Ito, ang pinakahihintay ninyong script...HALF pa lang ito ng noli ha...go for it! BAWAL ANG MANGOPYA, EXCLUSIVE TO 3-BELLARMINE STUDENTS OF ADDU ONLY!...
Noli Me Tangere Script by my blockmatesFull description
Full description
Script na sinulat ko para sa dula-dulaan ng Noli Me Tangere noong college. Enjoy! Feel free to use it. You may contact me at my email included in the doc or at [email protected]. Thanks!
KABANATA 21.Full description
sample script
Full description
Script for Jose Rizal's Noli me Tangere Chapters 16-20Full description
bitsler
aDSADDDFull description
Noli Me Tangere Talasalitaan, Pagpapahalaga at mga tanong kasama ang sagot :)Full description
PI 100 NOLI HW
Ito ang kumpletong buod ng Noli Me Tangere. Simula kabanata 1 hanggang kabanata 34.
Descripción: History of Noli me tangere
PagsusulitFull description
Full description
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
Script
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
Noli
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
youifhedfdeger
sbc skdjlfFull description
Noli Me Tangere Act 1- Ang Hapunan Narrator: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayo’ng mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin, NOLI ME TANGERE. ANGERE. Narrator: Alamin Alamin ninyo ang kuwento ng mga tao dito sa bayan ng San Diego; maraming malungkot, masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walang problema. Tiya Isabel: Diyos ko! Naririto Naririto na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. Ay naku, Tiago, Tiago, diyos ko, nasaan ka na! Ang mga bisita mo nandirito na, maghintay lang kayo dito ha, saglit lamang. Padre Damaso: Tch, Tch, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa ibang bayan; napakawalang asal na mga Indio! Lalaking kulay-mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito! Padre Damaso: Wala akong pakealam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa! Hindi marunong magkumpisal, tch, Walang pagbabago sa kalagayan ng bayan! Lalaking kulay-mais ang buhok: Eh, Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mong matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, Tiago, at, ninong ka naman ng anak niyang si Clarita. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph.. Padre Damaso: Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin! Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si… Kapitan Tiago: Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita.
Crisostomo Ibarra: Ah, Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Raphael Ibarra! Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsan ay naging kaibigan ko ang iyong ama! Kapitan Tiago: Tiago: Ah, kilala niyo na pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan! Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa? Crisostomo Ibarra: Pitong taon po… Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito! Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito. Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito? Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama. Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito! Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya! Padre Damaso: Ha! Ganito Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita! Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi n a nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis. Kapitan Tiago: Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din. Padre Damaso: Tingnan ninyo! Kayabangan! Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa, pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno! Act 2- Ang Erehe at Rebelde Tenyente: Don Crisostomo, nabalitaan mo na ba tungkol sa iyong ama? Crisostomo Ibarra: Hindi Hindi po, hindi kop o alam kung paano at bakit siya namatay… Tenyente: Ano?! Walang nagbilin ng mensahe para sa inyo tungkol sa kamatayan ng iyong ama sa bilangguan? Crisostomo Ibarra: Bilangguan? Bilangguan? Ang ama ama ko namatay sa bilangguan? Baka nagkakamali ka! Matinong tao ang aking ama! Mahal siya ng lahat, marami siyang kaibigan! Tenyente: Maraming nagmamahal sa kanya, mayaman din siya, marangal din ang iyong ama, kaya nga marami siyang nakaaway na Espanyol. Crisostomo Ibarra: Ano?! Ano?! Senyor, sabihin niyo po sa akin ang nangyari! Tenyente: Ayon sa mga tao, liban sa aking pagkasaksi, mayroong mangmang na artilyerong Espanyol na binastos ng isang bata, nagalit ang artilyero kaya pinagsisipa niya ang bata, noong mga oras na iyon, naabutan ng iyong ama ang insidente at sinunggaban niya ang artilyero, natumba sa lupa ang artilyero, tumama ang ulo sa isang bato at namatay. Ayon Ayon sa ibang tao, sinuntok ng iyong ama ang artilyero, ayon sa iba, tinulak raw. Ang totoo, nawalan lamang ng balanse ang artilyero kaya ito natumba. Doon, tinalikuran ng mga dating kaibigan at mga taong bayan ang iyong ama, binansagang erehe at filibustero dahil hindi siya mangumpisal sa kanyang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Ipinatapon siya sa bilangguan hanggang siya’y magkasakit at mamatay. Crisostomo Ibarra: … Tenyente: Ako po ay nakikiramay sa iyong kasawian, ngunit, kailangan ko nang bumalik sa kwartel. Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama. Act 3- Suyuan sa Asoteya
Kapitan Tiago: Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San Diego seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit at magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan. Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya doon, nandoon kasi si Ibarra. Kapitan Tiago: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito! Maria Clara: Ano?! Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw talaga, pahiya-hiya ka pa! Crisostomo Ibarra: Maria Clara! Maria Clara: Crisostomo! Maria Clara: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa bansang pinuntahan mo. Crisostomo Ibarra: Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip! Maria Clara: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na naglalaro tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita makalimutan Crisostomo! Crisostomo Ibarra: Maria Clara! Maria Clara: Bukas, Todos Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo iyan sa libingan ng mga magulang mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha? Inaasahan kita! Crisostomo Ibarra: Ha, sige Maria Clara, aalis na ako… Kapitan Tiago: Masayang Biyahe! Act 4- Todos los Santos
Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito! Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah! Sepulturero 1: Tingnan Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo! Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya itinapon ko nalang sa ilog. Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao p ara ilipat sana sa sementeryo ng mga makasalanan? Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon. Crisostomo Ibarra: Magandang gabi sa inyo, may natagpuan ba kayong libingan na may Krus gawa sa kahoy? Libingan iyon ng aking ama, pinagawan ng puntod ng aking kasambahay. kasambahay. Sepulturero 2: Ahh! Ahh! Iyon? Krus ba ang sabi mo? Eh, pinasunog ang Krus ayon sa utos ng Pari noong ilang bu wan. Crisostomo Ibarra: Ano?! Ano?! Ang puntod ng ama ako, nasaan na?! Sepulturero 2: Senyor, Senyor, pinahukay ng Pari ang bangkay sa libingan na sabi mo, ipinalipat sa libingan ng mga Tsino, Tsino, pero, eh, hinulog ko nalang sa ilog. Kakilala niyo po sila? Crisostomo Ibarra: Bingi ka ba?! Ama ko iyong hinulog mo sa sapa! Wala kang hiya! Sepulturero 2: Senyor! Huwag po ninyo akong saktan! Dito sa bayang ito, kailangan kong sundin ang utos ng kura, kahit labag pa sa aking kalooban, kung hindi, baka ako din ay susunod sa libingan ng tatay mo! Crisostomo Ibarra: Sino? Sino ang nagpahukay ng libingan ng ama ko?! Sabihin mo! Sepulturero 2: Yung Yung pari ng bayan, eh, hindi ko na matandaan ang pangalan, parang Padre Garotte, matagal na po iyon, ilang buwan na ang nakalipas. Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mong ipahukay ang bangkay ng aking ama! Padre Salvi: Binata, Hindi kita kita naiintindihan, wala akong pinahukay pinahukay dito! Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali Nagkamali ka sa paghukay ng bangkay ng ama ko!
Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko na Pari, si Padre Damaso! Crisostomo Ibarra: Hindi…hindi ako makapaniwala! Act 5- Ang mga Sakristan Basilio: Crispin, eto, hilain mo iyan, sige na, para makauwi na tayo kay nanay. Crispin: Kuya, ganito nalang ba tayo? Gusto ko nang umuwi kay nanay! Hindi akong pagbibintangan ng magnanakaw. magnanakaw. Sana magkasakit tayo para magsama-sama tayo ni Nanay. Nanay. Basilio: Hindi iyan puwede Crispin, mamatay tayong lahat sa gutom. Crispin: Kuya, paano iyan? Pinagbintangan ako na magnanakaw ng Sakristan Mayor! Tatlumpu’t dalawang piso daw! Papatayin daw ako ng Sakristan Mayor kung hindi ko mailalabas ang pera. Kung ninakaw ko iyon, mailalabas ko! Maniniwala kaya si Nanay sa akin? Basilio: Huwag kang mag-alala Crispin, pagdating nating sa bahay, siguradong tutulungan tayo ni Nanay, tapos, magtatrabaho ako bilang isang magsasaka para hindi na tayo babalik sa simbahan! Sakristan Mayor: Tsk, Tsk, tsk, tsk, hindi talaga aamin ang batang ito! Ilabas mo na ang pera! Crispin: Kuya! Huwag mo akong iwanan! Basilio: Crispin! Sakristan Mayor: Buwisit kang bata ka! Crispin: Kuya!! Basilio: Crispin! Nanay! Nanay! Basilio: Nanay! Nanay! Sisa: Basilio! Diyos ko, anung nangyari sa ulo mo!
Basilio: Nanay, Nanay, si Crispin po pinagbintangan na magnanakaw! Inosente po siya Nanay! Sisa: Oo anak, naniniwala ako, nasaan na ang kapatid mo? Anong nangyari sa ulo mo? Sinaktan ka ba? Basilio: Wala ito nanay, nanay, ah, nadapa lang ako habang papunta rito! Si Crispin po nasa simbahan, hindi siya palabasin ng Sakristan Mayor! Sisa: Ano? Diyos ko! Crispin ko! Pupuntahan Pupuntahan ko ang simbahan ngayon din! Gamutin ko muna ang sugat mo. Basilio: Nanay, Nanay, ayoko na maging Sakristan.
Sisa: Kumain ka muna anak, Pag-usapan natin iyan , pupuntahan ko muna si Crispin. Gwardiya Sibil : Ikaw! Saan mo tinago ang pera! Sisa: Senyor! Papunta lamang ako ng simbahan para kuhain ang aking anak! Wala sa aming pamilya ang pera! Hindi dahil mahirap kami, pagbibintangan mo nalang kami ng basta-basta! Layuan mo ako! Gwardiya Sibil: Anong Anong akala mo sa akin, estupido? Ilabas mo ang pera! Sisa: Senyor! Aray! Diyos ko, maawa ka! Aray! Hindi magnanakaw ang anak ko! Aray! Gwardiya Sibil: Hmph, hindi bale, buha y ang magbabayad sa pagnanakaw ng anak mo! Umalis ka, hampas lupa! Sisa: Buhay?! Crispin! Anak ko! Crispiiiin! Anak Anak ko! Narrator: Oo, masaklap at masakit ang dinanas ng ina, ngunit, ngunit, hindi lahat ng tao ay may muwang sa mga kasamaan at pagdurusang nagaganap, tulad nalang ni Ginoong Ibarra. Act 6- Sa Gubat Maria Clara: Ibarra, ang lamig naman dito sa sapa ano? At ang linis! Crisostomo Ibarra: Ha, sa tingin ko, ang puso mo’y ‘sing linis ng tubig dito.
Maria Clara: Ikaw talaga Crisostomo. Maria Clara: Senyor, Senyor, baka gusto po ninyo ng pan de sal, eto, para sa iyo Elias: Salamat. Elias: May buwaya dito! Crisostomo Ibarra: Maria! Elias: Senyor, Senyor, Iniligtas ninyo ang buhay ko! Ako nga po pala si Elias. Crisostomo Ibarra: Elias! Crisostomo Ibarra: Ako’y Ako’y nasiyahan sa pagpunta ninyo rito sa aking mumunting pagsalu-salo, sana kayo din ay masisiyahan! Narrator: Iyan ang buhay mayaman, maraming pagkain, mukhang walang dapat problemahin, malakas naman sila sa lipunan. Kaya nila bayaran ang anumang magpapasaya sa kanila. Maria Clara: Maliligo muna ako sa maliit na batis sa gubat, saglit lang. Narrator: Kawalang galang, isang pari na tinatawag na banal! Ito ba? Ito ba ang nais ituro ng simbahan sa atin mga Pilipino? Kalapastangan! Gwardiya Sibil: Nasaan ang pilotong si Elias? Ayon sa mga kababayan, ay pinayuhan ni Don Crisostomo Ibarra na mamangka si Elias para sa kanya.
Crisostomo Ibarra: Oo, totoo nga yun, bakit? Gwardiya Sibil: Ipinaghahanap siya ng pamahalaan, nasaan na si Elias? Crisostomo Ibarra: Wala na siya rito, hindi ko na siya napigilang umalis ng gubat. Gwardiya Sibil: Hmmm…salamat. Sisa: Crispin! Wala na, pati si Basilio! Hindi ko na naabutan sa bahay! Crispin! Basilio! Crispin! Basilio! Crisostomo Ibarra: Huwag! Bumalik ka rito! Tutulungan Tutulungan kita!.. Naku, hindi ko naabutan…kawawang ina. Act 7- Sa Bahay ng Pilosopo Narrator: Nahanap ni Don Crisostomo ang oras para itupad ang pangarap ng kanyang ama, ang tumulong sa lipunan. Naisip niya na ang mga kabataan ay lumalaking mang-mang, maraming bata ay natatakot pumasok sa silid-aralan nang dahil sa karahasan ng mga guro sa pagtuturo. Ani niya na pinaniniwalaan ng mga kastila ang pagturo sa mga mag-aaral gamit ng pagpalo at karahasan. Kailangan ni Crisostomo maghanap ng paraan. Pilosopo Tasyo: Tasyo: Ahhh, Don Crisostomo, nar’yan pala kayo, mayroon ba akong maitutulong sa inyo? Crisostomo Ibarra: Tandang Tandang Tasyo, Tasyo, may gagawin sana ako na gusto kong tiyakin na maganda ang resulta. Ako’y Ako’y magpapagawa ng paaralan, malayo sa karahasan ng mga kura, nais ko sanang itanong kung sinu-sino ang aking kukunsultahin sa bayan. Pilosopo Tasyo: Tsk, Tsk, Tsk, ang plano mo, Don Crisostomo, ay naging plano ng isang baliw na tulad ko, ang payo ko ay kalimutan niyo na ang pagpapatayo ng paaralan, mapapahamak ka lamang.< binitawan niya ang braso ng binata, hinawakan ni Pilosopo ang kanyang nguso, parang nag-iisip ng malalim, umupo muli sa upuan> Crisostomo Ibarra: pero…
Pilosopo Tasyo: Tasyo: Ahh..pero Ahh..pero ang ikalawa kong payo ay kumunsulta ka sa mga makapangyarihan at sundin sila, magkunwari ka na sinusunod mo ang payo nila.
Crisostomo Ibarra: Ngunit, hindi kaya maipagpatuloy maipagpatuloy ko ang aking plano na hindi lumalabag sa katotohanan? Pilosopo Tasyo: Tasyo: Walang sinuman ang gusto ng katotohanan Don Crisostomo! Kung nais mong ipagpatuloy ang inyong plano na hindi napapahamak kailangang makisabay sa kanilang hangal na pamumuno! Tasyo> Crisostomo Ibarra: Hmmm…magaling Hmmm…magaling ang hatol ninyo, hindi nabigo ang aking pag-asa sa inyong mabuting payo! Paalam! Pilosopo Tasyo: Tasyo: Sana nga na hindi ka mabibigo, dahil ang pagiging marangal ang nagpahamak sa iyong ama. Act 8- Pista at Ang Sermon Narrator: Panahon nanaman ng pista sa bayan ng San Diego para ipagdiriwang ang mabubuting gawain ng mga santo. Masaya at makulay ang pista, maraming naghahanda ng mga pagkain na iaahain. Kumalat na sa bayan ang plano ni Don Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng paaralan, maraming namangha sa marangal na plano ng binata. < iiba ang setting “stone walls” pero maraming upuan na pang simbahan, may altar din, papasok ang mga tao at isawsaw ang daliri sa isang agwa bendita, bendita, uupo ang mga tao sa upuan at maghanda para sa “misa,” maraming magmumura magmumura at nagiingay tungkol sa kasikipan, pag-init ng temperatura. Nandito sina Maria Clara at Ibarra> Padre Damaso: Makinig kayo ng taimtim, dahil ang salita ng Panginoon ay nasa aking pagsesermon! Kayong mga makasalanan, pasalamat kayong lahat na nandito kaming mga kura para ipatawad ang inyong mga kasalanan! Isapuso ninyo lahat ng kawanggawa ni San Diego de Alcala, isapuso ninyo ang banal na kasulatan at at mangamba kayong mga lahi ng erehe! Yaong mga hindi nagsisi, yaong mga hindi humihingi ng patawad sa simbahan, may parusa kayong habang buhay! Kayo, mga nagmamarunong, nagpupumilit mag-aral sa ibang bansa, paparusahan kayo sa inyong pagmamataas!
Elias: Senyor Ibarra, magsisimula magsisimula na ang pagbasbas ng pundasyon ng inyong paaralan. Huwag kayong lalayo sa tabi ng kura, huwag kayong lalapit sa bato dahil maaaring kasama rito a ng buhay ninyo! Crisostomo Ibarra: Hindi ko naiintin….! Act 9- Ang Derik Madilaw na Lalaki: Tingnan ninyo Nyor Juan, nagawa ko na ang aparatong maglalagay ng unang bato sa paaralan. Nyor Juan: Mahusay! Ginawa mo pa ito ng walang bayad? Sinong nagturo sa inyo? Madilaw na Lalaki: Ang Ang aking ama po na namatay sa mga kamay ng lolo ni Don Crisostomo! Padre Salvi: Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon, magsisimula na ang paglagay ng unang bato sa paaralan ni Don Crisostomo Ibarra! Padre Salvi: Don Crisostomo, nais naming lahat na ikaw ang lalagay ng kutsara sa butas na kalalagyan ng unang bato bilang tradisyon. Pilosopo Tasyo: Tasyo: Masamang simula! Hmmmm!