Ang asignaturang ito ay lumilinang lumilinang sa mga mga kasana kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at at pag iisip iisip sa Filipino
Ang asignaturang ito ay lumilinang lumilinang sa mga mga kasana kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at at pag iisip iisip sa Filipino
Saklaw
ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis at mabisang pang-unawa.
Sa
pagsasalita naman , nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at istrukturang panggramatiko.
Sa
kasanayan sa pagbasa nalilinang ang husay sa pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag unawa at kasanayan sa pagaaral at pananaliksik.
At sa pagsulat napapaganda ang sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kasiyasiyang kaayusang pansulatin.
(Elementarya)
Nagagamit
ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pagsalita at pagsulat); nag papamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba·t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakipakinabang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Pagkatapos
ng unang baitang, inaasahanng nabibigkas at nakakabasa ang mga mag aaral ng mga alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog; nakagagamit ng mgagalang na pagbati sa pang-araw-araw na pagusap; naisusulat ang sariling pangalan at nakakasulat ng payak na pangungusap.
Pagkatapos
ng ikalawang baitang, nakapagsasabi ang mga mag-aaral ng pangunahing diwa ng napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay , pook; nakakabasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at nakasulat ng kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.
Pagkatapos
ng ikatlong baitang, nakapagsasalaysay ang mag-aaral ng buod ng npakinggan/nabasa; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinaguusapan; nakababasa at naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita; natutukoy ang pag kakaiba ng opinion at katotohanan; nakababasa ng mga pag-unawa at naisusulat ang mga idiniktang iba·t ibang anyo ng teksto.
Pagkatapos
ng ika apat na baitang, nakapag papahayag ang mag aaral ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig; nakapag bibigay rin ng matalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di tuwiran; natutukoy ang mga pangyayaring nag uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at napag susunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon; nakikilala ang iba·t ibang bahagi ng babasahin at nakasusulat na ng maikling komposisyon.
Pagkatapos
ng ika limang baitan, nakapagbubuod ang mag-aaral ng nabasa at napakinggan; nakabubuo ng iba·t ibang pangungusap; nakakagamit ng iba·t ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat na ng iba·t ibang pahayag at sulatin na may 15-20 pangungusap.
Pagkatapos
ng ikaanim na baitang, nakapag-aayos ang mag aaral ng napakinggang teksto at nalilipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag; nagagamit ang iba·t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag, nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa ano mang sitwasyon at nakasusulat na ng ilang uri ng salaysay o dayalogo sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.
Sekondari
Itinuturo
ito bilang sabjek pang wika.
Upang
magamit ang wikang ito bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo.
Bilang
isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang pangunahing mithiin ng Filipino ay makadevelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga pangangailangang kasanayang makro ² ang pagbasa, pag sasalita at pakikinig. Bilang isang sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kbatiran at kasanayan siya sa apat na component ng kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyolingwistik, at istratejik.
Bilang
isang larangan ng pagkatuto at pantulong na sabjek sa level ng sekondari, makilala ang Filipino bilang
FILIPINO SA ISKOLARLING PAKIKIPAGTALASTASAN.
Ang bibigyan ng focus ay ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang wika kasabay sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.
Ang focus ay ay ang pagtatamo ng mapanuring pag iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag unawa sa iba·t ibang genre ng panitikang (lokal at rehyunal, nasyunal at Asyano) nakasalin sa Filipino.
Mananatili
ang pag bibigay ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa pamamagitan ng exposyur sa iba·t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat.Ito ay pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat markahan.
Sa
pag tatapos ng unang taon, ang isang mag-aaral ay nararapat na nag tataglay na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit ng wasto ang mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan sa tulong ng mapanuring pagbasa sa iba·t ibang uri ng texto.
Sa
pagtatapos ng ikalawang taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nagtataglay ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa ng iba·t ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na strukturang gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan.
Pagkatapos
ng ikatlong taon, ang isang magaaral ay dapat na nag tataglay na ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng kritikal pagpapasya upang mabigyang ² halaga ang ating pambansang panitikan batay sa umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at teoryang pampanitikan.