I.
SUYUAN SA TUBIGAN
Ni: Macario Pineda Mga Tauhan: Ka Teryo – Pangunahing tauhan Ka Albina – Ina ni Nati, Pangalawang tauhan. Nati – Anak ni Ka Albina. Pilang – Pamangkin ni Ka Albina. Ore – Manliligaw ni PIlang. Pastor – – Manliligaw ni Nati Ka Impong, Ka Imong, Ka Inso, Asyong, Toning, Pakito, Filo – mga magsasaka Tagpuan:
Sa tubigan ni Ka Teryo Sa silong ng Punong Kahoy
II.
URI NG PANITIKAN :
III.
BUOD NG KWENTO:
Maikling Kwento
Si Ka Albina ay may isang anak, siya si Nati. Ang kaniyang pamangkin ay si Pilang. Sila ay magkakasama upang lumusong sa landas patungo sa tubigan ni Ka Teryo. Si Ka Teryo ay hindi makakalusong dahil masidhi na naman ang kaniyang rayuma. Habang nag-uusap sina Ka Impong, Fermin at Ore tungkol kay Ka Teryo, nilingon ni Pakito ang dal awang dalaga sina Nati at Pilang. “Kaya pala mukhang mabigat lang ang mga mat ong na iyan. Marahil kay raming pagkain”, wika ni Pakito. Nagtawa si Nati. Si Pilang ay walang imik at tila matamang pinagmamasdan ang landas na tinatalunton. Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit ngiti ay wala siyang isinalo. Patuloy ang banayad ng paghakbang. Tila lalong mapuputi ang mga binti sa ibabaw ng putikang landas. Si Ore ay napansin ang dahan-dahang pagpapatihuli. Tila may malalim na iniisip ang binata ni Ka Inso. Nalingunan ni Pastor na nakaupo sa tabi ni Pilang at tumutulong sa dalaga sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin. “Huwag na, Pastor”, wika ng dalaga. Piniritong kamote at kape lamang naman ang ihahain. Kaya na naming ito. Bakit mo naman tinatanggihan ang aking pagtulong? Tanong ni Pastor. Nang yumuko si Pilang upang hanguin ang iba pang kasangkapan ay nakitang sumulyap ang binata sa dalaga. Si Ore ay nakaupo at tila ang kanyang guyurang pinagdurugtong lamang ang kanyang nakikita. Mapula na mapula ang mukha ni Ore. Lumapit naman si Pastor kay Pilang. Kitang-kita nang abutin niya ang tasa ng kape at kusa niyang sinapupo ang mapuputing daliri ng dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng mainit. “Salamat” wika ni Pastor. Kumislap ang mga mata ni
Pilang ngunit di siya nagsasalita gaputok man. Lumapit si Ore sa kinatitingkayaran. Mayroon pang isang tasang kape na tinimplahan ni Pilang ng asukal. Akala nila’y kay Ore ibibigay yaon. Ngunit si Ore ay kay Nati lumapit. Si Nati ang nagbigay ng kape at kamote kay Ore. Pagkatapos ng kainan ay nagsipagkisaw ang lahat. At siyang pagdating ni Pekto. Nagpapatakbo ng kalabaw na nakasingkaw na sa araro ang binate ni Ka Gabino. At humihiyaw “Kaunti na akong mahuli sa pista.. kaunti na akong mahuli…” Kaysaya ni Pekto at kayliksi niya sa pag-aangat ng kanyang araro kung nilalampasan niya ang mga pilapil. Si Pekto ang may sabi na kung mayroon daw suyuan sa tubigan ay tila may pista ang mga magsasaka. Makisig dangan kasi ang kalakian ni Pekto. Si Ore naman ay dahan-dahang lumapit. Mapulang-mapula ang kaniyang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad sa kaniyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang mga palad ni Ore ay kuskos pa rin siya ng kuskos. Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Tinanaw si Pastor, kumakain na siya sa tabi ng dalawang dalaga. Habang kumakain ang tatlo lumapit si Pilang sa binate. At doon sa kinauupuan ng binate – ilang hakbang ang layo sa karamihan – doon siya dinulutan ni Pilang. Nakitang kumikislap ang ngipin ni Pilang. Ano kaya ang sinasabi kay Ore? Nang muling tumanaw, tila ngibsan na ng hirap si Ore. At mula sa kinatatayuan ang mga binti ni Pilang ay tila lalong mapuputi. IV.
PAGSUSURI
A. TEORYANG PAMPANITIKAN
Romantisismo – pumasok ang teoryang ito sapagkat ito’y tumutuk oy sa pagiibigan ng magsing-irog. Ang pag-ibig na ito ay dumanas ng pagsubok o balakid. Romantiko ang kabuuang disenyo ng kwentong “Suyuan sa Tubigan” dahil isinalaysay ng may-akda ang kwento ng lihim na paghanga at pagliligawan nina Ore at Pilang, Pastor at Nati. Naging saksi ang persona at ang paglilinang sa tubigan sa lihim na pagliligawang ito. Nangingibabaw din sa kwento ang kasimplihan at kapanatagan ng pamumuhay sa baryo. Pansining maligaya ang bawat isa kahit na salat sa karangyaan ang kanilang pamumuhay. Higit nilang pinahahalagahan ang pakikipagkapwa-tao at pagtutulungan kaysa sa pagkamal ng maraming pera. Pansinin ding inosente at marangal ang pagliligawan o pag-iibigan sa kwento. Ang bawat tauhan ay katangi-tangi dahil sila ay mababait at magagalang. Ang kanilang kilos o galaw at paraan ng pagsasalita ay marahan, banayad at kakikitaan ng katimpian at kagawasan sa puso at sa isip.
Sa ganitong paraan, malinaw ang motibo ng kwento, itanghal ang lalawigan o baryo bilang isang katangi-tanging pook kung saan ang bawat isa ay tapat may paggalang sa isa’t -isa. Layunin din ng kwento na gawing ehemplo ang uri ng kanilang pamumuhay, lalung-lalo na iyong sa pagliligawan. B. DIMENSIYONG GINAMIT NG MAY-AKDA KULTURAL –
ang pagliligawan ng mga binata’t dalaga ay nabibilang sa kultural sapagkat ito ay may pagkaromantikong pagliligawan at pag-iibigan. Nagpapakita rin ito na marangal ang pagliligawan o pag-iibigan sa kwento. Ang bawat tauhan ay katangi- tangi, sila’y mababait at magagalang. Ang kanilang kilos o ga law at paraan ng pagsasalita ay marahan, banayad, at kakikitaan ng katimpian at kawagasan ng puso at isipan. Sa ganitong paraan, ito’y nagpapakita ng paggalang sa ating kultura dahil ginagawa pa rin natin ang mga ito hanggang ngayon. C. BISANG PAMPANITIKAN
Batay sa aking pagsusuri, taglay nito ang bisang pandamdamin. Habang binabasa ang kwento, nararamdaman mo kung ako ang iyong binabasa. Ang pagliligawan nina Ore at Pilang, Pastor at Nati ay napakaromantiko dahil sa kanilang galaw sa kwento. Isinalaysay din dito ang kwento ng lihim na paghanga ng mga lalaki sa mga babae. Sa ganitong paraan tiyak na maaantig ang damdamin ng mga mambabasa. V.
REAKSIYON
Sa unang salaysay ng tagpo sa kwento, ipinakita ang lihim na paghanga nina Ore at Pastor kina Pilang at Nati. Ang pamagat ng kwentong “Suyuan sa Tubigan ay tungkol sa pagliligawan at pag-iibigan ng magsing-irog. Nailahad sa pinakahuling parte ng istorya ang pinaka “exciting” at pinakamasayang pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng masaya at maayos na pagliligawan ng mga binata’t dalaga. Ang daloy ng kwento ay maganda sapagkat ang mga binate ay ginagalang ang mga dalaga, nililigawan ito ng maayos na paraan upang maganda ang kahihinatnan ng kwento. At ito’y winakasan ng “ nakala excited” na pangyayari upang lalong mahikayat ang mga mambabasa. Layunin din ng kwento na gawing ehemplo ang muri ng pamumuhay, lalong-lalo na iyong nauukol sa pagliligawan at pag-iibigan. Sinusuri ni: OLYMPIA A. OSIAS BSED III-A FILIPINO Pinuna ni: Madam WILMA GUZMAN Professor Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon FILIPINO III