ANG WIKA Kahulugan ng Wika Ayon sa: Linggwista -masistemang balangkas na may sinusunod na hakbang o pamamaraan upang ito’y matutunan o mapag-aralan. Gleason -ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Caroll (1973) -ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitrary upang magamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasamasama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan. Sosyolinggwista Basil Bernstein -restricted code-pampublikong wika o wikang pangmasa -elaborated code-pormal na wika o wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong panlinggwistika. Benjamin Lee Whorf -ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Edward Sapir -ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika. Transpormasyonal Chomsky -ang wika ay isang sistema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan. -ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kaikasan nito , may kakayahan siyang matuto ng wika. Tumangan (1997) -ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan. #lorimarbook Hutch (1991) -ang wika ay sistema ng mga tunog, arbitrary na ginagamit sa komunikasyong pantao. Bouman (1990) -isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao , sa isang tiyak na lugar, para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag . Webster -ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita. Sturtevant -ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.
Samakatuwid,Brown (1980) -ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao. Sa pangkalahatan : ang wika ay pantao ; ang wika bilang naisasaayos na sinasalita o binibigkas na mga simbolo, ang mga simbolong ito ay may mga taglay na kahulugan; masistema ang wika: at nabubuo o nagagamit ang wika sa isang lipunan o kultura. KATANGIAN AT KALIKASAN NG WIKA 1. May dalawang masistemang balangkas ang wika Dalawang balangkas ng wika: Balangkas ng tunog at balangkas ng kahulugan Bawat wika ay may tiyak na dami ng tunog na pinagsama-sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng isang makahulugang yunit(ponema). Sa pagsasama-sama ng mga tunog, dapat din nating isaalang-alang ang pagtataglay nito ng kahulugan. Mula sa pinagsamasamang mga tunog,mabubuo ang isang salita. Pinagsasama-sama rin ang mga salita upang makabuo ng ng mga parirala(walang simuno at panaguri) at mga pangungusap. Kung pagsasama-samahin ang mga pangungusap ay makakabuo tayo ng makabuluhang talata o pahayag. Sa ibang salita, nagsimula ito sa pag-aaral sa antas ng ponolohiya hanggang sa sintaksis na isinaalang-alang ang kahulugang taglay ng bawat pahayag. Sa pagbuo ng salita, masasabi na ang wika ay may estrukturang sinusunod. Tumutukoy ang estruktura sa anyo ng mga wika at sa wastong kaayusan ng mga ito bilang mgkakaugnay na salita sa loob ng pangungusap. 2. Ang wika ay arbitraryo Ang wika ay arbitraryo dahil ang mga tunog ay pinipili at isinasaayos ayon sa layunin at pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. Ang mga taong gumagamit ng wikang ito ay nagkakasundo sa mga tunog at mga katawagang kanilang gagamitin upang itawag sa mga bagaybagay sa pagpapahayag ng kanilang sariling saloobin at kaisipan. Filipino BAHAY SANGGOL
Ingles HOUSE BABY
Zambal Botolan BALE KULAW
Cebuano/cebuana BALAY puya
3. Ang wika ay sinsalitang tunog Ito ay binibigkas sa tulong ng ibat ibang sangkap/bahagi ng katawan ng tao sa pagsasalita tulad ng dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa. Mahalaga ang sangkap na ito upang mabuo ang tunog ng isang wika at upang maintindihan ang nais ipahayag. Dahil ang wika ay sinasalita, ang pasulat na wika ay representasyon lamang ng sinsalitang tunog dahil nababasa lamang ng isang tao ang nakasulat na wika kung alam niyang bigkasin ang mga tunog na napapaloob dito. 4. Ang wika ay pantao
Tao lamang ang nagtataglay ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita o sa pagbuo n mga tunog ng pangwika. Magkaiba ang wikang pantao at wikang panghayop, nakakalikha ng mga tunog ang mga hayop hindi nito kayang lumikha ng tunog na kailangan sa pakikipagtalastasan. 5. Ang wika ay buhay at dinamiko Dinamiko ang wika dahil patuloy na umuunlad, yumayabong at lumalawak ang mga termino at bokabularyo. Ang wika hindi nagbabago at umuunlad ay sinasabing patay na wika. Upang maging buhay ang wika, dumaraan ito sa proseso ng panghihiram mula sa wikang katutubo at dayuhan,paglikha o pagbuo ng bagong salita, paglalapi, pag-uulit at iba pa. Halimbawa ng patay na wika: Hebrew, griyego at iba sapagkat hindi na ito tumutugon sa mga pangangailangan sa pagbabago ng wika. 6. Ang wika ay natatangi Bawat wika ay nagtataglay ng katangiang naiiba sa ibang wika. Bawat wika ay may sariling set ng ng mag tunog, mga yunit panggramatika at sistema ng palaugnayan. Walang wikang magkatulad na magkatulad, mayroon at mayroon ito pagkakainba sa sistema ng mga tunog, pagbubuo ng mga salita at pagbubuo ng mga pangungusap. 7. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng taong gumagamit nito Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon,mithiin at paniniwala ang mga tao. Dahil ditto,masasabing sapat ang wika upang maipahayag ang kultura ng mga tao at walang wikang mas superior o mataas kaysa sa iba dahil ang wikang ginagamit ng mga taong may isang kultura,sapat na para sa kanilang pangangailangan at pakikipamuhay sa kapangkat. 8. Ang wika ay malikhain Ito ay malikhain sapagkat nakakabuo ng ibat ibang anyo at uri ng pahayag sa kaniyang pakikipagtalastasan ang tao sa pamamagitan ng wika. Taglay ng wika ang mga tuntuning makapagbubuo ng walang hangganang pangungusap lalo na sa kaniyang unang wika. Dahil din sa katangian ng wika, nakalilikha ang isang tao ng mga pangungusap na bagong-bago na maaring hindi pa niya nasasabi at nagagamit. 9. Ang wika ay para sa komunikasyon Sa tulong ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin,opinion,palagay at damdamin saiba upang maiugnay niya ang kaniyang sarili sa iba. Ito ay nagbubunga ng pagkakaunawaan,pagkakaisa at kapayapaan. 10. Ang wika ay isang penomenong panlipunan
Ginagamit ang wika upang upang makipag-ugnayan sa kapwa sa lipunang ginagalawan. Paraan din ito upang magkaroon ang tao ng ugnayan sakapaligiran. Kung gayon, masasabing natutuhan ang wika dahil sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at isa itong kasanayang kailangan upang makipamuhay ang isang tao sa lipunan nito. KAHALAGAHAN NG WIKA A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan. B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan. C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973) D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pagimbento ng mga bagong bagay. TUNGKULIN/ GAMIT NG WIKA Ferdinand Sausure-- isang functionalist -- mas kailangan pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan ng wikang ginagamit, subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay nakasalalay sa paraan at anyo ng pagsasalita. -- ang bawat salitang ginagamit ay makabuluhan at magkakaugnay. Emile Durkheim (1985) “ Ama ng Makabagong Sosyolohiya” -- ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kanikaniyang papel na ginagampanan. -- “Ang tao ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya. Ayon kay M.A.K. Halliday (1973) (Aklat na explorations in the functions of language) 1. Pang-instrumental -- tugunan ang pangangailangan 2. Panregulatori -- pagkontrol ng ugali o asal ng tao hal. Pagbibigay ng direksyon 3. Pang-interaksyon -- paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. 4. Pampersonal -- pala-palagay o kuro-kuro; talaarawan at jornal 5. Pang-imahinasyon -- malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat o pasalita. 6. Pang-heuristiko -- pagkuha p paghahanap ng impormasyon hal. Pag-iinterbyu,pakikinig sa radio 7. Pang-impormatibo -- pagbibigay ng impormasyon 7 Tungkulin ng Wika – “Explorations in the functions of Language Ayon kay Jakobson (2003)– may anim na paraan na paggamit ng wika 1. Pagpapahayag ng Damdamin ( Emotive) -- palutangin ang karakter ng nagsasalita. 2. Paghihikayat (conative) -- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) -- panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. 4. Paggamit bilang Sanggunian (referential) -- nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong nagtatrabaho nang sama-sama 5. Pagbibigay ng Kuro-kuro (metalingual) -- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (poetic) -- masining na paraan ng pagpapahayag MGA TEORYA/PANINIWALA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA A. Paniniwalang galling sa Bibliya 1. Lumang Tipan(Tore ng Babel)- Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon(Aramian) kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nagambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang
tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8) 2. Bagong tipan(pentekostes) -Hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo , natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nil nalalaman. -Nilukob sila ng maladilang-apoy na nagpasigla sa kanila hanggang sa sila ay nagsalita ng iba’t ibang wika. B. Paniniwala mula sa mga pilosopo at siyentista Bow-wow Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang? Ding-dong Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagubago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog Pooh-pooh Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak? Yum-yum Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang tata ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika Ta-ta Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. Sing-song Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak. Coo Coo Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagaybagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Babble Lucky Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon. Hocus Pocus Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop. Eureka! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003). La-la Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. Ta-ra-ra-boom-de-ay Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Mama Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother. Rene Descartes Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.
Charles Darwin Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika. Wikang Aramean Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Haring Psammatichos Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.