Kabanata 7 Naghintay si Don Juan sa pagdating ng Ibong Adarna. Nang dumating ang Ibong Adarna at nagsimulang kumanata, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha. Sa bawat kanta ay piniga nita ang dayap sa kanyang sugat. Di na inantok si Don Juan dahil sa hapdi ng sugat niya. Pagkatapos ng pagkakanta ng Ibong Ibong Adarna, natulog ang Ibong Ibong Adarna. Kinuha ni Don Juan ang Ibong Adarna at ipinasok sa hawla. Bumalik si Don Juan sa ermitanyo. Inutos ng ermitanyo si Don Juan na kumuha ng tubig at ibuhos sa dalawang bato. Pagkatapos naging tao ulit ang mga kapatid niya. Nagdiwang sila sa bahay ng ermitanyo at nagpaalam sila at umalis. Kabanata 8 Habang naglalakbay sila ay naiingit si Don Pedro kay Don Juan dahil siya ang naghuli sa Ibon at hindi siya. Dahil sa ito ay may masamang balak si Don Pedro para kay Don Juan. Sinabi niya kay Don Diego na bubugin si Don Juan at kunin ang Ibon upang sila ang paparusahan at hindi si Don Juan. Una ay hindi pinayagan ito ni Don Diego pero sakali ay pumayag. Binugbog si Don Juan at nakuha nila ang hawla at naglakbay patungo sa Berbanya. Noong nakarating na sila ay gumaan ang loob ni Haring Fernando. Pero, noong nakita niya na wala si Don Juan ay lalong nahina siya. Pagkatapos nito ay lungkot ang Adarna at ayaw kumanta kay Don Fernando. Pumangit rin ang kanyang nga balahibo. Sinabi ng hari na nagdududa siya kung ito ba talaga ang totoong Adarna. Hindi aawit and Adarna kung wala ang mayari na si Don Juan kaya umasa ang hari na ligtas pa rin si D on Juan upang makakagaling siya. Kabanata 9: Nagsasagip ng buhay si Don Juan dahil sa bugbog ng kanyang mga kapatid. Habang ang kanyang ama naman ay lumulubha ang sakit. Nagdasal si Don Juan sa Diyos na sana gumaling ang kanyang ama sa tulong ng Ibong Adarna. Hindi umubra ang kapangyarihan ng Ibong Adarna at hindi gumaling ang kanyang ama kasi wala ang tunay na may ari ng Ibong Adarna na si Don Juan. Narinig ang kanyang mga panalangin ng isang matanda galing sa bundok. Ginamot siya ng matanda, nagkamalay si Don Juan at nagkaroon siya ulit ng lakas. Tinanong ni Don Juan kung ano ang magagawa niya upang mabayaran niya sa ginawa ng matanda. Sinabi ng matanda na bumalik siya sa Berbanya para mapagaling niya ang kanyang ama. Kabanata 10: Noong gumaling na si Don Juan bumalik na siya sa Berbanya. Masaya na ang kanyang ama kasi bumalik na ang kanyang pinakamahal niyang anak. Bumalik ang magandang balahibo ng ibong adarna kasi nakita na niya ang tunay na may ari sa kanya. Inawit ng ibong adarna kung ano ang nangyari kay Don Juan. Gumaling sa sakit ang hari sa tulong ng ibong adarna. Pinarusahan niya sina Don Pedro at Don Diego ngunit hiniling ni Don Juan na patawarin sila kasi hindi nila alam ang ginagawa nila. Bumalik ang kaayusan ng Berbanya at ang pagkamalay at sigla ng hari. Inutusan ng hari ang kanyang mga anak na magbantay ng ibong adarna tatlong oras bawat gabi.
Kabanata 11: Kasi naiingit pa rin si Don Pedro may binalak nanaman siya ng masama, upang makaganti din siya sa pagkapahiya nila. Isang gabi iniyaya ni Don Pedro si Don Diego na sabay sila magbantay sa ibong adarna, tinanong ni Don Pedro kung sino magbabantay pagkatapos nila sabi ni Don Pedro na si Don Juan. Pagkatapos ng tatlong oras ng kwentuhan at biruan ginising nila si Don Juan k ahit hindi niya pa oras. Kasi kulang pa sa tulog si Don Juan nakatulog siya habang nagbabantay sa ibong adarna. Pumasok ang dalawa sa silid at pinawalan ang ibong adarna. Nang nakita ni Don Juan na wala na ang ibong adarna agad siyang umalis sa palasyo. Nang magising ang ama nila nakita niya na wala na ang ibon, tinanong niya kung sino ang bumantay noong gabi na iyon sabi ng magkapatid na si Don Juan, Inutusan niya ang kanyang dalawang anak para hanapin si Don Juan, habang naghahanap nakarating sila sa Armenyang Kabundukan. Kabanata 12 Maganda ang bundok ng Armenya. Maraming malalaking puno. Marami ding ibon na ibat ibang klase. Maamoy din nga sampaguita at milegwas. Mapayapa ang lugar na iyon at malayo sa ligamgam. Doon tumahan si Don Juan. Nagkakita bigla sila Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Nagusap sila kung dito nalang sila maninirahan. Masaya palagi sila doon tuwing linggo ay nasa kanilang naman kubo at nag sasalu-salo. Kabanata 13 Naglakad sila at habang naglalakad, may nakita silang balon. Malalim ito at wala silang nakitang tubig. Makinis ang bunganga ng balon. Naisip ni Don Juan na bumaba dahil baka may hiwaga ito. Nagwika si Don Diego na siya mauuna dahil siya ay masmatanda kay Don Juan. Ngunit, tinigilan siya ni Don Pedro. Si Don Pedro daw ang dapat bumaba dahil siya ay ang panganay. Pumayag ang dalawa. Pero hindi kaya ni Don Pedro bumaba dahil sa kadiliman. Si Don Diego naman ang sumunod ngunit natakot din siya. Si Don Juan ang sumunod. Nilabanan niya ang takot. Tiniis niya ang dilim hanggang nakababa siya. Nang nakababa siya, nakita niya isang palasyo gawa raw sa mga engkanto. Kabanata 14 Nakita niya ang isang babae na pangalan ay si Donya Juana. Pinuri niya ang prinsesa. Ngunit may higante na nagbabantay kay Donya Juana. Nang bumalik ang higante, naamoy niya si Don Juan. Kinalabutan ang prinsesa. Naglaban ang dalawa na parang bagyo. Sa wakas, napatay ni Don Juan ang higante. Natuwa ang dalawa. Paalis na sana sila ngunit naiwan ang isa pang kapatid ni Donya Juana na si Leonora. Sinabi ni Donya Juana na ang serpyente ang nag babantay kay L eonora.
Kabanata 15 Patuloy naglakad si Don Juan. Nakita na niya ang palasyo ni Leonora at maganda ag lugar na ito. Ngunit nang nakita niya si Leonora, natanga siya. Tinanong ni Leonora kung ano ang ginagawa ni Don Juan dito. Sinabi ni Leonora na mapanganib ang buhay ni Don Juan dahil may nagbabantay na serpyente. Nag usap sila. Habang nag-uusap sila, dumating ang serpyente. Naamooy din ng serpyente si Don Juan. Naghamon si Don Juan na maglaban sila ng serpyente. Ang dalawa ay naglabann ngunit hindi namamatay ang serpyente kahit na pinutol ang ulo. Kaya binigyan siya ni Leonora ang isang balsamo. Sinabi niya na tuwing naputol niya ang isang ulo, buhusan niya ito. Sa wakas, natalo ni Don Juan ang serpyente. Umalis na sina Don Juan at Leonora papunta sa balon. Kabanata 16 Lumbas sina Don Juan at Donya Leonora mula sa balon. Samantala may naiwan na singsing si Donya Leonora sa loob ng balon kaya bumalik ulit sa si Don Jun. Sa pagbaba niya, pinutol ni Don Pedto ang lubid upang mahulog at maiwan si Don Juan at mapunta na sa kanya si Donya Leonora. Kabanata 17 Bumalik sina Donya Leonora, Juana, Don Pedro at Diego sa Berbanya. Nalungkot ang Hari dahil hindi niya nakita si Don Juan na kasama sa kanila. Gustong pakasalan ni Don Pedro si D onya Leonora pero ayaw ni Donya Leonara. Humingi si Donya Leonara sa Hari ng pitong taon dahil sa panata niya na babalik si Don Juan. Nagpakasal sina Donya Juana at Don Diego. Nagkaroon ng 9 na araw na kasiyahan sa kasalan ni Donya Juana at Don Diego. Kabanata 18 Naabutan ng Lobo si Don Juan na sugatan at mahina. Ang lobo ay kumuha ng tatlong bote ng tubig sa ilong Herdan. Nilagyan ng lobo ang bote ng tubig at g inamot nito ang sugat ni Don Juan. Nang gumaling na si Don Juan, umalis sila mula sa balon at nagpalaam ang lobo. Nakita ni Don Juan ang Ibong Adarna at umawit ang Ibong Adarna. Kinanta ng Ibong Adarna na kalimutan na si Donya Leonora at may mas magandang babae na si Maria Blanca anak ni Haring Solermo. Kabanata 19 Habang si Don Juan ay papunta sa de los Cristal malungkot na malungkot naman na naghihintay si Leonora sa kanya sa Berbanya. Lubos na nag-aalala si Leonora dahil wala siyang balita tungkol sa lobong ipinadala niya at di niya alam kung buhay pa si Don Juan. Samantala si Don Juan naman ay di mahanap ang de los Cristal. Tatlong taon siyang naglakbay ngunit di pa rin niya nakita. Nakatagpo siya ng isang ermitanyo na nagbigay ng pagkain at tubig subalit di rin niya alam ang tamang daan pinapunta siya sa isa pang ermitanyo at doon siya pinuyahan na magtanong.
Kabanata 20 Sa Berbanya lubos pa ring iniisip ni Leonora si Don Juan. Biglang nagpakita si Don Pedro at pinipilit siyang kalimutan na ang pagmamahal kay Don Juan at magpakasal na lamang sa kanya ngunit di pumayag si Leonora at sinabi na maghihintay siya ng 7 taon para kay Don Juan. Kabanata 21 Lumakbay si Don Juan ng limang buwan papunta sa isaang ermitanyo. Ipinakita ni Don Juan ang barong ibinigay sa kanya ng unang ermitanyo, at sinabi ng ermitanyo na ito ay ang baro ni Hesus. Tinawag at tinanong ng ermitanyo ang mga hayop sa gubat, pero wala ang nakakaalam kung saan ang de los Cr istal. Sakay ng isang olikormyo, pumunta si Don Juan sa isa pang ermitanyo. Tinanong ni Don Juan kung nasaan ang de los Crista. Kabanata 22 Dumating si Don Juan sa kaharian ng de los Cristal . Pumunta siya sa paliguan ng mga prinsesa. Nakita ni Don Juan si Maria Blanca. Napatulala siya sa ganda ni Donya Maria. Ninakaw ni Don Juan ang mga damit ni Donya Maria. Nalaman ng prinsesa na nawawala ang kanyang mga damit. Isang oras siyang naghanap, pero hindi parin niya ito nahanap. Galit na galit si Donya Maria. Umamin si Don Juan na siya ang nagnakaw ng damit niya at ipinakilala ang kanyang sarili. Pagkatapos nito, inibig nila ang isa’t isa. Kabanata 23 Binabala ni Donya Maria si Don Juan na ang mga baton a nakikita nila ay ang mga lumigaw sa kanya noon. Tinuruan ni Maria kung ano ang mga hindi dapat gawin ni Don Juan sa harap ni Haring Salermo. Hindi sumunod si Don Juan. Dahil dito, binigay ni Haring Salermo ng isang utos. Ang utos na ito ay pagpatag ang bundok, pagtatanim dito ng trigo, pag-ani at paggawa ng tinapay mula sa inaning trigo. Kabanata 24 Nagbigay si Haring Salermo ng mga pagsubok kay Don Juan upang Makita k ung siya ay nararapat para kay Donya Maria Binigay siya ng anim na pagsubok na ito, at ang bawat isa ay nagawa ni Don Juan. Nagtaka si Haring Salermo kung paano niya ito nagagawa. Hindi siya nakakapaniwala na nagagawa ito ni Don Juan. Hindi niya alam na ang pag-ibig ni Donya Maria kay Don Juan ang nakakatalo sa kanya. Ang mga pagsubok: 1.)
Ibalik ang labindalawang negrito na papakawalan niya sa laot ng karagatan
2.)
Ang bundok ay maiusod, itapat ito sa bintana
3.)
Iusog ang bundok at gumawa ng kastilyo
4.)
Ang bndok na nasa dagat ay isauli
5.)
Hanapin ang singsing ni Haring Salermo sa karagatan
6.)
Paamuin ang isang kabayo ni Haring Salermo
Kabanata 25 Tinawag ni Haring Salermo si Don Juan at pinapunta niya siya sa palasyo. Pagdating doon ay nagpasalamat ang hari sa mga ginawa ni Don Juan. Pinapili niya kay Don Juan sa tatlong silid ang mga anak niya. Nakikita lang ang mga daliri para mahirapan siya pero napili parin niya si Donya Maria. Dahil dito, hindi nakakibo ang hari dahil mawawala na ang isa sa mga anak niya. Naging plano ng hari na ipapaalis niya si Don Juan at papuntahan siya sa Inglatera. May kapatid siya roon at ipapakasal niya si Don Juan sa kanya pero kung hindi ito mangyayari, ang balak ng hari ay patayin nalang si Don Juan. Nalaman ni Donya Maria ang plano ng hari at nagbalak rin na, kasama si Don Juan, lumayas at pumunta sa Berbanya. Sinabi niya kay Don Juan na kunin ang ikapitong kabayo dahil ito ang pinakamabilis pero nakalimutan ni Don Juan at nakuha ang ikawalong kabayo. Pagtakas nila ay humabol ang hari. Dahil mali ang kabayo na napili ni Don Juan ay nakahabol ang hari sa kanila. Inilaglag ni Donya Maria ang isang kohe at ang lupa ay naging dagat at dahil dito ay hindi na mahahabol ng hari sila. Sa g alit ng hari ay hiniling niya sa Diyos na pagdating nila sa Berbanya ay malilimutan ni Don Juan si Donya Maria at iba ang makakasal ni Don Juan. Sa sama ng loob ng hari ay nagkasakit siya at namatay. Kabanata 26 Iniwan ni Don Juan si Donya Maria malapit sa Berbanya dahil kailangan pa harapan ang tatay niya. Sinabi niya kay Donya Maria na babalikan niya siya. Pumayag si Donya Maria pero hinling kay Don Juan na umiwas sa mga babae dahil baka makalimutan niya siya. Pagdating ni Don Juan sa Berbanya ay lahat nagging masaya, lalo na dito si Donya Leonora na naghintay ng pitong taon para sa kanya. Nakalimutan na ni Don Juan si Donya Maria at sinabi ni Donya Leonora sa hari na gusto niya kasalin si Don Juan. Nagisip ng mabuti ang dito pero sa wakas ay pinayagan ito. Nagsaya ang lahat pero nagalit si Donya Maria dahil nakalimutan ni Don Juan ang pangako niya sa kanya. Kabanata 27 Sa araw ng pagkasal nina Don Juan at Donya Leonora ay dumating si Donya Maria. Nakasakay siya sa ising karosang walang papalag sa kagandahan at nagbihis siya ng isang emperatris. Sinusuot rin niya ang isang singsing na may mahika: lahat ng hinihiling ay nakukuha. Pagdating sa Berbanya ay sinalubong ng reyna at hari. Tinigil nila ang kasal para sa kanya at tinanong kung ano gagawin niya. Sinabi ni Donya Maria na mayroon siyang palabas na inihanda niya para sa kasal. Mayroong magkasal na negrito at negrita at ang negrita ay may hinahawak na panghampas. Nagsimula na ang palabas at ang negrita ay tinanong ang negrito ng pangalan at kung kilala niya si Donya Maria pero sinabi ng negrito na wala siyang maalala. Tinanong ng negrita kung bakit niya nakalimutan dahil siya ang irog niya. Kwinento ng negrita ang mga ginawa ng totoong Donya Maria sa pagtutulong kay Don Juan sa mga pagsubok ng hari. Hinampas ng negrita ang katawan ng negrito pero nasasaktan si Don Juan. Nagsayaw muli ang mga ita at ngayon naman ay t inanong ng negrita sa negrito kung naala niya ang pagtulong ulit ni Donya Maria kay Don Juan pero hindi parin niya maalala kaya hinampas muli. Nasaktan nanaman si Don Juan at tumayo siya sa sakit. Tinuloy ng negrita ang pagkwento sa mga ginawa ni Donya
Maria sa tulong niya sa pagtatakas sa hari pero hindi parin maalala ng negrito at nasaktan muli si Don Juan. Tinuloy muli ang kwento at inilabas ni Donya Maria ang mga damdamin niya kay Don Juan at tinanong ulit sa negrito pero wala parin sa kanyang lirip. Nasaktan muli si Don Juan at natapos na ang palabas. Wala na ang dalawang ita at natitira lamang ang praskong balat ng pilak Kabanata 28
Nagalit na si Donya Maria dahil hindi parin siya maalala ni Don Juan at hinwakan niya nag prasko at handa na niyang basagin na biglang naalala na ni Don Juan siya. Humingi siya ng tawad kay Donya Maria, hinalikan siya, at sinabi niya na mahal parin niya siya at kung may galit pa siya ay patawar in na niya si Don Juan. Dahil dito ay nagulat si Donya Leonora at kwinento niya sa hari ang nangyari sa kanya at Don Juan at kung paano niya iniligtas siya at ang kapati niya, si Donya Juana. Kwinento rin niya ang pagtaksil ni Don Pedro kay Don Juan. Tumuloy ang pagkasal ni Don Juan kay Donya Leonora pero sa galit ni Donya Maria ay ang tubig sa kanyang prasko ay ibinuhos sa palasyo at nagbaha ang buong reyno dahil dito. Kinausap ni Don Juan si Donya Maria at sinabi na mahal niya siya. Tinigil ang kasal nina Don Juan at pinakasal si Donya Leonora kay Don Pedro dahil ay titibay ang kaharian. Pinagsalamatan siya ni Don Juan dahil sa pagligtas niya sa kanila.