BANGHAY ARALIN SA FILIPINO BAITANG PITO IKATLONG MARKAHAN – PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Inihanda nila: Ortiz, Vincent A Pagay, Jessica D Tonog, Daniza B I.
Layunin
A. F7WG-Ij-6 Nagagamit Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang wikang Filipino Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo. B. F7WG-IIa-b-7 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng isang awit o “jingle” (balbal, kolokyal,
lalawiganin, pormal) C. F7WG-Ih-i-5 Nagagamit ang mga napag-aralang salita sa pagbabagong morpoponemiko sa pagbuo ng patalastas. II.
Paksa – Pagbabagong Morpoponemiko Sanggunian
Gabay ng/sa Guro Filipino Baitang Pito
Makabagong Balarilang Filipino (Binagong Edisyon 2003) nina Alfonso O Santiago at Norma G Tiangco (pp 109-113)
III.
Kagamitan
LCD Projector
Laptop
Makukulay na papel
Kartolina
IV.
Mga larawan at ilustrasyon
Pamamaraan
a. PAGHAHANDA i. Pagbabalik Tanaw (Tanong-Sagot) – (Tanong-Sagot) – Ang guro ay magbibigay ng
mga tanong na nagbabaliktanaw sa nakalipas na talakayan sa aralin sa Morpolohiya. 1
ii . Panimulang G awain: Hakbang ng Gawain: 1. Ang guro ay magpapanood ng ilang mga patalastas na kadalasang napapanood sa telebisyon. 2. Itatala ng mag-aaral ang mga salitang natandaan mula sa inihandang bidyo ng guro. 3. Pipili ng ilang mag-aaral ang guro na siyang magbabasa ng kanilang mga naitalang salita. Pagganyak “Anong pagbabago na ang naranasan mo sa iyong buhay?”
b. PAGTALAKAY SA ARALIN 1. Pagbabagong Morpoponemiko Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anomang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya na kaligiran nito . Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1.
Asimilasyon Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa (ng) sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, ng/ ang ginagamit batay sa kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas sa salita.
May dalawang uri ang asimilasyon: a. Asimilasyong pasryal o di-ganap--karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /ng/ sa posisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog. Ang /ng/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.
2
Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /n/ at ito’y ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /n/. Pansining iisa ang punto ng artikulasyon ng /p, b, m/. Ang huling ponemang /ng/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, s, r, t/.
•Mga halimbawa: •[pang-] +paaralan=pampaaralan •[pang-] + bayan=pambayan
•Mga halimbawa: •[pang-] + dikdik = pandikdik •[pang-] + taksi = pantaksi
b. Pagpapalipat ng Ponema Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito’y inaasimila o
napapaloob na sa sinusundang ponema. May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita.
•Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon. •[pang-] + kuha = pangkuha/ panguha •[pang-] + tabas = pantabas/ panabas •Yaong hindi ginagamitan ng asimilsasyong ganap: •[pang-] + bansa = pambansa (*pamansa) •[pang-] + luto = panluto = (*panuto)
2. Pagpapalit ng Ponema May mga ponemang nagpapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong pianagagawa ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin. 3
• /d/ = /r/ • Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang nagpapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
• May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.
Mga halimbawa:
Mga halimbawa:
ma- + dapat = marapat
lapad + -an = lapadan = laparan
ma- + dunong = marunong
Tawid + -in = tawidin = tawirin
• Bagamat opsyonal ang pagpapalit, higit na gamitin ang anyong may /r/ sapagkat higit na naaayon ito sa likas na hilig ng tao na gawing lalong madali para sa kanya ang pagbigkas.
Samantala, sa hal: ma + dunong = madunong + marunong
/
•Bagamat maaaring gamitin ang alinman sa dalawa, higit na palasak, magaan at madulas ang pagkakakbigkas. •May ilang pagkaaktaon na ang mga nabubuong salita ay magkaiba ang kahulugan. • Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat sa hinulapian o salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang lamang ng mga salita.
3. Metatesis kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Mga halimbawa: -in + llipiad = nilipad -in- + a a = nia a a
4. Pagkakaltas ng Ponema Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala ang paghuhulapi rito. Mga halimbawa: takip + -an = takipan= takpan sara + -an = sarahan = sarhan
5. Paglilipat-diin May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ang isa o dalawang pantig ang diin patungong
4
Mga halimbawa: basa + -hin = basahin ka- + sama + -han = kasamahan larô + -an = laruan (lugar)
huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig patungong unahan ng salita. c. PAGLALAPAT Panuto ng Gawain: Suriin ang mga sumusunod na salita na nagmula sa nakalimbag na patalasta s gamit ang iba’t ibang uri ng Pagbabagong Morpoponemiko.
SALITA
SALITANG PINAGMULAN
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO/ PARAAN NG PAGBUO NG SALITA
Moneygrado Pagkainumin Busoglusog Oysterrific Alkansssya Alkansssya Magicsarap Ginuman Ulamazing Unlitalk
V.
PAGTATAYA Bubuo ng isang mapanghikayat na jingle ang mga mag-aaral na maaring magamit bilang proyektong panturismo.
5
Mga Gawain
PAMANTAYAN SA GAWAIN Kailangan Katamtaman Mahusay pang Magsanay (1) (2) (3)
Napakahusay
(4)
1. Nakahihikayat at kaagad na nakakakuha ng atensiyon ang anunsiyo 2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mga impormasyon 3. Kaakit-akit ang pagkakasulat at mga guhit o drawing na ginamit 4. Wasto ang pagbabaybay, gamit ng mga bantas at malalaking letra sa anunsiyo 5. Sa kabuuan, mahusay ang pagkakagawa ng anunsiyo Puntos – Kahulugan 18-20 – Napakahusay 13-17 – Mahusay VI.
8-12 – Katamtaman 5-7 – Kailangan pang Magsanay
TAKDANG ARALIN Basahin ang akdang ‘Taglish: Hanggang Saan’ ni G . Bienvenido Lumbrera.
6