Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila Taft Ave., cor. P. Faura, Ermita, Manila
NOLI ME TANGERE PLAYFEST SCRIPT III-CALVIN Mga tauhan: Crisostomo Ibarra – Kristan Jerald Daenos Maria Clara – Charlene Magdaluyo Padre Damaso – Errol Pineda Padre Salvi – Fiel Luis Dela Cruz Padre Sibyla – Ronie Von Varona Kapitan Tiyago – Jan-Daniel Belmonte Tenyente Guevara – Ryan Jessie Saldana Tiya Isabel – Debbie Moore Umali Elias – Emman Ferrer Donya Victorina – Marian Luisa Garcia Don Tiburcio – Christian Anthony Flores Narrator – Zaira Patricia Baniaga Alkalde – Eduardo Acosta Matandang Utusan – Shannen Andrade Mga manghuhkay/tagapaglibing – Kirk Marvic Del Mundo(1) at Bjonritz Jasper Tungol (2) Mga binata: Kris Jireh Tongol(1); Louie James Calleja(2); Christian Roice Tayag(3) Kawal – Adrian Nori Madarang Babae #1 – Camille Princess Aguila Mga costume at props: Ryan Arioja Ryan Saldana Louie Calleja Jaseth Matta
Christian Tayag Christelle Bascos Gabrielle Bautista Jan Marie Dita
Sounds: Hannah Del Rosario Bea Ebreo Angelica Martinez Script:
Joannes Paulo Castro
Director:
Zaira Patricia Baniaga
Denice Villegas Krik Del Mundo Errol Pineda
Jan-Daniel Belmonte
Jainnah Gestopa Bianca Resurreccion Katrina Santos Bea Ebreo
SCENE ONE (Setting: Tahanan ni Kapitan Tiyago, may hapag-kainan para sa hapunan; Palubog na ang araw) Narrator: Isang araw noong Oktubre, pinaghanda ang lahat ng taga-Binundok at Intramuros ni don Santiago de los Santos, kilala bilang si kapitan Tiyago. Kabilang sa mga dumalo ang mga matitikas na ginoo, mga nagagandahang dilag, mga praileng Dominiko, at iba pang mga bisitang mula pa sa mga ibayon lugar. (Nag-uusap ang mga bisita, nagpapatugtog ng awiting pang-sayaw) BInata #1: Inaakala kong tayo’y nasa bahay ng isang indiyo. P. Damaso: Aba, huwag kang mabahala! ‘Di tinuturing ni Santiago ang kanyang sarili bilang isang indiyo. Natitiyak kong magbabago ang inyong palagay matapos ang ilang buwan. Binata #1: Aapat na araw pa lamang ang inilalagi ko rito, upang makilala ang lupaing ito. P. Damaso: Kakaibang tao pala ito! Nagpunta ka rito nang walang pakay! Anong kababalaghan! Sapat ang mga aklat ukol sa lupaing ito—maraming nakasulat ng mahahalagang aklat sa paraang ganito! P. Sibyla: Padre Damaso, sinabi niyong nanirahan kayo sa San Diego nang dalawang taon, subalit inyong nilisan. Hindi ba’t nasiyahan kayo? P. Damaso: Hindi! (Biglaang napaupo, nakatulala) P. Sibyla: Kaya pala’t nakalulungkot lisanin ng isang tao ang kanyang pinaglingkuran
nang dalawang taon. Ako ga’y nalungkot nang umalis ako sa Kamiling, ngunit para naman ito sa ikabubuti ko at ikabubuti ng komunidad. P. Damaso: (Pagalit na sumuntok sa lamesa) May relihiyon ba o wala, o kaya’y malalaya ba o hindi ang mga kura? Ang bayan ay napapanganyaya na, at napanganyaya na nga! (Muling sumuntok sa lamesa) (Tumahimik ang lugar, lahat ay tila napansin ang pagtatalo ng dalawang praile. Lumapit si Tenyente Guevara) T. Guevara: Ano ang ibig ninyong sabihin? Anong nangyayari sa inyo? P. Damaso: Kaya’t maraming kaguluhang nagaganap, dahil kinakatigan ng mga kalaban ng Pamahalaan ang mga ereheng kaaway ng mga alagad ng Diyos. T. Guevara: Ano ang ibig ninyong sabihin? P. Damaso: Na ano ang ibig ninyong sabihin? Sinasabi ko ang ibig kong sabihin! Ibig ko, ibig kong sabihin, kapag ang isang kura’y nagpahukay ng isang erehe upang ipatapon ito, sinuman, kahit ang hari, ay walang karapatan na makialam—lalong lalo na ang magparusa. T. Guevara: Padre, ang Kanyang Kamahalan, ang Kapitan Heneral, ay siyang Vice Real Patrono! P. Damaso: Ano bang Kamahalan at anong Vice Real Patrono! Kung ito’y nangyari noon, siya’y nakaladkad na sa hagdan na kagaya ng ginawa sa iba. Yaon an panahon ng tunay na pananampalataya! T. Guevara: Nais kong malaman niyong ‘di ko ito mapapahintulot—ang Kanyang
Kamahalan ang kinatawan ng Kataastaasang Hari! P. Damaso: Ano bang hari ni hari-harian! Para sa amin, wala nang iba pang hari kung hindi siya lamang. T. Guevara: Tigil diyan! (Itinuro si Padre Damaso) Iurong ninyo ang lahat ng inyong sinabi kung hindi ay malalaman ito ng Kanyang Kamahalan bukas na bukas din. P. Damaso: Sulong! Lumakad na kayo, ngayon din! Inaakalaba ninyong kahit ako’y isang praile’y wala akong—? Sumulong kayo! (Inawat ni Padre Sibyla si Padre Damaso) P. Sibyla: Mga ginoo! Huwag nating guluhin ang pag-uusap at huwag humanap ng ano mang ikasasama ng loob ng isa. Ang sinasabi nitong praile sa ngalan ng kanyang pagka-pari ay iba kaysa sa sinasabi ng kanyang sariling pagkatao. T. Guevara: Ngunit ang alam ko ay ang aking mga dahilan, padre Sibyla! Naaalala ko pang ang katulong ni Padre Damaso ang nagpalibing sa bangkay ng isang yumaong mabunying maginoo roon—Opo, isang napakarangal ang pagkatao. Kilala ko siya, at minsan pa’y nakitira sa kanila. Kailangma’y ‘di siya nangungumpisal, kagaya ko. Ngunit kung magpapatiwakal nga ito, isa itong kasinungalingan at paninirang puri. Isang marangal na tao’y hindi magbabalak na magpatiwakal. Iyan lamang ang aking masasabi, at ang iba pa’y di ko na ipapahayag. T. Guevara: (Tumalikod ngunit nagpatuloy) Ang paring ito’y nagbalik sa San Diego, at iniutos na hukayin ang bangkay sa libingan upang ibaon sa isang lugal. Walang nagtangkang tumutol dito, maliban sa
kakaunting nakaaalam ng malagim na sikreto. Nakarating ang balita sa Kanyang Kamahalan, sapagkat isa siyang taong makatarungan. PInarusahan niya ang nagkasala—kaya’t nalipat sa isang mabuting bayan si Padre Damaso. Ito po lamang, Padre Sibyla, ang aking nalalaman. (Tuluyang lumisan ang tenyente) P. Sibyla: Dinaramdam ko ang pagsabi ng mga maseselang bagay na ito. Ngunit ang pagkalipat nakabuti naman sa inyo—. P. Damaso: (Pagalit) Ano ang nakabuti! At ang mga bagay na nawawala sa mga paglipat-lipat na gaya nito—at ang mga kasulatan—at ang—at ang mga bagay-bagay na nawawaglit? (Dumating ang iba pang mga panauhin: mga taga-Europa, pati ang mag-asawang De Espedana, si don Tiburcio at si donya Victorina; napalingon ang lahat sa mga dumarating) Binata #1: Ngunit masasabi ba ninyo kung sino ang may-bahay? Hanggang ngayo’y hindi pa ako naipapakilala sa kanya. Hindi ko pa rin sila nakikilala. P. Damaso: Hindi na kailangan pa ang pagpapakilala. Si Santiago ay isang mabuting tao. (Simula muli ng tugtugan) Narrator: Hudyat na ng isang malaking surpresa para sa mga panauhin ni kapitan Tiyago—ang pagdating ni Crisostomo Ibarra, na pitong taong nanahan sa ibang bayan upang mag-aral, at sa huli’y di malalaman ang kinahinatnan ng kanyang ama. (Pumasok si kapitan Tiyago, at sa likod nito’y si Crisostomo Ibarra)
(Tumahimik ang lahat; lumapit si Padre Damaso upang salubungin ang kapitan) K. Tiyago: Magandang gabi, mga ginoo! (Lumingon sa dalawang praileng nakalimot na siya’y basbasan) Magandang gabi, mga padre! K. Tiyago: Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si don Crisostomo Ibarra, anak ng aking yumaong kaibigan. Ang ginoong ito’y kagagaling lamang ng Europa at aking sinalubong. (Umingay sa paligid; pinag-usapan ang kararating lamang na si Ibarra; lumapit si tenyente upang kilatisin si Ibarra) (Nakipag-kumustahan si Ibarra sa iba pang panauhin) Ibarra: (Nang makita ang mga kura) Aba! Sila ang kura sa aking bayan! Si Padre Damaso, na matalik na kaibigan ng aking ama! (Napatingin ang lahat kay Padre Damaso) P. Damaso: (‘Di man lamang nagulat o kumilos) Ibarra: Ipagpatawad po ninyo, tila ako’y nagkamali! P. Damaso: Hindi ka nagkamali! Ngunit ‘di ko naging kaibigang matalik kailanman ang iyong ama. (Iniurong ang kamay na sana’y makikipakamayan sa praile; tumalikod at napaharap sa tenyente)
T. Guevara: Binabati ko kayo sa maligayang pagdating sa inyong lupain, at nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama! T. Guevara: Sila po’y nakilala ko’t nakapulong, at masasabi kong isa sila sa mga mararangal na tao sa PIlipinas. Ibarra: Ginoo, ang papuring iniukol ninyo para sa aking ama, ay lalong nagparamdam sa akin ng pagtataka kung ano na nga ang naging kapalaran ng aking ama. (Umiiyak na lumisan ang tenyente, at masigla namang nakipag-kilanlan ang binata sa iba pang bisita) Ibarra: (Sa mga kausap) Kung inyong mamarapatin, ako po’y magpapakilala. Mga ginoo, ang pangalan ko po’s Juan Crisostomo Ibarra. Pitong taon akong nangibang bayan upang lalong matutunan ang mundo. (Simula ng mga awiting pang-sayaw) Narrator: Sisimulan na ang hapunan, isang hapunang pagsasaluhan ang mga opinyon ng mga panauhin tungkol sa bayang kiinabibilangan, at sa bagong dating na si Ibarra. (Unti-unti nang dumudulog sa lamesa ang mga bisita) (Ang dalawang praile’y nag-papaunyaya sa isa na umupo sa upuang panguluhan ng hapag) P. Sibyla: Ito’y nauukol sa inyo, padre Damaso!
T. Guevara: Binata, kayo po ba ang anak ni don Rafael Ibarra?
P. Damaso: Para sa inyo, padre Sibyla!
(Napa-angat si Padre Damaso sa kanyang kinauupuan, at tinitigan ang tenyente)
P. Sibyla: Kayo ang mas kilala sa bahay na ito—kinukumpisalan ng babaing maybahay. Ang upuang ito’y para sa inyo, alang-alang
sa katandaan, sa katungkulan at sa pamamahala. P. Damaso: Ang tanging tinitignan lamang ba’y katandaan? Isa pa’y kayo ang kura sa lugar na ito. (Hinila ang upuan) P. Sibyla: Pagkat Inyong pinag-uutos, ako’y sumusunod! (Umanyong paupo) P. Damaso: Hindi ko ipinag-utos sa inyo. Hindi ko ipinag-utos. (Dumating ang tenyente, napigilan ang papaupong si Padre Sibyla) P. Sibyla: Tenyente, dito’y nasa lipunan tayo. Wala tayo sa simbahan. Ang upuang ito nauukol para sa inyo. (Tumanggi ang tenyente) Ibarra: (Biglang naalala ang kapitan) Don Santiago, hindi ba kayo makikisalo sa amin? K. Tiyago: Aba, huwag niyo akong alalahanin. Isipin nating ang hapunang ito’y isang pagpapasalamat sa Mahal na Birhen alang-alang sa inyong pagdating. (Sumigaw sa mga katulong) Dali, at ilabas ninyo ang tinola! Sadyang nagpaluto ako ng tinola para sa inyo, pagkat alam kong matagal nang ‘di kayo nakatitikim nito. (Pumasok ang mga katulong,; nanalangin ang mga praile; at nang maibigay ang pagkain kay Padre Damaso, pagalit nitong tinulak paharap ang lamesa)
Ibarra: Malayong malayo po: kahit ba nalilimutan na ako ng aking bayan, hindi ko kailanman kinalimutan ang sinilangan. Binata #1: Ano pong ibig niyong sabihin? Ibarra: Ang ibig kong sabihi’y santaon na ngayo’y di ako nakatatanggap ng iiham mula sa bayang ito, na para akong isang banyagang di alam kung kailan at paano namatay ang aking ama! T. Guevara: Ay, gayon pala! D. Victorina: Saan kayo naroon at di nagpadala ng isang pahatid-kawad? Noong kami’y ikasal, nagpadala kami ng pahatidkawad sa Espanya. Ibarra: Ginang, nitong huli lamang ay nasa Alemanya at Polonya po ako. D. Tiburcio: Na-na-nakilala ko sa Espanya ang isang polakong taga-Barsobya, na nagngangalang Stadnitzki, kung natatandaan kopa. Hindi ninyo siya kilala? Ibarra: Maaring nakilala ko siya, subalit hindi ko na matandaan. D. Tiburcio: Subalit, hi-hindi ninyo siya mapa-mapagkakamalan! Ibarra: Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsalita roon ng kastila, maliban kung ako ay nasa konsulado. D. Victorina: At paano ang ginagawa ninyo?
Binata #2: Ilang taon kayong wala sa inyong bayan?
Ibarra: Ginagamit ko po, ginang, ang wika ng bayang kinaroroonan ko.
Ibarra: Humigit kumulang po sa pito.
Binata #2: Alin sa mga bansa sa Europa ang lalong naibigan ninyo?
Binata #2: Kung gayo’y maaring nalimot niyo na ang Pilipinas!
Ibarra: Bukod pa sa Espanya na aking pangalawang tahanan, ay alin mang bansa sa malayang Europa.
Binata #3: Kayo, na tila nakapaglayag at nakarating sa maraming bansa, ano ang pinakamahalagang bagay na inyong nakita? (Napaisip si Ibarra) Binata #3: Mahalaga, ukol sa anong kabagayan. Ibarra: Halimbawa—ukol sa pamumuhay ng mga bayan—sa lipunan, sa pulitika, sa relihiyon; anupa’t sa kalahatan, sa diwa, ang kabuuan—. Ibarra: Bago ko dalawin ang isang bayan, sinisikap kong alamin ang kasaysayan nito, at ang pagbabagong nangyayari dito. Lagi kong nakikitang ang kasaganahan at karukhaan ng mga bayan ay may tiyak na na kaugnayan sa kanilang mga kalayaan at kagipitan. Samakatuwid, nasasalig ang mga iyon sa mga pagsusumikap o samalabis na pag-ibig sa sarili ng kanilang mga sinundan o ninuno. P. Damaso: At wala ka na bang nakita kundi iyan? (Pagalit) Hindi mo dapat aksayahin ang iyong salapi upang matutuhan ang mga simpleng bagay na kagaya niyan. Bawat bata ay alam ‘yan! Ibarra: Mga ginoo, huwag sana kayong magtaka sa palagayang-loob na ipinapakita sa akin ng aming dating kura, Ganyan din ang pagpapalagay niya sa akin noong bata pa ako, subalit pinasasalamatan ko rin sila, pagkat naalala ko pa ang mga araw ng pagbisita niya sa aming tahanan upang saluhan ang aking ama. Ibarra: Ako’y pahintulutan niyong magpaalam, mga ginoo. Sapagkat kailangan kong tapusin ang ilang bagay na napakaimportante. Ang pinakamahalagang parte ng hapunan ay natapos na. Mga
ginoo, lahat ay sa ngalan ng Espanya at ng Pilipinas! (Tinungga ni Ibarra ang laman ng kopita, kasama ang tenyente) K. Tiyago: Huwag kayong umalis! Paparating na si Isabel kasama si Maria Clara. Darating na ang inyong bagong kura sa inyong bayan, na isang banal! Ibarra: Paparito po ako bukas bago lumisan, ngayo’y may dapat pa akong asikasuhin. (Lumabas na si Ibarra, sinundan ito ng tenyente) P. Damaso: Nakita na ninyo? Iyan ay dahil sa kapalaluan! Hindi maparaang mapagsalitan sila ng kura. Ang palagay nila sa sarili ay mga taong may pinag-aralan! Iyan ang masamang bunga ng pagpapadala ng kabataang indiyo sa Europa! Dapat ipagbawal ito ng Pamahalaan! (Nagsitayuan ang mga bisita; pinatugtog ang awiting pang-sayaw, at nag-uusap muli ang mga panauhin) (Darating si Tiya Isabel kasama si Maria Clara) Tiya Isabel: Santiago! Narito na ang iyong anak! (pagpasok ni Maria Clara, nagtinginan ang lahat sa kagandahan ng dalaga) K. Tiyago: Mga ginoo, narito ang aking ipinagmamalaking anak, si Maria Clara! (nagpalakpakan) Halina’t simulan natin ang sayawan! (Sinayaw ng mga binata si Maria Clara; nagpatugtog ng mga awiting pang-sayaw)
Narrator: (Habang nagsasayaw ang mga bisita) Sa gabing iyon nasilayan ang tunay na nagaganap sa lipunan—ang kapangyarihan ng mga praile, kaalaman ng isang binata at kagandahan ng isang dilag. Sa gabing din na iyon natuklasan ang mga pangyayaring sasagot sa mga tanong ni Ibarra, ukol sa kanyang ama, na si Don Rafael Ibarra.
Manghuhukay #1: (Kininilabutan, tila’y nandiri sa mga nasabi ng isang manghuhukay)
(Mawawala ang kantahan)
Manghuhukay #1: Khr!! At bakot mo hinukay ang bangkay?
SCENE TWO (Setting: Libingan, Araw ng mga Patay; palubog na ang araw) Narrator: Panahon na upang maitanghal sa mga mata ni don Crisostomo Ibarra ang bangkay ng kanyang amang si don Rafael Ibarra. Matapos malaman ang mga bagay na hin’di niya lubos maisip na mangyayari, marapat nang malaman ng anak kung ano ang kinahitnan ng kanyang dakilang ama. Manghuhukay #1: Hoy! Hindi ba mabuti ang humukay na tayo ng ibang bangkay? Bagung-bago pa ito. Manghuhukay #2: Lahat naman ay ganyan din. Manghuhukay #1: Hindi na ako makatagal! Iyang nahukay at nahati mong buto ay dumurugo pa. Hm! At iyang mga buhhok na iyan? Manghuhukay #2: Napakaselan mo naman! Kung ikaw ang pinahukay na katulad ko ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang nalilibing, at sa gabi, umuulan, at namatay pa ang aking ilaw…
Manghuhukay #2: Naalis ang pagkakapako ng kabaong at nalabas ang kalahati ng bangkay na umaalingasaw. At ito’y papasanin ko pa… At umuulan, at kapwa kami basa, at…
Manghuhukay #2: Bakit? Nalalaman ko ba? Iniutos lang ito sa akin! Manghuhukay #1: Sino ang nag-utos sa iyo? Manghuhukay #2: Para kang isang kastila; ganyan din ang mga itinanong sa akin ng isang kastila pagatapos, bagama’t palihim. Kaya sasagutin kita ng kagaya rin ng isinagot ko sa kanya: ‘Iniutos sa akin ng kurang malaki.’ Manghuhukay #1: A, at pagkatapos? Ano ang ginawa mo sa bangkay? Manghuhukay #2: Aba! Kung ‘di lamang kita kilala at nalalaman kong tao ka, sasabihin kong ika’y kastilang sibil; ang pagtatanong mo’y kagaya rin niya. Alam mo—iniutos sa akin ng kurang malaki na ibaon ko ang bangkay na iyon sa libingan ng mga insik, ngunit dahil kabigatan ng kabaong at kalayuan ng libingan ng mga insik… (Dumating si Ibarra at ang kanyang katulong buhat sa isang karwahe, at hinahanap nila ang bangkay ng kanyang ama) Utusan: ‘Di po ako nakabalik agad dala ng aking karamdaman at mga kaabalahan! Ang sabi po ni Kapitan Tiyago’y siya na ang magpapagawa n nitso, ngunit tinamnan ko
po ng mga bulaklak ang libing at nilagyan ng isang krus na aking ginawa. Ibarra: (Walang imik) Utusan: Naroon po iyon sa likod ng malakig krus na iyon! (Naglalakad ang dalawa patungo sa malaking krus, si Ibarra ay umiiwas sa mga madadaanang kabi) Ibarra: Dito ba? Utusan: Hindi, doon yata, ngunit ang lupa ay nabungkal na! (ang utuan ay nagtataka, bakit nabungkal ang lupa) Utusan: Opo! Natatandaan kong may isang batong katabi. Ang hukay ay maikli nang kaunti. Sapagkat ang tagapaglibing ay may sakit noon kung kaya ang humukay ay isang ksama. Itanong po natin sa kanila (tumuro sa mga manghuhukay) kung saan naroon ang krus.
Utusan: Oo, mga adelpa, sampaga at pensamyento. (Nag-abot ng tabako sa kausap) Utusan: Ituro ninyo sa amin kung alin ang libing at nasaan ang krus. Manghuhukay #2: (nagkamot ng ulo) A, ang krus po ay… (nagdadalawang-isip) akin nang sinunog! Utusan: Sinunog? At bakit ninyo sinunog? Manghuhukay #2: Sapagkat iyon po ang iniutos sa akin ng kurang malaki. Ibarra: Sino ba ang kurang malaki? Manghuhukay #2: Kung sino po? Ang malupit na kura. Ibarra: Ngunit maituturo man lamang ba ninyo sa amin kung nasaan ang libing? Dapat ninyo itong matandaan. Manghuhukay #2: Ang patay ay wala na po riyan!
(Lumapit sa mga manghuhukay ang dalawa)
Ibarra: Ano ang sabi ninyo?
Utusan: Masasabi ba ninyo sa amin kung alin ang libingan na may isang krus doon?
Manghuhukay #2: Ah, opo. Sa kanyang lugar ko inilibing ang isang babaeng isang linggo pa lamang naililibing.
Manghuhukay #2: Isang krus po bang malaki? Utusan: Opo, malaki. Manghuhukay #2: Ang krus ba’y may dibuhong nakaukit at natatalian ng mga yantok? Utusan: Iyon nga, ganyang-ganyan ang libingan na iyon. Manghuhukay #2: At ang libingan po ba’y may tanim na mga bulaklak?
Utusan: Nasisiraan na ba kayo ng bait? Wala pang isang taong naililibing ang hinahanap namin. Manghuhukay #2: Tunay nga po! Ito ay ipinahukay sa akin, ilang buwan na rin ang naklilipas, nang kurang malaki upang dalhin ang bangkay sa libingan ng mga insik. Ngunit dahil po sa kabigatan, at saka umuulan pa nang gabing iyon… (Nagulat at napaurong) Ibarra: (Lumapit, galit na galit at napaurong ang tagapaglibing sa gulat;
napahawak sa balikat ng tagapaglibing si Ibarra at niyugyog) At ginawa mo iyon? Manghuhukay #2: Huwag po kayo magalit, ginoo! Hindi ko po ibinaon sa libingan ng mga insik. ‘Mahanga pa’y malunod kaysa mapasama sa mga insik,’ ang nasabi ko sa sarili ko. Kaya’t itinapon ko po sa tubig ang patay. Ibarra: (Inakmang diniinan ni Ibarra ang dalawang kamay sa balikat ng tagapaglibing, at hinatak ito) Isa kang sawimpalad! (Sabay tumalikod, at nagmamadaling umalis sa libingan) (Naglakad ang binata patungo sa bayan, akmang manunugod ng kung sinumang nais niyang sisihin sa nangyari) (Naglalakad sa kalye si Padre Salvi, at nagkasalubong sila ni Ibarra. Tinitigan ni Ibarra ang pari, at sinugod, kinuha ang balikat nito) Ibarra: (Galit na galit) Ano ang ginawa mo sa akin ama? P. Salvi: (Gulat na gulat at ‘di makasagot. Napaupo na lamang sa gulat) Ibarra: Ano ang ginawa mo sa akin ama? P. Salvi: Kayo’y nagkakamali! Ako’y walang anumang ginawa sa iyong ama! Ibarra: Anong wala? P. Salvi: Hin’di po ako, matitiyak ko sa inyo ang bagay na ito, kung hin’di ang aking hinalinhan, si Padre Damaso! Ibarra: Ah! (Sakay binitawan ang pare, at umalis) Narrator: Unti-unti nang nalalaman ang mga nangyari nang mawala ang binatang si Crisostomo Ibarra. Natutuklasan na ang
mga masasamang hakbanging ginawa ng malaking kura, at patuloy na lumalaki ang galit ng binata sa nasabing pari.
SCENE THREE (Setting: Tanghalian sa bahay ni Kapitan Tiyago) Narrator: Hindi ninais ni Ibarra na magkaroon ng sama ng loob kay Padre Damaso, sa halip, ninais niyang ipagpatuloy ang mga panukala ng kanyang yumaong ama patungkol sa pagtuturo. Ninais niyang magpatayo ng paaralan na katulad ng mga paaralan sa Alemanya. Subalit madami pa rin an kumakalaban sa kanyang masamang loob, at nagkakaroon siya ng mga kaibigang tunay na handing ipaglaban ang tama. Narrator: Dumating ang panahon ng pagbabasbas sa mga nagawa ng binata, at ito’y pinagpistahan muli ng mga alaalang dapat isantabi kung hindi ay maarinf manghimasok sa mabuting gawa ng nasabing ginoo. (Nagkakatapat sa magkabilang dulo ng hapag ang Alkalde at si Ibarra. Nakaupo sag awing kanan ng binata si Maria Clara, at sa kaliwa naman ay isang eskribano. Ang iba pa: si kapitan Tiyago, ang alperes, ang kapitan ang mga praile, ang mga kawani, at ilang binibining nangaiwan, ay nakaupo sa magkabilang panig ng lamesa) (Kalagitnaan na ng tanghalian, may dumating na kawani at iniabot ang mensahe kay Kapitan Tiyago.) K. Tiyago: Mga panauhin, may iwiwika lamang ako ng saglit. Maari ba akong makasingit sa mga makabuluhang usapan ninyo? (Pumayag ang mga bisita)
K. Tiyago: Mga ginoo, darating ngayong hapon ang Kanyang Kamahalan, ang Kapitan Heneral, at sa aking bahay sila tutuloy. (Umalis, taglay ang pahatid-kawad ng Kapitan Heneral)
maging hangal kaysa mga indiyo, na nagpatayo ng kani-kanilang bahay kapag hindi natutunang itayo ang isang paaralang may apat na pader lamang at papatungan ng isang sawali sa ibabaw.
(Dumating ang mga kawani at nag-abot din ng pahatid-kawad mula sa kapitan.)
(Napatingin ang lahat kay Ibara, na nakikipag-usap noon kay Maria Clara.)
Alkalde: Ang kanyang kamahalan ay darating sa ikaapat ngayong hapon, mga ginoo! Magpatuloy na tayo ng pagkain.
Alkalde: Ngunit isipin niyo naman—.
(Nagpatuloy ang pag-uusap ng mga bisita.) (Dumating si Padre Damaso, at kinumusta siya ng mga bisita, maliban kay Crisostomo Ibarra. Nang makitang magkatabi ang magkasintahan, tumabi ito sa Alkalde.) P. Damaso: May pinag-uusapan yata kayo, mga ginoo? Ipagpatuloy ninyo. Alkalde: Patapos na po ang tanghalian. Binabanggit po ni ginoong Ibarra ang mga taong nagsitulong sa kanila sa mapagkawang-gawa niyang panukala, at tinutukoy ng ginoo ang arkitekto—. P. Damaso: Kahit ba wala akong alam sa arkitekto, tinatawan ko lamang ang mg arkitekto at ang mga mangmang na nagpapagawa sa sa kanila. Isipin ninyo, ako ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan at natayo nang buong kahusayan. Pinatunayan ito ng ginoong ingles na nakituloy sa aming kumbento. Ang kailangan mo lamang ay sariling utak upang makalikha ng ganyang mga bagay. Alkalde: Ngunit kailangan pa rin ng mga eksperto upang mapatayo ang mga bagay na iyan. P. Damaso: Ano bang mga eksperto! Ang mga nangangailangan ng mga eksperto ay ang mga tuta. Kinakailangan pang lalong
P. Damaso: Ngunit isipin niyo, kung paanong isang hamak na uldog ay nakapagpatayo ng isang pagamutang mabuti, maganda at mura. Napagawa niya pa ito nang maayos sa halagang walong kuwalta lamang kada araw para sa mga manggagawang taga-ibang bayan pa. Alkalde: Tama ba ang narinig kong walong kuwalta lamang ang kanyang ibinayad? Hindi maari! P. Damaso: Opo, at dapat itong tularan ng mga nagtuturing na mabubuting kastila. Alkalde: Ngunit padre Damaso—! P. Damaso: Kayo, (lumingon sa lahat) kilala ninyo kung ano ang mga indiyo—sandali lamang na matuto ng kaunti sa ibang bayan ay nagtuturing nang isang duktor! Lahat ng indiyong iyan na nagtutungo sa Europa—. Alkalde: Ngunit, pakinggan niyo ako—. P. Damaso: Lahat sila’y magwawakas nang gaya sa nararapat sa kanila! Ang kamay ng Diyos ay laging nakaamba, at kailangang maging bulag upang hindi ito makita. Sa buhay na ito, pinarurusahan ang mga magulang ng ganyang mga indiyo— nangamatay sila si bilangguan, hehe! Gaya na nga ng kasabihan nating wala man lang sukat—.
(Napatigil si Padre Damaso dahil sa masamang titig ni Ibarra. Sinugod ni Ibarra ang praile at sinuntok sa mukha, kaya’t nalagapak nang patihaya ang praile.) Ibarra: (Galit na galit) Lumayo kayo! Kung ayaw ninyong mamatay, lumayo kayo! (Nagpumilit bumangon si Padre Damaso. Sinakal siya ni Ibarra, hanggang mapaluhod.) Alkalde: Ginoong Ibarra, ginoong Ibarra! (Walang kumikilos sa mga bisita.) Ibarra: Kayo riyan! Ngayong hindi kayo nagsisikibo, ako naman ang magsasalita. Siya ang pinakailangan ko ngayon ngunit ngayo’y naririto siya sa kaloob ng Diyos. Hatulan siya ng Diyos! (Tumigil ng sandali, hinahabol ang hininga) Tahimik ang aking budhi, ang aking kamay ay tiyak na—. Bago ang lahat, mayroon bas a inyong hindi nagmahal sa kanilang ama, ipinaganak sa gayong kahihiyan at kaabaan kaya’t kinasusuklam ang kanyang alaala? Nakikita mo? Nadarama mo ba iyang katahimikan na iyan? Maaring hindi mo naunawaan ang pagpapahalaga sa isang ama—ngunit dapat mo ring isipin ang iyong sariling ama! Nakikita mo? Sa lahat nang itong nakatipon dito na iyong inaalipusta, ay wala ni isangkatulad mo! Ikaw ay nahatulang may sala! (Ang mga praile ay nagbabalak na mamagitan, ngunit napatigil sila.) Ibarra: Huwag kayong kikilos! Ano? Natatakot kayong marumihan ng dugo ang aking mga kamay? Sinabi ko nang tahimik ang aking puso. Pakinggan niyo ako: ang aking ama’y isang marangal na tao—itanong ninyo iyan sa baying gumagalang sa kanyang alaala! Mabuti siyang tao, at
nagpakasakit siya para sa kapakanan ng kanyang bayan! Handa siyang magpapasok ng sinuman sa kanyang bahay. Isa siyang mabuting kristiyano. Palagi siyang gumagawa ng kabutihan at ‘di siya kailanmang nang-api ng kapwa. Tinanggap niya ang pareng ito sa kanyang tahanan, ngunit ano ang iginanti nito? Sinisiraan niya ito ng puri, inusig, at ginagamit pa ang kanyang pagkapare. Nilapastangan niya ang kanyang libingan, nilait ang kanyang alaala, at hanggang mamayapa na’y inuusig pa in niya. At hindi pa nakuntento, pati ang anak, ako, ay idinamay sa pag-uusig! Hindi ako nagsasalita sa bawat buka ng kanyang bibig, ngunit nang hinamak niya pati ang alaala ng ama, ako’y nagalit at hindi nakapagtimpi. Kayong naririto, nakita niyo ba siyang nagsusumakit dahil sa inyo? O nalungkot na namatay sa bilangguan, nasabik na kayo’y mayakap, at naghahanap ng makaaaliw sa kanya, siya, na nag-iisa at maysakit samantalang ang anak ay nasa ibang bayan? Saka narinig ba ninyong wala nang laman ang kanyang hukay nang inyo itong dalawin? Hindi? Kayo?’y ‘di kumikibo! Samakatwid: ang taong ito’y binibigyan ninyong sala! (Itinaas na niya ang kanyang bisig, at sasaksakin na ang praile.) Maria Clara: Huwag! Huwag mong gawin iyan, Ibarra! (Napatigil si Ibarra sa paglapit ng kasintahan, at saka binitiwan ang kustilyong kanyang hawak.) Ibarra: (Tinakpan niya ang kanyang mukha, at nagmamadaling lumayo at nawala sa karamihan.) Narrator: Sinubok na ang pasensya ni Ibarra —dahil na rin sa mga opinyong
nakakasulasok sa isipan ng isang anak para sa kanyang ama. Dahil sa pangyayari, naekskomunika si Ibarra, naipaghiwalay ang dalawang magkasintahan, at namantala ang mga masasama upang paghiwalayin ang magkasintahan.
SCENE FOUR (Setting: Tahanan ni Kapitan Tiyago, madilim na ang paligid) Narrator: Naghanda ang lahat para sa isang kasunduang magaganap sa pagitan ng dalawang makapangyarihang nilalang sa bayan ng San Diego—si Kapitan Tiyago at si Donya Victorina. Ang kani-kanilang mga alaga, si Linares at si Maria Clara, ay ipagkakasundong mag-isang dibdib, dahil na rin sa pagkakasala ng dating kasintahan ni Maria Clarang si Ibarra. (Nag-uusap ang mga bisita, nag-uumpukan ang mga dalaga at nagtatalo ang mga lalaki) T. Guevara: (lumapit kay Maria Clara) Kayo’y isang dalagang napakamaingat. Mabuti ang ginawa niyong pagkakabigay ng sulat. Sa ganya’y matitiyak ninyo ang isang hinaharap na matiwasay. Maria Clara: (Lumayo sa tenyente, at nakita ang kanyang tiya) Tiya! Tiya Isabel: Ano ang nararamdaman mo? Maria Clara: Ihatid ninyo ako sa aking silid! Tiya Isabel: May sakit ka ba, anak ko? Para kang nawalan ng buto, ano mayroon ka? Maria Clara: Ako po’y nahihilo, ang mga tao sa bulwagan, ang mga maliliwanag na ilaw —kailangan kong mamahinga. Sabihin ninyo kay ama na ako’y matutulog na.
Tiya Isabel: Nanlalamig ka! Nais mo bang uminom ng tsaa? (Patungong kwarto ang dalawa, sinususi ni Tiya Isabel ang pintuan ng kwarto) Maria Clara: (Napaupo sa lapag) Ina, ina, ina ko! Narrator: Lumipas na ang kantahan, ang mga sayawan at ang pagdiriwang ng mga bisita. Naupos na ang mga kandila at tumahimik na ang sala, ngunit patuloy pa rin nananahan sa tahimik na silid ang dalaga. Tiya Isabel: (Nakinig sa pintuan ng silid) Aba! Nakatulog na nga siya! Palibhasa’y kababaan at walang ano mang inaalala, ay napakahimbing matulog. (Dahan-dahang tumindig ang dalaga at tumingin sa paligid. Tumungo siya sa sutea.) Maria Clara: Isang panatag na kinabukasan! (Tumingala ang dalaga sa kalangitan, inalis ang kanyang singsing, hikaw, aguhilya at suklay.) (May humintong bangkang may lamang damo sa ibaba ng sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Lumabas si Ibarra sa bangka.) Maria Clara: Crisostomo! Ibarra: Oo, ako’y si Crisostomo! Isang kaaway, si Elias, ang umagaw sa akin sa bilangguang pinagsadlakan sa akin ng aking mga kaibigan. (Tumahimik) Ibarra: Sa piling ng bangkay ng aking ina, sinusumpa kong paliligayahin kita! Maaring magkulang ka sa iyong sumpa, dahil hindi
mo siya ina, subalit ako, ang kanyang anak, ay nagpapahalaga sa kanyang banal na alaala. Sa mga panganib na nanghamak sa akin, ngayo’y nandito ako upang tuparin ang aking sumpa. Maria, hindi na tayo magkikitang muli, ikaw ay bata pa, at baling araw ay baka sisihin ka ng sarili mong budhi. Narito ako upang sabihin sa iyo, bago ako lumisan, na pinapatawad na kita. Sana’y maging maligaya ka na, paalam! Maria Clara: Crisostomo! Pinaparito ka ng Diyos upang hatulan ako sa walang pagasang kalagayang ito. Ako’y iyong hatulan! Ibarra: Ayoko ng katahimikang idinudulot mo. Ako na rin ang magbibigay katahimikan sa aking sarili. Ang iyong pag-aba ay mapait kong dadalhin hanggang kamatayan! Maria Clara: Na ako’y paniwalaan mong iniibig kita magpakailanman! (Napangiti si Ibara) A! Nag-aalinlangan ka sa akin—sa kaibigan ng iyong kamusmusan na kailanma’y ‘di naglihim sa iyo ng kahit ano pa man! Nauunawaan kita! Ngunit, kung mababatid mo ang ating napagsamahan, hindi mo kailanmang itatangkang ako’y mamatay sa walang-muwang na medikong gumamot sa akin nang magkasakit ako. Ikaw at ako ay lagi sanang maligaya! (Tumahimik, subalit muling nagpatuloy si Maria Clara) Maria Clara: Ito’y ninais mo, nag-alinlangan ka sa akin! Ngunit patatawarin ako ng aking ina! Sa isa sa mga kalungkut-lungkot na gabi ng aking mga paghihirap, may isang taong nagtapat sa akin kung sino ang aking tunay na ama. Ipinagbawal sa aking ibigin ka—maliban na lamang kung patatawarin ka ng ama kong nagawan mo ng kasalanan! (Napaurong sa gulat si Ibarra)
Maria Clara: Oo, sinabi ng taong iyon na bawal tayo magsama. Ito’y hindi niya makakayanan, sapagkat kung magkakagayo’y mapipilitan siyang ihayag ang katotohanan. Walang kailangang maging dahilan ito ng paglabas ng katotohanan, sapagkat ang aking ama ay si (pabulong) Padre Damaso! Maria Clara: Ano ang gagawin ko? Dapat ko bang iwaksi, dahil sa aking pag-ibig ang alaala ng aking ina, ang dangal ng tinuring kong ama at ang banal na pangalan ng tunay kong ama? Magagawa ko ba ang ganito nang ‘di ikaw na rin ang hahamak sa akin? Ibarra: Ngunit binigyan ka ba nito ng mga katunayan? Kailangan niya itong patunayan! (Inilabas ni Maria Clara ang dalawang liham mula sa kanyang dibdib.) Maria Clara: Dalawang liham mula sa aking ina, na isinulat niya sa gitna ng paghihirap na nadarama, nang dala-dala niya ako sa kanyang sinapupunan. Ayan, basahin mo, at makikita mo kung gaano niyang ninasang mamatay na lamang ako—kamatayan kong ‘di ninais ng aking amang sa pamamagitan ng mga gamot. Itong mga liham na ito ay ‘di na matandaan ng aking ama, ngunit natagpuan ng binanggit ko na sa iyo kanina. Kapalit ng mga liham na ito ang liham ko para sa iyo, upang matiyak na hindi ako maipapakasal sa iyo. Nang mapasaakin ang mga liham, itinakwil kita, itinakwil ko ang aking pag-ibig. Ano ang ‘di magagawa ng isang kagaya ko nang dahil sa isang inang namatay at dalawang amang nabubuhay? Malay ko ba kung sa ano nila gagamitin ang iyong sulat? (Napaupo si Ibarra)
Maria Clara: Ngayon, Ibarra, ngayong nababatid mo na ang aking malungkot nakasaysayan, maipapakita mo pa ba sa akin ang ngiti mong iyan? Ibarra: Maria, ikaw ay isang anghel! Maria Clara: Maligaya na ako, sapagkat naniniwala ka sa akin. Ibarra: Gayunpaman, nabalitaan kong ikaw ay ikakasal. Maria Clara: Oo, ipinipilit nila ako kay Linares—ako’y kanyang minamahal at binubuhay, kahit hindi niya ito tungkulin. At ako, bilang ganti rito, ibibigay ko an gaking katahimikan, sa pamamagitan ng bagong paglalapit na ito ng dalawang pamilya, ngunit—. Ibarra: Ngunit? Maria Clara: Hindi ko malilimutan ang mga sumpa ng pagtatapat na iginawad ko sa iyo. Ibarra: Ano ang iniisip mong gawin? Maria Clara: Ang hinaharap ay madilim at ang tadhana ay nababalot ng mga ulap! Di ko matutunan ang dapat kong gawin, ako’y minsan lamang umibig, at ito’y inilaan lamang para sa iyo! At ikaw, ano kaya ang gagawin mo? Ibarra: Ako’y isang lamang tana—ako’y tumatakas. Di laon ay matutuklasan ang aking pagtakas, Maria. (Matagal na nagyakapan ang dalawa) Maria Clara: Tumakas ka, tumakas ka! Tumakas ka, adiyos! (Tumalon mula sa pader ang binata, at habang palayo’y tinatanaw ang dalaga. Nang makita naman ni Elias ang dalaga, ito’y yumuko bilang tanda ng respeto dito.)
Narrator: (Habang umaalis ang bangka) Ito na ang huling pagkikita ng magkasintahan. Hindi nila alam kung ano ang maaring mangyari sa isa’t isa. At ang tanging patunay lamang ng kanilang pag-aalala sa isa’t isa ang sumpang binitawan sa isa’t isa —ang mahalin magpakailanman ang isa’t isa.
SCENE FIVE (Setting: Bangkang nasa lawa; gabi) Narrator: Handa nang lisanin ni Ibarra ang kasalukuyan, at magtago sa mga kasalanang itinuturo sa kanya ng marami. Handa na siyang itago ang tunay niyang pagkatao, para sa kaligtasan niya, at kaligtasan ng kaniyang kasintahan. Elias: (habang namamangka) Ginoo, pakinggan niyo ang panukalang aking naisip. Ibarra: Ano iyon, Elias? Elias: Itatago ko kayo ngayon sa bahay ng isang kaibigan ko sa Mandaluyong. Dadalhin ko sa inyo ang lahat ninyong kuwalta na aking iniligtas at itinago sa pun ng balete, sa mahiwagang libingan ng inyong katulong. Ibarra: Patutungo ako sa ibang lupain? Elias: Upang kayo’y makapamuhay nang tahimikl sa panahong natitira sa inyong buhay. Mayroon kayong mga kaibigan sa Espanya, kayo’y mayaman maari ninyong lakarin na kayo’y mapatawad sa pagkabilanggo. Ang ibang lupain, para sa akin, ay lalong mabuti kaysa ating sariling bayan. Ibarra: Elias, ang inyong pagkamatay ay nagbuhat sa akin kaanak. Ang aking buhay ay inyong nililigtas, kaya’t
pinagkakautangan ko kayo, ‘di lamang sa kagandahan ng inyong loob kundi rin naman ng tungkuling pagsasauli sa inyo ng inyong kayamanam. Kung ako’y mananahan sa ibang bayan, nais kong isama ka sa pananahamik ko doon. Dito ay sawimpalad din kayo.
ninyo ang inyong sarili, ang inyong Inang Bayan at ang lahat-lahat na.
Elias: (Umliling) Hindi maari! Totoong ako’y ‘di maaring umibig n imaging maligaya sa aking bayan, ngunit maaring tiisin ko ito at mamatay rito, at marahil nang dahil sa kanya. Nawa’y ang kasawian ng aking bayan ay maging akin ring kasawian!
Elias: Natuklasan na kaya nila ang inyong pagtatanan? Humiga kayo, ginoo, upang matakpan ko kayo ng damo. Magdaraan tayo sa tapat ng Polvorista at baka mapuna ng bantay na tayo’y dalawa.
Ibarra: Kung gayo’y bakit ninyo ninanais na ako’y umalis? Elias: Sapagkat sa iban lupain ay maaring maging maligaya kayo, at ako’y hindi. Kayo’y hindi isinilang upang magtiis , at sa gayo’y kasusuklaman ninyo ang inyong bayan, isang araw, na ako’y masasawi nang dahil sa kanya. Ibarra: Hindi tama ang iyong iniisip! Nagpunta ako rito upang humanap ng lunas sa kanser na sumisira sa ating lipunan—. Elias: Huwag niyong ikasama ng loob itong sasabihin ko. Hindi ko kayo sinisisi, nais ko ngang matularan ka ng lahat! Huwag kayong magagalit kung sabihin kong dinaraya niyo lamang ang inyong sariling puso. Iniibig ninyo ang iyong Inang Bayan, sapagkat iyon ang turo sa inyo ng amang umibig rin sa kanyang bayan. Ang lahat ay ngumingiti sa iyo, ang inyong bayan ay di nakagagawa sa inyo ng kahit ano pa mang kabuktutan. Iniibig niyo siya kagaya ng pagibig natin sa mga nagpapasiya sa atin. Ngunit sa araw na kayo’y maghirap, magutom, pag-usigin, ipakulong at ipasuplong, sa araw na iyan ay itatakwil
Ibarra: Hindi kita maintindihan, Elias. (Napatingin sila sa palasyo, napansin nila ang pagkilos at pagkakagulo ng mgabantay ng kawal.)
(Pinahinto ng kawal ang bangka) Kawal: Saan kayo nanggaling? Elias: Sa Maynila po, upang dalhin ko ng damo ang mga hukom at kura. Kawal: Sulong! Huwag kang magpapasakay nang kung sino pa mang tao. Katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung siya’y mahuhuli mo at dadalhin sa akin ay bibigyan kita ng malaking pabuya. Elias: Mabuti, ginoo. Ano po ba ang tanda niya? Kawal: Nakalebita at marunong magkastila. Kaya mag-iingat kaa. (Lumayo ang bangka.) Elias: Maaabala tayo ng ilang sandali. Nararapat tayong pumasok sa ilog Beata upang magkunwaring ako’y tagaPenafrancia. Makikita ninyo ang ilog na ito. (Nagbaba ng ilang gamit sa pampang si Elias, pati ang mga kawayan at mga damo.) Elias: (Nagpatuloy sumagwan) Kayo ang hari ng iyong kalooban, ginoo, at nang iyong hinaharap. Sa aking palagay, isipin ninyong mabuti ang inyong gagawin—
pasisiklabin niyo ang laban, pagka’t mayroon kayong talino, at maraming tutulong sa inyo. Subalit marami po kayong matatapakan, kasama na ang mga taong hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi nais ng Pilipinas na kaya niyang humiwalay sa Inang Espanya. Wala itong hinihingi kundi kaunting kalayaan, katarungan at paglingap. Para sa akin, hindi ako gagamit ng ganyang paraan habang may nakikita pa akong pag-asa para sa aking bayan.
Elias: Nakita na ninyo! Magkikita tayo sa Noche Buena ng inyong ingkong. Lumigtas kayo.
Narrator: (Habang sila’y nag-uusap, pahina nang pahina) Patuloy na pinag-usapan nang dalawa, patungkol sa laban para sa kapayapaan, kagitingan, at kalayaan ng Inang Bayan. Dumating na ang umaga at narrating na ang lawa. Malapit na mahatulan ang kanilang mga nagawa.
Babae #1: Hayun, hayun siya!
Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong na ito. (Tinakpan si Ibarra) Nasasa pagitan natin ang pampang. (Patuloy na nagsagwan) Elias: Huli na tayo! (Nagsagwan ng mabilis) Marunong po ba kayong mamangka? Ibarra: Bakit? Elias: Sapagkat mahuhuli nila tayo kung di ako lulundag sa tubig, at ililigaw ko sila. Ako ay kanilang tutugisin, ngunit magaling akong sumisid. Ilalayo ko sila sa inyo, at pagkatapos ay kayo na ang bahalang magligtas sa sarili niyo. Ibarra: Huwag, dumito kayo, lumaban tayo sa kanila at italaga ang ating buhay! Elias: Wala tayong mararating, wal atayong sandata, at para lamang ibon na kanilang papatayin. (Nagpaputok ang mga kawal)
Ibarra: At kayo? Elias: Ako po’y inililigtas ng Diyos sa lalong malalaking panganib. (Pinaputukan siya ng mga kawal bago pa lamang siya tumalon ng lawa. Tumalon siya sa tubig nang sinikiran ang maliit na sasakyan.)
(Tinapos ang huling eksena sa sunod-sunod na mga putok.) Narrator: Ito na nga ang katapusan ng buhay ng isang kaibigang handang sumuong sa panganib para lamang sa taong maari pang magligtas ng kanyang bayan. Taong ninais lamang na pakawalan ang kanyang Inang Bayan mula sa pananakal ng Pamahalaan, sa kawalan ng kalayaan at hustisyang karapat-dapat mapunta sa tao. Handa na niyang ipaglaban ang bayan, maaring hindi ngayon, ngunit gagawa siya ng paraan upang masaklolohan ang lumalalang kanser ng lipunan.