1 Pengantar Grup Misalkan Grup dihedral order 8 Tabel operasi atau tabel Cayley Tertutup Identitas Invers Komutatif, abelian Asosiatif Grup Dihedral Dn disebut grup dihedral ord…Deskripsi lengkap
Toponim atau nama-nama geografis tidak hanya sekedar nama yang menunjukkan lokasi suatu objek di peta. Nama-nama geografis yang standar merupakan sarana yang efektif dan dibutuhkan dalam kegiatan...Full description
Guide on doing a research paper
Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagsunod sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 102: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
ABCDFull description
AbstrakFull description
.Deskripsi lengkap
Ilmu Komunikasi
ABSTRAK NG AKADEMIKONG PAPEL
Suliranin :
PAHAMBING NA PAGSUSURI SA MAKABAGO AT MAKALUMANG MAKALUMANG OPM: TANAW NG BSCS 1-4
MANANALIKSIK: UNIBERSIDAD: SAKLAW NG ASIGNATURA: TAON: DIGRI:
Group-A, Bscs 1-4 Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas Filipino 2011 Bachelor of Science in Computer Science
Katatagpuan ng mga Sipi: Silid-Aklatan
Pahatiran
Rehiyon
CCMIT Learning Resource Center
NCR
Maynila
Panimula Upang magkaroon ng malinaw na pananaw at magandang pag-unawa sa isinagawang pag-aaral na ito, pumokus lamang sa pahambing na pagsusuri ng makabagong OPM at makalumang OPM. Ang dalawang uri ng OPM ay kinunan ng mga awiting magrerepresenta sa kanilang uri. Ito ang Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Narda ng Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal para sa makabagong OPM at Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon, Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa ng Apo Hiking Society para sa makalumang OPM. Natuklasan
Ang mga patuklas sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod ayon sa suliraning nabanggit sa kabanata 1. Limamput siyam na porsiyento (59%) ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP-CCMIT Departamento ng Computer Science ang nagsabing 1960s hanggang 1990s ang taon kung saan sumasaklaw ang makalumang OPM. May pitumput apat na porsiyento (74%) ng mga mag-aaral ang sumang ayon na ang taong 1960s hanngang 1990s ang taong sumasaklaw sa makabagong OPM. May dalawamput isang porsiyento (21%) ng mga mag-aaral ang mas nais pakinggan ang awiting Hawak Kamay ni Yeng Constantino. Labing tatlong porsiyento (13%) ang sa Narda ng Kamikazee. Labing anim na porsiyento (16%) sa Picha Pie ng Parokya ni Edgar. Labing apat na porsiyento (14%) sa Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal. Dalawampung porsiyento (20%) sa Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon. Limang porsiyento (5%) naman sa Anak ni Freddie Aguilar. Walong porsiyento (8%) sa awiting Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab. At tatlong porsiyento (3%) naman ang may nais pakinggan ang awitin ng Apo Hiking Society na Batang Bata Ka Pa.
Kongklusyon Pagkatapos ng maingat na pagtalakay at pagsuri ng mga datos ng pananaliksik, inilahad ang mga sumusunod na kongklusyon:
1. 2.
Na sa kasalukuyan ay kaunti pa lang ang mga pag-aaral at pagsasaliksik na nagawa sa larangan ng musikang OPM kaugnay ng paghahambing sa makabago at makalumang OPM. Na karamihan sa mga pag-aaral ay tumatalakay sa kung paaano nagmula ang OPM sa bansa.
Rekomendasyon Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa ikauunlad ng pananaliksik pangmusika, iminumungkahi ang mga sumusunod: na dapat ipagpatuloy ang pagtangkilik sa OPM; na paunlarin at pagyabungin ang sariling atin; na dapat ipagmalaki ang mga awiting Pilipino; na ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral, guro at iba pa sa kanilang pag-aaral at pagsusuri sa Original Pilipino Music.