SAMPUNG PANG-AKADEMIKONG SULATIN S ULATIN 1. Akademikong Sanaysay Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao. Halimbawa: Isang pormal na sanaysay ukol sa “Global Warming sa Pilipinas”. Inilahad ang isyu patungkol rito. Halimbawa rin ng mga sanaysay ay: ay: Argumentatibo, repleksyong sanaysay at lakbay sana ysay.
2. Pamanahong Papel Isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term term paper. Halimbawa: “Pamanahong papel sa epekto ng pagiging huli ng mga estudyante sa paaralan”. Ang pamanahong na ito ay tungkol sa isa sa mga pangunahing problema ng mga estudyante sa Kidapawan City National Highschool, ang pagiging huli sa klase. Ang tesis na ito ay ang tungkol sa pag-aaral sa mga posibleng dahilan, epekto at solusyon sa probelmang ito.
3. Konseptong Papel Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuuin. Halimbawa: “Ang mga kadahilanan ng mga krimen sa Kamaynilaan.” Ang suliranin na pagtutuunan sa papel na ito ng pansin ay ang patuloy na paglala ng krimen sa Kamaynilaan. Hangarin ng pag-aaral na ito na matalakay ang kadahilanan ng mga krimen sa Kamaynilaan at makapagbigay soulusyon dito. 4. Ulat Aklat Isang sulating komposisyon o oral na presentasyon na naglalarawan, nag bubuod, at nagsusuri ng isang gawang katha o hindi katha. Halimbawa: Ulat aklat ni Sandra Avanzado na pinamagatang, “Sa Pula, Sa Puti?”. Ito ay patungkol sa pera at pamilya. 5. Posisyong Papel Isang pormal, kadalasang detalyadong nakasulat na pahayag lalo na sa isang patungkol na isyu, na nagpapakita ng posisyon, pananaw, o patakaran. At nagpapahayag ng paraan ng pagkilos.
Halimbawa: “Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo Kolehi yo at Unibersidad” Unibersidad”
6. Talumpati Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman. Halimbawa: “Talumpating Binigkas Ng Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito S a Look Ng Bagumbayan, Alang-alang Sa Ika-Sampung Taon Ng Pagkakabaril Sa Ating Bayani”. 7. Kritikong Papel Ay isang pampanitikang pamamaraan na nangangahulugang kritikal na pagsusuri ang isang piraso ng trabahong pampanitikan, isang pampulitika o pilosopikong teorya na nakadetalye. Ang isang kritika ay maaaring isang kritikal na sanaysay, isang artikulo na sinusuri ang isang piraso ng pamp anitikan, o isang pagsusuri lamang. Halimbawa: “Pagsusuring Pampanitikan: Sandaang Damit ni Fanny Garcia” 8. Tesis Isang panukala na nakasaad o inihaharap para sa pagsasaalang-alang, lalo na ang pagtalakay at pagpapatunay o pinapanatili laban sa mga pagtutol. Halimbawa: “Isang Pananaliksik ukol sa epektibong pamamahayag ng balita sa dyaryo at telebisyon para sa mga estudyante ng kursong Mass Communication sa La Verdad Christian College-Caloocan”.
9. Dissertasyon Isang mahabang sanaysay sa isang partikular na paksa, lalo na ang isang nakasulat bilang isang kinakailangan para sa digri ng Doktor ng Pilosopiya. Halimbawa: “PORMULARYONG PANGKAGAWARAN KAUGNAY SA ETIKA NG MGA PAG-AARAL NA NAGSASANGKOT NG MGA INDIBIDWAL” 10. Reaksyong Papel Ang isang reaksyong papel ay hindi lang basta papel kung saan ipinapahayag mo ang iyong opinyon. Ang papel na ito ay nangangailangan ng isang pagsusuri na pagbabasa ng teksto na makapaglalahad ng malalalim na pahayag. Dapat kang tumugon sa mga ipinahiwatig na ideya, at dagdagan ng mga paliwanag, pagaralan, at aralin ang layunin at mga pangunahing punto ng may-akda.
Halimbawa: “SINO ANG BERDUGO NG KALIKASAN?” isinulat ni Gregorio V. Bituin Jr. TALASANGGUNIAN: Bituin, G.V. (2012, August 11). “Sino ang Bergudo ng Kalikasan?”. https://fourthyearwisdom.wordpress.com/2012/08/11/filipino-reaction-paper-sanaysay-ni-goriosino-ang-berdugo-ng-kalikasan/ Cabrera, K.C. ( 2013, Marso). “ISANG PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTIBONG PAMAMAHAYAG NG BALITA SA DYARYO AT TELEBISYON PARA SA MGA ESTUDYANTE NG KURSONG MASS COMMUNICATION SA LA VERDAD CHR ISTIAN COLLEGE-CALOOCAN”. https://kccabrera67.wordpress.com/2013/02/17/thesis-sa-filipino/
Garcia, F.A. (2013, January 26). “Pagsusuring Pampanitikan: Sandaang Damit ni Fanny Garcia”. http://keepingonthetrack.weebly.com/format-2/pagsusuring-pampanitikan-sandaang-damit-ni-fanny-garcia Hipolito, P.J.L. http://tagaloglang.com/halimbawa-ng-talumpati/ https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ngfilipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/ (2014, June 20) Avanzado, A. (2014, August 14). “Ulat Aklat sa Filipino”. https://avanzadosandra.wordpress.com/2014/08/14/ulat-aklat-sa-filipino/ Nordquist, R. (2016, September 27). Book Report. https://www.thoughtco.com/what-is-bookreport-1689174 “Ang mga kadahilanan ng mga krimen sa Kamaynilaan” (2008, March 18). http://1hamkimamarieadisbea.blogspot.com/2008/03/konseptong-papel-sa-filipino.html Flores, D. (2014, October 5). Konseptong P apel. https://www.slideshare.net/ihartdenzelflores/konseptong-papel-filipino “KATANGIAN, LAYUNIN AT GAMIT NG AKADEMIK ONG SULATIN”. (2016, October 16). HTTPS://MASONGSONGRICKIMAE.WORDPRESS.COM/2016/10/16/KATANGIANLAYUNIN-AT-GAMIT-NG-AKADEMIKONG-SULATIN/ Cuabo, A.A., et al. (2015, Feb 4). “Pamanahong papel sa epekto ng pagiging huli ng mga estudyante sa paaralan”. http://tulongsapagaaral.blogspot.com/2015/02/pamanahong-papel-saepekto-ng-pagiging.html “Global Warming sa Pilipinas”. (2011). http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysayna-pormal-tungkol-sa.html