KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (FILKOM)
Inihanda ni: JEFFREY T. DE LEON, MAT
KATUTURAN NG WIKA
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo (Webster, 1974) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, What is language) Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Gleason)
KATANGIAN NG WIKA
May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsamasama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Ginagamit . Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Nakabatay sa kultura. Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Halimbawa; Ice formations (Ingles) = yelo at nyebe (Filipino) Nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Halimbawa nito ay mga salitang balbal, pangkabataan, pamprodukto
TEORYA NG WIKA 1. Teoryang Ding-dong Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng pagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha ng wika. Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng iba’t ibang mensaheng nais iparating sa mga nakikinig.
2. Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.Bunga ito ng kakulangan ng kaalaman sa mga salita ng mga primitibong tao noon kaya kahit paano, nakatulong ang mga tunog na naririnig mula sa iba’t ibang hayop sa paglikha ng sarili nilang wika.
3.
Teoryang Yum-yum
Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Patunay nito, lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige. Pag-iling naman ang kasabay ng mga negativ na tulad ng hindi o ayaw. Subukin kaya nating baligtarin?Magsalita ka ng hindi sabay sa pagtango, at oo naman sabay sa pag-iling. Kapansin-pansin ang kawalan ng koordinasyon. 4.
Teoryang Ta-ta
Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika . Ang ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.
5. Teoryang Pooh-Pooh Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot. 6. Teoryang To-he -ho Nalikha dahil sa pwersang gamit . Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay. Hal; pagbubunot ng sahig , pagpihit ng turnilyo.
7.
Teoryang Tara-Boom-De-Ay Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
TUNGKULIN NG WIKA 1. Personal Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan. Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yaoooooooo! Nhelo: Balato naman diyan! 2. Imajinativ Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga. Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya? Christian: Siyempre, ang makalipad tulad n g isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo.
3. Interaksyonal Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon. Hal: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll. Abrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko!
4. Informative/Representasyonal Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pa’t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat. Hal; Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye? Jaja: A, talaga? 5. Instrumental Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan. Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema.
6. Regulatori Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay manghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa. Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500 George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito. 7. Heuristik Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o profesyonal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna. Hal: Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay isang halimbwa ng patay na wika o frozen language. Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaaangkop sa pagbabago ng panahon , upang matuloy at umunlad. Ang wikang Latin ay nisa rin sa halimabwa ng patay na wika.
LIMANG ANTAS NG WIKA Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Ang wika ay mayroong limang antas. sumusunod:
Ito ay ang mga
1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa lansangan.
2. Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon
3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan. 4. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.
5. Pampanitikan – Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.
HALIMBAWA; (Limang Antas ng Wika) Balbal 1. Syota- Kasintahan
Kolokyal 1. Mayroon- meron
2. Chokorandehinshindi kaibigan
2. Dalawa- dalwa
3. Datung- pera
3. Diyan- dyan 4. Kwarta-pera
4. Mudraclesina/nanay
5. Na saan- nasan
5. Todas- patay
6. Paano- pano
6. Olats- talo
7. Saakin-sakin
7. Dekwat- nanakaw
8. Kailan-kelan
8. Chaka-pangit
9. Ganoon-ganun
9. Purita- mahirap
10.Puwede-pede
10.Tsongkemarijuana
11.Kamusta-musta
11.Lafang-kumain ng marami
13.Kuwarto- kwarto 14.Pahingi- penge
13.Lanjut- malandi
15.Naroon- naron
15.Bokal- Kalbo
2. Natuod (waray) – naniniwala 3. Mapintas (ilocano) – maganda 4. Nasi (kapampangan)- bigas 5. Bilot (Batangueño) – tuta 6. Igsura (bisaya) – ulam 7. Sinsilyo (Bicolano)barya 8. Luslus (kapampangan)- luwas
12.At saka- tsaka
12.Bratinella- babeng pasaway omaldita
14.Bebot- babae
Lalawiganin 1. Malakat (Hiligaynon)- aalis
9. Amo (Aklanon)unggoy 10.Hinigugma (Bisaya) – maha l11.Ilol (pangalatok)laway 12.Manog (Kiniray-a) – ahas 13.Kalibutan (Bisaya)Mundo 14.Maupay (bisaya)maganda 15.Magakal (Maranao)magsinungaling
Pambansa 1. Malaya
Pampanitikan 1. Ipamintakasi-ipagdasal
2. Buhay
2. Isulat sa tubig- makalimutan
3. Pagkain
3. Makati ang dila- madaldal
4. Dangal
4.naniningalang-pugad – nanliligaw
5. Tao 5.maitim ang dugo – salbahe 6. Takdang Aralin 6.paham- matalino 7. Umaga
7.katoto- kaibigan
8. Simbahan 8.mapagkandili- mapag –alaga 9. Wika 10.Bansa
9.pakikipaglamaspakikipaglaban
11.Bayan
10.siniphayo-inapi
12.Buhay
11.panibugho-pagkainggit
13.Puso
12.mawatasan-maintindihan
14.Panaginip
13.Pang-uuyam – paglait
15.Hangrin
14.Nanghihilakbot – Natatakot 15. pag-aglahi- paghamak
VARAYTI NG WIKA Kahulugan ng Varayti Pagkakaroon ng natatanging katangian nanauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal Halimbawa;
Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp. Halimbawa: Kung guro sa Filipino ang kausap: Ginoo, di ko po maunawaan/maintindihan Kung kaklase ang kausap: Ano ba ‘yan? Di ko gets!
Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika Halimbawa: Karaniwang Filipino: Maghugas ka ng plato. Tagalog-Bulacan: Mag-urong ka ng pinggan
URI NG VARAYTI (Ayon kay Cafford) Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika Halimbawa: A. Permanente Dayalekto Idyolek
B. Pansamantala Register Estilo Moda/Paraan ng Pagpapapahayag
PERMANENTENG VARAYTI 1. DAYALEKTO – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary).
Sa Morong Rizal: • Ikaw na ba ang SUSUNOR? • Kunin mo nga ang SANROK. • Ang laki ng RAGA! • Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.
Sa Bulacan: • • • • • • •
pila – baterya ng sasakyan saukan – sawsawan tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka) kayo – tela lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria patuka – feeds jokak – libreng pakain
2. IDYOLEK – ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao. Halimbawa:
(Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga paaralang pribado at eksklusibo sa Metro Manila: Taglish o Enggalog ) • “It’s not that na galit na galit ako. It’s just that. Nakakasabaw. SOBRA.” • “Grabe. Solid talaga.” • “Hindi naman one-sided ako. Hindi ba dapat multiple murder sa halip na rebellion?” • “Kaya kung true yung 2012, ok na rin yun. Kawawa younger generations.”
PANSAMANTALANG VARAYTI 3. REGISTER – anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor . Halimbawa: (Talakayan sa klase ng International Affairs) • Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan ngayon? • Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign troops para i-secure ang democratic government sa Iraq. • Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil deposits ng Iraq. • Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging successful ang mediation at diplomatic actions ng USA noon.
(Talakayan sa klase sa Filipino) • Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay? • Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang mundo. • Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga tao. (Klase sa Law School) • Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa Maguindanao Massacre at sa mga kasong isinampa sa mga suspect. • Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng rebellion case, dapat, multiple murder. • Estudyante 2: Mahina po ang kasong rebellion at maaaring tactics nila ‘yan para masubsume ng rebellion ang iba pang crimes. • Estudyante 3: Magkakaroon po ng whitewash. Nakikita po natin na ang DOJ ay walang gana sa pagsasampa ng kaso.
4. TENOR/ESTILO Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika (lalo kung ang kausap ay malapit na kaibigan) Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika 5. MODA Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?) May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site, maluwag.
Halimbawa: Modang Pasalita • • • • • •
E1: Kain na tayo. E2: Tara. San? E1: Sa resto. E2: San nga e? E1: E di sa Gerry’s. E2: Okey.
Modang Text E1: Kain tau. E2: Wer? E1: Resto E2: Wat resto? E1: Khit san E2: S Gerry’s n lng E1: K
6. SOSYOLEK Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o factor . Halimbawa; • Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown" • Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay “kleptomaniac", sa mahirap tawag dito ay " magnanakaw.
• Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at masakit ang ulo mo meron kang “migraine". • Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka naman, meron kang "scoliosis". • Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag mayamn ka na maitim ikaw naman ay "Morena". • Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo class ka naman tawag sa yo ay "payatot" • Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng mahirap ay "bobo“
7. PIDGIN “Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang transaksyon sa negosyo atbp.); walang masalimuot o kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan o bokabularyo; walang native speaker nito dahil paghahalu-halo lamang ng mga wika. Halimbawa ng pidgin sa English; • You buy this? (Will you buy this?) • You go back when? (When will you go back?) • Boss, in or out? (Is the boss in the office or somewhere?)
8. CREOLE Ang pidgin, kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao ay tinatawag nang creole Pidgin na nagkaroon na ng mga native speaker Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas malalawak na larangan o field Halimbawa: Chavacano
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS “Sa alinmang bagay ay wala nang napakamahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang panlahat” - Pangulong Manuel L. Quezon Wikang Pambansa - Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit nito sa pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop nito.
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa 1. Bigkis ng pagkakaisa. 2. Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. 3. Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad. 4. Ugat ng nasyonalismo. 5. Kaluluwa ng bayan.
Apat na Hakbang sa Pagpapalanong Pangwika 1. Pagpili ng wikang saligan. Batayan sa Pagpili ng Batayang Wika: a. Higit na maunlad na istrukutura.
b. May mekanismo. c. Mabisang nagagamit sa panitikan. d. Tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino. e. Mayaman sa koleksyon ng panitikan at pananaliksik. f. Malawak na ginagamit sa kabisera. 2. Kodipikasyon ng porma o anyo ng napiling wikang saligan. (paglalahad ng deskripsyon ng kayarian, tuntunin ng wastong pagpapahayag, paghahanda ng diksyunaryo)
3. Pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tungkulin ng wika upang ito ay matanggap at magamit ng taong bayan. 4.
Mahahalagang Batas, Kautusan, Proklama at Tanggapang Pampamahalaan na may kinalaman sa kaunlaran ng ating wikang pambansa. Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV) – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal. Nobyembre 13,1936 – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa Pangunahing Layunin: piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Mga Nahirang na Kagawad: 1. Jaime C. Veyra - (Visayang Samar) Tagapangulo 2. Cecilio Lopez
- (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagganap
3. Santiago Fonacier 4. Filemon Sotto 5. Felix S. Salas Rodriguez 6. Casimiro Perfecto 7. Hadji Butu
- (Ilokano), Kagawad - (Visayang Cebu), Kagawad - (Hiligaynon), Kagawad - (Bikol), Kagawad - (Muslim), Kagawad
Disyembre 30, 1937, naiproklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936, Seksyon 8, talatang (5) Batayan sa Paghirang sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa: (1) sapagkat napatunayang ang wikang “higit” na maunlad sa istruktura/kayarian (2) maunlad sa mekanismo (3)mayaman sa literatura (4) tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyang panahon ng pinakamaraming mga Pilipino”. Disyembre 13, 1939 – nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino). Hunyo 19, 1940 -- sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Hunyo 4, 1946 -- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Agosto 13, 1959 -- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mapaikli ang mahabang ka Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang direktiba sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 bilang pagpaparangal kay Balagtas. Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7) – Pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika bilang pagpaparangal sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” noong Agosto 19.
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) – Pagpangalan sa Pilipino ng mga gusali, episidyo at tanggapan ng pamahalaan. Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96) – Pagsasalin sa Pilipino maging ng mga letterhead,kaukulang teksto sa Ingles at pormulasryo sa mga kagawaran, tanggapan at sangay pampamahalaan.
Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) Pinagtibay ng magkatuwang na ipinatupad ng Surian ng Wikang Pambansa at Ministri ng Edukasyon -- ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal na nagbibigay-diin sa magkahiwalay na gamit ng Pilipino at Ingles sa mga piling asignatura at paksang-aralin. Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9) – ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Enero taong 1987 -- batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.
Agosto 14, 1991 -- nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335- Ipinag-utos ng Pangulong Aquino na gamitin ang Filipino sa lahat ng transaksyon at komunikasyon ng pamahalaan. Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104) – Pinahaba ang pagdiriwang ng pagdakila sa papel ng wikang pambansa, nagtagubilin si Pangulong Ramos sa iba’t ibang sangay o tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng Buwan ng Wikang Pambansa. CHED Memo blg. 59 – Nilagdaan ni Pangulong Ramos na nagtatadhana ng 9 na yunit ng Filipino sa kolehyo
ANG PONOLOHIYANG FILIPINO Ponolohiya ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema. Ponetiko ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas
Ponema ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita. Hal. galang, dalang, balang Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki
Tatlong Salik sa Pagsasalita 1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga 2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal) 3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador
2 URI NG PONEMA 1. Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/. Punto ng Artikulasyon
Paraan ng Pagbigkas o Artikulasyon
Panlabi (bilabial)
Pasara: w.t. Pasara: m.t.
p b
Pangngipin ( dental)
Pangngalala Matigas (palatal)
t d
Pasutsot: w.t. (Fricative) Pailong: m.t. (nasal)
Panggilagid
k g s
m
ŋ (ng) l
Pangalatal: m.t. (flap)
r y
w
Impit (glottal)
? h
n
Pagilagid: m.t. (lateral)
Malapatinig: m.t.
Panlalamunan Malambot (velar) (Larinjal)
2. Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English. (ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita—Allophone) Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/. Halimbawa: kalabaw saklay
reyna giliw
kahoy baduy
Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang ka-ka-hu-yan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya). Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc. Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa; pyesa gripo tabla krus
trabaho produkto gyera dyamante
klase tsansa timpla mwebles
Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).
Pares Minimal ay magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon . Hal. palabala ; hari- pari, pasa – basa Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone)–ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagbabago sa kahulugan ng salita , ay sinasabing malayang nagpapalitan ang e at I; o at u. Hal. lalake- lalaki, bibi- bibe, tutoototoo.
Ponemang Suprasegmental Ponemang Suprasegmental ay sumisimbolo ito sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan nb pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.
Saklaw ng ponemang suprasegmental ang sumusunod; ang intonasyon, tono, punto, haba, diin at antala. 1. Intonasyon, Tono at Punto Ayon kay Resuma (2002) ang pagkakaiba ng intonasyon sa punto at tono. Sa ganang kanya, ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng tagapagsalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels; ang mataas (3), katamtaman (2) at mababa (1) tulad ng makikita sa ibaba. a.) b.) ² Nandito siya ka ¹ ni ³na na?
² Nandito siya ka ³ni ¹na na.
2. Haba at Diin Sa pagkalahatan, ang haba aat diin ay tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. Samantala, ang diin o stress ay tumutukoy sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita. Ginagamitan ito ng gramatikang tuldok /. / upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin.
Halimbawa; aso - / ‘a.so h/ = dog / ’aso h/ = smoke 3. Antala o Hinto Ayon kay Santiago (2003) ang antal o hinto ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid. Sa pasulat na anyo, ang antala ay maaring ihudyat ng mga bantas tulad ng kuwit ( , ), tuldok ( .) , tuldok-kuwit (; ) o ng tutuldok ( :
Halimbawa; a. Hindi ako ang may kasalanan. b. Hindi, ako ang may kasalanan. Narito pa ang ilang halimbawa; Doktor Juan Miguel ang buo kong pangalan.
Ang doktor na siya ring ang tagapagsalita ay nagngangalang Juan Miguel Manuel.
Doktor , Juan Miguel ang buo kong pangalan.
Ang tagapagsalita ay nagpapakilala sa doktor na siya ai si Juan Miguel Manuel.
Doktor Juan , Miguel ang buo kong pangalan.
Ang tagapagsalita na nagngangalang Miguel Manuel ay nagpapakilala kay Doktor Juan.
ANG MORPOLOHIYANG FILIPINO Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salitang isang wika. Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.
Tatlong Anyo ng Morpema 1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila. (ina, dilaw, takbo) 2. Morpemang binubuo ng isang ponema - matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila– senado/ senadora; kusinero/ kusinera, sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae— barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia, manang / manong, abogado/ abogada at iba pa. Nangangahulugang ang mga ponemang ito ay may hatid na kahulugan kaya maituturing ito bilang mga morpemang binubuo ng isang ponema. 3. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit tinatawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. bHindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan.
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan.
Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon Sakop ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa /ŋ /sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog a) Parsyal – kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ / at ito’y ikinakabit sa isang salita o salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /ŋ / ang /m/ . Hal. / m /- (p, b) - pang + paaralan = pampaaralan - pang + bayan = pambayan /n/- (d, l, r, s, t) - pang + taksil = pantaksil - pang + dikdik = pandikdik
b) Ganap – tinatanggal ang unang titik ng salitang-ugat. Hal. Pang+palo = Pamalo Pang+tali = Panali 2. Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita kapag patinig ang huling ponema sa unlapi.
a. /d/ → /r/ Hal. m a+ dunong = marunong
ma+dumi = marumi
b. /d/ → /r/ ( kung ito ay hinuhulapian ng ( -an) o (-in), ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.) Hal. tawid + an = tawiran
lapad+an = laparan
c. /o/ → /u/ Hal. dugo+an = duguan
d. /h/ → /n/ Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/. Hal. Tawa+han = tawanan
3. Metatesis - kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l / o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon. Hal. linangoy Iinuto yinakap-
-
nilangoy niluto niyakap
4. Pagkakaltas ng Ponema- ang pagkakaltas ng ponema ay nagaganap kapag ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang ugat ay nawawala sa sandaling ito’y hinunlapian tulad ng matutunghayan sa mga sumusununod.
Hal. asin + an – bilihan bigayan -
asnan bilhan bigyan
Ang Paglilipat-diin Karaniwan sa mga salitang-ugat ang pagkakaroon ng diin sa ikalawang pantig buhat sa huli. Kapag ang mga salitang-ugat na ito’y nahulapian ng –in/ hin at an/ han lumilipat ang diin. Kung minsan nagkakaroon pa ng kaltas ang salita.
alíw dáya pintá bása pútol
+ + + + +
in in han han in
= = = = =
aliwín dáyáin pintahán basáhan putlín?
Sintaks Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala at mga sugnay. Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap. Tinatawag ding palaugnayan na may kinalaman sa sistema ng paguugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. Parirala - lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan. Halimbawa:
mag-aral magmaneho; hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap
Sugnay – Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at panaguri at maari ring wala. Sugnay na Makapag-iisa/Malayang Sugnay/ Punong Sugnay- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. (payak na pangungusap)
Halimbawa: Ako ay nakahiga. ; Ang batang matalino. ; Samahan mo kami sa sine! Sugnay na di-makapag-iisa/Pantulong na Sugnay - Wala itong diwa kung di isasama sa isang punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang pangatnig. Halimbawa: Ako ay nakahiga nang siya ay dumating. ; Kung aalis ka, iwanan mo ang susi. Pangungusap - lipon ng mga salita na binubuo ng paksa at panaguri upang maipabatid ang mensahe. Paksa- pinag-uusapan sa pangungusap; Panaguri-nagbibigay turing sa paksa.
Dalawang Ayos ng Pangungusap Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang panaguri kaysa paksa. Halimbawa: Taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan ang Atiatihan. Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang paksa kaysa panaguri at idinaragdag ang panandang ay. Halimbawa: Ang Ati-atihan ay taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan.
Anyo ng Pangungusap Payak na pangungusap – binubuo ng isang paksa at isang panaguri na may iisang diwa. May payak na paksa at payak na panaguri . Hal. Pinsan ko po siya . May tambalang paksa at payak na panaguri . hal . Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral . May payak na paksa at tambalang panaguri hal . Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit . May tambalang panaguri at tambalang paksa . hal . Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie. Tambalang Pangungusap - binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap, dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan. Pandugtong = pangatnig = at, o, pero , ngunit , subalit o datapwat Hal. Pumunta kami sa Mall of Asia at nakita naming lahat si Alden Richards.
Hugnayang Pangungusap - Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. Buo ang diwa ng isang sugnay , habang ang isang sugnay ay hind. Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase. Langkapang Pangungusap – Dalawa o higit pang punong sugany at dalawa o higit pang pantulong na kaisipan. Hal. Nagalit si Sir Hilario at pinagsabihan kami dahil maingay kami at hindi nakikinig.
Pokus ng Pandiwa
tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at mag. Hal. Nagsulat ng tula si Perla. Nagtungo ako sa bahay -ampunan 2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa. Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.
3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng
kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han. Hal. Pinaglutuan ni Nena ng bigas ang kawayan.
Pinaglalaruan ng mga bata ang parke. 4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na isinaad ng
pandiwa. Panlapi– I, ipang- , at ipag. Hal. Ikukuha ng tatay sa bukid ng bayabas si Totoy.
Ipinaglaga ng manggamot ng luya ang pasyente.
5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa o ang binibigyang pansin ng pangungusap ay ang gamit na bagay o kasangkapan upang maisakatuparana ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi– ipang-. Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok. Ipinagwalis ng alikabok ang walis tambo.
6. Pokus sa Sanhi–pokus dito kung ang paksa o ang binibigyang tuon ng pangungusap ay ang sanhi
o dahilan ng kilos isinasaad ng pandiwa. Panlapi– ika-, Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay. Ikinapamayat niya ang labis na pagtatrabaho.
7. Pokus Resiprokal/direksyunal– ang pandiwa ay nasa direksyunal pokus kung ang paksa o ang binibigyang diin ng pangungusap ay ang direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi-- mag-, at mag –an. Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.
Pinasyalan ng mga bata ang Corregidor.
• MGA KASANAYANG PAGKOMUNIKASYON Kahulugan ng Pakikinig Pakikinig Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigaydaan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% 30% 16% 9%
ay nagagamit sa pakikinig ay sa pagsasalita ay sa pagbabasa naman sa pagsulat
Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig 1. Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig 2. Oras Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip 4. Tsanel Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipagusap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at dimabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga Kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan. 7. Lugar
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
Uri ng Tagapakinig: 1. Eager Beaver Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong. 2. Sleeper Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig. 3. Tiger Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
4. Bewildered Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig. 5. Frowner Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres. 6. Relaxed Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
7. Busy Bee Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
8. Two-eared Listener Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
PAGSASALITA Pagsasalita - Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita Kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro. 1. 2. 3.
Tatlong Batayan sa Epektibong Pagsasalita Kaalaman Kasanayan Tiwala sa Sarili
Uri ng Pagsasalita 1. Pagbasa sa itinakdang papel 2. Memoryadong Pagsasalita 3. Improntu 4. Ekstemporenyus
Mga Pananaw sa Pagsasalita a. Logos. (Lohikal) –tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng mensaheng inilhad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
b) Pathos. (Pathetic) - tumtukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdiyens. Nararapat maramdaman ng awdiyens ang sinseridad ng ispiker hindi lamang sa paraan ng pananalita, gayon din naman sa pagkamakatotohaann sa kanyang sinabi. c) Ethos. (Ethical) - tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang mga awdiyens at makakatulong ito upang mas mapataasang tiwala sa kanyang sarili.
PAGBASA Pagbasa- ipinalalagay ni Goodman na isang isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Ayon naman kay Austero et al., paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
Mga Pananaw o Teorya sa Pagbasa .Teoryang Bottom-Up Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto. Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto
Teoryang Top-Down Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Sa teoryang ito, ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Kung wala ito, hindi niya mabibigyangkahulugan ang anumang babasahin. Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon: ibaba-pataas at itaas-pababa. Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi isang produkto
Teoryang Iskema
Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa. Iskima –Mahalaga ang dating kaalaman a. Para maikumpara sa binabasa b. Kung makitang mali ang unang alam, papalitan ng panibago Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat dagdagan , bawasan o hindi ang kanyang naunang kaalaman.
Mga Uri ng Pagbasa 1. Iskiming (Skimming) Ito ay ang pinararaanang pagbasa. Ginagamit ito sa pagpili ng materyal na babasahin, sa pagtingin sa teksto bago tuluyang basahin, at sa paghahanap ng babasahing tutugon sa pangangailangan kaugnay ng paksang sinasaliksik. Sa uring ito’y mabilis ang nagagawang pagbabasa dahil mabilis ang paggalaw ng mga mata upang makuha ang pangkalahatang kaisipan o impresyon. Ito’y isang pahapyaw na pagtingin (glance), at isang eksaminasyong superfisyal sa aklat. 2. Iskaning (Scanning) Ito’y ang paghahanap ng isang tiyak na informasyon sa aklat. Maari ring hinahanap dito ang mga sagot sa mga tiyak na tanong. Ito’y pagiimbestiga o paghahanap sa mga pahina ng aklat upang ganap na makuha ang tinatarget na informasyon. Mas matagal ito sa iskiming ngunit hindi tumututok sa aklat na babasahin.
3. Masinsinang Pagbasa Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o hanggang limang pahina ang haba. Maaring ito ay bahagi ng tula, maikling kuwento, sanaysay at iba pang uri ng akda at iniuukol ang pag-aaral sa kayarian at nilalaman ng akda. 4. Masaklaw na Pagbasa Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang mas maaga. Maaaring ito ay isang buong maikling kuwento, kabanata ng nobela o isang drama at nakatuon ang pag-unawa ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.
PAGSULAT Pagsulat isang set ng nakalimbag na simbolong kumakatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring mabigyang-kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
Istandard na Isinasaalang-alang sa Pagsulat 1.
Kaisahan
Bawat pangungusap ay kailangang tumalakay o may kinalaman sa pangunahing paksa. Hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Ginagamit nang wasto ang mga salita (pangatnig) para sa transisyon. Ang mga pantulong na salita (pang-angkop, pantukoy) ay nagagamit din ng wasto. May isang sentral na ideya at ito’y hinuhugisan o dinidevelop. Umiikot ang talakay sa paksang sinusulat. Hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan. Ginagamit nang wasto ang mga salita para sa transisyon.
2.
Kasapatan (Sufficiency) May sapat na datos- detalye, halimbawa, tuwirang sabi, o rason na sumusuporta sa iyong tinatalakay. 3.
Koherens (Coherence) Ang mga pangungusap ay kumokonekta sa bawat isa sa paraang lohikal. Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinusundan at sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talataan. Maayos sa pagdurugtong-dugtong ng mga pangungusap. Lohikal at efektiv na pagkakaayos ng mga datos/informasyong nakalap. Nakikita ang lohika (logic) ng sulatin. Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinundan at sumunod na talataan. May “fluency” at “eloquence” ang sinulat.
4.
Kalinawan (Clarity)
Ang mga pangungusap ay malinaw, hindi magulo ang development at naiintindihan ang gustong sabihin. Libre sa “litters” o kalat ang pangungusap at talataan. Eksakto o tama ang salitang ginamit. Ang ispeling ay wasto. Dapat na ang pangungusap ay nagsasabi ng gusto mong sabihin. Hindi dapat maligoy ang pangungusap at kung saan-saan napupunta ang “flow” ng diskasyon. Maging klaro/malinaw sa pangangatwiran. Dapat na kumpletong naiintindihan ng mambabasa ang gustong sabihin. Ang grammar ay tama. Tama ang gamit ng bantas. 5.
Emfasis/Diin (Emphasis) Sino o ano ang ihahaylayt?
Mga Uri ng Sulatin 1. Ekspresiv – pampersonal na sulatin. 2. Formulaic – may sinusunod na istandard/format sa pagsulat tulad ng mga liham pangkalakal, tesis, disertasyon, teknikal at sisyentipikong report.
3. Imaginativ – mga akda na likhang isip ng manunulat tulad ng mga dula (plays) at kwento (stories). 4. Informativ – nagbibigay ng informasyon at evidensya tulad ng mga report, ulat, balita at iba pa. 5. Persweysiv – mga sulating nanghihikayat tanggapin ang sinasabi ng awtor o mapaniwala ang mga bumabasa tulad ng sanaysay, tanging lathalain at iba pa.