FEB
11
Sanaysay "Ang sanaysay ay isang pampanitikan daan sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa kahit anuman." -Aldous Huxley
Sanaysay
isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa, ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa.
ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY 1580-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. -sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda. 1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “. 1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa naritosina:Sir Thomas Izaak Walton– sumulat ng aklat na
pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan. Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial. John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy. 1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith atb. 1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at sining naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnoldatb.
Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay siVoltaire. -noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France. Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sa pagkat higit na matimpi ang istilo ni Irving. -nakilala rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang mahusay sa makata’t manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay. Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at James Russell.-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s Magazine.
Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People at The Philipines. ang A Century Hence niMarcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini. Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahhusay na mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez,atb. Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope k. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway nanaglalthalang maiklingkwento at sanaysay bago makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga tao. Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos. Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza. Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa sanaysay tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “ Lubos na Sumasainyo” Si Direktor Ponciano ng Surian ngWikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyan ilang piling sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng“Palanca” sina Pedro L. Ricarte, VirgilioAlmario, RuelAguila, Rosario Torres, atb.
Dalawang
Uri
ng
Sanaysay
Pormal o Maanyo
o Ang sanaysay na pormal o baguhan – sanaysay na tinatawag din na impersonal – Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng mayakda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walanghalong pagbibiro. Elementong Sanaysay: Panimula, Katawan at Wakas.
Impormal o Di-pormal
o Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilalang personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito ditto ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Sangkap ng Sanaysay
Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo – ang uri at antas ngwika at istilong pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula
-ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
2. Katawan
-sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang magiging mambabasa
3. Wakas
-nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay: May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa. Sanggunian: http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay Francis, Shandy (2007). http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/20/Sanaysay Lionheart Inc. http://blogger-pinoy.blogspot.com/2011/12/sanaysay.html
me9i(2011) http://www.slideshare.net/me9i/ang-sanaysay Eugenio, Paul (2012). http://www.scribd.com/doc/101740005/Ano-Ang-Sanaysay
Prepared for:
Dr. Myrna C. Bigueja Associate Prof.1
Pinost 11th February 2013 ni Hennecy Cabrejas
Nilo-load