nagpakamatay siya para sa iyo, sa akin, at sa lahat. Talagang dakila
at lubos na mapagpatawad at mapagmahal ang ating Amang nasa langit.
IV. EBALWASYON / PAGTATAYA
Gawain V. (PAGSULAT NG SANAYSAY)
PANUTO: Bilang pangwakas ikaw ay susulat ng isang sanaysay habang
nakikinig ng awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatang "ANAK" , mag-isip ka
ng paraan upang mapasalamatan ang iyong mga magulang at isulat ang mga aral
at magagandang kaisipan na iyong natutunan. Isulat sa isang buong papel.
V. TAKDANG-ARALIN
PANUTO: Basahin ang parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan" (Mateo 20:1-16) sa pahina 196.