KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa pagsasaliksik na may patung kol sa “ ANG ANG PINAKA EPEKTIBONG PARAAN NG PAGTUTURO SA PAKSANG BAYAN KO NI JOSE CORAZON DE JESUS AYON SA PANANAW NG BSE- FIL. IV.” Naglalaman
ito
ng
mahahalagang
pananaw
at
impormasyong
makatutulong sa paggawa ng panukalang pananaliksik na ito.
Lokal na Pag-aaral
Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga pamamaraan
upang
matapos
ang
naturang
gawain.
Habang
ang
pangangailagan sa mga gawain ay dumarami lalo na sa pagtuturo, isa sa mga nakikitang problema na kailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol sa mga pamamaraan, metodolohiya, at estratehiya na siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang matugunan.
1|Page
Ayon naman kay Gregorio (1976), sa kanyang aklat na Principles and Methods of Teaching, ang isang pamamaraan upang maging epektibo ay dapat
magkaroonngmgakatangian
at
angmgasumusunod:
una,
angepektibong metodolohiya ay dapat may kasamang kahusayan sa paggabay
upang
makamtan
ang
isang
kaalaman
o
karunungan.
Pangalawa, ito’y dapat magamit ng karamihan sa pagkatuto. Kooperasyon ang pangatlong katangian nito. Pang-apat ay dapat na may remidyal na prosedyurs tuwing inaaplay ang pamamaraang ito. Panlima ay kailangang nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. At panghuli, dapat nakakapagresolba ito ng mga kahinaan sa pagkuha ng impormasyon.
May dalawang uri ng pamamaraan ang ginagamit sa pagtuturo ayon parin
kay
Gregorio;
Pamamaraan.
Tradisyunal
Ang Tradisyunal
na
na
Pamamaraan
pamamaraan
ay
at
Makabagong
isang
pagka-
organisa ng paksang aralin sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapabalik-balik, memorisasyon, at pag-oorganisa ng banghay- araling binuo. Ilan sa mga halimbawa sa mga estratihiya na gumagamit ng tradisyunal na metodolohiya ay ang direktang pag-uutos, pagsasanay, mga leksyurs at mga presentasyon, diskusyon, proyekto o Gawain na Metodo, Tutoring, at pagsasalaysay.
Ang makabagong pamamaraan ay tinatawag namang indaktib na pagtuturo na nakasentro sa kakayahan ng mag-aaral na matutuhan kung
2|Page
paano makapagbibigay ng solusyon sa mga problema gamit ang mga kognitibong kakayahan na matutuhan sa silid aralan.
Kaugnay na Literatura
Sa pag-aaral na ito, binibigyang pokus kung ano ang pinaka epektibong paraan ng pagtuturo sa paksang “Bayan ko” ni Jose Corazon de Jesus. Pati ang kagamitang gagamitin sa pagtuturo ng tula ay dapat ding matukoy. Ilan sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay nagbanggit ng mga paraang ginamit at ito ay ang mga sumusunod:
Ayon kay Astorga (2014), ang pinaka epektibong paraan sa pagtuturo ng araling ito ay ang mga leksyurs at mga paraang presentasyon sapagkat ang araling ito ay isang tula. Hindi madali ang pag-aaral ng ganitong aralin dahil hindi pare-pareho ang kalidad ng pag-unawa ng mga mag-aaral kung sila lamang ang susuri. Ang makabuluhang pag- leleksyurs ng isang guro at ang presentasyong gagawin nito ang higit na makapagbibigay ng sapat na kaalaman na lilinang sa kamalayan ng mga mag-aaral partikular sa pagtalakay sa teoryang pampanitikan na nakapaloob sa isangtula. Ayon naman kay Combes (2014), isang guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Dr. JosefaJara Martinez High School, Ang epektibong paraan ng pagtuturo ng tulang ang “bayan ko” ni Jose Corazon de Jesus, ay ang paggamit ng pangkatang gawain. Dahil ditto makikita ang 3|Page
pang-indibidwal nakakayahan ng bawat mag-aaral ukol sa pagsusuri ng tulang tinatalakay. Sa karanasan niya sa pagtuturo nito, ang pamamaraang ito ang lubhang nagging pinaka epektibo. Subok na niya ang ganitong pamamaraan sa ilang taon niyang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Sa ganitong paraan ay lalong maunawaan ng mga mag-aara lang paksang kanilang tatalakayin. Ayon kay Abella(2014), isang guro sa Macario B. Asistio Sr. High school, ang pagtatalakay na gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng awdyo biswal sa pagtuturo ng tula particular ang tulang “bayan ko” ang pinaka epektibong paraan. Ayon din sa kanya, ang mga kabataan ngayon ay mas natututo at madaling nakasasabay sa talakayan kung ganito ang pamamaraang ginagamit. Halos lahat ng kabataan sa kasalukuyan ay pamilyar sa paggamit ng teknolohiya, kung kaya teknolohiya ang isa sa kagamitang kanyang ginagamit sa pagtuturo ng paksang pampanitikan. Sa pag-aaral na ito, mahihinuha natin na ang isang epektibong pamamaraan ay makakamtan lamang kung ang gumagamit nito ay may sapat na kaalaman sa mga katangian at nai-aaplay niya ito nang maayos at kung saan ang lahat ng mga mag-aaral ay may makukuhang kaalaman mula sa isang paksa gamit ang isang pamamaraan. Ang isang pamamaraan ay matatawag lamang na epektibo kung may magandang resultang naidulot ito sa performans ng mag-aaral at sa guro na gumagamit nito.
4|Page