I.
Mahahalagang tauhan at ang mga katangian nito
Kapitan Tiyago - Ang pinaguusapan dahil sa pagkamatay nito.
Padre Irene – Ang pinagkalooban ng huling habilin ni Kapitan Tiyago.
Basilio – Ang binawian ng pamana ni Kapitan Tiyago.
Donya Patrocinio - Matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga paraan.
Kapitan Tinong – Ang matalik na kaibigan ni Kapitan Tiyago na nagmamalapati na ipagkaloob ang kanyang Abito.
Quiroga – Ang naghandog ng tabako kay Don Primitivo at nagtanong kung maaari ba siyang makapagtayo ng sabungan sa langit kapag siya ay namatay na.
II.
Mahahalagang Pangyayari
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.
. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga paraan.
III.
Buod Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiyago. Bahagi ay mapupunta sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kapitan Tiyago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kapitan Tiyago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kapitan Tiyago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kapitan Tiyago, at kung sino ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kapitan Tiyago.
IV.
Puna o reaksyon
Sana ay hindi na nila pinagtalunan ang dapat na maging kahinatnan ng paglibing kay Kapitan Tiyago kundi ay binigyan na lamang nila ito ng kapayapaan at sana hindi nalang pinagmalupitan o hinigpitan ni Padre Irene ang pagpapamura ng mga kagamitan sa pagpapalibing kay kapitan Tiyago.
V.
Kahalagahang Pangmoral
Ang paguusap para sa paghahanda sa pagsalubong ng taong sumakabilang buhay na sa kanyang katahimikan o ang pagrespeto para sa kanyang katahimikan.
Ang pagbibigay-pugay sa lahat ng mga nagawa ng tao kahit ito ay pumanaw na.
I. Mahahalagang tao at ang mga katangian nito Huli – Ang kasintahan ni Basilio Hermana Penchang – ang nagagalit kay Basilio dahil nawalan na siya ng tagpagdasal at tagapag-ayuno sa kanya. Hermana Bali - Ang nagbalita kay Huli ng tungkol sa sinapit ni Basilio. Padre Camorra –tinawag na Kabayo dahil malikot siya sa mga babae Tata Selo – pumunta sa kumbento ngunit pinagtabuyan lamang siya kaya ninais niyang sumapi sa mga tulisan
I.
Mahahalagang Pangyayari
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio.
Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio.
Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camorra ngunit pinilit siya ni Hermana Bali.
Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may balita silang natanggap. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito.
II.
Buod
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak. Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camorra ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito.Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod
III.
Reaksyon o Pananaw
Kailangan ay inisip lamang ni Huli ang kalagayan ni Basilio kung kaya’t kung nararapat ay ginawa ni Huli lahat mailigtas lamang si Basilio. Pero hindi lang ‘yun. Kailangan pati sarili ni Huli ay inisip niya para rin sa ikabubuti niya.
IV.
Kahalagahang Pangmoral
Ang pagiisip ng ikabubuti sa kapwa.
Ang pagpapahalaga sa isang tao.
Ang pagpapakita ng malasakit sa taong mahal mo.
I.
Mahalagang tauhan at ang mga katangian nito
Kabesang Tales – Ang tinaguriang Matanglawin dahil napakatalas ng kanyang mata sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan. Padre Camorra – Ang umalis sa baying yaon at panandaliang tumira sa Maynila. Makaraig – Ang unang pinalaya sa mga estudyanteng nabilanggo. Isagani – Ang huling nakalaya sa mga estudyanteng nabilanggo sa kadahilanang isang linggo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Basilio – Ang tanging naiwan sa piitan upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay at dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol – ani ni Padre Cammora. Mataas na empleyado – Ang tanging nagpupuri kay Basilio. Ang may gustong ipagtanggol ito at maipalabas sa kulungan. Kapitan Heneral –Ang may-ayaw na makalabas sa piitan si Basilio dahil ito ay pinupuri ng karamihan at dahil naniniwala siyang isang hamaps-lupa lamang si Basilio.
II.
Mahahalagang Pangyayari.
Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulongbulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.
Napalaya na ang mga estudyante maliban kay Basilio. Naiwan si Basilio upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno. Dahil pinagkakatiwalaang siya ay isang alipin lamang at ulilang lubos na na tiyakang wala ng maghahabol pa.
Ipinagtanggol ng isang mataas na empleyado sa Basilio dahil sa ipinaglalaban niyang mahusay, mabait at matalino ang estudyanteng iyon na malapit ng magtapos sa kursong medisina.
Ipinaglaban ng Kapitan Heneral na hindi nararapat na makalaya si Basilio dahil sa kanyang paniniwala na wala ng saysay ang estudyanteng iyon. Dito nagsimula ang pagtatalo ng Kapitan Heneral at ng mataas na empleyado.
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na Koreo.
III.
Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga
estudyanye.Una’y si Makaraig.Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas. Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang
Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”. Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo.
IV.
Pananaw o Reaksyon
Ang pagtatanggol ng Mataas na kawani at ang nagpakita ng kagandahang loob na taglay ni Basilio. Ito ay kahanga-hanga na kinaya rin niyang magbitiw sa kanyang tungkulin para sa ipinaglalaban niyang pangangatwiran.
Ang pagiging makasarili ng Kapitan Heneral na pati iba nadadamay sa kanyang pinagkakagawa na sana inisip niya ang makakabuti sa iba.
Ang pagpapanindigan ng Mataas na kawani ay kahangahanga para palagay na may malasakit siya para sa iba.
V.
Kahalagahang Pangmoral
Ang paniniwala at pagtatanggol sa sariling pangangatwiran dahil sa kaalamang ito ang mas nakakabuti.
Ang pagiging isang mabuti at karapatdapat na mamamayan ng isang bansa.
Kab 32: I.
Mahalagang tauhan at ang mga katangian nito.
Pecson - Ang napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Tadeo – Ang paglalakwatsa niya ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Juanito Pelaez – Ang binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Makaraig – Siya ay naglakbay patungong Europa. Isagani – Siya ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Sandoval - Hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati. Basilio – Siya ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa piitan. Sinong – Ang tanging bumibisita kay Basilio sa piitan. Simoun – Ang naghain ng pagdiriwang dahil sa kanyang paggaling. Ang magsisilbing ninong sa kasalang Paulita at Juanito. Don Timoteo – Ama ni Juanito Pelaez na sinasabi ng karamihang napakaswerte dahil naging kasosyo niya si Simoun. Juanito Pelaez – Ang tanging papakasalan ni Paulita. Paulita Gomez – Ang magpapakasal kay Juanito at naging praktikal dahil mas iniisip niya kung saan siya magiging masaya.
II.
Mahahalagang Pangyayari
Mga Bunga ng Paskin pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari.
Pinagusapan ang mga nangyari sa mga estudyante matapos ang kanilang pagkakabilanggo maliban kay Basilio na nanatili parin sa piitan.
Ang paggugol ni Simoun ng isang pagdiriwang dahil sa kanyang paggaling. Matapos ang mga nangyari, maimit na lamang siya makipagugnayan sa ibang tao.
Ang paguusapang pagpapakasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez at kung saan
naging praktikal si Paulita sa pagpili ng mapapangasawa kung kaya’t mas pinili niya si Juanito kaysa kay Isagani dahil alam niyang mas mautak at mayaman si Juanito.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging napabalita sa mga panahong iyon ay ang pag-aalsa ng mga artil yero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari at iyon ang pagpapakasal nina Paulita at Juanito.
III.
Buod
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ang dina nagpaaral ng mga
anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka. Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y s a aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng
pagsusulit.Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawalani Tandang Selo sa tulong ni Sinong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon. Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez.
Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang
mamamahala.Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga -Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.
IV.
Pananaw o Reaksyon
Pumunta na talaga si Macaraig sa Espanya at iniwan si Basilio na napapakitang hindi siya kabutihang kaibigan.
Ang padadanas ng malupit na tadhana ni Basilio na kaawang-awa.
Ang pagpapasya ni Paulita na magpapakasal siya kay Juanito ay kabigla-bigla na hindi kaasaasa.
Ang pagsasawalang bahala ni Paulita sa nararamdaman ni Isagani at tuluyan niyang iniwan ang kanyang katapatan sa kanya na hindi kanaisnais at kainis-inis.
Ang hindi pagiging tapat ng mga kaibigan ni Basilio na iniwan nila ito at hinayaang makulong sa piitan na nagpapakitang hindi sila tunay na kaibigan.
V.
Kahalagahang Pangmoral
Ang pagkakaroon ng panindigan t pagtitiwala sa sarili at hindi pagsuko sa kahit na anong palagay pa ang dumaan.