Halimbawa ng isang Banghay Aralin sa ikawalong baitangFull description
FILIPINOFull description
Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
:)Full description
Banghay Aralin sa MapehFull description
Banghay Aralin sa Filipino 4 tungkol sa Simuno at Panaguri at ang mga gamit nito sa pangungusap
Full description
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IVFull description
Masusing banghay-aralin tungkol sa mga batayang konsepto ng komunikasyon.
Ang "Ang Aso at Ang Uwak: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula" ang naitalaga sa akin bilang paksa nang ako ay mag-apply bilang Filipino Subject Teacher sa St. Agnes Academy. Ito ang nabuo kong bang...Full description
BANGHAY ARALIN
NATIONAL TEACHERS COLLEGE
Quiapo, Manila
Division of Graduate Studies and Research
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
Bilang Bahagi sa Pagtupad ng pangangailangan sa Fil 603
Inihanda ni Gng. Maria Patricia A. Batario
Ipinasa kay: Dr.Pamfilo Catacataca
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
I. Layunin
A. Nasusuri ang bawat bahagi ng maikling kwento mula sa mga piling pangyayari.
B. Nabibigyang kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa binasang akda.
C. Naisasalaysay nang may pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari mula sa akdang binasa.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: "ANG AMA"
Maikling Kwento - Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
B. Wika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng liban sa klase
2.Pagsasaayos ng silid
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng iba't ibang hanapbuhay ng ama.
C. Paghahanda
1. Pag-unawa sa Binasa
(Jigsaw Reading) Pangkatang Gawain
2. Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita o pahayag mula sa akdang binasa:
a. alaala ng isang lasing na suntok
b. kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos
c. isang matigas ang loob
d. bumulwak ang wagas na pagmamahal
e. ang maitim na ulap na nagbabantang mapunit
D. Pagtalakay
1. Pagsasalaysay sa tulong ng mga larawang angkop sa binasa ng pangkat.
E. Paglalapat (Pangkatang Gawain)
Gawain 1 - Pagsusunod-sunod ng pangyayari (Fan Fact Analyzer)
(mula sa larawan)
Pangungusap na may Pangatnig/Transitional Device
Gawain 2 - Pagkilala sa Tauhan
Katangian / Ugali ng Ama
Pangyayari
Gawain 3 - Sa pamamagitan ng role playing, isadula ang pangyayari sa kwento na nagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama. Paano niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kaniyang anak.
Gawain 4 – sa pamamagitan ng tableau, ipakita ang iba't ibang kaugaliang Pilipino,
na nagpapahayag ng pagmamahal sa mga yumaong mahal sa buhay.
Gawain 5 – Isa-isahin ang mga kaugalian at kultura ng mga taga-Singapore na masasalamin mula sa kwentong binasa.
Gawain 6- Paglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama.
IV. Ebalwasyon
Bumuo ng kaisipan na naglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama mula sa larawan sa ibaba
V. Takdang Aralin
Magsaliksik hinggil sa mga ss:
1. katangian ng Maikling Kwentong Makabanghay, isa-isahin ang mga ito.
2. elemento ng maikling kwento.
3. sangkap ng maikling kwento.
Isulat o idikit sa notebook ang iyong nasaliksik.
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Nasusuri ang mga katangian ng kwentong binasa.
B. Naihahambing ang katangian ng maikling kwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kwento.
C. Nailalahad ang kwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: "ANG AMA"
Maikling Kwento - Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
Pagsusuri sa Katangian ng Maikling Kwentong Makabanghay
B. Wika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pumili ng isang bagay na nasa loob ng silid-aralan kung saan maihahambing mo ang iyong ama. Bakit mo ito napili?
B. Balik-aral
Pagbubuod ng kwentong binasa at tinalakay noong nagdaang araw.
C. Paglalahad
Pagpapabasa ng akda "Nang Minsang Maligaw si Adrian"
D. Pagtalakay
1. Paglalahad ng kwento sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
Kaugnay na PangyayariKaugnay na Pangyayari
Kaugnay na Pangyayari
Kaugnay na Pangyayari
SIMULASIMULA
SIMULA
SIMULA
Kaugnay na PangyayariKaugnay na Pangyayari
Kaugnay na Pangyayari
Kaugnay na Pangyayari
Kaugnay na PangyayariKaugnay na PangyayariGITNAGITNA
Kaugnay na Pangyayari
Kaugnay na Pangyayari
GITNA
GITNA
WAKASWAKAS
WAKAS
WAKAS
2. Mga Katangian ng Maikling Kwentong Makabanghay (Takdang Aralin ng mga mag-aaral)
3. Mga Elemento ng Maikling Kwento
IV. Ebalwasyon
1. Pagpapakahulugan sa Maikling Kwentong Makabanghay
Lagyan ng tsek ayon sa naunang gawain.
______ Nakatuon sa pagkakabuo ng pangyayari
______ Nakapokus sa tauhang gumaganap sa kwento
______ Naglalarawan sa pook o lugar na pinangyarihan
______ Sunod-sunod ang mga pangyayari
______ Nakabatay ayon sa pagkakaproseso sa paglikha ng kwento.
IV. Takdang Aralin
Basahin ang akdang "Anim na Sabado ng Beyblade"
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Natutukoy ang iba't ibang Transitional Device na ginamit sa akdang binasa.
B. Nagagamit ng wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa sariling pangungusap.
C. Nasasagutan ng wasto ang pagsasanay na inihanda ng guro.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: "ANG AMA"
Maikling Kwento - Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
B. Wika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapasalaysay sa isa o dalawang mag-aaral hinggil sa ginawa nilang paghahanda bago pumasok sa paaralan sa araw na ito.
2. Ipaulit sa isang mag-aaral ang inilahad ng kapwa mag-aaral.
B. Paglalahad
Paglalahad ng kwentong binasa (Takdang Aralin) gamit ang isang grapikong presentasyon, ang timeline.
ANIM NA SABADO NG BEYBLADEANIM NA SABADO NG BEYBLADE
ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
C. Pagtalakay
1. Ang mga Transitional Devices
2. Wastong Gamit ng Mga Transitional Devices
3. Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang mga Transitional Devices.
D. Paglalapat
Balikan ang panimulang gawain, suriin ang ginawang paglalahad ng mga kapwa mag-aaral sa paggamit ng transitional devices.
Pagpapalitang kuro hinggil sa paksa.
G. Pagsasanay
Pagsagot sa pagsasanay sa aklat Panitikang Asyano sa pahina 28, "Krus".
IV. Takdang Aralin
Magdala ng isa o dalawang piraso ng papel at panulat. Humanda sa paggawa ng unang Awtput.
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin
A. Nakabubuo ng isang kwento mula sa sariling karanasan.
B. Nagagamit ng wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Paggawa ng Awtput # 1
B. Wika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagbabalik aral hinggil sa Transitional Devices.
B. Paghahanda
Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin sa paggawa ng Awtput.
C. Pagbibigay Panuntunan:
1. Gumawa ng isang kwento o anekdota tungkol sa iyong karanasan noong nakaraang bakasyon.
2. Gumamit ng mga transitional devices at salungguhitan ng kulay pula ang mga ito.
3. Binubuo ng tatlong talata ang kwento.
4. Wasto ang gamit ng mga bantas.
5. Kawili-wili ang daloy ng kwento.
"RUBRIC SA PAGMAMARKA"
Panuntunan
Marka
May nakapupukaw na panimula
20%
May kaisahan ang mga ideya
15%
Malinaw ang paglalahad
15%
Wasto ang gamit ng Transitional Devices at mga Bantas
30%
May kawiliwiling gitna at wakas
20%
D. Pagpapahalaga
Pagsasagawa ng Fist o Five (magmumula sa guro)
IV. Takdang Aralin
1. Magbasa ng isang (1) Alamat na isasalaysay sa klase
2. Ilapat sa dayagram na natutunan sa klase.